Share

KABANATA 2

"Sinaktan mo ba sila?" Agad na tanong ni Ate Belen dahilan para agad akong umiling.

Rinig ko ang pag-hugot ni Ate Belen ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "Maski ako ay hindi alam kung bakit pero base sa aking obserbasyon ay kailangan lang siguro talaga nila ng atensyon." Saad ni Ate Belen habang kinukutkot ang bagong kulay niyang mga kuko.

"Eh 'yong Daddy po nila?" Tanong ko. Hinihiling na sasagutin niya subalit nagsibagsakan ang aking magkabilaang balikat nang humiga si Ate Belen mula sa pagkaka-upo pagkatapos ay nagsalita. "Gabi na, maaga pa tayo bukas." Aniya at agad naman din akong humiga pagkatapos ay natulog.

Kinaumagahan ay nagising ako sa pagtunog ng aking dipindot na cellphone. Agad kong in-off ang alarm pagkatapos ay nag-unat at nag-ayos ng aking sarili. Nang matapos akong makapag-bihis at magsipilyo ay agad akong lumabas sa aming quarter pagkatapos ay nagprepara na ng pagkain ng mga bata.

Kung tutuusin ay hindi ko na trabaho ang pagluluto ng pagkain nila subalit naisipan ko lang na paglutuan sila upang matikman nila ang pinagmamalaki ng pamilya namin na adobong manok.

"What's that smell?" Natigil ako sa pagluluto nang bigla kong marinig si Alexandria na nagsalita mula sa aking likuran.

"Ma'am! Adobong manok po, pagkain niyo ni Alexander." Nakangiting wika ko.

Kita ko ang pagpalit ng ekspresyon ng mukha ni Ma'am Alexandria mula sa kuryosidad papuntang disgusto. Tila sumikip ang aking dibdib at agad na nagsibagsakan ang aking magkabilaang balikat nang bigla siyang magsalita."I don't want that. I want my usual breakfast, cereal." Aniya.

Nanghihinayang man subalit pinalobo ko na lang ang aking bibig at inilipat ang niluto kong adobong manok sa isang mangkok. Ito na lang siguro ang uulamin namin nina Madam Mayett mamaya.

Nagsimula na akong magprepara ng pagkain nina Ma'am Alexandria at Alexander. Si Ma'am Alexandria ay cereal habang si Alexander naman ay bacon at egg ang ulam. Nagtimpla na rin ako ng gatas ni Alexander sa baso habang coffee naman kay Ma'am Alexandria.

Pagkatapos ko magprepara ng kanilang pagkain ay agad akong lumapit sa intercom at nagsalita ro'n upang tawagin sila. Minuto ang lumipas ay sabay silang bumaba habang nag-uusap. Makikita sa kanilang mga mukha ang pangungulila at inis sa hindi ko alam na dahilan.

"Enjoy your food," nakangiting wika ko sa kanila nang maka-upo na sila sa kanilang silya.

Kita ko ang pagkadisgusto sa kanilang mga mukha dahilan para agad akong umalis sa kanilang harap. Kahit ganito ang trato nila sa akin ay desidido na akong alagaan sila hanggang kaya ko. Gusto kong mahalin sila at alagaan sa abot ng aking kakayanan at sa paraang alam ko. Alam ko naman na may dahilan kaya sila nagkakaganito bagay na gusto kong malaman para mapunan lahat ng bagay na 'yon hindi lang bilang yaya, kun'di bilang nakatatanda na nilang kapatid.

Nang matapos silang kumain ay niligpit na ni Cherry-isa sa mga kasambahay ang pinagkainan ng dalawang bata. May pasok sa eskwelahan si Alexandria at Alexander. Ako at si Leo ang maghahatid kay Alexander sa school habang si Alexandria naman ay ihahatid ng kaniyang driver.

Hindi naman na alagain si Alexander bagay na ikinakatuwa ko dahil hindi na gano'n kabigat ang aking naging trabaho. Habang nasa sasakyan ay nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming tatlo nina Leo at Alexander. Ramdam ang ilang sa pagitan namin ni Leo pero kay Alexander ay halatang normal lang.

Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa daan at hinayaang mamangha ang aking mga mata sa mga bahay at daan na nadadaanan namin.

Nang tuluyan na kaming makarating sa eskwelahan ay gano'n na lang ang pagkamangha ko sa laki ng kanilang paaralan. Kung tutuusin ay maaari akong maligaw sa laki. Narito kami sa gusali ng elementarya habang si Ma'am Alexandria ay nasa kabilang gusali ng high school. Agad kong binigay ang bag ni Alexander at akmang aayusin ang collar ng kaniyang uniform subalit agad niyang tinapik ang aking kamay at umalis.

"Mag-iingat ka, Alex! Study well!" Nakangiting sigaw ko at kumaway sa kaniya.

Hindi naman na nag-abalang lumingon si Alex at dire-diretsong tinahak ang daan papunta sa kaniyang building. Room 1A ang kaniyang classroom. Grade one si Alexander habang si Ma'am Alexandria ay grade eight.

Nag-antay na ako sa waiting area ng mga maids dito sa school nila Alex at itinuon ang aking pansin sa mg estudyanteng naglalakad papasok sa kanilang paaralan. Ilang minuto ang tahimik at napalingon sa aking kaliwa nnag bigla akong kausapin ng isa sa mga nanny ng estudyante rito sa school.

"Artistahin ang mukha mo. Sinong alaga mo?" Usyoso ng isa.

Agad naman ding lumapit ang isang katulong sa akin at prenteng inantay ang aking sasabihin. "N-naku, salamat! Si Jose Alexander King ang alaga ko." Nakangiting wika ko.

Pagkasabing-pagkasabi ko ng pangalan ni Alexander ay gano'n na lang ang naging tinginan ng dalawang magkaibigan na kasambahay sa isa't isa.

"N-naku! Kaya mo pa ba? Napakasutil at kulit ng batang 'yan. Mabuti at kinakaya mo! Ilang araw ka na ba sa kanila?" Sunod sunod na tanong nu'ng mahaba ang buhok.

"Dalawang araw pa lang. Kinakaya ko naman po. Aalagaan ko sila hangga't kaya ko." Turan ko.

"Naakabait mo naman. Siguro mas lalo kang makukunsimi kapag nakasama mo na ang Daddy ng mga 'yan! Naku! Good luck talaga," ani maikli ang buhok na babae.

Kunot noo ko silang tinignan at punong puno ng kuryosidad na nagtanong sa kanila. "Masungit ba si Doc Sixto?" Tanong ko.

"Kaya kung ako sa 'yo, ihanda mo na ang sarili mo!" Kwento ni Maria, 'yong babaeng mahaba ang buhok.

Kanina pa kami nagkukwentuhang tatlo nina Maria at Janet tungkol sa mag-ama. Alam ko na kakaunti pa lang ang nalaman kong impormasyon tungkol sa kanila subalit para sa akin ay napakarami na no'n, sapat na upang makilala ko sila kahit papaano.

"Pasensya lang talaga at pag-aalaga ang mga kailangan ko. Alam kong hindi naging madali sa kanila ang mga pangyayari sa kanilang mga nakaraan pero susubukan kong intindihin sila hangga't kaya ko." Wika ko.

Saktong pagkatapos naming mag-usap tatlo ay uwian na ng aming mga alaga. Agad na hinanap ng aking mga mata si Alexander. Nang makita ko siya ay agad akong kumaway sa kaniya subalit inirapan niya lang ako at naunang naglakad papasok sa sasakyan.

Humugot ako nang isang malalim na hininga at ngumiti ulit nang malawak bago ako sumakay sa sasakyan. Sa muling pagkakataon, katahimikan ang namutawi sa pagitan naming tatlo.

"Kumusta sa eskwela?" Biglang tanong ko kay Alexander.

Kita ko ang pagtingin ni Leo sa 'kin sa rearview mirror. Bahagya akong tumango kay Leo at muling itinuon ang aking pansin kay Alexander na ngayo'y masama na ang tingin sa akin.

"Stop acting like we're close. Epal." Masungit na aniya.

Huminga ako nang nalalim at tumango tango pagkatapos ay tinuon na lang muli ang aking pansin sa daan. May mga pagkakataon na gusto ko nang sumuko subalit pagkatapos kong malaman ang kanilang nakaraan ay naintindihan ko kung bakit ganito ang kanilang mga ugali.

Lahat naman ng tao ay nagbabago matapos masaktan at maabuso. Hindi ko ma'n alam ang dahilan ng Mommy nina Alexander at Ma'am Alexandria kung bakit niya nakayanang iwan ang kaniyang pamilya, hindi pa rin sapat na dahilan 'yon. Kahit anong dahilan pa ang mayroon siya ay hindi tama na iwan niya ang kaniyang mga anak sa ganitong edad at hindi na kailanman muling nagpakita.

Nang makarating kami sa mansyon ng pamilyang King ay agad na bumaba si Alexander bitbit ang kaniyang gamit. Hindi niya na inantay pa na pagbuksan siya ng pintuan ng kotse ni Leo. Nagkatinginan na lang kami ni Leo na animo'y naiintindihan ang nasa isip ng isa't isa at agad ding bumaba sa sasakyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status