LOGINAng unang bagay na naramdaman ko pagkagising ko ay sakit ng ulo.
Hindi iyong simpleng sakit na parang kulang lang ako sa tulog. This was the kind of headache that made me regret every shot, every cocktail, every stupid decision I made last night. Napapikit ako nang mariin habang nakahiga pa rin, pilit inaalala kung nasaan ako at kung paano ako nakauwi, pero ang tanging pumapasok sa utak ko ay ang malalakas na ilaw sa club, ang sobrang lakas na tugtog, at ang mukha ng isang lalaking hindi ko man lang alam ang pangalan. Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang dumilat. At doon ako tuluyang napabangon. “Holy shit.” May lalaki sa tabi ko. Tulog na tulog siya, nakahiga nang maayos habang nakatalikod nang bahagya sa akin. For a few seconds, hindi ako gumalaw dahil sinusubukan kong buuin sa utak ko kung anong nangyari kagabi. Then one memory after another came rushing back—the club, the alcohol, the way I bumped into him, the fact that I thought he was ridiculously handsome, and apparently, the fact that I had absolutely no self-control because I kissed him first. Napakagat ako sa labi habang pinagmamasdan siya. Okay. Hindi ko naman pinagsisisihan. Actually, habang mas tinitingnan ko siya, mas lalo kong naiintindihan kung bakit ko siya hinalikan kagabi. He had a sharp jaw, broad shoulders, and dark hair that looked annoyingly good even while he was sleeping. Mukhang hindi rin siya iyong typical na lalaking ka-age ko na puro gym selfie at mayabang na caption sa I*******m. There was something mature about him, something composed, something that made him look even more attractive. Then I noticed it. May ilang hibla ng silver-gray sa buhok niya. Bahagya akong napangiti habang nakatitig sa kaniya. “Hot daddy.” I immediately covered my mouth to stop myself from laughing. Hindi naman siya mukhang matanda. In fact, if anything, mas lalo siyang nagmukhang attractive dahil doon. May mga lalaking mas gumagwapo habang tumatanda, at mukhang isa siya roon. The kind of man who probably didn't need to try hard to get attention because his face alone could do the job. I let my eyes wander over him for another second before reality finally hit me. Shit. Kailangan kong umalis. Hindi dahil nahihiya ako. Hindi rin dahil nagsisisi ako. I just didn't want that awkward morning-after conversation where we would have to exchange names, pretend everything was normal, and then figure out what the hell we were supposed to do next. Whatever happened last night was supposed to stay last night, and honestly, mas gusto kong ganoon. Kaya mabilis akong bumangon at kinuha ang damit kong nakakalat kung saan-saan. Isa-isa kong sinuot ang mga iyon habang pilit na hindi gumagawa ng ingay, at ilang beses pa akong napapalingon sa lalaki para siguraduhing hindi siya nagising. Nang mahanap ko na ang bag ko, inayos ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at tahimik na binuksan ang p***o. Before leaving, napatingin pa ako sa kaniya for one last time. “Bye, hot daddy,” bulong ko, saka agad akong lumabas. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. --- Pagdating ko sa bahay, ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ng tatay ko. Hindi ko pa man tuluyang naisara ang p***o, alam ko nang sermon ang naghihintay sa akin. Nakatayo siya sa sala, naka-cross ang arms habang nakatingin sa akin na parang isang kriminal na kakahuli lang sa aksidente. “Althea.” Napabuntong-hininga ako. “Good morning to you too, Dad.” “Do you have any idea what time you came home?” “Actually, no.” “Of course you don't.” Napailing ako habang hinuhubad ang sapatos ko. “Dad, I'm tired. Pwede bang mamaya na lang tayo mag-away?” “I'm not trying to fight with you.” “Really? Kasi mukha kang ready nang magbigay ng TED Talk tungkol sa responsibilities ng isang twenty-year-old.” His expression hardened, pero hindi ako nagpatalo. Ganito naman kami palagi nitong mga nakaraang buwan. Simula nang mawala si Mama, parang bawat kilos ko ay may kasamang sermon, bawat paglabas ko ay may kasamang tawag, at bawat late na pag-uwi ko ay parang kailangan kong magbigay ng written explanation. Alam kong nag-aalala siya. Alam ko ring may dahilan siya. Pero hindi ko kayang sabihin sa kaniya na hindi naman talaga tungkol sa parties ang lahat ng iyon. Hindi ako nagrerebelde dahil gusto kong sirain ang buhay ko. Hindi ako umuuwi nang madaling-araw dahil gusto kong pahirapan siya. I just didn't know what else to do with the anger that had been sitting inside me ever since Mama died. Masyadong mabilis ang lahat. Masyadong mabilis siyang nagpatuloy. At kahit kailan, hindi ko kayang sabihin sa kaniya iyon nang diretso. Kaya mas madali para sa akin na maging pasaway. “Anyway,” sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan, “I need you to be presentable later.” Napakunot-noo ako. “Why?” “Someone is coming over from the US.” “Okay?” “He'll be having lunch with us.” Napatingin ako sa kaniya. “And?” “And I'd appreciate it if you could act like a normal human being for once.” Napairap ako. “Wow. Good morning talaga.” Hindi na siya sumagot at napailing na lang. Alam kong gusto pa niyang magsalita, pero malamang ay pinili niyang huwag na dahil pagod na rin siya sa aming dalawa. Before I could walk upstairs, may idinagdag pa siya. “He's invited to the wedding.” Huminto ako sa unang hakbang. The wedding. Kasal ng tatay ko at ng magiging stepmother ko. Hindi ako tutol sa kasal nila. Hindi naman masama si Mara. She had always been kind to me, never tried to replace Mama, and never forced me to call her anything other than her first name. Kung tutuusin, wala akong dahilan para magalit sakaniya. Ang problema ay hindi si Mara. Ang problema ay ang pakiramdam na parang ang dali para sa tatay ko na magpatuloy. Parang may puwang na naiwan si Mama, at sa halip na hayaan muna itong manatiling bakante, may bago agad na taong inilagay roon. Pero hindi ko iyon sinabi. Instead, I simply shrugged and looked at my father with a bored expression. “Fine.” Then I went upstairs before he could say anything else. Pagkapasok ko sa kwarto ko, diretso ako sa banyo. Kailangan ko ng shower, kape, at isang bagong utak dahil mukhang naiwan ko yata ang kalahati ng brain cells ko sa club kagabi. Matapos maligo, nagbihis ako at inayos ang buhok ko. Since lunch lang naman, hindi ako nag-effort nang sobra. I chose a casual peach lace dress that fell just above my knees, simple enough for a family lunch but still pretty enough that I wouldn't look like I had just escaped from a nightclub. Naglagay ako ng kaunting makeup, perfume, at ilang accessories bago ko tinitigan ang sarili ko sa salamin. “Not bad.” I was about to sit down when may kumatok sa p***o. “Miss Thea?” Napalingon ako. “Pinapababa po kayo ni Sir. Dumating na raw po ang bisita at sabay-sabay daw po kayong maglulunch.” Napabuntong-hininga ako. “Okay. Coming.” I grabbed my phone and headed downstairs, at nang marating ko ang dining area, nakita ko muna ang tatay ko at si Mara. Then nakita ko ang bisitang tinutukoy ni Daddy . Nakatayo siya sa tabi ng tatay ko, dressed in a crisp white polo with the sleeves slightly rolled up, dark slacks, and a luxury watch resting against his wrist. His dark hair was neatly styled, although I could still see those familiar silver-gray strands I had noticed that morning. Tumigil ako sa paghinga. No. Hindi puwede. Hindi maaari. Slowly, his eyes moved toward me. And the moment our gazes met, nakita ko kung paano bahagyang nagbago ang expression niya. He recognized me. Of course he did. My father smiled, completely oblivious to the internal disaster happening inside my head. “Thea, come here. I want you to meet someone.” Hindi ako gumalaw. My father gestured toward the man beside him. “This is Rafael Salcedo.” The man who had been in my bed that morning. The man I kissed at the club.The man whose name I didn't even bother asking. My father continued smiling. “Your Ninong Rafa.” NINONG?! PATAY TALAGA!Halos hindi ko maramdaman ang sarili kong mga paa habang nagmamadali akong ibulsa ang cellphone ko. Ang bawat salitang ibinulong ni Rafa sa aking tainga ay tila uling na nag-iwan ng nakapapasong marka sa aking balat.“Because I am going to tear apart whoever sent this to you... even if it costs me everything I have built.”“Rafa! Good, andito ka pa,” masiglang bati ni Daddy habang maayos na ibinubulsa ang kaniyang salamin sa mata pagkababa sa huling baitang. Kasunod niya si Mara na may bitbit na ilang dokumento. Agad na dumapo ang tingin ni Mara sa akin, at nang mapansin niya ang pamumutla ko at ang paninigas ng tindig ni Rafa, bahagyang kumunot ang kaniyang noo ngunit pinili niyang manatiling tahimik.“Terence,” bati pabalik ni Rafa.Sa isang kisap-mata, parang walang nangyari. Nakatayo na siya nang tuwid ilang metro ang layo sa akin, nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks habang ang kabilang kamay ay payapang nakalapat sa kaniyang tagiliran. Walang bakas ng luhod sa
Nanatiling nakapako ang katahimikan sa malawak na living room ng mansyon, ngunit taliwas sa tahimik na paligid, pakiramdam ko ay may nagbabagsakang mga bubog sa loob ng dibdib ko.“Sure. If Thea wants me to.”Ang pitong salitang binitiwan ni Rafa ay tila mga mabibigat na martilyo na paulit-ulit na pumupukpok sa aking pandinig. Nakaupo siya sa single-seater leather couch sa tapat namin, nakakrus ang mga binti at ang isang braso ay nakapatong sa armrest. Sa panlabas na anyo, siya pa rin ang kagalang-galang, pormal, at kontroladong si Rafael Salcedo—ang matagumpay na negosyanteng galing abroad, ang matalik na kaibigan ng aking ama, ang ninong na pinagkakatiwalaan ng buong pamilya. Walang sinumang makakakita sa kaniya ngayon ang mag-aakalang kagabi lamang, ang parehong lalaking ito ay nakaluhod sa malamig na sahig ng kaniyang condo, nanginginig ang mga kamay habang pilit akong kinukulong sa kaniyang mga bisig at nagmamakaawang pakinggan ko ang kaniyang paliwanag.Naramdaman ko ang marahan
Tatlong sunod-sunod na katok ang gumising sa akin kinabukasan. Agad akong napakunot-noo habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa unan, pilit na iniiwasan ang liwanag na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, masakit ang ulo ko, at pakiramdam ko ay para akong ilang gabing hindi nakatulog nang maayos. Hindi ko man lang nagawang i-lock ang pinto kagabi, kaya wala na akong lakas para bumangon at tingnan kung sino ang nasa labas.“Come in,” paos kong sagot, halos hindi gumagalaw sa pagkakahiga.Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto kasunod ng mga yabag na pamilyar sa akin. Ilang sandali pa ay may nagsalita sa tabi ng kama ko, at nang maramdaman kong bahagyang lumubog ang kutson, saka ko lamang dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Si Mara ang bumungad sa akin, nakaupo sa gilid ng kama habang may hawak na tray na puno ng pagkain. Maaliwalas ang mukha niya, pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata niyang hindi niya tuluyang maitatago.“Good morning, Thea.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking area ng building nang hindi tuluyang bumigay sa pag-iyak. Ang alam ko lang, nang makaupo ako sa driver's seat, nanginginig pa rin ang mga kamay ko at parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga nang malalim. Ilang minuto akong nakatitig sa manibela bago ko tuluyang pinaandar ang makina, pilit na pinapakalma ang sarili kahit ang gusto ko lang ay bumalik sa condo ni Rafa at bawiin ang lahat ng sinabi ko.Pero hindi ko ginawa.Dahil kung babalik ako ngayon, ano ang sasabihin ko sa kanya? Na hindi ko kayang mabuhay nang wala siya? Na hindi ko talaga gustong tapusin ang lahat, pero hindi ko rin kayang manatili sa tabi niya habang hindi ko alam kung ako ba talaga ang minamahal niya? Paano ko ipapaliwanag na ang paglayo ko ay hindi dahil nawala ang pagmamahal ko, kundi dahil natatakot akong baka iyon lang ang natitira sa akin—isang pagmamahal na hindi pala para sa akin mula pa sa simula?Umandar ang ko
Nananatili akong nakaluhod sa harap ni Rafa habang hinihintay ang sagot na hindi pa rin niya maibigay. Nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko, at nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang magsalita, na may mga salitang pilit niyang hinahanap para maipaliwanag ang sarili niya. Pero sa kabila ng lahat ng sinabi niya tungkol kay Mommy, sa kabila ng pag-amin niyang minahal niya ito at nagluksa nang mamatay ito, wala pa rin akong naririnig na makapagpapatahimik sa takot na matagal nang kumakain sa akin.At bigla kong naisip na baka hindi ko na kailangang hintayin ang sagot.Baka hindi ko na kailangang pakinggan ang paliwanag na alam kong gugustuhin kong paniwalaan kahit masaktan pa ako. Dahil kung mananatili ako rito nang mas matagal, baka muli akong yumakap sa kanya, baka muling bumigay ang puso ko sa tuwing tatawagin niya akong sweetheart, at baka makalimutan kong may dahilan kung bakit ako pumunta rito nang alas-onse ng gabi na halos hindi na makahinga sa sakit.Dahan-dahan kong inali
Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak sa harap ni Rafa. Pakiramdam ko, ilang oras na akong nakaluhod sa sahig kahit maaaring ilang minuto pa lang ang lumipas, at sa bawat pagkakataong sinusubukan kong kumalma, may panibagong sakit na bumabalik sa dibdib ko. Mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin, habang paulit-ulit niyang hinihimas ang likod ko at marahang tinatawag ang pangalan ko, pero hindi ko kayang tumingala para salubungin ang mga mata niya.“Thea, please. Tumingin ka muna sa akin,” pakiusap niya, at naramdaman kong bahagya siyang yumuko para makita ang mukha ko. “Hindi kita pipilitin na kumalma agad, pero ayokong manatili kang ganito nang hindi mo man lang naririnig ang buong katotohanan. You came here because you wanted an answer, and you deserve to hear it from me. Hindi mula sa ibang tao, hindi mula sa kung sinumang nagsabi sa iyo ng mga bagay na hindi mo pa naiintindihan.”Lalong humigpit ang kapit ko sa tuhod niya nang banggitin niya iyon. Ibig sabihin, alam







