NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito.
“O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.” “Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika. Naintindihan naman niya iyon dahil minsan siyang nakapagtrabaho sa Islam country katulad ng Dubai. “Ma’a al-salaama,” tugon niya. Halata niya ang amusement sa mukha ni Khaleb kaya naman nginitian niya lang ito. “Teka, pano mo nalaman ‘yon ha?” nagatatakang tanong ni Khaleb. “Khaleb marami rin naman akong alam,” simpleng pangangatwiran na lang niya dahil ayaw niyang magpaliwanag. “Sige na, aalis na ako. Oy umuwi ka na mamaya ha,” pahabol na bilin niya kay Khaleb. Nakasakay na siya ng motor ng habulin siya ni Khaleb at ibigay ang baon na nalimutan niyang isilid sa kanyang bag. Kasunod naman niyon ay si Disney na humalik sa kanya. “Bye Mama, ingat ka po ha saka yung pasalubong ko po.” Natuwa siya sa anak kaya hinaplos niya ang buhok nito at ganon din naman ang ginawa ni Khaleb. “Disney, let’s get inside na, mainit dito sa labas,” yaya ni Khaleb. “Tama si Kuya Khaleb anak. Get inside na okay. Bye.” Pinaharurot na niya ang motor at handang harapin ang mapanghamong araw na kanyang tatahakin. Habang binabagtas ang mahabang traffic napansin niya na kanina pa siya sinusundan ng isang itim at magarang kotse. Hindi niya makita ang mukha ng nasa loob dahil medyo tinted ang salamin. O baka naman nag-i-ilusyon siya, napangisi siya sa iniisip, sino naman kasing Herodes ang susunod sa kanya? At kung may susunod nga sa kanya, sa ano namang dahilan. “Hayyy Loraine, tumigil ka nga. Walang susunod sayo ‘no. Huwag kang ilusyonada at de kotse pa talagang magara ang napili mong pagbintangan. Maliban na lang kung nasundan ka ng mga ungas na iyon.” Parang tangang kinakausap niya ang sarili habang naghihintay ng pag-usad ng mga sasakyan. Muli, sumagi sa kanyang alaala ng itakas niya ang anak ng amo niya sa Dubai. Wala ng mas nakakatakot pa sa pangyayaring iyon. Natatandaan niya na itinago niya iyon sa isang cabinet sa isang hotel room at napadpad naman siya sa kwarto ng isang prinsipe. Awang-awa siya sa kanyang amo nang masaksihan niya kung paano ito ginilitan ng leeg sa mismong harapan nila ng anak nito. Kaya naglakas-loob siyang tumakas. Naisuko niya ang bata sa lolo nito kaya nakahinga siya ng maluwag habang siya namay punung-puno ng takot dahil sa mga gustong pumatay din sa kanya. She shook her head para maalis ang malagim na alaalang iyon ngunit ang pumalit ay ang mainit na tagpo ng kanyang pakikipagtalik sa prinsipeng iyon na hindi na niya maalala ang hitsura. Doon nabuo si Disney. Hindi na niya ipinaalam sa anak ang tungkol sa ama nito dahil baka mas matinding takot pa ang mangyari kapag ginawa niya iyon. Nagawa lang naman niya ang bagay na iyon para makaligtas sa panganib. Nagulat na lang siya nang bumusina ng malakas ang kotseng nasa likuran niya na tila ba galit na dahil sa haba at ingay ng busina, kaya nawala sa isip niya ang masamang alaala na iyon at bumalik sa reality ng mahabang traffic. “Okay, okay, heto na aandar na nga. Apurado lang?” inis na tugon niya. Doon niya nasiguradong hindi nga kahina-hinala ang kotseng iyon, nakakairita lang na akala mo kung sinong hari ng kalsada. Nilampasan lang siya nito na humaharurot. “Asshole!!!” sigaw niya. NAKARATING siya sa coffee shop ng isang kaibigan na si Cleo. Nakangiti siyang sinalubong nito. “Hey girl you’re late?” tanong nito. “Ah, oo naipit ako ng traffic,” sagot niya. “Nakakapagtaka naman kasi pwede kang lumusot di ba. Bakit, minumulto ka ba ng malagim na masacre o ng Arabian Prince mo?” “Hayyy Cleo pwede ba, huwag mo nang ipaalala.” Tila ba naging natural na sa kanilang magkaibigan na pag-usapan at gawing biro ang kanyang nakaraan. Pakiramdam niya nakaktulong iyon para matanggap niyang muli ang sarili, at ituring na ang lahat ng nangyari sa kanya ay isang malaking joke. “Oh, wow mukhang mabilis ang production mo ngayon ah. Ano tinutulungan ka pa ba nung bagets ha?” mapanuksong tanong ni Cleo. “Hey, shut up. May makarinig sayo d’yan.” Nang bigla silang makarinig ng ingay ng paghila ng bangko ng dalawang customer na dumating. Pareho silang napatingin, si Cleo tila ba nauupos na kandila sa pagtitig sa lalaking kakaupo pa lang. Mukha siyang galing sa Royal family, bagay na bagay ang suit at tie sa hitsura nito. Medyo manipis na pagkakaahit ng bigote at balbas. Halos pumasa ang braso niya sa pagkakapisil ni Cleo. “Cleo aray ko, ano ka ba, umayos ka nga,” bulong niya. “Girlll ang hot niya grabe,” namimilipit na tugon ni Cleo. Kumunot ang noo niya, “Umandar na naman ‘yang pagka manyak mo,” bulong niya. “Ay grabe sa word na pagkamanyak ha!” Hindi napigilan ni Cleo ang mapalakas ang boses kaya napatingin sa kanila ang dalawang customer. “Oy ang boses mo,” saway naman niya. “Ay sorry, ikaw kasi e.” Malamig na titig ang ipinukol sa kanila ng gwapong lalaki at saka ito nagsalita, “Can I have americano please.” “Oh sure! Right away Sir.” Nagmamadaling kumilos si Cleo, at siya naman ay naiwan kaya pinili na lang niyang umupo at maghintay ng bayad ni Cleo sa inorder nitong paper cup.BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.“Loraine! No!”“Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!”Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa.“Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo.Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig.“Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb.“Loraine no! No!” Hindi n
HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito. “Ay antipatiko,” bulong niya.“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.“I heard you.”Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumu
NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito. “O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.Naintindihan naman niya iyon dahil minsan si
WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.”Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda an
BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon.“Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information.Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya.“Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson.“Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson.“This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap