“Bakit naman kasi hindi mo na lang ipagtapat sa bata na nabuntis ka ng irang Arab prince?” reklamo ni Cleo matapos lumagok ng isang basong red wine.
“Sssh… ano ka ba ang boses mo baka marinig ka ni Disney,” pigil naman niya. “E kasi naman, kawawa naman ang bagets. Kita mo nga o, ang sama ng loob.” “Kapag ginawa ko ‘yon baka malagay sa kapahamakan ang buhay namin,” sabay lagok din ng alak. “Ilipat mo na lang ng ibang school si Disney, kaysa naman binubully siya ng Chinee na ‘yon. Doon sa private school, tutal kaya mo naman di ba? Nobody knows that you are bloody rich girl. With that black card from that Arab prince you met and chukchak.” Tumawa ng malakas si Cleo. “Hay naku tumigil ka nga.” “Girl ikaw ang tumigil, eight years na ang lumipas bakit hindi mo pa ginagamit ang bkack card na yan, oh let me paraphrase, your unlimited black card? Kung ako sayo, naku nabili ko na ang lahat ng luho na gusto ko at nag-travel all over the world na rin ako.” “Hindi ko pwedeng gawin ‘yon, alam mo naman na pwede kaming ma-trace ng prince na ‘yon kapag ginamit ko ang card.” “Do you still hoping na hahanapin ka pa ng prince na ‘yon? What’s his name again? Rashid Ibrahim Kalif Al-Khalifa, wow pang-prinsipe talaga ang name ng boylet mo. Girl ang tagal na panahon nang lumipas ‘no. Kung talagang hahanapin ka niya kayang-kaya niyang gamitin ang pera at kapangyarihan niya.” “Hindi naman sa umaasa ano ka ba, alam mo naman ang nangyari sa akin doon e bago ako nakauwi dito ng buhay. Ayoko nang mangyari iyon. Hindi ko alam kung hinahanap pa rin ako ng mga goons na ‘yon para alamin kung saan ko itinago ang anak ng boss ko. At kapag na-trace ako ni prince naku sigurado ma-te-trace din ako ng mga goons na ‘yon dahil pamangkin niya yung anak ng boss ko na prinsipe din.” “Oh my God, surrounded by prince’s. Kung sa bagay may point ka. Pero maiba ako, masarap bang makaulayaw ang isang prinsipe,” mapanuksong tanong ni Cleo. “Hay Cleo ano ka ba? Matagal na ‘yon kaya limot ko na.” “Hmmm… aminin. Mahaba ba? Matigas din ba?” sabay irit ni Cleo. “Hay Cleo ano ba? Kilabutan ka nga. Nagawa ko lang ‘yon para iligtas ang sarili ko.” “Sussss…joke lang ito naman. Napakamalas mo sa prinsipe na ‘yon ‘no, ni hindi mo nakita ng malinaw ang mukha, tapos nabura pa ang information niya sa g****e kaya hayan ni walang bakas ng pagkakakilanlan ang sinuman sa inyo. Ah, meron pala, yung bracelet mong saphire. Pero di ba sa dinami-dami ng lalaki dito sa mundo, paano mo naman makikita ang prinsipe na may hawak ng bracelet mo na ‘yon. Only fate will do na lang talaga Girl. Pero masarap ba?” tukso pa ni Cleo. “Cleo,” pinandilatan niya ito ng mata. “Okay, okay. Change topic. Ano naman ang ganap sa Uncle Ib na ito ni Khaleb ha?” “Hay naku pinaalala mo pa, alam mo ba kung sino ang Uncle Ib ni Khaleb ha? Magugulat ka kapag sinabi ko sayo.” “Ayyy sound intrigue ha, sige spill it out. Nae-excite ako daliii” “Yung Herodes na nagkape sa shop mo.” “OMG! Yung hot na lalaki.” Asar na tumango si Loraine. Sabay irit naman ng malakas ni Cleo. “Akalain mo nga naman. Pwede bang invite