Share

CHAPTER FOUR

Isang gabi na hindi nakauwi si Luna dahil sa walang tigil na pag-ulan. Hindi rin sila nakalabas ng bahay. Nagising ang dalawa dahil sa tunog ng telepono na agad namang kinapa ng babae sa bandang gilid niya ngunit wala itong nahawakan o nakapa man lang kaya idinilat na lang niya ang mga mata at laking gulat n'to nang nasa sahig na siya. At ang mas nakakagulat pa ay magkatabi sila ng binata na ngayon ay tulalang nakatitig sa kanya.

“ Bakit ka nandito? ” Gulat na tanong ng babae.

“ Ako nga dapat na mag tanong niyan e, ” anito at umupo sabay hawak sa kanyang batok na

parang nahihiya.

Patuloy pa rin ang pag tunog ng kanyang telepono kaya dali-dali nitong hinanap kung nasaan na ito.

“ Can you help me find my phone? ” ani Luna na parang nag papanic na.

“ Kalma, okay? Ako na maghahanap. ” Agad naman hinahanap ni Kyro ang kanyang cellphone at natabunan lang pala ito ng kumot.

“ Ito. ” Agad na binigay ni Kyro ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.

“ Mom? ” Kinakabahan nitong sagot.

Lumabas ng kwarto ang binata at agad na naghanda ng agahan.

“ Where are you? Buong araw ka na namin hindi ma contact, ” galit na may halong pag-aalala sa boses ng Ina.

“ Sorry mom, di agad ako nakapag-paalam sa inyo noong isang gabi at kahapon dahil po sa malakas na ulan, nawalan din kas ngi baterya ang phone ko, ” wika niya. Kinakabahan man ay kailangan niya ng panindigan ito kaysa malaman ng mommy niya na natutulog siya bahay ng isang lalaki.

“ Nasaan ka ba ngayon? Susunduin kita, ” saad ni Lorna, ang mommy ni Luna.

“ No. It's okay, mom. I can manage po, okay naman po ang daan eh. At okay na din po ang panahon,” aniya.

“ Are you sure? ” Panigurado ng kanyang Ina.

“ Yes mommy, ” sagot niya rito. “ Oh my God. ” gulat na sambit niya, mabuti na lang at mahina niyang sinasabi ito. Bigla kasing pumasok si Kyro sa kwarto habang kausap pa ang Ina.

Naka topless lang ito at bungad na bungad ang maskuladong katawan nito.

“ B-bakit ka pumasok na ganyan? ” Bulong ni Luna habang tinatakpan ang speaker ng phone.

“ Kailangan ko na kasing umalis, ” sagot ni Kyro na pabulong.

“ Luna? Are you still there, are you sure iha, okay ka lang? ” Nasa kabilang linya pa din ang Ina nito na labis na nag aalala.

“ Yes mom, I am on my way na din po. See you at home, ” Aniya at agad na pinatay ang tawag at namumulang lumabas ng kwarto.

Napasandal ito dahil sa lakas ng kabog sa kanyang dibdib. For the first time, she saw a naked guy in front of her. She's too innocent but she isn't ignorant. Nakasama niya man sa kama ang binata ay hindi niya naman nakita ang buo nitong katawan noong araw na may nangyari sa kanila. Dahil naka kumot noon si Kyro, at siya naman ay dali daling umalis. Ngunit nakilala niya ang binata kaya noon nalaman niya na buntis siya ay kinonpronta niya agad ito.

“ Luna, pwede ka na kumain may inihanda ako sa mesa,” tawag ni Kyro mula sa kwarto.

Hindi na sumagot si Luna at patakbo ng lumabas ng bahay na hindi na nagpapaalam sa binata.

Pag labas ni Kyro mula sa kwarto ay biglang nag iba ang ihip ng hangin, biglang naging malungkot ang kanyang paligid at pakiramdam niya ay inabandona na naman siya..

“ She left without saying a word, ” saad nito sa sarili.

Habang nasa kotse ay kumakain ang babae ng fried egg with ketchup, at may kasama pa itong tuyo at kanin.

“ Masarap pala to? ” Namanghang tiningnan ni Luna ang mga pagkain na nasa plato.

Huminto ito sa gilid ng kalsada at pinag patuloy ang pag kain. Dinala kasi nito ang mga pagkain na nakahain sa mesa, unang beses niya rin makatikim ng tuyo at nasasarapan ito.

“ Sinangag na kanin na may bawang at onion pa, fried egg with tuyo. Perfect combination naman to. Ang sarap. ” Parang patay gutom nitong kinain ang isang plato na pagkain.

Matapos kumain ay agad na rin itong umuwi.

