A Life Debt Repaid

A Life Debt Repaid

Oleh:  Cheng XiaochengTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel4goodnovel
8.8
13 Peringkat. 13 Ulasan-ulasan
617Bab
82.5KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

”Kinuha mo ang lahat ng minahal ko simula pa noong bata tayo! Congratulations, ginawa mo na naman ito!” Si Cordy Sachs ay sumuko na sa minamahal niya ng tatlong taon, nagdesisyon siya na magdiwang at hindi na ulit magmahal… ngunit may dumating na isang anim na taong gulang na bata na dumating sa buhay niya, malambing siyang kinumbinsi na ‘umuwi’ kasama nito. Habang kaharap ang mayaman, gwapo pero malupit na CEO ‘husband’, siya ay naging tapat. “Nasaktan na ako ng mga lalaki dati. Hindi ako nagtitiwala.” Tumaas ang kilay ni Mr. Levine. “‘Wag mo akong ikumpara sa ibang lalaki!” Kahit na sabihin ng lahat na malamig siya at hindi siya maabot ng mga tao, si Cordy lang ang may alam kung gaano kasama ang lalaking ito sa loob!

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Ang dating top heiress ng North City ay magpapakasal na, kahit na ang reputasyon niya ay nasira pagkatapos ng mga balita ng kahalayan niya.

Natural na nagkagulo ang high society nang lumabas ang balita.

Si Cordy Sachs, na siyang nakasuot ng Franconia designer wedding dress, ay nakatingin siya maganda at nakakabighani na mukha niya sa salamin.

Pagkatapos maging kasintahan si Kyle Jessop ng tatlong taon, magpapakasal na sila—mahal pa rin siya ni Kyle kahit na ang lahat ay pinapabagsak siya.

Ngumiti siya at napuno ng luha ang mga mata niya, yumuko siya habang tniaas niya ang palda niya at naglakad siya patungo sa pinto… ngunit may usok na lumabas mula sa pinto, pumasok ito sa banyo na para bang naghahanap ito ng pupuntahan.

Isang sunog?!

Dumilim ang ekspresyon ni Cordy. Pinisil niya ang ilong niya habang lumabas siya, natuklasan niya na ang banquet hall na masigla kanina ay wala nang laman.

Meron na lang na makapal na usok at apoy na nilalamon ang lahat ng nasa paligid.

Hindi siya nagdalawang isip at dumiretso siya sa lokasyon ng exit, ngunit nagsisinungaling siya kung sinabi niya na hindi siya natatakot sa mga usok at sa nakakasilaw na apoy.

Ito ang oras kung saan biglang may lalaking sumugod sa hall.

Ito ay ang fiance ni Cordy, si Kyle Jessop.

Humingi ng tulong si Cordy habang umuubo siya, “Kyle, nandito ako…”

Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Kyle habang tumitingin ito ng balisa sa paligid.

Pagkatapos ng ilang sandali na para bang natagpuan na ni Kyle ang hinahanap niya, hindi siya nagdalawang isip na tumakbo sa kabilang direksyon mula kay Cordy, nagmamadali pa siya.

Habang nakatingin si Cordy, kinarga pa ni Kyle ang isang babae na naiwan sa hall tulad ni Cody at mabilis siyang lumabas.

“Tama ako na babalikan mo ako, Kyle…” Narinig ni Cordy ang mahinang boses ng babae, malambing at natatakot. “Natakot ako ng sobra…”

Naramdaman ni Cordy na para bang sinampal siya, nawala ang paningin niya habang kumirot ang kanyang dibdib,.

Ang boses ay mula sa stepsister niya, si Noel Sachs.

At nilagay ni Kyle ang sarili niya sa panganib para iligtas si Noel, ngunit hindi si Cordy!

Napunit ang puso ni Cordy na para bang hiniwa ito ng kutsilyo, at para bang mas nakakasakal ito kaysa sa usok sa paligid niya!

Habang natulala siya, ang glass chandelier sa itaas ay biglang bumagsak sa sahig!

Clang!

Bumagsak ito sa harap ni Cordy, naharangan ang exit niya habang bumagsak siya sa sahig, ang kaluluwa niya ay tila nawala.

Tumalikod si Kyle sa sandaling ito at nakita niya ang bumagsak na katawan ni Cordy sa likod niya—ngunit hindi siya tumigil.

Nang lumingon ulit si Cordy, lumabas na si Kyle sa hall habang karga ang ibang babae sa kanyang mga kamay.

Halos mamamatay na siya, ngunit narinig niya pa rin na malambing na sinabi ni Kyle kay Noel, “Ayos na ang lahat. Nandito na ako.”

‘Nandito na ako…’

Kumurap si Cordy habang napalibutan siya ng bayolenteng init, ngunit malamig ang pakiramdam niya sa loob.

Pinanood niya lang habang ang pamilyar na lalaki ay mabagal na naglaho sa paningin niya.

Nakaligtas si Cordy—sa gitna ng kalungkutan niya, dumating ang mga bumbero at siya ay naligtas.

Gayunpaman, marami na siyang nalanghap na usok at nasaktan din ang kanang binti niya—wala na siyang malay nang lumabas sila, at dinala nila si Cordy sa hospital pagkatapos nito.

Gumising lang siya pagsapit ng umaga.

May mahina na ihip ng hangin—ito ay isang magandang araw sa North City at suminag ang araw sa maputlang pisngi at mahabang pilikmata niya.

Nakatingin siya sa asul na kalangitan at sa mga ulap sa itaas. Ang mahinahon na itsura niya ay hindi nagpakita ng emosyon, at hindi siya kumikibo na para bang wala pa rin siyang malay.

Hindi niya napansin na may nagbukas bigla ng pinto sa ward niya, at lumingon siya para makita na ang tatay niya, stepmother niya, at si Noel ay nasa kwarto na.

“Ayos ka lang ba, Cordy?” Ang luhaan na tanong ni Noel.

Ang tanging nasa isip ni Cordy ay ang oras na niligtas ni Kyle si Noel. Nilayo niya ang tingin niya sa kanila.

“Laging wala kang respeto! Hindi mo ba nakikita na mahalaga ka sa kapatid mo?” Ang tatay niya, si Simon Sachs, ay nagalit.
Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Loreta Alegre Ongay
may English to eh,,di pa Yan tapos doon sa English completed na
2025-03-31 23:05:49
0
user avatar
Nery B. Ramos
nasaan n kaya ung author nito, nakalimutan na!ito
2024-08-27 19:30:17
0
user avatar
Alice Estrada
amazing authror
2024-04-09 11:52:14
0
user avatar
Rose Grullo
Gandang storya, pa update author
2024-03-27 22:29:03
1
user avatar
Adlawan Yan-yan
I want to read more chapters
2024-02-29 00:17:01
0
user avatar
Adlawan Yan-yan
i want chapter 0615 and above
2024-02-25 06:47:37
0
user avatar
Carmelita San Juan
npakaganda sna mgkatuluyan cla
2024-01-08 15:35:24
0
default avatar
here4PHvolley
The english version is way better, I hope this would have a better ending though
2024-01-05 03:04:56
0
user avatar
Jamie Eve Bitong
chapter 31 po please...
2023-09-25 20:43:32
0
user avatar
Genie Dimanarig
where is chapter 31 please.........
2023-09-22 21:05:00
0
user avatar
Ronnie Penullar
chapter 31 pls
2023-09-22 11:26:22
1
user avatar
Sacel Tampos David
akala ko po kasi updated sya sayang kasi ang ganda pa naman ng story nya pero hindi upadated hanggang chapter 30 lang sya
2023-10-05 10:36:53
0
user avatar
Rawiyah Macadato Macadato
maganda sana kaya lang parang kasiguraduhan ang ending niya,,...
2024-03-10 23:53:06
0
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status