Hindi ko alam kung anong oras na. Nagising na lang ako dahil sa araw na tumatama sa aking mukha, pupungas-pungas akong umupo sa kama at sumandal sa headboard.
"Isinuko ko ba ang sarili ko?" bulong ko sa sarili at silip ang katawan na natatakpan ng kumot.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang sakit sa aking hita. Ramdam ko rin ang lamig. Tumingin ako sa left side ko at nakita ko doon ang lalaki na pinaglabasan ko ng sama ng loob kagabi. Nakadapa siya at yakap-yakap ang unan na nasa ulo.
Napalunok ako at sinapo ang aking kaliwang dibdib kung nasaan ang puso ko, malakas ang tibok nito. Bakit? Bakit ko nararamdaman ito?
Weird. Na-love at first sight ba ako?
Umupo ako at sumandig sa headboard ng kama at pinagmasdan ang lalaking katabi ko. It's really feels weird, why I can't feel a regret sa lahat ng nangyari?
Tumitig ako sa ceiling at inalala ang nangyari kagabi. Kung paano ko nahuli si JM at ang babae niya na may ginagawang kalokohan sa condo niya . It's weird, hindi na ako nasasaktan. Minahal ko ba talaga si JM? O sadya talagang curious lang ako kung anong pakiramdam ng may boyfriend?
First boyfriend ko si JM. Halos tatlong buwan din niya ako niligawan, bago siya sinagot. He makes me feel special at hindi naman ako magtatagal sa kanya kung hindi ko naramdaman na nag-effort siya sa relasyon namin.
Nabalik ako sa reyalidad nang gumalaw ang nasa tabi ko at niyapos ang aking bewang.
Mahimbing parin ang tulog ng lalaki sa tabi ko, bahagya pang naka-awang ang kaniyang labi. Napangiti ako at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang aking daliri.
How I wish we can stay like this...
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ng lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan, sa aking bewang at pinulot ang mga damit kong nag-kalat sa sahig. My face turned red when I saw my panty. Wasak iyon! Goodness!
Ano na ang susuotin kong panty ngayon pauwi? Nakakahiya naman kung lumabas ako na walang panty. Hindi komportable!
Bumuntonghininga ako. Kinuha ko na lang ang boxer na nanduon at t-shirt na kulay gray saka sinuot. Kinuha ko din ang wallet ko. May nahulog pa pero hindi na ako nag-abala pang pulutin 'yon.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan muli ang lalaki. He looks like a God, he has this perfect jaw, how I love to see that clenching. Ang ilong niya na akala mo nililok dahil sa sobrang tangos, 'yung kilay niyang sobrang kapal, his red lips.
And a body to die for...
"Thank you for making me happy," nakangiti kong sabi. "I won't forget the night we shared together."
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa labi, bago sa pisngi. I don't regret giving my self to a stranger like him... and I don't know why.
Tumayo na ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking daliri. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng kwarto, nasa penthouse ata kami? Malawak ang lugar at halatang mamahalin ang mga gamit.
Pero hindi na ako pwede nagtagal pa rito. Ayaw ko na magising siya na narito pa ako.
For the last time, tumingin ako sa gawi niya at ngumiti. Three words to describe my feelings right now, very very happy.
**
Nanginginig na kinuha ko ang pregnancy test at tinignan iyon. My tears started to fall when I saw the result.
Positive...
Kinuha ko rin ang isa pang pregnancy test na iba ang brand and it's says positive too. Oh my God, I'm pregnant. I have a baby in my womb.
Lumabas ako ng comfort room at umupo sa sala ng maliit na apartment ko. Wala akong magara na condo dahil hindi naman ganon kalaki ang kinikita ko. Hindi rin ako nagtatrabaho sa kompanya namin para magkaroon ng maraming pera.
Nahilot ko ang sintido ko at malakas na nagbuntong-hininga. Hindi pa ako handa maging isang ina. Alam kong kasalanan ko rin ito kaya dapat ay panindigan ko, pero kapag nalaman ito ng pamilya ko ay tiyak ako na inuutos nilang ipalaglag ang bata.
Hindi sila papayag na kumalat ang balita tungkol sa akin. Pangalan at reputasyon ng pamilya ang uunahin nila, kaysa anumang bagay.
Napahinto ako sa malalim na pag-iisip nang biglang marinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Agad akong tumayo para makita kung sino ang naroon.
Stefanie!
"A-Ate..." gulat at nanlalaki ang mga mata na bulalas ko.
Nakatayo ngayon sa labas ng pintuan ang stepsister ko. Pulang-pula ang mga labi nito, nakasuot ng mataas na heels at hapit na hapit na damit.
"Narito ka naman pala, hindi mo agad binuksan ang pintuan?" mataray niyang sabi. "Ano bang pinagkakaabalahan mo sa buhay mo, Ashley?"
"Bakit... ka narito?" tanong ko sa kanya at hinigpitan ang kapit sa pregnancy test mula sa likod ng kamay ko.
"Para sunduin ka at iuwi sa bahay," ismid niya sa akin. "Kahit naman ayaw kita na naroon sa engagement party ko ay wala akong choice. Kaya magbihis ka na. Bilisan mo at ayaw ko maghintay."
Oo nga pala. Muntik ko na kalimutan na ngayon ang engagement party niya. Ang dinig ko ay mula sa respetado at mayamang pamilya ang mapapangasawa niya.
Naningkit ang mata ni Stefanie at sinilip ang likuran ng kamay ko. Mabilis akong tumalikod sa kanya at akmang tatakbo papunta sa kwarto nang hilahin niya ang damit ko.
"Ano yang tinatago mo?" Sinipa niya ang pintuan, dahilan kung bakit bumukas iyon nang Malaki at makapasok siya.
Umiwas ako sa kanya at mas lalo pang itinago ang pregnancy test. "W-Wala lang ito! Basura! Magbibihis na ako!"
Pero hindi pa rin niya ako tinigilan at hinabol pa sa kwarto ko. Malakas niyang hinampas ang kamay ko kaya nabitawan ko ang pregnancy test.
Sabay kaming napatingin sa sahig at tumitig sa pregnancy test. Ako na halos atakihin na sa puso sa sobrang kaba, at siya naman ay salubong ang mga kilay.
"Ate..." tawag ko sa kanya para pigilan siya.
Dinampot niya ang pregnancy test at pinakatitigan iyon. "You're pregnant..." Hindi iyon tanong. Sigurado siya na akin iyon.
Mahina siyang natawa at nandidiri na umiling sa akin. "Hindi si JM ang ama nito, tama?"
Hindi ako nakasagot. Siguro ay alam na nila ang tungkol sa paghihiwalay namin ni JM dahil sa kompanya si JM nagtatrabaho.
"Wala kang pinagkaiba sa Nanay mo. Pareho kayong malandi. Sa dinami-dami ng mamanahin na asal ng sa kanya ay ang kalandian pa niya ang namana mo?"
Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. "Huwag mo idamay ang mama ko rito—"
"At bakit hindi?" Hamon niya sa akin at itinapon sa mukha ko ang pregnancy test. "Sige, sabihin mo sakin kung sinong ama? Wala kang maiharap diba? Kasi nga, isa kang malanding babae katulad ka ng mama mo na kumabit kay daddy kahit alam niyang pamilyadong tao na si daddy!"
Hindi na ako nakapagpigil pa at malakas siyang sinampal. Makakaya ko na alipustahin nila ako, pero hindi ang mama ko na matagal na nananahimik sa libingin niya.
"Did you just slap me?" Nanlilisik na tanong ni Stefanie habang nakahawak sa pisngi niya. "Marunong ka na lumaban ngayon? Ganito ba ang natututunan mo rito sa mabahong lugar na ito?"
Sumugod siya sa akin at hinila ang buhok ko. "Halika, sumama ka sakin! Sasabihin natin kay daddy na nabuntis ka ng kung sinong lalaki lang!"
Sunod-sunod akong umiling at pilit na inalis ang kamay ni Stefanie sa buhok ko, pero malakas siya kaya nakaladkad niya ako palabas ng apartment ko.
"Ate, nasasaktan ako!" Napaiyak ako habang patuloy siya sa paghila sa akin papasok sa elevator.
