Share

Kabanata 0003

Author: Cheng Xiaocheng
Lumingon si Cordy sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang isang batang lalaki na nasa limang taong gulang na nakatayo sa harap ng pinto ng ward niya. May suot ito sa patient’s gown tulad niya, at ang munting mukha nito ay maganda at hindi niya mailayo ang tingin niya sa bata.

Kasabay nito, tumibok ng mabilis ang puso ni Cordy. May nararamdaman siya na hindi niya maipaliwanag.

Lumapit ang bata sa kama niya at sumampa ito ng walang hinto, yumakap ito sa kanya gamit ang maliit at malambot na katawan nito. “Inapi po ba kayo, Mommy?”

Bumitaw ang bata at dahan dahan niyang pinunasan ang mga luha ni Cordy gamit ang maliit na mga kamay niya.

Napagtanto ni Cordy na ang mga luha niya ay tumutulo dahil sa inis, at ang puso niya ay halos matunaw sa pag papatahan sa kanya ng bata.

Gayunpaman, sigurado pa rin siya na hindi niya kilala ang bata.

Ngumiti siya at nilaro niya ang kulot na buhok ng bata, sinabi niya ng maamo. “Nagkakamali ka ng nilapitan, bata.”

“Hindi, kayo po ang mommy ko. Poprotektahan po namin kayo ni Daddy simula ngayon.” Kampante at sabik na nagsalita ang bata. “Mabilis po magalit si Daddy, lagi po siya malungkot, hindi po siya mahilig kumausap, late po siya umuuwi, sumasakit ang tiyan niya dahil hindi siya kumakain sa oras, at nagsisigarilyo siya… pero mayaman at gwapo po siya. Pakiusap, ‘wag niyo na po ulit kaming iwan, Mommy.”

Walang masabi si Cordy at ngumiti siya. “Ang cute mo—pero hindi ako ang mommy mo.”

“Dicky.”

Biglang tumunog ang isang malamig ngunit nakakaakit na boses mula sa pinto.

Nabigla ang bata at lumingon siya sa direksyon na ito, sumunod din ng tingin si Cordy.

May lalaking nakatayo sa tabi ng pinto, ang puting shirt niya ay nakatanggal ang butones sa kwelyo, at may elegante na aura siya.

Ang mukha niya ay parang inukot ng perpekto at ang mukha siyang matalino. Matangkad siya at mukhang marangal siya.

Walang kahit sino sa mga mayaman at importanteng mga lalaki na kilala niya ang may laban sa nakakabighani na itsura ng lalaking ito!

“Daddy!” Mabait na bati ni Dicky.

Kahit na muling lumingon si Cordy kay Dicky, napagtanto niya ang rason kung bakit ang batang ito ay gwapo ang itsura.

Gayunpaman, istriktong sinabi ng lalaki, “Bumalik ka na sa kwarto mo, ngayon na.”

Ngumuso si Dicky, ngunit tumango siya kahit na ayaw niya. Disiplinado siguro siya sa bahay.

Gayunpaman, lumingon si Dicky kay Cordy at sinabi niya, “Dapat na po akong bumalik, Mommy. Pero nasa kabila lang po ako, kaya pwede niyo po akong bisitahin sa susunod.”

Hindi makatanggi si Cordy nang makita niya ang tingin nito na may pag asa, at tumango siya. “Sige.”

Pwede niya rin ipaliwanag sa kanya ng maayos na hindi siya ang mommy ng bata.

“Ah! Ang pangalan ko po ay Richard Levine, pero pwede niyo po akong tawagin na Dicky, Mommy.”

Pagkatapos ipakilala ang kanyang sarili, ang maliit na si RIchard ay lumapit sa lalaki, na siyang madaling makita na six feet ang tangkad dahil sa kanyang matangkad na itsura.

Ang pagkakaiba ng tangkad nila ni Richard ay cute, perpekto ito, habang nakatayo ang bata sa tabi niya.

Habang hinawakan ng lalaki ang maliit na kamay ni Richard, hindi siya tumingin kay Cordy. Gayunpaman, kahit na malamig ang kilos ng lalaki, hindi iniisip ni Cordy na bastos ito… baka ito ang pribilehiyo ng mga gwapong lalaki.

Para naman kay Cordy, hindi siya mahilig sa pagsasalita, at naging komportable siya sa pagiging malamig ng lalaki sa isang estranghero.

Pagkatapos, bumangon na siya ng kama.

Kahit na hindi komportable maglakad dahil may plaster ang kanang paa niya, bumaba siya sa sahig gamit ang saklay niya. Mukhang sanay na siya sa pagiging mag isa—kahit na magkasama na sila ni Kyle ng tatlong taon, hindi siya nagkaroon ng problema o umasa masyado kay Kyle.

Biglang naisip niya na swerte siya at ganito siya, nagsikap siya kahit na kaharap niya ang mga pagsubok niya.

Gayunpaman, pagkatapos mahirapan na lumabas ng banyo, lumabas si Cordy at natuklasan niya na bumalik na ang daddy ni Richard.

Nabigla siya, at ang lalaki ay pinanood siya habang namutla ang mukha niya.

“Mukha ba akong nakakatakot?” Ang malalim at nakakaakit na boses ng lalaki.

“Hindi.” Umiling si Cordy. “Hindi ko lang inaasahan na may ibang tao dito.”

Naisip niya lang na swerte siya at malamig ang lalaki—medyo nainis lang siya sa biglang pagbisita ng lalaki.

Nang makita niya ang pagbabago ng ugali sa mga mata ni Cordy, tinikom ng lalaki ang labi niya. “Ang pangalan ko ay John Levine. Ang venue kung saan naganap ang kasal mo ay sa akin, Ms. Sachs.”

Napagtanto ni Cordy habang diretso sa punto si John—bilang may ari ng venue, responsable si John sa apoy.

“Pasensya na at nadamay ka sa apoy at nasugatan ka sa establishment ko,” Nagpatuloy si John, ang tono niya ay parang pang business dahil seryoso ito. “Nandito ako para mag alok na sagutin ang lahat ng bayarin mo habang nandito ka sa hospital, pati na ang mga bayarin sa treatment, hospitality, rehabilitation, at iba pa. Pwede ka rin makakuha ng pera mula sa labor injury, emotional distress, pati na rin ang pag kansela ng kasal mo.”

“Hindi,” Ang sabi ni Cordy. “Ang pagbayad sa medical fees ko ay sapat na.”

Tumingin ng kakaiba si John, kung saan ang mga paa naman ni Cordy ay namamanhid na dahil sa pagtayo ng matagal.

Gayunpaman, napansin ni John na hirap kumilos si Cordy. Tinanong niya, Kailangan mo ba ng tulong ko?”

“Hindi… Ah!”

Patapos pa lang magsalita si Cordy nang nanginig ang saklay niya.

Gayunpaman, bago pa siya bumagsak, mabilis na lumapit si John at nasalo niya si Cordy sa mga braso niya.

Kahit na nagulat siya, naamoy ni Cordy ang malinis na mint na amoy at tila narinig niya ang pagtibok ng puso ng dibdib ni John, malakas at mabilis ito.

Mabilis niyang sinubukan na lumayo mula kay John dahil hindi siya komportable sa pagiging malapit.

Sa tatlong araw na magkasama sila ni Kyle, nag holding hands lang sila dahil nalaman ni Kyle na hindi mahilig si Cordy sa pagiging malapit sa mga lalaki dahil sa dating trauma.

Inaalagaan at nirerespeto siya dati ni Kyle… ngunit.

Pabago bago talaga ang puso.

Ngunit, habang tumayo si Cordy sa tulong ni John, nasa sahig pa rin ang saklay niya. Habang walang suporta, sinubukan niyang maglakad gamit ang isang paa.

