Share

KABANATA 3

"Nainip ka?" Bungad ni Cherry sa 'kin pagkapasok ko sa maid's quarter.

Agad akong umiling at inayos ang aking mga gamit bago nagsalita, "May mga nakausap naman akong mga kasambahay na katulad ko roon." Nakangiting wika ko.

"Ah gano'n ba? Eh bakit parang may malalim kang iniisip?" Usisa niyang muli.

Totoo naman na may iniisip akong malalim. Tungkol lang naman 'yon sa Mommy ng magkapatid. Hindi ko lubos akalain na may magulang na kayang iwan ang kanilang mga sa murang gulang.

"A-ah, wala. I-iniisip ko lang ng mga magulang at kapatid ko sa probinsya." Pagsisinungaling ko.

Ayaw kong malaman ni Cherry na may nalalaman ako sa nakaraan ng pamilyang King dahil paniguradong huhusgahan niya ako. Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero paraan ko lang naman 'to para mas makilala ang mga bata.

"Gano'n ba? Masasanay ka rin. Ganyan talaga sa umpisa, Aianna." Aniya at nagpaalam na magsisinula na siyang gawin ang mga dapat niyang gawin.

Ako naman ay tinapos ang pag-aayos ng aking mga gamit bago chineck si Alexander kung tapos na ba siya sa pagbibihis ng pambahay na damit. Muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago naglakas loob na kumatok sa kaniyang pintuan.

"Come in!" Dinig kong sigaw ni Alexander.

Unti-unti kong binuksan ang pintuan at agad na bumungad sa akin ang kalat kalat na damit ni Alexander sa sahig.

"I don't like the alignment of my clothes. Fix them." Aniya habang kumakain ng moniegold.

Akala siguro niya ay susukuan ko siya sa ginagawa niyang pagpapahirap sa akin. Imbis na mainis ay hindi ko mapigilang palihim na ngumiti dahil sa ginawa niya.

"What's so funny?" Seryoso at masungit na tanong niya.

Narinig niya siguro ang bahagya kong pag-ngiti. Kagat labi akong nagligpit ng kaniyang mga damit at inayos ang mga 'yon. Pinagsama ko ang mga puti, light colors, dark colors, at itim. Nang matapos ako ay agad niyang tinignan ang pagkakaayos ng mga damit at umaktong nag-iisip.

"I changed my mind. Bring back the old alignment of my clothes," turan niya pagkatapos ay akmang lalabas na sana ng kaniyang kwarto subalit nagsalita ako. "Masusunod, baby Alex." Turan ko.

"Whatever!" Aniya at tuluyan nang lumabas.

Natatawa akong nag-ayos ng kaniyang damit. Nang matapos ako ay agad ko siyang hinanap upang sabihin sana na tapos na ako sa pag-aayos ng kaniyang gamit subalit hindi ko siya makita.

"Madam Mayett, nakita mo ho ba si baby Alex?" Kunot-noong tanong ko.

"Ay si Alexander ba? Naroon sa office ng kanyang Daddy. Siguro pinapagalitan na naman." Halos pabulong na wika niya.

Biglang may umusbong na takot sa aking dibdib nang sabihin ni Madam Mayett na maaring pinapagalitan si baby Alex ng kanyang Daddy. Dali dali naman akong pumunta sa nasabing office ng kanyang Ama at naglakas loob na pakinggan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Bakit ganito kababa ang grade mo sa Science?" Seryosong tanong ng kanyang Daddy.

Seryoso pero mahihimigan ang pagbabanta sa tono ng kanyng pananalita. Hindi agad nakasagot si baby Alex dahian para padabog na hinampas ni Doc Sixto ang kanyang mesa.

"Do I need to repeat my question again, Alexander?!" Sigaw ni Doc Sixto.

"D-dad, I'm sorry." Lumuluhang ani Alexander dahilan para manlambot ang aking puso.

Punong puno nang takot ang puso ng bata. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang takutin at pagalitan ang bata dahil lang sa grado niya sa eskwelahan. Hindi ba sapat ang pagpasok niya sa eskwela?

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang bigla kong masagi ang pintuan dahilan para sa akin bumaling ang atensyon ng mag-ama.

Agad akong napapikit sa inis at kahihiyan. Maaaring matanggal ako sa ginagawa ko. Kagat-labi akong napapikit dahil sa kaba. Dali dali kong hinanda ang aking sarili nang biglng magsalita si Doc Sixto.

"Sino 'yan?" Seryosong aniya.

Mahihimigan sa tono nang pananalita ang galit dahil naputol ang usapan nilang mag-ama.

"Sorry po, Sir Doc." Nakayukong maluha-luhang wika ko habang dahan-dahang sumilip sa pinto.

"Why the hell are you here?!" Galit na galit na sigaw ni Doc Sixto.

"P-pasensya na ho. H-hinahanap ko po kasi si baby Alexander kaya h-hindi ko po sinasadyang mapagawi rito." Utal na turan ko, handa sa kung ano man ang sasabihin at magiging desisyon ni Doc Sixto.

Ang kaninang umiiyak na si baby Alexander ay tila napalitan ng emosyon na galit. Galit sa hindi ko mawari kung saan nanggaling.

"Go back to your work and stop roaming around. Now!!" Sigaw niya dahilan para mapa-igtad ako at dire-diretsong naglakad paalis sa office ni Doc Sixto.

Nang makababa ako sa kitchen ay grabeng pawis ang tumagaktak sa aking mukha dahilan para mapansin ako ng aking mga kasamahan.

"Oh, anong nangyari sa 'yo? Pinahirapan ka na naman ba ng alaga mo?" Natatawang tanong ni Cherry.

Gusto kong magsumbong sa kanila subalit pakiramdam ko ay hindi tama na malaman nila ang nangyari kanina. Maaaring mag-iba ang tingin nila sa akin dahil sa pakikinig ko sa usapan ng mag-ama kahit hindi ko naman sinasadya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at pinunasan ang pawis ko bago nagsalita, "K-kanina ko pa kasi hinahanap si baby Alexander. O-oo, h-hinahanap ko siya kaya pawisan ako. Hehe." Kamot ulong pagsisinungaling ko.

Oras ang lumipas bago ako nagdesisyong silipin ang bunsong anak ni Doc Sixto na si Alexander. Paniguradong nagugutom na iyon. Moniegold lang kasi ang kinain niya kanina pag-uwi. Akmang kakatok n sana ako subalit biglang nagsalita sa aking gilid si Ma'am Alexandria dahilan para sa kaniya bumaling ang aking paningin.

"Don't disturb him after being scolded. Just give him space, please." Ani Ma'am Alexandria at dumiretso na sa kaniyang kwarto upang pumasok.

Nagdesisyon akong antayin na lang muna si baby Alexander na lumabas sa kaniyang kwarto. Umupo ako sa gilid ng kaniyang pinto at doon siya inantay. Subalit alas diyes na ay hindi pa rin siya lumalabas. Kung ako nga ay nagugutom na paano pa kaya siya?

Nagda-dalawang isip man ay agad akong kumatok sa kaniyang pintuan. Subalit nakakailang katok na ako ay hindi pa rin siya nasagot at maski buksan man ang pinto ay wala rin. Dali dali akong tumakbo pababa kay Madam Mayett upang sabihin na siyang naging dahilan din ng pag-alerto niya.

Agad niyang kinuha ang kopya ng susi ng kwarto ni baby Alexander at walang ano-ano'y binuksan ito. Halos nagkagulo na ang lahat dahil sa hindi pagsagot ni baby Alexander. Pagkatapos mabuksan ang pinto ay gano'n na lang ang pag-init ng aking mukha nang makita namin na natutulog si baby Alexander suot suot ang kaniyang headphones.

"You're wasted, Aianna." Ani Ma'am Alexandria pagkatapos ay bumalik na sa kaniyang kwarto.

Kita ko ang inis sa mukha ng mga kasamahan ko maging ang galit sa mukha ng Daddy ni baby Alexander na si Doc Sixto.

"Come to my office, woman." Halatang nagtitimping ani Doc Sixto.

"Sorry," pabulong na saad ko sa aking mga kasamahan at agad na sumunod may Doc Sixto.

"And where the hell did you get the idea that my son prolly took away his life?!" Sigaw sa akin ni Doc Sixto nang makapasok kami sa kaniyang opisina.

Napa-igtad ako sa gulat at umiiyak na humingi ng paumanhin. Hindi ko naman talaga ginustong magkagulo ang buong tao rito sa mansyon. Sadyang natakot lang talaga ako sa posibleng gawin ni baby Alexander dahil sa pressure na nararamdaman niya.

Marami akong gustong ibulalas kay Doc Sixto subalit pinipigilan ko lang sa kadahilanang hindi naman ako ang magulang nina Ma'am Alexandria at baby Alexander. Isa lamang naman akong kasambahay nila at wala ako s posisyon para kwestyunin ang pagpapalaki at pagdidisiplina ni Doc Sixto sa kaniyang mga anak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status