Share

CHAPTER THREE

Mas lalong lumakas ang ulan at kulog dahilan upang magising sa masarap niyang tulog si Luna. Bumangon siya dahil wala si Kyro sa tabi niya. Wala ring bakas na pumasok ito sa kwarto dahil hindi naman nagalaw ang ibang mga gamit. Wala ring nakalapag sa sahig.

" Bakit ko ba naisip na rito matulog? Pwede naman akong umuwi, dahil may sasakyan naman ako,” aniya sa sarili. “ Pero bakit hindi pa siya natutulog? ” dagdag pa nito.

Tumayo ito at tinungo ang sala dahil nauuhaw siya. Bukas pa ang ilaw kaya nasa isip niyang gising pa ang kasama. Agad niyang sinilip nang dahan dahan ang sala at nakita niya si Kyro na nakasubsob ang mukha sa mesa at mahimbing na natutulog. Nakabukas din ang isang makapal na libro, nagkalat na mga papel at nakabukas na laptop.

" He's studying? " aniya.

" Kyro? H-ey, Kyro wake up, " gising niya rito at tinapik tapik pa ang balikat, pero ‘di ito nagising.

" Kyro, " tawag niya ulit. Natigilan ito nang napatingin siya sa lalaking naka salamin at himbing na himbing ang tulog.

" Bakit ang gwapo mo, Kyro? ” tanong ng dalaga. “ Hindi naman siguro masama kung magkagusto ako sayo, diba? " wala sa sariling wika niya. Napahinto siya nang mapagtanto kung ano ang kanyang sinabi.

Agad siyang umiwas ng tingin sa binata, at naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Kumikiliti rin ang kanyang tiyan at naninikip ang dibdib.

" What did I just say? " kinakabahan na bulong nito sa sarili, " I must be out of my mind, " she added.

Huminga ito nang malalim at tinungo ang refrigerator sa kanyang gilid at binuksan ito upang kumuha ng malamig na tubig.

" Di ka dapat uminom ng malamig, buntis ka tas gabi na malamig na tubig pa iniinom mo. May gatas naman diyan, " biglang salita ni Kyro.

Muntik nang maluwa ni Luna ang tubig na ininom niya dahil sa narinig niya. Nagising niya ata ang binata, mapungay-pungay pa ang mga mata nito. Nag-unat-unat ito bago binuksan ang refrigerator at kinuha ang gatas at pinagtimpla siya. Hindi naman nakagalaw si Luna dahil ang hilig manggulat ng binata. Nakatulala pa rin si Luna at hindi makapag salita.

" Oh. Iyan ang inumin mo next time ha, " ani Kyro at binigay ang gatas na mainit pa .

Pabalik balik ang tingin ng dalaga sa binata at sa mainit na gatas. Dumadagundong na naman ang kanyang puso, at napaka-swabe ang dating ng binata sa kanyang paningin. Yung suot niyang t-shirt at pajama bagay na bagay sa kanya. Ang mahabang bias nito, at maskuladong mga bisig. Ang sexy ng dating.

Tumikhim ito at lumabas na ng kusina. Nakita niya si Kyro na nakatutok sa laptop nito at seryoso ito. Dahan dahan siyang lumapit at nilagay ang gatas sa mini table kung saan nakalagay ang laptop ng binata.

" Inumin mo. Okay lang ako, Kyro. At saka madaling araw na, di ka pa ba matutulog? Dapat magpahinga kana," Malumanay nitong salita at tumayo ng maayos.

" Sige, p-pasok na ako ah. Kung giniginaw ka diyan pwede ka naman sa kwarto matulog," ani Luna. Huminto naman si Kyro sa ginagawa nito at tumingin sa kanyang mga ng dalaga.

Naka pasok na si Luna sa kwarto, at tulala parin si Kyro at lakas lang ng kabog ng kanyang dibdib ang maririnig, kahit malakas pa ang buhos ng ulan.

“ Bakit na naman ako nakaramdam ng ganito, at ang lakas pa ng kabog sa aking dibdib. Dahil ba to sa sinabi niya? Pwede kaming mag tabi matulog? ” Naguguluhan niyang salita. “ Pero wala naman siya sinabi na magkatabi kami, ” dagdag pa nito.

Dilat na dilat pa ang mata ni Luna ng mag bukas ang pinto, mabilis niyang tinakpan ng kumot ang sarili.

“ I said na pwede siya dito matulog, di ko naman yun iniisip pero yun ang lumabas sa aking bibig,” bulong ni Luna sa sarili. Parang gusto niyang mag dabog dahil sa sinabi niya. Hindi siya makapaniwala na sinabi niya talaga 'yon sa binata.

“ This is my first time sleeping in anyone's home. Hindi pa nakatulog sa bahay ng ibang tao, kahit si Meg na pinsan ko never pa akong natulog sa kanila. What have I done? ” nanggigil pa rin na wika nito.

Akala niya ay sa tatabi ang binata sa kanya ng ramdam niya ang pag lapag nito sa sahig kaya agad nitong inalis ang kumot, at tiningnan ang binata na malapit na matapos sa paglapag sa sahig.

" Is it really okay with you? Baka kasi mailang ka eh, " ani Kyro. Mahina ngunit tama lang na marinig iyun ni Luna.

Hindi rin kasi 'to sanay sa may ibang tao sa boarding house n'ya kaya naman cautious siya sa mga galaw n'ya, lalo pa't babae ang kasama.

" Okay lang Kyro, wala ka naman gagawin d'ba? " Matapang na tanong ni Luna.

“ Hindi naman ako ganun klaseng tao eh. Sa katunayan nga ikaw palang ang kauna-unahang babae na n*******n ko, at dinala dito sa boarding house ko, ” nahihiyang wika ng binata.

Hindi alam ni Luna kung ano ang saktong reaction sa narinig n'ya. Tulala ito at hindi makapaniwala sa narinig. Ang famous volleyball captain,at tinaguriang heartthrob sa unibersidad ay siya palang ang n*******n, at nakapasok sa tinitirhan nito.

“ His first time was me? And he is also my first time.” Sa isip ng dalaga.

Napatakip ito ng bibig at gulat na gulat sa mga narinig. May saya itong nadarama sa kanyang puso at hindi pa rin makapaniwala. Parang may ngiti sa kanyang labi bago ito pumikit. Sino ba mag aakala na ang sikat na binata ay single pa, at birhen na birhen pa. At ganun din naman si Luna, they were each other's first.

Sa kabilang banda naman ay nag-aalala ang mag-asawang Natividad dahil hindi ma contact ang anak na si Luna. Dahil alas-otso pa itong umalis hanggang ngayon ay wala pa rin.

" What if something happened to her while she was outside? " Natataranta na tanong ni Mrs. Natividad.

" Calm down honey, nothing is gonna happen to our daughter. Okay. She's fine. And she won't let something that'll harm her, trust your daughter. Kilala mo siya. " Pag-papakalma ni Marcos sa asawa, ang daddy ni Luna.

" I hope so, honey. She's our only child. So I can't stop thinking about her, and her safety. The rain is still so heavy that it makes me worry like this, " ani ni Mrs. Natividad.

" She's fine, Honey. She's fine," tugon naman ni Marcos.

Kinabukasan ay nagising ang babae dahil sa amoy ng sinangag na bawang, tumayo ito at pakusot-kusot pa sa mga mata at walang pakialam. Nakapikit pa ang mga mata, at hinayaan na lang kung saan siya ihahatid ng kanyang mga paa na nakasanayan na niya sa tuwing gigising siya sa umaga.

" Manang Fe, " sambit n'to at biglang niyakap ang kung sino mang Manang Fe ang kanyang tinatawag. " Ang sarap ng amoy, Manang, " wika niya na nakapikit pa rin.

" Manang , bakit ang laki mo? Di ka naman mala---- ay kabaw. " Gulat na sigaw n'to at muntik ng mawala sa balanse, buti at nasalo agad ni Kyro.

" Please, be cautious, " anito na seryosong nakatitig sa mata ng dalaga.

" S-sorry," sambit nito. Nahihiya ito at agad din mlnamang binitawan ng binata at bumalik na sa pagluluto.

" Umupo kana at tayo ay kakain na. " Pag-utos nito na kanya naman agad na sinunod.

" Anong oras pasok mo? " Tanong niya dito habang inaayos ang mesa.

" 9am-6pm, may training pa ako niyan. Tas 7pm work time ko na hanggang 3am. Kagabi lang ako maaga na uwi dahil may alis si boss, " Mahabang salita nito.

Napatango naman ito at kinuha ang kutsara ng walang pag-aalinlangan at kumuha ng kanin at pritong itlog na palaging almusal ng binata. Napa singhot pa ito dahil sa amoy ng bawang na gustong gusto ng babae.

" Is bawang in your liking? Or dahil sa pagbubuntis mo? " Nabilaukan ito kaya agad agad na kumuha ng tubig si Kyro.

" I am sorry, I shouldn't have asked, " Kyro said.

" O-okay lang, b-baka nga din. " Nahihirapan nitong salita dahil sa nabilaukan ito.

" uhm.. A-ano ang plano mo? " Biglang tanong ng binata, at kinakabahan ito na pag-usapan ang tungkol sa bata.

Biglang nag-bago ang ekspresyon ng babae at naalala na naman kung ano ang dapat nilang gawin sa bata.

" Hindi ko pa alam, nag iipon pa ako ng lakas ng loob para sabihin kila mom and dad. I know that they'll be dissapointed but I have to, " aniya. Mahinahon ngunit halata naman ang tensyon ng dalawa.

" What if pananagutan ko yan, tapos huminto na lang a---- "

" No! You can't, di pwede. " She furiously said. Seryoso ito. Ayaw niyang mag stop si Kyro.

" Ako na bahala. Aakuin ko ito. I won't mention your name to my parents. I will give birth to this child, this is my child. "

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status