مشاركة

Chapter 26

مؤلف: J_Anne
last update تاريخ النشر: 2026-05-14 06:25:01

Tahimik ang buong floor ng opisina matapos ang nangyari sa storage room.

Parang kahit ang hangin, mabigat.

Nasa swivel chair si Rafael, bahagyang nakasandal habang nakatingin kay Luna na tahimik na inaayos ang gusot ng blouse niya sa harap ng maliit na salamin malapit sa bookshelf. Hindi siya umiimik. Hindi rin lumilingon.

At mas lalo iyong nagpapabigat sa dibdib ni Rafael.

“Luna…” mababa niyang tawag.

Hindi agad sumagot ang babae. Sandali muna itong napapikit bago dahan-dahang humarap sa kanya
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 28

    Nang matapos ang tawanan at pabulong na pang-iinsulto ni Roset, biglang umalingawngaw ang boses mula sa speaker ng buong floor dahilan para pansamantalang matahimik ang opisina. “Attention everyone. Mr. Victor Silviador will arrive in one hour. Please prepare all necessary documents and maintain professionalism at all times.” Agad nagkagulo ang ilang empleyado. May nag-ayos ng desk, may nag-retouch ng makeup, at may nagmadaling kumuha ng mga files na kakailanganin sa meeting. Si Luna naman ay tahimik lang na nakaupo sa desk niya. Hindi siya sumali sa excitement ng iba. Nakayuko lang siya habang tinatapos ang encoding sa computer niya, pilit inuubos ang iniisip. “Hayaan mo na…” bulong niya sa sarili habang tuloy-tuloy sa pagta-type. “Hindi ka naman kailangan sa mga ganyang bagay.” Naalala niya ulit ang sinabi ni Roset kanina. “Pang-katawan lang ang ambag.” Napahigpit ang hawak niya sa mouse pero agad din siyang huminga nang malalim para kumalma. Hindi niya gustong masira ang ar

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 27

    Tahimik ang gabi sa maliit na apartment ni Luna matapos niyang bumisita sa ospital kung saan naka-confine ang mama niya. Pagod ang buong katawan niya nang makauwi siya, pero mas pagod ang isip niya. Pagkapasok pa lang sa kwarto, agad niyang ibinagsak ang bag sa gilid ng kama bago humiga nang diretso, nakatitig sa kisame habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari sa opisina.“Haynako…” mahina niyang bulong sa sarili habang tinatakpan ng unan ang mukha. “Ano ba kasing ginagawa mo, Luna…”Napapikit siya nang maalala ang paraan ng pagtitig ni Rafael sa kanya kanina. Iyong tingin na parang ayaw siyang pakawalan. Iyong boses nitong mababa at mabigat kapag sinasabi ang mga salitang hindi niya dapat ikinakakilig.Agad siyang napailing at bumangon para iwasan ang sarili niyang iniisip. Dinampot niya ang cellphone at nag-scroll sa Instagram para kahit papaano ay ma-distract. Kung anu-anong posts lang ang dinaanan niya—mga pagkain, travel photos, fashion reels—hanggang sa bigl

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 26

    Tahimik ang buong floor ng opisina matapos ang nangyari sa storage room.Parang kahit ang hangin, mabigat.Nasa swivel chair si Rafael, bahagyang nakasandal habang nakatingin kay Luna na tahimik na inaayos ang gusot ng blouse niya sa harap ng maliit na salamin malapit sa bookshelf. Hindi siya umiimik. Hindi rin lumilingon.At mas lalo iyong nagpapabigat sa dibdib ni Rafael.“Luna…” mababa niyang tawag.Hindi agad sumagot ang babae. Sandali muna itong napapikit bago dahan-dahang humarap sa kanya.“Ano po?” malamig ngunit mahina ang boses.Napasinghap nang mahina si Rafael at pinasadahan ng tingin ang mukha nito. Namumula pa ang labi ni Luna, magulo nang bahagya ang buhok, at halatang pilit nitong binabalik ang propesyonal na anyo kahit nanginginig pa ang mga daliri.“You’re avoiding me again,” diretsong sabi niya.Bahagyang kumunot ang noo ni Luna. “Hindi naman po.”“Don’t lie to me.” Tumayo si Rafael mula sa upuan at mabagal na lumapit. “I know when you’re pulling away.”Napaatras nan

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 25 (18++)

