MARA
Isang linggo na rin ang nakalipas nang sumailalim ako sa first chemotherapy. Sa lahat ng therapy na binanggit ni Doktora Rainee, chemo pa lang ang nararanasan ko. Iisipin ko pa lang na sasailalim nanaman ako sa chemo ay kinakabahan na ako.
Malalim na pagbuntong-hininga ang nagawa ko nang mapadapo ang tingin sa salamin. Kitang-kita rito kung paano unti-unting naglalagasan ang mga buhok ko. Marami na ang nabawas pero hindi naman ako masyadong napanot dahil may kakapalan ang buhok ko. Napag-usapan na rin naman namin nila Doktora na ipapaputol na lang ang buhok ko gayong mauubos din naman ito.
Sobrang putla ko na rin. Dry na ang balat ko dahil sa sakit ko. No'ng sinukat nila ang timbang ko doon lang nakumpirma na malaki ang nabawas sa dito. Ang daming nawala sa akin dahil sa sakit na natamo ko. Nakakapanghinayang at nakakawalang-gana.
Sina Hezu, Kal, Callip, at Yoshi naman daw ang
MARA"Iha, maayos na ang lahat. Pagkatapos ng therapy na ito, pupunta na kayo ng Spain," halos pabulong na sabi ni Mrs. Salvacheera. Hininaan niya lang ang boses niya dahil nandito si Saint."Kailangan po ba na sa Spain ako magpagamot? Sorry po kung demanding pakinggan, pero kasi si Saint e..." Hinaplos niya ang ilan pang natitirang hibla ng buhok ko at hinawakan ang kamay ko habang nakangiti. Siya nga pala, pinakalbo na ang buhok ko. Noong una nag-aalangan ako kasi nasasayangan ako sa mga buhok ko. Pero napagpasiyahan ko sa huli na pumayag na lang na ipakalbo."Are you afraid that my son will replace you?" Nag-aalangan akong tumango. "Don't worry. Hindi ganiyan ang ugali ni Saint. Trust me, okay?" "Salamat po sa lahat, Mrs. Salvacheera. Kapag po nakaluwag ako, babawi po ako sa inyo," walang pag-aal
HYACINTH"Hanggang kailan ka pa magmumukmok diyan, Hyaz? Ano? Ganiyan ka na lang araw-araw, 'te? Happy birthday pero naiinis pa rin ako sa'yo. Bumangon ka na riyan!" Tumagilid ako at tumalikod sa kaniya. Hanggang kailan din naman kaya siya titigil sa kakasermon sa akin? Tinalo niya pa sina Mama. Tsk!"Bes Hyaz, maawa ka sa sarili mo. Ang laki ng pinagbago mo, jusko! Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Para ka ng ina na nag-aruga ng isang dosenang bata!" dugtong na sermon niya. Araw-araw siyang ganiyan. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, malamang matagal ko na 'tong pinalayas sa apartment ko."I'm tired. Leave me alone and ignore my existence for a while," malamig na wika ko. Ilang taon na rin ang nakalipas simala nang naghiwalay kami ni Saint. Ilang taon na rin no'ng huli naming pag-uusap. Paniguradong masaya na sila ngayon. Wala na rin naman akong b
MARA"Cómos estás, Margarette?" Ibinaba ko ang cellphone na hawak at hinarap ang taong nasa harapan ko. As usual, she's wearing a thick make-up. Isama mo pa ang lipstick na sobrang kapal, tinalo pa ang color ng floorwax."Estoy bien, Hermana. Why are you here? Do you need something to say?" May inilabas siyang brown na envelope sa harap ko kaya agad ko itong kinuha para tignan kung ano ang nasa loob niyon. Halos mapanganga ako nang makita kung ano ang laman nito.It was the model ranking and I'm second to the highest! God, thanks! It's been a years when I entered modeling industry."Woah! Thank you for informing
WARNING! MAY MGA EKSENANG HINDI ANGKOP SA MGA BATA. READ AT YOUR OWN RISK! SAINTFLASHBACK"Don't you dare hurt her again, Hyacinth! I won't hesitate to hurt you," I threatened her. I found out what she did to Mara before she was rushed to the hospital."Bakit, Saint? Dahil gusto mo na siya, huh? Kaya mas makakayanan mo na saktan ako para sa kaniya? Gano'n ba?" I closed my eyes tightly and clenched my fist. Earlier I insisted to not lay my hands on her."None of your business.""Hindi ako tanga, Saint. Oo, noong una pinili ko na huwag na lang pansinin ku
