"Dahan-dahan lang po..." daing ko habang ginagamot ni Manang ang braso ko na puro pasa mula kay Stefanie.
"Ano ba kasi ang ginawa mong bata ka para magalit na naman ang ate mo? Hindi ba't parati ko naman sayo sinasabi na huwag ka na lamang sasagot kapag nagagalit siya. Huwag mo na lang gatunangan para hindi ka parati nasasaktan."
Nagbuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano magsisimula na sabihin sa kanya ang dahilan. Natatakot ako para sa sarili at para sa anak ko.
"B-Buntis po ako," mahinang sabi ko at napayuko.
Hindi agad nakapagsalita si Manang. Alam ko kung ano ang iniisip niya.
"Mapapatay ka ng daddy mo, Ashley," nakahawak sa puso na sabi ni Manang. "Ano ba namang pumasok diyan sa kukute mo at nagpabuntis ka pagkatapos niyong maghiwalay ng nobyo mo."
Alam ko naman na mali ako. Kasalanan naman talaga niya dahil hindi siya nag-iingat. Nagpadala siya sa bugso ng damdamin niya at wala na siyang magagawa pa para burahin ang nagawa niya. Pero hindi ba't may mali rin dito ang mapapangasawa ni Stefanie? Alam nitong ikakasal na siya, pero sumiping pa rin ito sa kanya. Anong klase iyong lalaki para gawin ang bagay na iyon.
"Ma'am, picture taking na raw po," wika ng kapapasok lang na kasambahay.
Tumango ako sa kanya at isinuot na ang blazer ko para takpan ang mga pasa. Hinarap ko siya Manang na ngayon ay mangiyak-ngiyak. Naiintindihan ko Naman siya dahil ayaw niya lang ako mapahamak at masaktan. Lahat kasi ng tao rito sa bahay ay takot kay daddy dahil salita niya ang batas sa pamamahay na ito. Walang sinuman ang pwede lumabag doon.
"Salamat sa pag-aalala, Manang. Pero huwag mo na isipin ang bagay na iyon." Tinapik ko ang balikat niya, bago ako lumabas at bumababa sa sala.
Pagkatapos ng engagement party ni Stefanie at magpapakalayo-layo ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pero ang gusto ko ay malayo sa pamilya ko. Doon sa hindi ko masisira ang pangalan namin, at sa lugar na hindi na nila ako masasakatan.
"What took you so long? Kanina pa naghihintay ang photographer, Ashley. Ilang minuto na lang ay darating na ang mga bisita." Mahabang litanya ng stepmother ko, nagpipigil ang inis na hampasin ako sa inis.
Palihim kong inilibot ang mga mata ko para hanapin ang mapapangasawa ni Stefanie, pero wala ito sa buong living room.
"For sure sinadya niya tayo paghintayin, mommy," komento ni Stefanie at tinaasan naman ako ng kilay. "Alam na alam niya kung paano tayo inisin."
"That's not true," mabilis kong tanggi. "Sira ang shower sa kwarto ko kaya sa guess room ako naligo." Kaya lagi ako napapagbuhatan ng kamay ni Stefanie at ng mommy niya dahil parati akong sumasagot at kinokontra nila.
Malamig naman akong tinapunan ng tingin ni daddy at bored na naglakad papunta sa couch at naupo sa pwesto niya.
Magkatabi sina daddy at si Jean, ang stepmother ko. Katabi naman ni daddy si Jacob, at si Stefanie naman ay katabi ni Jean.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung saan ang pwesto ko dahil sikip na sa couch.
"Iha, sa likod ka. Tumayo ka roon at ngumiti," utos ng photographer.
Agad akong tumalima at tumayo sa likod ng couch. Ngumiti ako katulad ng sinabi sa akin. Pati sa family picture ay malalaman mo talaga kung sino ang naiiba sa lahat. Para akong isang saling pusa sa pamilya na ito.
Nang matapos ang picture taking namin ay umalis na sina daddy at Jean para i-welcome ang guess.
"Kung sa tingin mo ay nakaligtas ka na sa galit ni daddy, nagkakamali ka."
Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan nang magsalita si Stefanie sa likod ko.
"Sa ngayon ay gusto ko muna i-enjoy ang gabi na ito para sa akin. Pero bukas na bukas din—"
Humarap ako sa kanya at pinutol ang sasabihin niya. "Huwag ka mag-alala, aalis na ako rito at magpapakalayo-layo. Hindi ba't iyon naman ang gusto niyo ng mommy mo? Ang mawala na ako sa buhay niyo?"
Bata pa lang ako ay araw-araw na nilang pinaparamdam na ayaw nila sa akin. At kung magkakaroon man ang ng lakas para umalis at talikuran silang lahat ng tuluyan ay dahil iyon sa anak ko. Hindi ko hahayaan na lumaki ang anak ko at makita niya kung ano ako sa pamilyang ito.
"Hindi mo na kailangan pa sabihin kay daddy. Hindi ko rin naman hahayaan na masira sa mga tao. Kapag nawala na ako sa buhay niyo ay magiging masaya na kayo ng tuluyan."
Tinalikuran ko na siya at pumanhik sa hagdan. Agad kong pinunas ang tula na tumulo mula sa mga mata ko. Ganito kababaw ang luha ko pagdating sa kanila. Sila lang ang nakakagawa nito sa akin.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapabangga ako sa matigas na dibdib. Dahan-dahan akong umangat ng tingin at mabilis na napaatra nang makita kung sino iyon.
"Did Stefanie hurt you again?" tanong niya akin. There's something in his eyes I can't explain.
Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. "Hindi. Huwag mo akong pansinin."
Akmang lalagpasan ko na siya nang humabol siya sa akin at humarang sa daraanan ko. "Yung sinabi niya kanina. Totoo ba?"
Biglang akong kinabahan. Hindi pa man niya naibubuka ulit ang bibig ay alam ko na ang sasabihin niya.
"Ako ba ang ama?"
Sumulyap ako sa likuran ko para tingnan kung may paparating, bago muling nagsalita. "A-Ano bang sinasabi mo? Paanong... Paanong ikaw ang ama?" pagtanggi ko.
Malamig niya akong tinitigan. "We slept together. You were a virgin."
Nag-init ang mukha ko nang bigla na naman maalala ang ginawa namin nang gabing iyon. Halos masira namin ang kama niya. Alas tres na ng madaling araw ay hindi pa rin siya tapos sa akin, pero hindi ako nagreklamo at tinanggap lahat kung ano ang ginawa niya dahil masarap iyon sa pakiramdam.
Pinilit kong sinalubong ang mga tingin niya kahit pakiramdam ko ay babagsak ako sa sahig. "Pero hindi naman ibig sabihin non ay ikaw lang ang naging lalaki sa buhay ko. Sa ating dalawa, ako ang mas nakakaalam kung sino ang ama ng dinadala ko... at hindi ikaw yun."
Hindi ko na siya hinintay pa magsalita. Mabilis na ako nagmartsa paalis at hindi man lang lumingon.
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Stefanie. It's her dream, ang maikasal sa mayamang lalaki. Bonus na lang sa kanya ang istura dahil mas importante sa kanya kung magkano ang yaman ng mapapangasawa niya.Tumayo ako para kumuha ng pagkain. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan doon. Tungkol iyon sa business, property, at iba pang asset."Hindi naman nasabi sa akin ni Stefanie na ganito pala kaganda ang kapatid niya."Benny.Awkward akong ngumiti kay Benny nang tumabi siya sa akin. If I am not mistaken, pinsan siya ni Artus, ang mapapangasawa ni Stefanie. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin niya sa akin. Akala ko ay guni-guni ko lamang iyon."Bakit ka umalis don?" tanong niya sa akin at kumuha rin ng plato."Business is not my thing," wika ko at nagkibitbalikat lang."Same. Damn business." Tawa niya at napailing. "But seriously, ngayon lang kita nakita sa mga gathering ng pamilya niyo.""Hindi rin ako mahilig sa party," sagot ko at naglakad papunta sa dulo para human
Para akong nabingi sa narinig, hindi ko alam kung may natapakan pa ba ako sa pagkakataon na ito. Lumambot ang buong katawan kong nakatingin sa lalaking seryosong nakatingin sa akin. Ano bang ginagawa niya? Paano niya nasasabi ang katagang iyon sa harap ng pamilya ko? And yes, sila. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Lalo na ang kapatid ko na puno ng galit sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko dapat tugunan ang sitwasyong ito. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ko na kayang huminga. "What?! H-how did this happen?" sigaw ni Kuya Jacob. Alam kong sa lahat ng taong nandito, isa siya sa ayaw kong ma-disappoint sa akin sa oras na malaman niya ang tungkol sa akin.Si Stefanie, na may basag na vase sa kanyang mga kamay, ay natigilan sa kanyang pag-iyak. "Ashley, is this true?!" tanong niya, halatang naguguluhan. Sa kabila ng galit at takot, mayroon ding pahiwatig ng pang-unawa sa kanyang tinig.Nakita kong kumunot ang noo ni daddy habang tinitingnan si Artus. "Are you se
Mas lalo akong nanghina sa narinig mula kay daddy. Ano na ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpakasal. Hindi ko rin pwedeng ipalaglag ang bata. “Dad, hindi na kailangan. Hindi naman si Artus ang ama ng bata, hind kami magkakilala ng personal. So, please. Maniwala naman kayo sa akin…please, Kuya…” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Seryoso ang tingin sa akin ni Dad, habang si Kuya naman ay bakas ang awa sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Shh, don’t cry. Kailangan din natin iyon gawin para matapos ang probelamang ito. Kapag hindi ka pumayag sa DNA, baka isipin namin na totoo ang sinabi ni Artus at gusto mo lang itong itago para kay Stefanie. We need to do this, okay?”Umiling ako sa sinabi ni Kuya. Hindi nga pwede! Hindi pwede!Umalis ako mula sa pagkayakap, umiling nang paulit-ulit. “No. Hindi na nga kailangan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala na naman sa akin na hindi nga siya ang ama ng bata!” sigaw ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas, bigla
Tama ba ang narinig ko? Negative ang result?Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero nang magsalita si Kuya, tila naitindihan ko kung bakit. “See, Dad. Hindi si Artus ang ama ng dinadala ni Ashley. Hindi na natin siya pwedeng ipilit—”“But it doesn’t mean na ligtas siya sa pagpapakilala sa lalaking iyon sa atin. We need to meet him. Umuwi na tayo.”Naunang umalis si Daddy, sumunod naman si Tita Cynthia at si Kuya. Habang si Stefanie ay pinipilit si Artus na umalis na rin pero si Artus, nakatingin sa akin nang masama. Alam kong galit siya. Pero wala na akong pakialam sa galit niya ngayon, ang mahalaga sa akin nagawan na ng paraan ni Kuya. May kapangyarihan pa rin ang pamilya ko para kontrolin ang ganoong sitwasyon. “Why do you think that Artus is the father? Assumera ka talaga—”“Stefanie, umalis ka muna. I need to talk to her,” biglang putol ni Artus sa kanya. “Pero Artus, niloko ka ng babaeng ito. Sinira niya ang kasal natin!” sigaw ni Stefanie. Hindi ko sinira ang kasal nila
Tatlong araw ko nang hindi sinasagot ang tawag ni Daddy at Kuya Jacob. Kahit alam naman nilang ansa condo lang ako, hindi iyon sila pupunta sa akin kaya pabor din sa akin. Hindi pa kasi kami nakakita ni Danica ng lalaking mababayaran ko para magpanggap. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.“Bes! Potangina, pumayag na siya!” Napatalon ako sa sigaw ni Danica sa kusina. Nasa sala ako, naka-upo sa couch habang naghahanap ng pangalan sa friends ko sa Facebook. Tumakbo siya papunta sa akin. “Here, what do you think?” Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Litrato ng lalaking mukhang inosente. “Who is he?” tanong ko. “Nakilala ko lang siya sa club I think four months ago? Mukha naman siyang mayaman pero noong chinat ko siya, sabi niya makikipagkita siya sa atin,” paliwanag niya. Bigla akong kinabahan. Ito kasi ang unang beses na may pumayag sa amin. “Hindi mo pa naman sinabi sa kanya lahat?” tanong ko. Kasi nakakapagtaka na pumayag ang lalaking ito kung alam niya na ang tot
Ano na ang gagawin ko? Hindi naman pwedeng tumakbo ako palabas dito. “Mr. Villegas, nagkakamali po kayo ng iniisip. Hindi naman po iyon ang plano namin ng kaibigan ko—”Hindi natapos ang sasabihin ni Danica nang binalingan siya ni Artus. Ngumisi si Artus habang nakatingin sa aming dalawa na parang kuting kung makayuko. “Ganoon ba? Pero base sa nabasa ko, naghahanap ang kaibigan mo ng magpapanggap ng boyfriend at maging tatay ng anak niya…nasaan ba ang tatay ng dinadala niya?”Dahil sa narinig, lumingon ako kay Diana. Ang sabi niya hindi niya pa sinabi? Pero imbis na magpaliwanag, sorry lang ang sinabi niya. Kagat labi akong tumingin kay Artus. Wala na talaga. Tumingin naman ako kay Aaron nang lumapit siya kay Danica. “Lipat tayo ng ibang table, hayaan na natin silang mag-usap na silang dalawa lang,” sabi nito. Kita ko kung paano umiling si Danica, nagpupumilit na samahan ako. “Hindi ko siya pwedeng iwanan dito—”“Hindi ko lalapain ang kaibigan mo, don’t worry Miss Danica,” sabi n
