Share

64

Date

Naalimpungatan ako dahil sa amoy ng masarap na sinangag. Kusang bumangon ang aking katawan kahit ako ay nakapikit pa. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Ngumiti ako ng makita si T.H sa harapan ko. May dalang pagkain at tubig.

"Good morning. Kumain ka na." Matipid nitong bati. Nilapag niya ang pagkain at baso sa harapan ko.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng napagtanto ko kung anong nangyari kagabi at kung nasaan ako. Sinapo ko ang aking sentido.

"T.H, sina Jez at Melissa? Hindi ko ba sila katabi kagabi?"

Umiling siya habang sinusuklay ang kanyang buhok. "Dito ka natulog sa tent ko."

Huminga ako ng malalim at napalunok. Tinitigan ko ang pagkain na binigay niya. Siguradong binili niya ito sa station ng mga pagkain malapit sa may entrance ng ilog. Kumulo ang tiyan ko kaya't pinili ko na lang munang kumain kaysa isipin ang iba pang bagay.

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status