Share

CHAPTER 09

Madaling araw pa lang, mulat na ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang pagbukang liwayway ng kalangitan mula sa balkonahe na kaniyang kinalalagyan. Maganda ang panahon, ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan sa itaas at nagsisimulang mag ingay hudyat na panibagong pakikipagsapalaran na naman ang kailangan lagpasan ngayong araw.

Binaba niya ang tingin mula sa balkonahe kung saan nagsisimula ng magwalis sa harapan at magdilig ng mga halaman ang ilang kasambahay. Dito siya mismo sa pwesto na ito naghintay sa pagdating ni Lucine kahapon at ngayon ay ito pa rin ang pwesto niya subalit wala na siyang hinihintay pa. Kagabi rin mismo matapos malaman na nakalaya na ang dalaga, agad din siyang nag desisyon na tanggalin ito sa trabaho. Hindi niya gustong idamay pa ang ibang tao sa gulo ng pamilyang ito, lalo na't nababatid niyang nagsisimula ng kumilos ang biyenan niya para kalabanin siya.

" Señor, narito na po ang umagahan niyo, " rinig niyang boses ng mayordoma matapos nitong kum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status