Umuwi kami sa condo, hindi na namin pinagusapan ang nangyari pero alam ko marami siyang itatanong sa akin. I just can’t to talk right now, dahil pakiramdam ko mahihilo ako. “Ash, samahan na kita bukas sa OB, noong isang linggo ka pang hindi nagpapa-check up.” Dinig kong sabi niya. Tumingin ako sa kanya at saka tumango. “Okay, Dan. Salamat. Papasok lang ako sa kwarto ko,” sabi ko at dumiretso na sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, nakatulala sa ceiling. Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Artus ang totoo, paano kung alam na rin pala nila Daddy ang tungkol dito?Nang maalala sila, bigla akong bumangon at kinuha ang isa kong phone sa bag, ito ang phone na gamit ko to contact them. One week na itong naka-off. Pagka-open ko, sunod-sunod ang messages mula sa kanila, pati ang calls. Tumawag din si Stefanie at si Tita Lena. Mabuti na lang hindi nila ako pinuntahan dito sa condo, and thanks to my brother baka pinigilan niya ang mga ito. Kaya naman siya ang una kong hinan
Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Danica papunta sa OB na kilala niya at pagkatapos ay pupunta kami sa puntod ni Mama. I missed her so much, kailangan niyang malaman na may apo na siya. Sayang nga lang ay hindi niya ito makikita. “It’s good news, Miss Diana. Maganda ang sitwasyon ng pagbubuntis mo, sana panatilihin mo ito. Dapat palaging healthy lang ang kinakain at iniinom mo, pati na rin ang environment mo,” paliwanag ng doctor at binigyan niya ako ng mga listahan na dapat gawin. “Thanks Doc.” Ngumit ako sa kanya at nakipagkamay. Hawak ko ang kamay ni Danica papalabas ng office ng doctora, naglalakad kami palabas ng entrance sa ospital nang biglang may huminto sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Danica, nagtataka. “Kuya, ano pong problema?” si Danica ang nagtanong sa dalawang lalaking humarang sa amin. “Sumama po kayo sa amin,” sabi ng isang lalaki na naka-army cut. Well, pareho naman silang naka-army cut pero mas malaki ang katawan ng lalaking nagsalita. “Sumama saan? Pas
Ilang minuto na hindi nagsalita si Ashley, tahimik ang buong loob ng kotse dahil inaantay rin ni Artus ang sasabihin ni Ashley ngunit nakatingin lang ito sa kanya. Nang mapagtanto ang reaction ni Ashley na naiilang ito, tumawa siya. “I’m just joking, Ash. Masyado ka namang seryoso.” Bumalik ang tingin niya sa daan, sakto ay nag green light na kaya naka-focus siya sa pagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Ashley na tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan niya. Pinagdasal niya kanina habang nanahimik siya na sana nga nagbibiro lang si Artus. Kaya nang sabihin nito na biro lang, guminhawa siya. “Stop talking nonsense again, Artus.” Natatawa niyang sabi pero ramdam sa garagal niyang boses na naiilang pa rin siya. “Yes, I know. I’m sorry…” Humina ang boses ni Artus na para bang kahit siya ay biglang nailang. Pakiramdam niya kahit anong gawin niya wala siyang pag-asa kay Ashley. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon iniisip pero isa lang ang gusto niyang mangyari, ang maging c
Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica. “Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan. Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti. Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng kanta — isang mabagal at malamyos na himig na pumuno sa buong simbahan. Tumayo ang lahat ng bisita, sabik na naghihintay sa pagdating ng bride.Nakatayo si Artus sa unahan, sa harap ng altar. Suot niya ang itim na tuxedo, maayos ang buhok, ngunit hindi maitago sa mata niya ang tensyon at kaba. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang
Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya. May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas. ***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.Pumasok si Artus, dala ang isang tasa ng gatas. Nilapag niya ito sa side table bago naupo sa tabi ni Ashley, sinandal ang katawan sa headboard."Ang lalim ng iniisip mo," puna niya, nakangiti.Ngumiti si Ashley pabalik,
Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.Binuksan ni Loraine ang message at binasa aloud:Danica: Hi girls! I hope you're doing well. Just wanted to invite you to Ashley’s wedding and baby shower! Gaganapin ito next month and we’re hoping you can come. It would mean a lot to her. 🥹💌Saglit na natahimik ang mesa. Tanging ingay lang ng espresso machine ang maririnig.“Wait, what?” napataas ang kilay ni Sofia. “As
Ang lahat ay nasa simbahan na, si Ashley na lang ang inaantay. Nasa bridal car na ito, kasama si Danica.“Hey, ayos ka lang ba? Masyado bang malamig ang aircon? Nilalamig ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Danica sa kaibigan.Mabilis namang umiling si Ashley. “Ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang ako,” saad niya sabay ngiti.Tumango naman si Danica, ginawa niya ang lahat para mawala ang kaba ni Ashley. At makalipas ang ilang oras sa byahe, nakarating na sila sa simbahan. Sabay silang lumabas ng kotse, inayos muna ni Danica ang gown ni Ashley bago siya pumasok sa loob ng simbahan.Maya-maya, nagsimula na ang wedding ceremony.Tumugtog ang unang nota ng ka
Napatingin si Rafael sa paligid, at napagtanto niya na tama nga si Jacob, dumami ang bodyguards. Bumaling ulit siya kay Jacob. “Bukas na ang kasal, kailangan talaga paghandaan kaya sila nariyan,” paniniwala niya.May parte na iyon ang dahilan ni Artus, pero ang lahat ng inakala nilang bodyguard ay mga miyembro ng Agentum Order na si Artus mismo ang nag-demand para sa kasal nila bukas. Kailangan nga niyang paghandaan dahil hindi niya alam kung aatake si Axel bukas.***Dumating ang gabi bago ang kasal. Tahimik na ang buong bahay. Sa master's bedroom, nakaupo si Ashley sa kama, marahang hinihimas ang kwintas sa leeg niya — regalo ni Artus ilang linggo bago sila ikasal. Wala ang wedding gown niya roon; ipinagkatiwala na niya ito sa mga kamay ng coordinators para bukas.
Sa isang tahimik na coffee shop sa Quezon City, nagkita sina Sofia, Lyka, at Loraine para sa isang simpleng catch-up. Tanghali pa lang pero halos puno na ang café, kaya pumuwesto sila sa sulok na may kaunting katahimikan.“Grabe, ang tagal din bago tayo nagkita ng tatlo lang ulit,” ani Sofia habang hinahalo ang kanyang cappuccino.“True,” sabay tango ni Loraine. “Ang dami na ring nangyari sa buhay natin. Pero ang pinaka-hindi ko in-expect…”Napatingin siya sa dalawa at inilabas ang cellphone mula sa bag.“…ay ‘tong message ni Danica kaninang umaga.”“Ano ‘yon?” tanong ni Lyka habang abala sa pag-check ng order nila.
Umuwi sila sa bahay nila, pero kahit na kasama na ni Artus si Ashley at sinasabi nito na ayos lang siya, pakiramdam ni Artus ay hindi. Ngunit ayaw niya na rin pa isipin pa o sabihin kay Ashley ang nararamdaman niya, dahil para sa kanya ang mahalaga kasama niya na muli si Ashley. ***Makalpas ang isang buwan, marami nang nangyari katulad na lang na naipadala na lahat ng wedding invitation na nasa listahan nila, nakabili na ng mga regalo para sa mga bisita, mga wedding sponsors at iba pa. Tapos na rin lahat ng preparation, kasal na lang talaga ang kulang para maging perpekto na ang lahat. Apat na buwan na buntis na rin si Ashley, at sa susunod na buwan na ang kasal nila. Tungkol naman sa nalaman ni Ashley kay Artus, pilit niyang inaalis iyon sa isipan niya sa tuwing nakikita niya si Artus dahil ayaw niyang maramdaman ni Artus na natatakot siya kaya ginagawa niya ang lahat para ipakita kay Artus na ayos siyang kasama nito.“Kumusta ka?” tanong ni Danica. Bumisita siya kay Ashley at nas