Napangisi ang binata ng maalala na nawala ang isang plato ng sinangag na kanin, tuyo at fried egg with ketchup na hinanda niya sa dalaga. Napatango ito at hindi mapigilan na ma-tawa sa naalala.

“ Silly girl, ” anito na tama lang na siya ang makarinig.

“ What's with the atmosphere, huh? Parang ang ganda ng ihip ng hangin Captain K, ” Jasper playfully said, habang nag aakting na palakad lakad sa kanyang harapan.

Jasper is one of his teammates, katulad ni Mark.

“ Masama bang ngumiti? ” saad nito at seryosong tinignan ang kasama.

“ Hmm.. nakakapanibago lang, Cap. ” Makulit na saad nito.

“ Jasper, manahimik kana diyan at mag push up kana. ” Pagbabara ng isa na naman nilang kasamahan.

“ Cap. kakatapos ko lang mag jogging eh.. Ilang lap yung tinakbo ko kanina eh,” wika nito.

“ Wag kana mag reklamo diyan. Yan napapala pag palaging late, ” ani Mark na kakarating lang.

“ Para ka namang di late ng 30 minutes. ” Agad na salita ni Jasper, and rolled his eyes. Natawa naman silang lahat.

May training kasi sila ngayon, malapit na laban nila sa abroad for national game. Sila kasi ang representante ng pilipinas kaya mainit din sila sa mata ng media. Kyro as the Team Captain takes all the responsibility of his team. He is a good and responsible Captain, a persistent and determined person who wants to get the Gold Medal.

They won multiple games, he is the Ace of the team and so he also wants his team to be everyone's inspiration and motivation. Gusto niya na lahat sila ay pantay pantay lang kaya mahal na mahal ito ng mga kasamahan at nirerespeto siya ng buong team.

“ Oy.. Para sayo? ” May binigay si Mark sa kaibigan, taka naman na tinanggap ni Kyro ang isang paper bag na may laman na pagkain.

“ Saan galing ? ” Taka at gulat na tanong ni Kyro.

“ Hmm.. Kay Miss Megan daw eh, ” ani Mark na parang hindi siguro kung kanino talaga galing.

“ Hindi ka sigurado? ” Taas kilay na tanong ni Kyro dah pakiramdam niya ay hindi ito galing kay Megan.

Tumango naman si Mark, simbolo na hindi niya alam kung kanino talaga ito galing.

“ Sino ba nag-bigay sayo? ” May halong inis na boses na tanong ni Kyro.

“ Si Miss Luna, sabi niya ibigay sayo galing daw kay Megan l, pinsan niya. Yung cheerleader ba? ” Bulong ni Mark.

Biglang na mula ang mukha nito, “ Seryoso ka? Galing talaga kay Luna? ” Salita nito na para bang close na close sila ni Luna.

Hindi naman kasi alam ni Mark na may nangyari sa kanila sa party sa bahay ni Megs nung nakaraan. At hindi pa sinabi ni Kyro kay Mark ang totoo.

“ Bakit ang saya mo ata? Hmm.. di kaya, di kaya crush mo si Luna?? ” Agad na nahampas ni Kyro ang balikat nito dahil sa lakas ng boses.

“ Aray naman Cap. ” Reklamo nito habang hinahaplos ang balikat na hinampas ni Kyro.

“ Ikaw kasi eh, ” ani Kyro na parang kinakabahan.

“ Namumula ka nga eh, ” pangungulit nito.

“ Namumula ka diyan, ” anito, at bumalik na sa court upang mag training.

“ EVERYBODY INSIDE THE COURT IN 1 MINUTE, ” sigaw nito. Agad naman na nag silipatan ang kanyang buong Team.

Sa kabilang banda naman ay nag pa practice ng cheerdance ang cheerdance squad na pinamumunuan ni Megan, ang pinsan ni Luna. Panay tingin ang mga dalaga sa nag-kukumpalan sa court na mga binata. Megs obviously has a crush on someone, sa loob ng volleyball court,and everyone knows who she was hitting into.

Ngunit di mapalad ang dalaga dahil sa bawat na may gagawin siyang move ay hindi ito nag tagumpay.

“ Baka matunaw yan girl, kanina kapa nakatitig diyan oh. In love na inlove? ” Mapag-laro na salita ng kasamahan nito na si Anika, and her besties.

“ Hmm.. I have never been this crazy over a guy, that I can do illegal things for him, ” aniya sa mga kaibigan at nasa lalaki pa rin ang tingin. “ I will go crazy when someone steals him away from me. Ako lang dapat ang mag mamay-ari sa nag iisang Kyro Tuazon. ” She confidently say.

Everyone giggled and supported her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status