Chapter: 90Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-
Terakhir Diperbarui: 2025-03-12
Chapter: 89Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iba
Terakhir Diperbarui: 2025-03-11
Chapter: 88DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Terakhir Diperbarui: 2025-03-09
Chapter: 87Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa
Terakhir Diperbarui: 2025-03-07
Chapter: 86Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vaness
Terakhir Diperbarui: 2025-03-06
Chapter: 85Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Vi
Terakhir Diperbarui: 2025-03-04
Chapter: 75Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: 74Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: 73Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: 72Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: 71Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: 70Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka
Terakhir Diperbarui: 2025-04-27
Chapter: Chapter 4"Max, malaking problema 'yan. Malamang malaman din 'yan ng daddy mo sooner or later," wika ng kaibigan ni Maxwell na si Doctor Ullysis, isang neurosurgeon, sabay shaking ng ulo.Nilagok ni Maxwell ang whiskey sa baso at humithit ng sigarilyo."Hindi nila malalaman. Sisiguraduhin ko."Nagbuntonghininga si Ullysis at tumungga ng beer mula sa bote. "Yung engagement niyo ni Violet, limang taon na. Bakit ngayon mo lang naisip na hindi mo pala kayang pakasalan siya?"Bakit nga ba..."Siguro ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob." At siguro rin, ayaw niya na mangyari sa relasyon niya ang nangyari sa magulang niya. Arranged marriage, at habang lumalaki siya, nakikita niya kung paano nahihirapan ang mommy niya. Walang pagmamahal, puro negosyo lang. At ayaw niya ng ganun.Gustong umuwi ni Maxwell pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, kung saan siya'y may naghihintay na asawa at dalawang anak. Kakain sila ng hapunan, mag-uusap, magkukulitan... Kabaligtaran ni Violet."But why her? What's
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14
Chapter: Chapter 3Hindi alam ni Erica kung bakit ganon ang mga sinasabi ni Maxwell sa interview. Alam ng lahat sa kompanya na may fiancée ito, at iyon ang modelo na si Violet. Pero bakit nito sinabi na siya ang girlfriend?Tumunog ang pinto. May kumatok.Wala naman siyang inaasahang bisita. Lumapit siya, binuksan ang pinto—at halos malaglag ang puso niya nang makita kung sino ang nasa harap niya.Suot pa rin ni Maxwell ang itim na suit na ginamit niya kanina sa interview, bahagyang bukas ang polo sa may leeg, at halatang galing sa diretsong biyahe.“S-Sir… Maxwell… anong ginagawa mo… rito?”Hindi siya agad sinagot ni Maxwell. Tinitigan lang siya nito ng matagal."Pasok po kayo," anyaya niya nang hindi pa rin ito nagsasalita.Binuksan niya ng malaki ang pintuan at sumunod naman sa kanya si Maxwell papasok. Tumigil ito sandali malapit sa pinto, at walang sabi-sabing sinuyod ng tingin ang buong apartment—mula sa maliit na couch, hanggang sa lamesita na may mug ng kape at ilang nagkalat na papeles.Medyo
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14
Chapter: Chapter 2Tarantang-taranta si Erica habang pinagmamasdan ang screen ng phone. Nasa Sent folder na talaga... walang duda. Sa sobrang kaba, napasabunot siya sa sarili habang paikot-ikot sa maliit niyang apartment.“Shit, shit, shit!”Hindi puwedeng makita 'yon ni Maxwell. Kahit suplado at demanding ang boss niyang 'yon, hindi niya kayang harapin si Maxwell kung sakaling makita nito 'yung picture.Wala na siyang choice. Kailangan niyang pumunta sa bahay ni Maxwell.Pagdating niya sa village, kabado na siya agad. Buti na lang may access siya sa gate—madalas naman siyang sinusundo ni Maxwell dito noon para sa mga late meetings o business dinners. Kilala na rin siya ng guard.Muntik na siyang madulas sa damuhan habang palihim na umaakyat sa gilid ng bahay. Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya roon. Ilang ulit na rin siyang inutusan ni Maxwell na magdala ng mga documents sa loob, minsan kahit madaling-araw pa.Pero ngayon, ibang mission ang dala niya.Napatingin siya sa second floor. Bukas ang
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14
Chapter: Chapter 1“Secretary Erica!”Narinig ni Erica ang malakas na paghampas ng palad ni Maxwell sa lamesa. Sa sobrang lakas, napatalon siya sa gulat. Napairap na lang siya habang nakaupo sa desk, saka tumayo nang mabigat ang kilos, halatang wala sa mood.“Hay naku, Erica, ano na naman bang ginawa mo?” pataray na tanong ni Rubiy, ang katrabaho niyang abala sa paglalagay ng blush on sa pisngi.Halos lahat naman ata ng CEO may anger issue, pero si Maxwell Villarama—ang boss ni Erica—tila laging galit sa kanya. Para bang sa mata nito, wala na siyang ginawang tama.Paano ba naman, eh sobrang clumsy niya. Para siyang magnet ng gulo. Kaya alam niyang isang maling galaw na lang, tuluyan na siyang matatanggal. Paulit-ulit na lang din niyang naririnig kay Maxwell ang banta: “One more mistake, you’re gone.”"Mr. Villarama," sabi niya pagkarating niya sa opisina ng boss. Tiningnan siya ni Maxwell mula ulo hanggang paa... matagal, parang binabasa ang pagkatao niya. Sana nga diretsuhin na lang siya nito. Mas gugu
Terakhir Diperbarui: 2025-04-14