WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.
Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.” Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda ang buong katawan. “Hello, are you okay?” tanong nito na tila ba may mala-anghel na boses. Medyo malabo pa ang kanyang mata dahil sa groggy pa siya sa gamot. “Hello there angel.” Napangiti siya sa alaalang iyon. Nakuha niyang lumandi kahit ang mga buto ay bali-bali. Buong magdamag siyang binantayan ng babaeng iyon habang hindi pa dumadating si Uncle Ib na nasa business trip ng mga panahon na iyon. Ang tanda niya, umaga na nakauwi ang babaeng iyon. “Good morning, how are you feeling right now?” Ini-english siya nito kasi nga foreigner siya, ang hindi nito alam e sa Pilipinas na siya lumaki. “Okay lang ako,” nakangiting sagot niya. “Oh! Nagtatagalog? Marunong ka palang magtagalog?” Halos matunaw ang puso niya noon nang ngumiti pa ito. Para talaga siyang anghel. Muntik na nga siyang ma-in love e. “Yes po, nasa langit na po ba ako?” “Hindi ‘no, buhay ka pa, nandito ka sa hospital. Yung Uncle mo maya-maya pa raw dadating.” “Ganon ba?” Dahan-dahan namang tumango ang babae. “Tumawag na siya sa doctor na nag-aasikaso sayo. Mayaman ka siguro ‘no? Para kasing kilalang-kilala nila ang Uncle mo.” “Ah, oo si Uncle Ib. May share siya sa hospital na ‘to,” malumanay na sagot niya. “Ganon ba? Anyway, aalis na kami ha. Dadating naman na ang Uncle mo e. Saka maraming mag-aasikaso sayo. Masaya ako at nagising ka na.” “Salamat. Pwede bang bigyan mo ako ng contact number mo.” “Hmmm bakit naman?” “Gusto kong magpasalamat sayo, saka ipapakilala kita sa Uncle ko.” “Naku ‘wag na, okay lang ‘yon.” “Sige na please.” Hindi niya pinaalis ang babae hanggat hindi niya nakukuha ang contact number nito. At iyon ang dahilan ng malaking pagbabago sa buhay niya simula ng makilala niya si Loraine Gonzales, isang volunteer sa isang orphanage na ang kinabubuhay ay paggagawa ng paper coffee cup. Humahanga siya sa katatagan ng babaeng ito na sa kabila ng pagiging single mother ay nakuha pa nitong tulungan siya ng mga gabing iyon. Kaya heto at todo suporta naman siya sa negosyo nito. Ang tanging bumubuhay sa mag-ina ay ang paggawa ng mga paper coffee cups na di-ne-deliver sa mga coffee shop. Na-inspire siyang tulungan ito bilang pagtanaw na rin ng utang na loob. “HEY MY BOO,” masayang bati niya kay Loraine. My Boo ang tawag niya dito kasi favorite niya ang kantang My Boo ni Usher at Alicia Keys. “Kuya Khaleb.” Pero ang unang sumalubong sa kanya ay ang anak nitong si Disney. Ayon kay Loraine, ipinaglihi niya raw ito sa mga Disney princess kaya Disney ang ipinangalan niya. “Disney.” Niyakap niya naman ito ng mahigpit at kinarga. “Anak mabigat ka na okay, baka hindi ka na kayang kargahin ni kuya Khaleb.” “Hindi naman, malakas kaya ako. Di ba Disney.” “Uhm. Kuya may pasalubong ka ba?” “Siyempre naman, nandon sa table, kunin mo na.” Patakbo namang pumunta si Disney sa table. “Hoy Khaleb hindi mo kailangang pumunta dito palagi okay. Yung ginawa ko sayo ituring mo na lang na pagmamagandang loob.” “Okay lang naman Loraine, gusto ko naman yung ginagawa ko e.” “Ayoko lang naman na isipin mo na sinasamantala kita. Saka yung Uncle mo, baka nagagalit na siya dahil lagi ka na lang dito sa akin tumatambay.” “No worries, mabait si Uncle Ib. Sigurado ako na magugustuhan ka non kapag nagkakilala na kayo.” “Isa pa yan, hindi mo kailangang tawagin akong My Boo kasi baka kung anong isipin ng mga tao, alam mo na, baka isipin nilang boyfriend kita.” “Bakit? Pwede naman ah.” Taas baba pa ang kilay niya. “Naku ikaw talaga puro ka kalokohan.” “Pwede naman kitang maging girlfriend ah, pareho tayong single di ba.” “Khaleb, bata ka pa okay.” “Joke lang My Boo, ito talaga hindi na mabiro.” “O ayan na naman,” reklamo ni Loraine. “Okay sige hindi na. Ano ba ang gusto mong itawag ko sayo?” “Ate, call me ate, mas magandang pakinggan.” “Okay, ate Loraine.” Ngumiti na lang siya at nagpatuloy sa pagtulong sa paggawa ng mga paper cups. Pero sa totoo lang, unti-unting nahuhulog ang loob niya kay Loraine dahil sa angkin nitong katangian. Bukod sa maganda na maasikaso pa, sinong lalaki ang hindi ma-po-fall. Nalilito siya kung itutuloy ba niya ang nararamdaman o pipigilan dahil alam niyang hindi nito masusuklian ang kanyang nararamdaman. “What if ligawan kita ate Loraine?” lakas loob na pagtatanong niya. Nasamid naman si Loraine sa kapangahasan niya. “Khaleb, hindi magandang biro ha.” May kaunting kirot ang tumurok sa kanyang puso. Sa sinabi pa lang na iyon ni Loraine ay alam na niya agad ang saloobin nito. Kaya dinaan