MARA"Hey, baby! I made a chocolate cake for you!" Bitbit ang chocolate cake na gawa ko, lumapit ako sa kaniya. Walang bakas na tuwa sa mukha niya kaya kumunot ang noo ko."Saint? Is there something wrong?" He’s just staring at me while crying? What’s wrong with him? Hindi siya sumasagot kahit anong gawin ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya agad ito."What’s wrong? Are you mad at me? Nagalit ka ba dahil sa sinabi ko kagabi? Hey! That was just a joke!" Tumawa ako na animo’y may nakakatawa sa sinabi ko pero wala pa rin siyang sagot. Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil lumalayo siya sa tuwing lalapit ako."Saint, ano ba! Magsalita ka nga!" Inilapag ko muna ang cake na hawak at taas-kilay na hinarap siya."Hindi ka ba talaga magsasalita? Ano bang problema mo?" Pinilit ko
This story is a work of complete fiction. Names, characters, places, and incidents are either products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, facts, locales, or persons, living or dead, is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from exploit the contents of this story in anyway; please obtain permission. _________________________________________Maingay.Siksikan.Samot-saring amoy ang malalanghap sa bawat sulok.Mga taong prenteng naglalampungan sa tabi-tabi.Mga kababaihan at kalalakihang halos maghubad na sa gitna ng dance floor.Samantalang ang ila'y patumba-tumba na ang paglalakad buhat ng labis na kalasingan; isa na ro'n ang babaeng pagewang-gewang na naglalakad habang hawak ang kula
HEZU"Dad, kailan kaya siya magigising? Magigising pa kaya siya, Dad?" Ibinaling ko ang aking tingin sa anak ko na nakatitig din sa babaeng halos dalawang buwan nang walang malay. Halata ang pananabik ni Hezian na magkaroon ng nanay kaya gano'n na lamang siya kung mag-alaga at magbantay kay Mara. Ang babaeng unang pumukaw ng atensyon ko."I don't know, Anak. But don't worry, she's going to be fine." Hinalikan ko siya sa noo pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga papeles na nakabalandra sa'king malapad na lamesa."Paano kung hindi na siya magising? Gaya ng nangyari kay Abuela," malungkot niyang sabi. Yes, my mother died five years ago after being four months comatosed. But nah, we're okay now. Kinaya namin kalabanin ang lungkot.Kinuha ko muna ang tali sa buhok na nakapatong sa lamesa ko saka iyon itinali sa kaniyang buhok bago ko siya sa
MARA"What's your address, Miss?" Hindi ko na alam kung sino ang haharapin ko sa kanilang lima. Idagdag mo pa ang batang babaeng kanina pa nakatingin sa akin. Ba't pa kasi kung kailan gusto ko magsaya, saka naman aandar ang sakit ko. Hindi 'to sakit, sumpa 'to."Hindi nga ako taga-rito sa Manila, dinala lang ako ng pinsan kong babae do'n sa bar kasi sabi niya may opening daw ng trabaho do'n." Sabay silang apat na napatampal ng noo dahil sa sinabi ko. Maliban sa isang lalaki na halos lamunin na ako ng buhay. Ganiyan ba 'ko kasarap, Attorney?Yes, naalala ko pa ang nangyari no'ng araw na 'yon bago ako tuluyang nawalan ng malay. Naalala ko pa ang katarantaduhang sinabi ko—bagay na siyang ikinahihiya ko."Okay, Miss Mara, bakit ka napadpad dito sa siyudad?" Biglang sumagi sa isipan ko ang mga dahilan kung bakit ako nandito sa Manila. Hal