Share

KABANATA 4

"P-pasensya na ho, Doc." Tanging nasabi ko habang nahikbi.

"Take this as a warning, woman. Get out!" Halatang nagpipigil na sigaw niya.

Nang makarating ako sa maid's quarter ay agad akong dinaluhan nina Cherry at Ate Belen. Agad nilang pinagaan ang aking loob at binahagian ako ng kanilang kaalaman tungkol sa ugali ng pamilyang King.

Si Doc Sixto ay ayaw sa mga taong kumokontra sa kaniya dahil para sa kaniya ay lagi siyang tama. Hindi naman daw siya ganito noon, nagbago lang nang iwan sila ng kaniyang ex-partner. Bilang kasambahay niya, dapat ay sumusunod lang kami sa mga gusto niya at ginagawa dapat lamang namin ang trabaho na nakaatang sa amin. In short, gawin lang namin ang trabaho at walang kaming magiging bulilyaso.

Si Ma'am Alexandria ay isang happy-go-lucky na dalaga. Madalas ay binabayaran niya ang iba sa mga kasambahay para pagtakpan ang kaniyang kasalanan. Gaya ng pagtakas kahit grounded siya at pag-inom ng alak nang hindi nagpapaalam. Sabi rin nina Ate Belen ay marami nang natanggal na kasambahay dahil sa paulit ulit na pakikipag-kuntsaba ni Ma'am Alexandria sa mga kasambahay noon.

Samantala, si baby Alexander naman ay isang tipikal na bata. Makulit, kulang sa atensyon, pasaway, at lahat ng ugali ng isang bata ay nasa kaniya na. Magmula nang iwan sila ng kanilang Mommy ay wala na siyang ibang kasama kun'di ay ang kanyang kapatid.

Kung pag-aaralan ko ang ugali ni baby Alexander ay kulang siya sa alalay at pagmamahal ng isang Ina. Bagay kaya lumambot ang puso ko magmula nang malaman ko ang nangyari sa kaniyang nakaraan. Pakiramdam ko ay mabait naman si baby Alexander. Kailangan lang talaga siyang intindihin at pakisamaham dahil matagal na rin magmula nang matutukan siya ng nakatatanda sa kaniya.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Cherry pagkatapos nila akong bigyan ng tubig ni Ate Belen.

Pilit akong ngumiti sa kanila at tumango ng tatlong beses. "Hindi ko masisisi kung naging ganyan katigas ang mga puso nila dahil sa nakaraan. Pero hindi ba mas maganda kung kahit kaunti ay palambutin natin ang mga puso nila kahit papaano? Masyado silang na-trauma sa nakaraan nila at ang kailangn nila ay pagmamahal, pag-aaruga, at pag-iintindi." Turan ko.

Tinignan ko sina Cherry at Ate Belen pero bakas sa kanilang mukha ang pag-tanggi. "Malabong mangyari 'yan, Aianna. Mas malabo pa sa tinta ng pusit." Ani Ate Belen dahilan para magtawanan silang dalawa ni Cherry.

Kung sa tingin nila ay malabo, gagawa ako ng paraan para palinawin. Lahat naman ng tao ay may soft side at naniniwala akong mabait ang pamilyang King.

Pinapangako ko na hangga't may natitirang tiwala sa puso ko ay hindi ako susuko na maibalik ang dating saya ng mansyon na ito bilang isang kasambahay slash ate ng mga anak ni Doc Sixto.

Lumipas ang linggo at medyo gamay ko na ang aking trabaho bilang yaya nina Ma'am Alexandria at baby Alexander. Hindi ako masyadong nahihirapan dahil si baby Alexander lang naman ang kailangan talagang tutukan.

Kasalukuyan akong narito sa aking kwarto upang magbihis. Maaga pa at may kaunti pa akong oras para makapag-prepara ng aking mga gamit. Akmang tatayo na sana ako subalit biglang nag-ring ang aking cellphone dahilan para sagutin ko 'yon.

"Hello, Tay?!" Excited na turan ko pagkasagot ko sa cellphone ko.

Agad na nagsilabahan ang mga luha sa aking mga mata pagkasabi ko ng mga salitang 'yon. Nami-miss ko na sila. Ang Nanay, Tatay, at mga kapatid ko.

"Akina nga 'yan, Nestor! Hello, anak?" Sabi ni Nanay pagka-agaw ng cellphone kay Tatay.

Pinunasan ko ang aking mga luha at humugot ng isang malalim na hininga pagkatapos ay nagsalita, "Nay! Kumusta ho kayo r'yan?" Nakangiting wika ko habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Ayos lang kami rito, anak! Nami-miss ka na naming lahat, Aianna. Kapag nahihirapan ka ay umuwi ka agad dito ha?" Ani Nanay.