"Talagang masasaktan ka kapag hindi ka tumahimik!" singhal niya sa akin. "Wala ka ng ginawa na maganda, kundi ang magdala ng problema sa pamilya natin! Wala kang talagang kadala-dala! Hindi ko alam kung bakit ka pa kinupkop ni mommy at pinalaki!"
Patuloy ako sa pakiusap sa kanya na bitawan niya ako, pero parang wala siyang naririnig. Nang makarating kami sa ibaba ay itinapon niya ako papasok sa loob ng backseat at hinampas ng handbag niya.
"Tumahimik ka sabi!" Malakas niya akong sinampal, hindi lang isang beses kundi dalawa.
Humagulhol ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko ay isang galawin ko na lang at mabubunot na ang mga buhok ko sa anit sa sobrang lakas ng pagkakahila ni Stefanie sa buhok ko.
Parati silang ganito. Sa tuwing nakakagawa ako ng kasalanan ay hindi sila magdadalawang-isip na saktan ako at ipahiya, kahit sa harapan pa yan ng maraming tao.
Sana nga lang hindi na nila ako kinuha nang mamatay si mama. Sana ay hinayaan na lang nila ako, dahil baka mas naging maganda pa ang buhay ko kaysa ngayon.
Nang makarating kami sa mansyon ay natanaw ko agad ang maliwanag na ilaw mula roon sa hardin. Punong-puno ng mga lamesa iyon at mga bulaklak. Malapit sa swimming pool ay naroon ang malaking stage at kumikinang iyon.
"Bumaba ka riyan." Marahas akong hinila ni Stefanie palabas ng sasakyan at hinawakan sa braso. "Tingnan natin kung anong magagawa sayo ni daddy ngayon."
Hinila ko ang kamay ko pabalik. Halos lumuhod na ako sa lupa pero isang kusing na awa ay wala man lang akong makita sa mukha niya.
"Ate, please! Pakiusap, huwag mo itong gawin! Ipapalaglag ni daddy ang anak ko!"
"Buhatin mo siya!" utos ni Stefanie sa driver niya. "Bilisan mo!"
"What's going on here?"
Sabay-sabay kaming natigilan sa baritong boses na iyon. Agad na umayos ng tayo si Stefanie at ngumiti sa bagong dating.
"Babe, huwag mo pansinin. Problema magkapatid lang ito," malambing na sabi ni Stefanie. Mukhang ito ang fiance niya.
Dahan-dahang akong nag-angat ng tingin para silipin ang mapapangasawa ni Stefanie, at ganon na lamang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
Siya ang lalaki sa bar!
Natigilan din ang lalaki, dahan-dahang kumunot ang mga noo at napatitig sa akin. "You're hurting her," anito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Hindi mo alam ang ginawa niya. Sisirain niya ang pangalan ng pamilya namin. Kaya bago pa mangyari iyon ay gagawan ko na ng paraan." Muling hinawakan ni Stefanie ang braso ako, at akmang hihilahin papasok sa loob, pero hinila naman ng mapapangasawa niya ang kamay niya.
"Anong ginawa niya?" seryoso nitong tanong kay Stefanie, hindi pa rin inaalis ang mga tingin sa akin.
"She's pregnant, Artus. At hindi niya masabi kung sino ang ama ng dinadala niya. Siguro ay nabuntis siya sa isang one night."
Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mga mata ng lalaki, pero mabilis lamang iyon at bumalik na sa pagiging seryoso.
"Huwag ka gumawa ng eksena. Maraming mga tao rito," malamig nitong sabi at tinanaw ang Hardin.
"But—" Hindi naituloy ni Stefanie ang pagprotesta niya.
"Not now, Stefanie. Let's go," puno ng authority ng tono ng lalaki.
"Fine." Wala ng nagawa pa si Stefanie, kundi ang sumunod sa mapapangasawa. "Hindi pa ako tapos sayo," banta niya sa akin bago tuluyang tumalikod. "Umakyat ka sa kwarto mo at magbihis para hindi ka mukhang basahan mamaya."
Pinanuod ko silang dalawa maglakad papasok sa loob ng mansyon. Para naman akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag.
Ngayon pa lang ay sobra na ang galit ni Stefanie sa akin. Paano pa kaya kapag nalaman niya na ang mapapangasawa niya ay ang ama ng dinadala ko?
Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c
Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang
Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,
Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka