Share

Chapter 4

Author: Mandrakes
last update Last Updated: 2025-08-27 12:20:52

HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.

“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.

“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito.

“Ay antipatiko,” bulong niya.

“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.

“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”

“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”

“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.

“I heard you.”

Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumunta na lang sa counter.

“O! Girl, nandiyan ka pa pala,” pangisi-ngising puna ni Cleo nang lumabas ito mula sa kitchen tangan ang dalawang tasang kape sa isang elegant na tray.

“Ay, oo girl kasi hinihintay ko yung bayad mo…” pang-uuyam naman niya.

“Aha! Pasensiya ka na girl, wait lang ha.”

Nainis siya sa kaibigan sa pagpapa-cute nito sa pagsasalita. Inasikaso muna ang customer na gwapo.

NAGNGINGITNGIT sa inis ang kalooban ni Ibrahim nang makausap ang babaeng kinababaliwan ni Khaleb. Sobra ang confidence which makes her attractive anyway, pero galit pa rin siya rito. Akala siguro nito sobrang ganda niya para komprontahin siya ng ganon kabulgar. Sigurado siyang pera lang ang habol nito kay Khaleb. Pakiramdam tuloy niya napahiya siya sa harapan ni Jayson. Konti pang ebidensiya at talagang idedemanda niya ‘to ng corruption of minor, teka hindi na nga pala minor si Khaleb pero kahit na, gagawa siya ng paraan para mailayo ito sa pamangkin.

Ito ba ang babaeng bibihag sa puso ng isang Kalif Royalty. “Huh!” impit na palatak niya. Lalong umahon ang inis niya habang nagpa-flash sa isip niya ang naganap kanina na nasaksihan ng kanyang mga mata. Ang matamis na paalaman na akala mo’y totoong nag-iibigan. Nadidiri siya habang iniisip ang naganap. Ini-imagine niya tuloy na what if ito nga ang maging asawa ni Khaleb at tatawagin din siyang Uncle Ib.

“Mustaqdhar (disgusting).” Hindi sinasadyang nasabi niya.

“ANO ‘yon!” Napalakas ang boses ni Loraine, alam niya kasi ang ibig sabihin non. “Sinong disgusting?”

Halatang nagulat ang lalaking iyon dahil alam niya ang ibig sabihin ng inusal nito.

“Will you please mind your own business? I’m not talking to you.”

Nakanganga lang siya habang nakikinig sa hanash nito. “Huh! Wow. Okay. I’m done. Cleo pwede bang bayaran mo na ako para makaalis na. Ayokong sirain ang araw ko dahil lang sa mga walang kwentang tao,” parinig niya.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Cleo sa kanyang customer at kay Loraine.

“Ahahaha, oo sandali lang girl kukunin ko lang sa cashier yung pera.” Nagmamadaling tumakbo si Cleo. “O heto, uy girl balik ka mamaya ha inom tayo,” sabay kindat. “Ito o, Cote Kalif red wine, bago ‘to saka mamahalin.”

“Masarap ba ‘yan?” curious na tanong niya. Gusto niya rin kasi ang red wine, white wine, and champaigne.

“Oo naman, natikman ko na ‘to e.”

Nag-uusap sila na parang walang ibang tao.

“Sige, count me in, dahil parang kailangan kong mag-inom mamaya.”

Nag-apir ang partners in crime.

“Great I will wait for you.”

Umalis na rin siya para matapos na ang kanyang mga delivery.

“HOW can a mother will leave the house for a drink. Tsss! Sinasabi ko na nga ba,” bulong ni Ibrahim.

“Boss, may sinasabi po ba kayo,” pukaw ni Jayson.

“Ah, no, nothing. Finish your coffee and call Khaleb right away,” ma-awtoridad na utos niya.

“Yes Boss.”

“Pauwiin mo siya, ngayon din at kapag tumanggi siya sabihin mong ipasusundo ko siya sa mga body guards.” Iyon lang sinabi niya, pagkatapos ay ibinagsak ang tasa ng kape saka tumayo at lumabas.

“BAKIT naman ako pinauuwi ni Uncle ha?”

“Hindi ko po alam Sir Khaleb basta umuwi ka na raw at kung hindi ka uuwi mapipilitan siyang ipasundo ka sa mga body guards.”

“For real!? Ganon siya kadesididong pauwiin ako. Huh! Anong problema ng matandang binata na ‘yon,” naiinis na tugon niya.”

“Napag-utusan lang po ako Sir.”

“Okay Jayson, pakisabi kay Uncle na hihintayin ko lang si Loraine dahil walang kasama si Disney dito sa bahay.”

“AKO na lang ang bahala kay Disney,” sabat ni Bea. Habang ang kanyang mga mata ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Khaleb. Alam niyang malamig na pagtingin lang ang itutugon nito. Matagal na niyang gusto si Khaleb, halos magkasing-edad lang naman sila pero alam niyang malaki ang paghanga nito kay Loraine.

Si Bea ay isa sa mga batang nakatira sa bahay ampunan. Tumutulong siya kay Loraine sa paggawa ng paper cups. Doon na rin niya nakilala si Khaleb at isa rin siya sa tumulong ng maaksidente ito, hindi nga lang nito nalalaman dahil kasalukuyang wala itong malay nang nagbantay siya sa hospital.

Simula noon nagustuhan na niya si Khaleb ng palihim. Mga palihim niyang pagtitig na pilit itinatago at pinipigilan. Alam niyang walang kayang iganti si Khaleb. Isa lamang siyang palamuti kung ituturing na hindi binibigyan ng kahit konting pagtingin. Tanggap niya kung saan siya lalagay pero may mga oras na ang hirap pigilan ng damdamin. Kaya naman kahit ayaw niyang makipag-usap kay Khaleb ay napipilitan siya basta marinig lang ang tinig nito ay musika na para sa kanyang damdamin.

“No, okay lang. Hihintayin ko na si Loraine,” sagot ni Khaleb.

Loraine, Loraine talaga, ganon niya talaga kagusto si ate Loraine. Kailan mo kaya ako tatawagin sa pangalan ko? Taning niya sa isip.

Tumango lang siya at bumalik na sa paggawa ng paper cups.

“BOSS hihintayin daw po muna niya ang pag-uwi ni Loraine.”

Kumunot ang noo ni Ibrahim sa narinig. Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa wide glass wall ng kanyang office. Pinipilit niyang i-relax ang sarili kasabay nang pag-inom ng alak.

“Ipasundo mo siya sa mga tauhan, ngayon din.” Ayaw niyang ganito ang gawin pero napupuno na siya. He cannot tolerate Khaleb, kailangan niya itong ingatan, ano man ang mangyari hindi pwedeng madungisan ang reputasyon nito bilang susunod na hari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 5

    BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.“Loraine! No!”“Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!”Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa.“Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo.Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig.“Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb.“Loraine no! No!” Hindi n

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 4

    HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito. “Ay antipatiko,” bulong niya.“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.“I heard you.”Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumu

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 3

    NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito. “O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.Naintindihan naman niya iyon dahil minsan si

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 2

    WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.”Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda an

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 1

    BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon.“Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information.Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya.“Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson.“Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson.“This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status