Pagkasabi na pagkasabi ni Nanay no'n ay muling tumulo ang aking mga luha. Aaminin ko, nahihirapan na ako. Subalit kailangan ko ng pera para makapag-ipon ng pera sa kursong gusto ko. Maliban do'n ay gusto ko rin na tulungan ang aking pamilya. Gusto kong gumaan kahit papaano ang buhay namin.

"Opo, Nay. Si Ara at Alliya po, kumusta?" Tanong ko patungkol sa aking mga kapatid.

"Okay lang kami, ate!! Ate 'wag mong kalimutan ang sapatos ko ha?" Ani Alliya dahilan para marinig ko ang boses ni Nanay na pinapagalitan siya.

"Ikaw naman! Hindi mo manlang ba kakamustahin ang ate mo at talagang pasalubong agad ang bungad mo?!" Si Nanay.

Hindi ko napigilan ang pag-ngiti nang marinig ko ang saway ni Nanay sa kaniya. Nakaka-miss ang pamilya ko. Kahit naman ganito ang sitwasyon namin sa buhay ay hindi nagkulang ang aking mga magulang sa pangangaral sa amin.

Tumango tango ako na animo'y kaharap ko sila at nagsalita, "Opo, Tay! Mag-iingat kayo. Bye!" Saad ko at agad na tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama pagkatapos patayin ang linya.

Kinondisyon ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim pagkatapos ay lumabas na sa maid's quarter. Agad naman akong umakyat sa palapag kung nasaan ang kwarto ni baby Alexander.

"Baby Alex." Wika ko sa kaniyang pinto habang kinakatok.

"What?!" Sigaw niya.

"Handa ka na ba sa pagpasok? Halika na para makakain ka." Saad ko, ang aking isang tainga ay nakadikit sa pinto upang marinig ko siya.

"I'm coming! Just give me a minute." Aniya, halatang may ginagawa base sa boses niya.

"Sige, antayin kita sa baba." Sagot ko pagkatapos ay nagdesisyong bumaba na sa dining area.

Pagkababa ko ay naroon na sina Ma'am Alexandria at Doc Sixto. Marahil ay inaantay si baby Alexander. Akmang lalapit na sana ako sa kanila subalit nang makita ko ang inip na inip na mukha ni Doc Sixto, agad akong kumaripas ng takbo sa itaas upang tawagin si baby Alexander.

"Baby Alex, inaantay ka na nina Daddy mo." Hinihingal na sabi ko habang nakatok sa kaniyang pintuan.

Buong akala ko ay muli siyng hihingi ng sapat na oras upang tapusin ang kaniyang ginagawa. Ngunit, segundo ang lumipas ay agad niyang binuksan ang pinto.

"Gosh! You're so annoying!" Inis na sabi niya.

Nang makababa kami ay agad na bumungad sa amin ang iritadong mukha ni Doc Sixto dahilan para bahagyang matigil sa paglalakad si baby Alexander; maging ako rin.

"Pinag-antay mo ang pagkain ng ilang minuto, Jose Alexander. Ganyan ba kita pinalaki?" Ani Doc Sixto, mahihimigan ang iritasyon sa tono ng kaniyang pananalita.

Prente siyang nakaupo habang si Ma'am Alexandria ay natigil sa pagkain, kita ang takot at pangamba sa mga mata.

"Hindi mo naman ako pinalaki." Bulong ni baby Alexander dahilan para bahagya akong matigil maging si Doc Sixto!

"What did you just say?!" Ani Doc Sixto pagkatapos ay mabilis na tumayo mula sa pagkaka-upo.

Bahagya kong hinawakan si baby Alexander sa kaniyang magkabilaang balikat, pinipigilan sa muling pagsasalita. Subalit kahit anong pigil ang gawin ko ay pilit niyang inaalis ang aking mga kamay.

"Totoo naman po, Daddy, 'diba?" Ani baby Alexander at tumawa ng mapakla.

"Baby," bulong ko sa kaniya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay muli niya akong tinaboy sa kaniyang tabi.

"Bastos ka!!" Sigaw ni Doc Sixto pagkatapos ay lumapit sa kaniyang anak.

Akmang sasampalin niya na sana ito subalit pumagitna ako dahilan para sa balikat ko tumama ang kaniyang kamay. Halos lahat ay nagulat, maging si Doc Sixto at si Ma'am Alexandria. Akmang magsasalita sana ang Daddy nina baby Alexander subalit biglang tumakbo si baby Alex at lumabas ng mansyon.

Dali dali akong nagpaalam kay Doc Sixto at walang reklamong hinabol siya. Hinihingal man ay mas pinabilis ko ang pagtakbo ko hanggang sa maabutan ko siya sa park. Umiiyak siyang umupo sa damuhan at walang takot na sinira ang mga damo dahil sa galit.

"B-baby," umiiyak din na tawag ko sa kaniya subalit hindi siya nagsalita at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Mia Barua
tagal nang karugtong
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status