Share

25

Balikat

Pinagmamasdan ko si Marcus habang mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Si Latrelle ay nakatulog na sa tabi niya dahil sa pagod.

Kanina pa niya binabantayan ang kaibigan niyang wala sa katinuan. Kinumutan ko rin si Latrelle matapos kong ayusing ang sarili niyang kamay na ginawang unan.

Piniga ko ulit ang face towel ni Marcus sa maligamgam na tubig ng maliit na balde bago muling ilagay iyon sa kanyang noo.

Iniwan ko silang dalawa roon upang magpahinga.

Hindi kami nakakain ng ayos kanina kaya bumaba ako ng kusina. Wala akong ganang kumain kaya baked mac, graham saka pizza lang ang kinuha ko.

"Girl, food trip?" Nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko. Sinong hindi magugulat sa kaibigan kong nakaputing pajamas at hindi lang iyon puting-puti ang mukha nito dahil sa cream na nilagay niya.

"Ngayon lang ako magbabawi ng kain" lumabi ako

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status