WALANG manners, no etiquette, wala man lang itinatagong kahinhinan sa katawan. Sa tagal ni Ibrahim na naninirahan sa Pilipinas alam niyang kilala ang mga Filipina sa pagiging malambing at mahinhin, bukod sa pagiging maasikaso. Pero heto at kaharap niya ang isang babaeng basta na lang nambabato, at wala man lang galang na basta na lang siya tinalikuran kasabay ang pagsagot sa phone.
“Huh!” Napabuga siya sa hangin habang hinihintay itong matapos sa pakikipag-usap sa phone. Bigla siyang nagulat nang humarap ito matapos ang pagsagot sa phone. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kasabay ng pagkagulat ay ang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Lalo na nang lumapit itong unti-unti. He automatically step back and felt shaky. “I’m leaving.” Walang gatol na pamamaalam nito. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Tinapangan niya ang sagot dahil ang totoo, nanlalambot ang kanuang tuhod hindi dahil sa takot kundi dahil sa hindi niya rin maipaliwanag na dahilan. “Wala na tayong dapat pag-usapan, wala akong dapat ipaliwanag sayo.” Kahit matalim itong magsalita, hindi pa rin maintindihan ni Ibrahim kung bakit nanlalambot ang kanyang mga kalamnan at tuhod. Nagkukunwari na lang siyang matapang. “Don’t ever turn yourback on me Miss Gonzales. We have business to talk about. Name your price.” Sa palagay niya, nagpanting na naman ang tenga ni Miss Gonzales dahil agad na naman itong lumapit sa kanya. And again he step back twice at halos mapaupo siya sa desk. Paano ba naman hindi siya mapapaurong e kakaiba ang hatid ng init ng hininga nito sa kanya buong sistema. Parang may monster na gustong mabuhay sa loob ng kanyang katawan at gustong sakmalin si Loraine. “Uunahin ko pa ba ang nakakabaliw na paratang mo kaysa sa anak ko ha. Ipahatid mo ako sa driver mo dahil kung hindi talagang magkakagulo tayo.” Napalunok siya dahil sa hatid nitong epekto. Imbes na mainis siya sa banta nito e para siyang maamong tupang napasunod nito. He dial his phone to call his assistant and ask him to drive Loraine. “Hello Jayson, can you please drive Miss Gonzales home.” Nag-uutos siya kay Jayson pero nakatingin pa rin siya kay Loraine. Nang maibaba niya ang phone, agad na tumalikod si Loraine nang hindi sinasadyang humampas ang ilang hibla ng buhok nito sa kanyang mukha. Ang bango ng buhok nito, halatang kakaligo lang nito. Napabuga siya ng hangin at halos kapusin ng hininga. Naluwagan niya ang tie na suot at napatuon sa desk. “Damn! What happened to you Ibrahim. You’re a prince! Bakit parang tumitiklop ka sa isang katulad niya.” Nahagilap niya tuloy ang bite ng alak at saka uminom. Saka bahagyang natawa sa sarili. “What a lame I am.” Naiiling siya habang umiinom. “Huh! Ako susuko sa isang katulad niyang walang manners, no etiquette, no elegance, pagkatapos may anak na nadala sa guidance office, huh! Anong klaseng babae siya. The hell out of me. Kaya kailangang mailayo ko sa kanya si Khaleb.” Sabay lago ng alak. “Boss, a-ako po ba ang kinakausap nyo?” biglang sabat ni Jayson, na kanya namang ikinagulat. “What the…! Tinakot mo ako,” reklamo niya. “Sorry Boss, akala ko kasi ako ang kinakausap mo.” Napahiya siya kay Jayson dahil nagsasalita siyang mag-isa na parang baliw. “Ah, no Jayson it’s not you. I’m not talking to you. Teka, akala ko ba inihatid mo si Miss Gonzales?” “Ah Boss, matapang e, kaya ipinahatid ko na lang sa iba.” Napapikit siya sa narinig. Pati ba naman si Jayson ay nasindak ng babaeng iyon. “Jayson, you need to watch that woman, may kutob akong may masama siyang balak kay Khaleb. Kailangang maprotektahan natin siya sa babaeng iyon.” “Yes Boss.” NAGMAMADALING tinakbo ni Loraine ang guidance office, sigurado siyang nakapanakit na naman si Disney dahil sa iisang dahilan; hinahanapan ito ng ama ng kanyang mga kaklase. Hindi nga siya nagkamali, sinabunutan nito ang isang kaklase. Halata naman dahil gulu-gulo ang buhok nito. Agad niyang nilapitan ang anak. “Anak anong nangyari?” “Siya po ang nauna Mama,” nakasimangot na sumbong ni Disney. “Miss Gonzales, hindi