mo siya na magkape ulit sa coffee shop ko.” “No,” walang gatol na tutol niya. “Ay maka-no.” “Dahil asshole siya, akalain mo ba namang pagkamalan akong girlfriend ni Khaleb at ito pa ha, inalok ako ng halaga layuan ko lang daw si Khaleb. Gosh! Hindi man lang kilabutan. At napagkamalan pa akong sugar mommy.” Natawa naman ng malakas si Cleo. “Girl, kung ako naman sayo, papayag na rin ako kasi gwapo naman si Khaleb mabait at close sila ni Disney ha, plus… mayaman pa.” Taas baba ang kilay ni Cleo. “Hay Cleo kilabutan ka nga.” “Joke lang ito naman.” MAGHAPON ang lumipas na hindi lumabas ng kwarto niya si Khaleb ni hindi ito kumakain. “Boss nag-ha-hunger strike po yata si Khaleb,” pagbibigay-alam ni Jayson. Kumunot naman ang noo ni Ibrahim sa ibinalita ni Jayson. “Kailan pa?” tanong niya. “Kaninang umaga pa.” “Tanungin mo si Butler Shing kung may pagkain na naka-stock sa kwarto ni Khaleb.” “Boss natanong ko na po siya kanina, wala daw po kahit tubig.” Biglang napasandal sa swivel chair si Ibrahim at nahilot ang sentido. “Ya Allah yassir (“Oh God, make it easy),” nasambit niya sa hangin. “Sige uuwi na ako, pakisabi na lang kay Butler Shing na ako na ang bahala kay Khaleb.” “Yes Boss. NADATNAN niyang naka-headphone si Khaleb sa loob ng kwarto nito. Dim ang ilaw at bukas ng bintana. Ni hindi man lang siya binabati gaya ng madalas na ginagawa nito. “As-salamu-alaykum,” bati niya kay Khaleb. “Wa-alaykum as-salam,” malamig na tugon ni Khaleb. Tinanggal nito ang headphone saka humiga sa kama. Hindi inaasahan ni Ibrahim ang ganong pagsalubong sa kanya ni Khaleb. Dati-rati lumalapit ito sa para halikan niya sa pisngi kagaya ng kulturang kanilang nakagisnan. “Khaleb, talaga bang nagiging mapagmatigas ka na ha?” “Uncle, ikaw ang mapagmatigas. Bakit kailangang ikulong mo ako dito?” galit na tugon ni Khaleb sa kanya. “Iniingatan lang kita.” “Saan? Kanino? Kay Loraine? Bakit, ganon ba kasama ang tingin mo sa kanya?” “Khaleb you are acting too much. Nawawala ka na sa sarili kapag si Loraine na ang pinag-uusapan. Gusto mo ba siya!?” “So what if I like her!” Hindi napigilan ni Khaleb ang magtaas ng boses. “Do not raise your voice over me Khaleb! Huwag mo akong subukan!” “At anong gagawin mo sa akin ha?” “Khaleb isa kang prinsipe at hindi siya nararapat para sa isang katulad mo. And don’t you realized that you became irreverent when she’s near you! Do you have to give your face for a slap from a servant!” “So what! That’s what a noble prince do, to protect his loved ones, right?” Napapikit si Ibrahim para lang pigilan ang sarili. “Alright, prepare yourself ang we’re going to eat dinner together. Hindi na ako makikipagtalo sayo.” “Hindi ako kakain, wala akong gana.” “Well, then, get starve.” Iniwan niya ito at pinabayaan. “Sheikh Rashid, kaninang umaga pa siya hindi kumakain, baka magkasakit siya,” pag-aalala naman ni Butler Shing. “Kakain din yan kapag nagutom.” Hindi siya sanay na parusahan si Khaleb ng ganito katindi. Ito ang unang pagkakataon na ikinulong niya ito sa mansion at hindi pinalabas. Mahirap para sa kanya dahil higit pa sa pamangkin ang turing niya rito. Siya na ang tumayong ama at ina para dito. Nag-aalab ang kanyang damdamin sa galit dahil sa epekto ng Loraine na iyon sa pamangkin niya.Hinila nito ang tiara na suot niya at bahagyang nahigit ang buhok ni Disney na nagpahagulgol na ito.