na lang niya sa biro. “Joke lang, alam mo masyado kang seryoso. Ate nga kita di ba?” “Khaleb, hindi nakakatawa ang biro mo okay. Maghanap ka na lang ng kasing edad mo na babagay sayo.” “Wow ate patola ka, patol agad sa biro? Joke lang ‘yon’ ‘no. Huwag kang assuming.” “Hay naku Khaleb ang mabuti pa tapusin mo na yang mga cups na ‘yan dahil mag-de-deliver na ako. Saka umuwi ka na dahil baka hinahanap ka na ng Uncle Ib mo.” “Malaki na ‘ko, hindi na ‘ko hahanapin non ‘no.” Habang nagsasalita siya pinagmamasdan naman niya si Loraine habang isinusuot nito ang motor gears pati helmet. Napapalunok siya dahil sa sobrang attractive nito sa bawat kilos na ginagawa. Bumabagal ang oras pero bumubilis naman ang tibok ng kanyang puso na parang sasabog, hanggang sa hindi na niya kinaya at napatakbo siya papunta sa labas at sumuka sa sobrang stress. “Shit, shit, shit” nausal niya habang humihingal.BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding trauma ang hatid sa kanya ng mga ganong hitsura ng mga lalaki. Sigurado siyang sasaktan ng mga ito si Khaleb kaya naman kumuha siya ng dos por dos para ihampas sa mga ito.“Loraine! No!”“Mga hayop kayo! Lumayas kayo dito!”Sa kasamaang palad nasalag naman ito ng isa.“Loraine, no!” Agad na hinarangan ni Khaleb si Loraine dahil alam niyang kikilos ng hindi maganda ang mga bodyguards niya. At hindi siya nagkamali, nakaamba nang sapakin ng isa niyang bodyguard kaya imbes na ito ang masaktan ay siya ang sumalo.Agad na namutla ang body guard sa pagkakasapak niya kay Khaleb na ikinabagsak nito sa sahig.“Khaleb!!!” Binalingan naman ni Loraine ang lalaking sumapak kay Khaleb.“Loraine no! No!” Hindi n
HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Pero hagip na hagip pa rin ng parameter ng kanyang paningin ang pagtitig sa kanya ng lalaki. Hindi siya komportable kaya tinanong na niya ito.“Ahm, excuse me Sir, is there a problem with my face?” Ininglish niya kasi mukhang foreigner.“Do you think that I am staring at you?” antipatikong tugon nito. “Ay antipatiko,” bulong niya.“Do you think you’re attractive or something?” pang-uuyam pa nito.“Oh,” inis na reaksiyon naman ni Loraine, halos matawa siya sa sobrang inis. “Sorry, I thought you were staring at me.”“Hindi ka ganon kaganda para titigan.”“Ay gago, nagtatagalog pala ang Herodes,” bulong niya.“I heard you.”Hindi niya mapigilan ang sarili sa inis kaya naman tumayo na siya at pumu
NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito. “O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.Naintindihan naman niya iyon dahil minsan si
WALANG oras na hindi natatahimik si Khaleb ng madilim niyang nakaraan nang paslangin ng isa sa kanyang mga kamag-anak ang kanyang mga magulang. Next in line ang kanyang ama para umupong hari ng kanilang bansa nang maganap ang malagim na pag-masacre sa mga ito. Ang tanging nakapagligtas sa kanya ay ang kanyang yaya. Masyado pa siyang bata noon kaya hindi na niya natandaan ang mukha nito. Isa pa kakasimula pa lang nito sa trabaho.Kaya palagi niyang inaaliw ang sarili sa pag-iinom sa mga sikat na bar sa Makati. Naawa man siya sa Uncle Ib niya dahil kakabantay nito sa kanya, wala naman siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili. “Khaleb my man, tara drag race tayo,” yaya ng isa niyang kabarkada. “Sure.”Hindi inaasahan na nabangga ang kotseng minamaneho niya ng gabing iyon. Wala halos gustong tumulong dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. Pasalamat siya sa napadaang concern citizen na mag-ina na siyang nag-rescue sa kanya. Nagising na lang siya noon na nasa hospital. Balot ng benda an
BUKOD sa seryosong pag-aaral ng mga report ng financial status ng Cote Kalif Wine Estate under Kalif Corp, isa sa nakapagpapabalisa kay Ibrahim ay ang scandalous na relasyon ng kanyang nakababatang pamangkin na si Khaleb sa isang babaeng single mom at matanda ng sampung taon dito. Halos magusot niya ang mga hard copy na binabasa niya dahil sa sobrang galit.Biglang dumating si Jayson na kanyang assistant. Agad siyang nagtanong sa nakalap nitong impormasyon.“Boss heto na po ang nakalap kong information.” Inilapag nito ang isang folder na may lamang kopya ng information.Loraine Gonzales, twenty nine years old, isang single mom, may anak na babae na ang pangalan ay Disney at nakatira malapit lang sa building ng kanilang kumpanya.“Ito lang ba ang information?” kunot noong tanong niya kay Jayson.“Yes Boss,” maikling sagot ni Jayson.“This is not enough! Sigurado akong may maitim siyang balak kay Khaleb. At hindi ako papayag!” Pigil pero may pwersang napasuntok siya sa lamesa. “Maghanap