Gayunpaman, hindi ito matatag—nanginig siya dahil wala siyang makapitan.

Nabigla siya at mabilis siyang kumapit sa leeg ni John… ngunit sa oras na ginawa niya ito, napagtanto niya na naging malapit siya at mabilis siyang bumitaw kay John.

Ang pisngi niya, na walang kulay kanina, ay naging pula.

Natural na alam ni John ang ginagawa ni Cordy, ngunit nanatili siyang tahimik dahil nakita niya na matigas ang ulo ni Cordy.

Ayaw siguro ni Cordy ng kahit anong kinalaman sa kanya.

Tutal, ang ward ay hindi gaanong malaki, at ilang hakbang lang ang kailangan ni Cordy para makarating sa kama—kailangan niya lang ito tiisin ng ilang segundo.

Tinikom ni John ang mga labi niya, sa huli ay kumilos siya at kinarga niya si Cordy papunta sa kama.

“Ano ang ginagawa mo?!”

Tumunog ang isang pamilya na boses ng lalaki sa ward, halatang galit ito, bumilis ang tibok ng puso ni Cordy, at kinagat niya ang kanyang labi.

Gayunpaman, hindi apektado si John—hindi niya pinansin ang sigaw ng lalaki.

Tila nakatingin lang siya kay Cordy habang naglakad siya ng matatag at binaba niya si Cordy sa kama.

“Cordy!” Sumigaw si Kyle habang naglakad siya patungo sa kanila. “Hindi ka talaga nagbago?!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0617

    John…Walang tigil ang pagtulo ng luha ni Cordy sa isang tingin na tulala.Gayunpaman, naalala niya sa sumunod na sandali na ang lalaki ay si Lucas at hindi si John.Mula sa likod, kamukha ni Lucas si John, kaya napagkamalan niya na si John ito…Gayunpaman, ang mga luha niya ay tahimik na binasa ang

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0616

    Nabigla talaga si Lucas.Hinalikan talaga siya ni Cordy!Bumilis ang tibok ng puso ni Lucas.Ano ang iniisip ni Lucas?! Hinayaan niya ang isang estranghero na gawin ang kahit ano sa katawan niya!Sumingkit ang mga mata ni Lucas, ang lahat ng sentimyento sa gma mata niya ay naglaho at napuno ng lamig

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0615

    Natural, hindi alam ni Lucas kung sino ang taong yun, ngunit naniniwala siya kay Cordy—na may taong namimiss talaga si Cordy.Maaaring totoo ito, o ang kakayahan ni Cordy na mang akit ay higit pa kaysa sa iba.“Hindi ako magagalit sayo. Bitawan mo ako,” Ang sabi ni Lucas, ang tono niya ay medyo mahi

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0614

    Humiga si Lucas sa gilid niya, nakatalikod siya kay Cordy.Ganito rin ang ginawa ni Cordy; kahit na hindi niya gusto ang ugali ni Lucas, ang mga salita ni Lucas ay nagbigay ng magaan na loob sa kanya.Kapag may nangyari sa pagitan ng isang lalaki at babae sa isang kwarto, ang babae ang may mawawalan

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0613

    Naglakad si Cordy patungo sa mesa at kinuha niya ang bowl ng chicken soup, at mainit pa ito.Nagkataon lang na gusto niya ng mainit na pagkain an ganito, ngunit nagtira siya ng kalahati.Hindi siya sigurado kung kumain na si Lucas, ngunit siguradong hindi siya kakain ng isang malaking bowl ng mag is

  • A Life Debt Repaid   Kabanata 0612

    Nagsimulang mag ring ang phone ni Lucas, at sinagot niya ito.Pagkatapos mag usap, tumayo siya at dumiretso siya palabas ng ward.Tumingin si Cordy kay Lucas, itatanong niya na sana kung aalis na ito—imposible na magiging mabait si Lucas at manatili kasama ni Cordy sa ward ng buong gabi.Gayunpaman,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status