naman mtama na saktan ng anak mo ang anak ko. Palibhasa kasi lumaking walang ama kaya walang modo,” panlalait ng ina ng kaklase ni Disney. “Ah pasensiya na po,” paghingi niya ng paumanhin kaysa mangatwiran mas pinili niyang magpaumanhin. “Ay naku, hindi na pwede yan, palagi na lang nananakit ‘yang anak mo! Dapat d’yan binibigyan ng leksiyon. Dapat i-suspend ang anak mo.” Pairap-irap pa ito. “Kasalanan naman po ni Chinee e, lagi na lang niya akong sinasabihan ng walang papa,” reklamo naman ni Disney. “E totoo naman ah, wala ka naman talagang papa. Ikaw lang ang walang papa dito kaya kawawa ka naman,” panlalait ni Chinee. Kaya naman pasugod na naman si Disnet para saktan ito. Agad namang nakaawat si Loraine. “Tama na po,” saway ng guidance counsilor. “Nandito tayo para ayusin ang problema hindi para palalain. Chinee, hindi magandang ugali ang manlait ng iba. At ikaw naman Disney, huwag ka na sanag basta mananakit. Kapag may nagsasabi sayo ng hindi maganda, isumbong mo na lang sa teacher mo okay.” Walang magawa si Loraine kundi ang maghinagpis. Hundi niya masabi sa anak ang tungjol sa papa nito dahil sa komplikadong dahilan. Naglalakad silang mag-ina na hundi nag-uusap. Alam niyang malaki na naman ang tampo nito sa kanya. “Disney, anak, gusto mo bang mag-ice cream tayo?” Imbes na sumagot, dire-diretso lang ito sa paglalakad. “Anak, huwag ka nang magtampo.” “Mama,bakit hindi mo po sinasabi sa kanila na may papa ako. Bakit lagi mo na lang hinahayaan na ipahiya ako ni Chinee?” hinanakit ni Disney. ‘Kasi anak hindi basta-bastang tao ang papa mo’ sigaw ng kanyang isip. “Anak kasi, ah… mahirap ipaliwanag.” “Lagi ka namang nahihirapang magpaliwanag e. Di ba matanda ka na? Bakit nahihirapan ka aong magpaliwanag?” “Anak I’m sorry?” Sa sobrang awa, niyakap na lang niya ang anak gaya ng lagi niyang ginagawa, pero this time malamig na kumalas sa kanya ang anak. Mukhang malala na ang skait na nararamdaman nito. Pag-uwi nila sa bahay ay diretso ito sa kwarto. Nahihirapan din ang kanyang kalooban. Kaya niyaya niya si Cleo na mag-inom sila sa kanilang bahay. Hinintay niya munang makatulog si Disney.Hinila nito ang tiara na suot niya at bahagyang nahigit ang buhok ni Disney na nagpahagulgol na ito.“Mama, mama, mama ko. Akin na yan, akin po yan. Mama asan ka na po ba,” hagulgol ni Disney.“Hoy, hindi mo ako makukuha sa hagulgol mo ha. Hindi bagay sa iyo ‘to. Baka nga ninakaw mo pa ito,” paratang ng mommy ni Chinee.“Hindi po.”“Sinungaling! Ang dapat sayo pinapahuli sa guard.” Hindi pa nakuntento ang mommy ni Chinee kaya tumawag pa ito ng ilang guard. “Guard, guard, guard!” pag-e-eskandalo pa nito. Lumapit naman ang dalawang guard. “Bakit po mam?”“Heto, hulihin nyo ang batang ito. Kilala ko siya at siguradong ninakaw niya lang ang tiara na ito at ang damit na sinuot niya.”“Hindi po totoo yan,” pagtanggi ni Disney. “Mama,” patuloy na iyak ni Disney. “Sige na! Hulihin nyo ang batang ‘yan!”Hahawakan na ito ng guard nang may humarang na isang matipuno at ma-awtoridad na bulto sa harapan nito. “Uncle Ib!” hagulgol ni Disney sabay yakap sa tuhod nito. “Why are you crying? What
“What? Sinampal, hinalikan, agh! Khaleb ypu are putting yourself down on the ground. Kilala mo pa ba ang sarili mo ha?”“Uncle kaya nga kailangan kong gumanti sa kanya.”“No! You don’t need to. Just stay here. Hindi ka pwedeng lumbas ng basta-basta. University is to crowded. And what is the revenge for ha? Hay, Khaleb I’m tired of you and Jayson. Just leave me alone tonight.”Iniwan na niya si Khaleb at pumasok sa kwarto. Natawa na lang siya sa mga nangyari. Si Jayson na naduduwag kay Cleo, at si Khaleb na in denial sa nararamdaman niya para kay Bea, at siya, siya na pinipigilan ang nakatagong damdamin para kay Loraine. “We’re such a bunch of coward,” bulong niya sa hangin sabay ngisi. “Meron bang maninindigan para sa amin?” Ibinagsak niya ang sarili sa kama nang biglang mag-ring ang phone niya. Tumatawag ang kibigan niyang si Sean Dimitri na nagliliwaliw sa Paris. “Hey, Your highness,” pang-aasar nito. “Shut up Ladies man,” natatawang tugon niya. Kaibigan niya ito at kapartner sa