“Mama, mama, mama ko. Akin na yan, akin po yan. Mama asan ka na po ba,” hagulgol ni Disney.“Hoy, hindi mo ako makukuha sa hagulgol mo ha. Hindi bagay sa iyo ‘to. Baka nga ninakaw mo pa ito,” paratang ng mommy ni Chinee.“Hindi po.”“Sinungaling! Ang dapat sayo pinapahuli sa guard.” Hindi pa nakuntento ang mommy ni Chinee kaya tumawag pa ito ng ilang guard. “Guard, guard, guard!” pag-e-eskandalo pa nito. Lumapit naman ang dalawang guard. “Bakit po mam?”“Heto, hulihin nyo ang batang ito. Kilala ko siya at siguradong ninakaw niya lang ang tiara na ito at ang damit na sinuot niya.”“Hindi po totoo yan,” pagtanggi ni Disney. “Mama,” patuloy na iyak ni Disney. “Sige na! Hulihin nyo ang batang ‘yan!”Hahawakan na ito ng guard nang may humarang na isang matipuno at ma-awtoridad na bulto sa harapan nito. “Uncle Ib!” hagulgol ni Disney sabay yakap sa tuhod nito. “Why are you crying? What
“What? Sinampal, hinalikan, agh! Khaleb ypu are putting yourself down on the ground. Kilala mo pa ba ang sarili mo ha?”“Uncle kaya nga kailangan kong gumanti sa kanya.”“No! You don’t need to. Just stay here. Hindi ka pwedeng lumbas ng basta-basta. University is to crowded. And what is the revenge for ha? Hay, Khaleb I’m tired of you and Jayson. Just leave me alone tonight.”Iniwan na niya si Khaleb at pumasok sa kwarto. Natawa na lang siya sa mga nangyari. Si Jayson na naduduwag kay Cleo, at si Khaleb na in denial sa nararamdaman niya para kay Bea, at siya, siya na pinipigilan ang nakatagong damdamin para kay Loraine. “We’re such a bunch of coward,” bulong niya sa hangin sabay ngisi. “Meron bang maninindigan para sa amin?” Ibinagsak niya ang sarili sa kama nang biglang mag-ring ang phone niya. Tumatawag ang kibigan niyang si Sean Dimitri na nagliliwaliw sa Paris. “Hey, Your highness,” pang-aasar nito. “Shut up Ladies man,” natatawang tugon niya. Kaibigan niya ito at kapartner sa
“Oh my gosh, oh my gosh, asan ka na ba Cleo,” nanginginig na tanong ni Loraine sa sarili habang natataranta sa paghahanap sa kaibigan.“Mama, bakit po tayo nagmamadali?”“Hindi naman anak, pero gabi na kasi, may pasok ka pa bukas remember?”“Ah opo nga pala sige po uwi na tayo.”Sa wakas nakita niya si Cleo palabas ng kusina kasunod si Jayson.“Cleo! We need to go home now.”“Ha? Bakit? May nangyari ba?”“Oo, may problema tayo.”“Ganon ba? Okay hanapin na natin si Bea. Pambihira kasing laki ng mansion na ‘to parang mall.”“Halika na, baka nasa dining area lang si Bea,” pagmamadali ni Loraine.“Ay oo na, grabe in a hurry talaga.”“Oo Besh, saka ko na ipapaliwanag.”HABANG nasa dining area, naiinip na rin si Bea sa paghihintay kina Loraine at Cleo. Panay ang sulyap niya sa relo sa sobrang inip. Hindi na niya piniling sumama sa kanila para mag-tour sa buong mansion dahil ayaw na niyang ma-encounter si Khaleb, dangan nga lang at hindi na siya makatanggi kina Loraine. Eksakto namang dumada
“Huh! Gusto mo ba ulit ng sampal? Hoy Ibrahim Kalif, kung nakakaramdam ka ng matinding libog sa katawan, mali ka ng nilapitan!”Ibrahim slightly smirk. “Masyado mo namang sineseryoso ang mga sinasabi ko Miss Gonzales, hindi naman ako ganong klase ng lalaki. I’m just trying to make fun of you. Anyway, you still owe me half a million. Mura na nga ang singil ko, at… hindi ko kasalanang agawan si Disney ng educational fund, it was your fault in the first place right?”“At kung hindi mo naman idinamay ang mga kaibigan ko pati ang negosyo ko hindi ko na sana ginawa ‘yon,” pangangatwiran ni Loraine.“You can talk to me in a right manner, kung kinausap mo lang sana ako ng maayos e de wala sana tayong problema,” pamimilosopo naman ni Ibrahim.Napupuno na si Loraine kaya siguro isa na lang ang magpapatahimik sa Herodes na ‘to. Aktong bubunot na siya sa wallet ng card nang bigla namang tumawag si Disney.“Uncle Ib.” Sabay takbo at yakap kay Ibrahim.Ibrahim feels that his heart is melting dahil
Everything is well prepare maging ang mga bedsheets, curtains, and sofa throw pillows ay pinapalitan ni Ibrahim ng cover. Gusto niyang iparanas kay Disney ang isang mala-royal experience na pagpasyal nito sa kanilang mansion. Hindi niya maintindihan kung bakit napakagaan ng loob niya sa batang iyon.Ilang sandali pa, dumating na ang kanilang bisita at talagang tuwang tuwa si Disney dahil sa warm welcome ng mga tauhan sa mansion lalo na si Jayson na kinarga pa siya.“Hello munting prinsesa,” tuwang-tuwang salubong ni Jayson.“Kuya Jayson, totoo po bang ipapakita sa akin ni Uncle ang kwarto niya?”“Oo naman.”Dama rin ni Loraine ang pag-welcome sa kanila ng lahat ng naroon sa mansion kahit naiinis siya kay Ibrahim hindi naman kailangang madamay si Disney. Hindi sila sinalubong ni Ibrahim pero naroon ito sa malawak na sala at doon ay may nakahandang mabangong aroma ng kape at ang traditional fruits na dates na kanilang pagsasaluhan bago sila mag-dinner. Sina Disney at Jayson naman ay na
Natigilan sina Loraine at Cleo sa paglilinis ng shop nang makita nila kung sino ang dumating. Si Khaleb, nakapamulsa at halatang nahihiya ito sa lahat ng nangyari.“O Khaleb ikaw pala, halika tuloy ka,” paunlak ni Cleo.Nagpatuloy lang si Loraine sa kanyang ginagawa.“Kausapin mo siya,” bulong ni Cleo kay Khaleb. Pagkasabi ay umalis na ito. “Ahm… Loraine pwede ba tayong mag-usap?”“Khaleb, ang sabi ko ate Loraine ang itawag mo sa akin.”Napatungo si Khaleb. “Okay, ate Loraine.”“Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na dahil marami akong ginagawa.”“I’m sorry Lor… ate, Loraine.”“Khaleb, kapatid lang ang turing ko sayo. Wala nang hihigit pa doon, kaya please, huwag kang mag-expect na susuklian ko ang pagmamahal na sinasabi mo. You caused me so much trouble with your uncle.”“I know, kaya nga ako nandito e, gusto kong bumawi sa inyo.”“Huwag na Khaleb, sapat na ang paghingi mo ng sorry.”“Ibig sabihin ba pinapatawad mo na ako?”“Oo pero hindi na siguro tayo magiging katulad ng dat