    Tahimik ang loob ng opisina ni Rafael habang nakasandal si Luna sa sofa, hawak ang maliit na tinidor na halos isang subo pa lang ang nababawas sa pagkain niya. Sa kabilang banda ng mesa, seryosong kumakain si Rafael ngunit paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit parang mas gumagaan ang pakiramdam niya kapag nasa loob lang ng opisina si Luna—kahit tahimik lang ito, kahit walang ginagawa.“Hindi ka talaga gutom?” tanong ni Rafael habang hinihiwa ang steak.Napatingin si Luna at bahagyang ngumiti. “Kumain na po kasi ako kanina. Sumubo lang po ako para hindi sayang.”“Hmm.” Tumango si Rafael ngunit hindi inalis ang tingin sa kanya. “At least hindi mo ako tinanggihang sabayan.”Napailing si Luna sa sinabi nito. “Arte niyo naman po.”Bahagyang ngumisi si Rafael. “I can buy this whole building, Luna. Hayaan mo na ’kong maging maarte.”Napatawa nang mahina si Luna, dahilan para mapatitig si Rafael nang ilang segundo. Gusto niya ’yong tunog ng tawa nito—sobrang gaa

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 24

    Mabigat ang bawat hakbang ni Roset habang papalayo siya sa gitna ng opisina. Ramdam niya pa rin ang init ng mga titig na nakasunod sa kanya—mga matang puno ng usisa, bulong, at paghuhusga. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya, halos manginig ang mga daliri sa pinipigilang galit.“Okay ka lang ba, teh?” habol ng isa niyang alipores, bahagyang hinihingal habang sumasabay sa lakad niya.“Grabe ’yun ah… ang lakas ng loob nung Luna na ’yon,” dagdag pa ng isa, pabulong pero halatang gigil. “Sumbungera talaga.”Huminto si Roset.Dahan-dahan siyang lumingon.At sa isang iglap, tinarayan niya ang dalawa—mata pa lang, sapat na para patahimikin sila.“Talaga?” malamig niyang sabi, bahagyang tinaas ang kilay. “Ako pa ngayon ang mali?”Natahimik ang dalawa.Nagkatinginan.“Hindi naman po sa ganon—” pagtatangkang bumawi ng isa.“Shut up,” putol ni Roset, sabay irap. “Kung sa loob ng company may kakampi siya…”Bahagyang ngumisi siya—isang ngising puno ng plano.“…tignan natin kung hanggang saan siy

  • A Night Owned by the CEO   chapter 23

    Nagpapatuloy ang bigat ng tensyon sa buong floor habang nakatayo si Rafael sa gitna, matalim ang tingin sa bawat empleyadong halos hindi na makatingin sa kanya. Ramdam ang galit sa bawat galaw niya—mula sa pagkuyom ng kamao hanggang sa marahas na paghinga niya na pilit niyang kinokontrol.“Uulitin ko,” mababa ngunit matigas niyang sabi, dahan-dahang iniikot ang tingin sa paligid. “Sino ang nagpagawa nito kay Luna!?”Walang sumagot.May ilan na napayuko. May ilan na nagkunwaring may inaayos. Ang iba, halos hindi humihinga.Sa gilid ng eksena—Tahimik na nakatayo si Roset.At sa kabila ng tensyon, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.Isang ngisi.Parang may alam.Parang may kinagagalak.Unti-unti siyang umatras, tila walang pakialam, at nagsimulang tumalikod—parang aalis na, parang hindi siya kasama sa lahat ng nangyayari.Doon napunta ang tingin ni Rafael.At doon siya tuluyang napuno.“You!!!”Sumigaw siya, malakas at bigla.Napalingon ang lahat.Mabilis ang hakbang niya papunta

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 16

    Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Thirteen

    Maaga pa lang, ramdam na agad ni Luna ang bigat ng paligid.Pagpasok niya sa opisina, parang may mga matang agad na sumunod sa kanya. Hindi lantaran—pero sapat para maramdaman niya.“Yan na siya…”“Ang aga naman ngayon…”“Baka may schedule kay boss…”Mahinang bulungan. Pero malinaw.Humigpit ang ha

  • A Night Owned by the CEO   Chapter eleven

    Umaga pa lang, gising na si Luna.Tahimik ang buong bahay. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang nakatitig sa blangkong screen.Hindi siya makatulog nang maayos kagabi.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong.“Tama pa ba ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Napahawak siya s

  • A Night Owned by the CEO   Chapter ten

    Tahimik ang executive office. Tanging mahihinang ilaw mula sa city skyline ang sumasalamin sa malaking salamin sa likod ni Rafael.Nakatayo siya roon, isang kamay ang nakasuksok sa bulsa ng slacks niya habang ang isa ay hawak ang cellphone. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa hulin

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status