“Oh my gosh, oh my gosh, asan ka na ba Cleo,” nanginginig na tanong ni Loraine sa sarili habang natataranta sa paghahanap sa kaibigan.“Mama, bakit po tayo nagmamadali?”“Hindi naman anak, pero gabi na kasi, may pasok ka pa bukas remember?”“Ah opo nga pala sige po uwi na tayo.”Sa wakas nakita niya si Cleo palabas ng kusina kasunod si Jayson.“Cleo! We need to go home now.”“Ha? Bakit? May nangyari ba?”“Oo, may problema tayo.”“Ganon ba? Okay hanapin na natin si Bea. Pambihira kasing laki ng mansion na ‘to parang mall.”“Halika na, baka nasa dining area lang si Bea,” pagmamadali ni Loraine.“Ay oo na, grabe in a hurry talaga.”“Oo Besh, saka ko na ipapaliwanag.”HABANG nasa dining area, naiinip na rin si Bea sa paghihintay kina Loraine at Cleo. Panay ang sulyap niya sa relo sa sobrang inip. Hindi na niya piniling sumama sa kanila para mag-tour sa buong mansion dahil ayaw na niyang ma-encounter si Khaleb, dangan nga lang at hindi na siya makatanggi kina Loraine. Eksakto namang dumada
“Huh! Gusto mo ba ulit ng sampal? Hoy Ibrahim Kalif, kung nakakaramdam ka ng matinding libog sa katawan, mali ka ng nilapitan!”Ibrahim slightly smirk. “Masyado mo namang sineseryoso ang mga sinasabi ko Miss Gonzales, hindi naman ako ganong klase ng lalaki. I’m just trying to make fun of you. Anyway, you still owe me half a million. Mura na nga ang singil ko, at… hindi ko kasalanang agawan si Disney ng educational fund, it was your fault in the first place right?”“At kung hindi mo naman idinamay ang mga kaibigan ko pati ang negosyo ko hindi ko na sana ginawa ‘yon,” pangangatwiran ni Loraine.“You can talk to me in a right manner, kung kinausap mo lang sana ako ng maayos e de wala sana tayong problema,” pamimilosopo naman ni Ibrahim.Napupuno na si Loraine kaya siguro isa na lang ang magpapatahimik sa Herodes na ‘to. Aktong bubunot na siya sa wallet ng card nang bigla namang tumawag si Disney.“Uncle Ib.” Sabay takbo at yakap kay Ibrahim.Ibrahim feels that his heart is melting dahil
Everything is well prepare maging ang mga bedsheets, curtains, and sofa throw pillows ay pinapalitan ni Ibrahim ng cover. Gusto niyang iparanas kay Disney ang isang mala-royal experience na pagpasyal nito sa kanilang mansion. Hindi niya maintindihan kung bakit napakagaan ng loob niya sa batang iyon.Ilang sandali pa, dumating na ang kanilang bisita at talagang tuwang tuwa si Disney dahil sa warm welcome ng mga tauhan sa mansion lalo na si Jayson na kinarga pa siya.“Hello munting prinsesa,” tuwang-tuwang salubong ni Jayson.“Kuya Jayson, totoo po bang ipapakita sa akin ni Uncle ang kwarto niya?”“Oo naman.”Dama rin ni Loraine ang pag-welcome sa kanila ng lahat ng naroon sa mansion kahit naiinis siya kay Ibrahim hindi naman kailangang madamay si Disney. Hindi sila sinalubong ni Ibrahim pero naroon ito sa malawak na sala at doon ay may nakahandang mabangong aroma ng kape at ang traditional fruits na dates na kanilang pagsasaluhan bago sila mag-dinner. Sina Disney at Jayson naman ay na
Natigilan sina Loraine at Cleo sa paglilinis ng shop nang makita nila kung sino ang dumating. Si Khaleb, nakapamulsa at halatang nahihiya ito sa lahat ng nangyari.“O Khaleb ikaw pala, halika tuloy ka,” paunlak ni Cleo.Nagpatuloy lang si Loraine sa kanyang ginagawa.“Kausapin mo siya,” bulong ni Cleo kay Khaleb. Pagkasabi ay umalis na ito. “Ahm… Loraine pwede ba tayong mag-usap?”“Khaleb, ang sabi ko ate Loraine ang itawag mo sa akin.”Napatungo si Khaleb. “Okay, ate Loraine.”“Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na dahil marami akong ginagawa.”“I’m sorry Lor… ate, Loraine.”“Khaleb, kapatid lang ang turing ko sayo. Wala nang hihigit pa doon, kaya please, huwag kang mag-expect na susuklian ko ang pagmamahal na sinasabi mo. You caused me so much trouble with your uncle.”“I know, kaya nga ako nandito e, gusto kong bumawi sa inyo.”“Huwag na Khaleb, sapat na ang paghingi mo ng sorry.”“Ibig sabihin ba pinapatawad mo na ako?”“Oo pero hindi na siguro tayo magiging katulad ng dat