Ano'ng pinagsasabi nito? Pasimple ko siyang tinulak, dahil naaalibadbaran ako sa pagkakadikit niya sa akin. Nilapitan ko si Mommy, upang tanungin kung bakit niya ako pinababa. Gusto ko na talagang matulog. "Dumating ang fiance mo, kaya pinatawag kita."I wanted to roll my eyes, kaso may iba kaming mga kasama. Ilang minuto lang akong naupo at nagpaalam na ulit ako para umakyat na at matulog. Bahala na si Bjorn sa buhay niya. Late ako ng gising kinaumagahan. Katatapos lang pumirma ng contract ng mga Xiu. Naglalaro sila ng golf, kasama si Bjorn. Nandito pa din siya. "Bakit siya nandito, Mommy?" Nagtataka talaga ako kung bakit sumunod siya dito."Syempre mapapangasawa mo siya, kaya dapat lang na nandito siya.""Hindi ka ba kinikilig man lang dahil sinundan ka niya?" nanunuksong tanong ni Mommy na kinangiwi ko. a"What? Yuck, Mom."Umiling si Mommy. "Bjorn's a good looking guy. He's nice too. Hindi ko alam kung bakit naiinis ka sa kaniya.""Because he's annoying.""You're annoying too,
I've always wanted the grandest wedding, but I'm not even excited about it. Kanina pa ako tumitingin sa p*******t ng ilang mga wedding ideas, pero nawawalan ako ng interes. I found myself stalking Lance and his gf on his social media account. Nag-Tagaytay sila kahapon. May caption pa ang babae sa kaniyang post na, pangarap kong pumunta dito and some cheesy stuffs. Ewww! Ngumiwi ako. Cheap date. Urgh! I feel bored. I feel... I feel frustrated that I don't even know what I wanted. Mabilis akong mawalan ng interes sa mga bagay. Si Lance lang naman ang nagustuhan ko na inabot ng ilang taon. But I didn't even got the chance to kiss him. Dapat pala hindi ako naglasing noon. Dapat matino ako at dapat pinasok ko na lang siya noon sa banyo, habang naliligo o kaya habang natutulog sa kaniyang kuwarto.You're so cheap, Reigna. Forget about Lance. If ever you and Bjorn will separate ways, find someone, find a guy that is way way better than that Lance. Bumaba ako dahil naubos na pala ang bottl
Maaga akong umalis ng bahay, because I don't want to see everyone, after what happened last night.Nagpunta ako sa condo naming magkakaibigan. It's still early kaya nag-pilates na muna ako. After that I went back to sleep, while waiting for the girls to come. Walang pagkain dito kaya nagbilin na ako sa kanila na mag-take out ng pagkain. I was still upset. I hate to admit it, but I was lonely. Tanghali na nang dumating ang dalawa. Ang dami nilang dalang pagkain at may alak pang kasama. "So, what happened?" tanong nila. Ayaw kong magkuwento kahit na sobrang kulit ng dalawa. Baka kasi kantyawan lang nila ako. Baka masabihan pa akong loser. Walang loser sa amin, kahit pa hindi napunta sa amin ang mga lalakeng aming nagugustuhan. "Ano'ng in demand na business ngayon?" pag-iiba ko sa usapan. Malungkot na nga, ba't pa pag-uusapan ang dahilan kung bakit ako malungkot ngayon. "Well, hindi naman nalalaos ang fashion ngayon." They name some businesses and I take it down on my notes. "Akala
"So, ito na nga. Nagtanong ako kay Kuya, kaso hindi niya daw alam ang name ng girl. So we called one of his friends. Ang pangalan ng babae ay Lia daw," sabi ni Raffa. "What's her apelyido?""Iyon lang ang sinabi, e, kasi iyon lang ang alam.""So, how are we supposed to stalk her on her social media accounts if we don't have a name." Nag-imbestiga pa kung hindi naman kompleto ang nasagap niyang info. "Eh, hindi din daw niya alam ang social media ng babae. Basta, what we know is that nasa US siya."US. Napataas ako ng kilay at napaisip. Sa US nagpunta si Bjorn. Kahapon siya ng hapon umalis. Si Mommy lang ang nagsabi sa akin, dahil nagpaalam daw ito sa kaniya.Wala ako sa bahay kahapon, dahil sinadya kong umalis ulit. Naka-blocked pa din siya sa akin hanggang ngayon. Wala naman kaming dapat pag-usapan, kaya there's no need to unblocked him.We tried searching that Lia girl, but there are thousands of them in the internet. Wala din naman kaming idea sa kaniyang itsura kaya useless din.
Sa bahay nina Bjorn kami nag-dinner kasama ang aming mga family. Wala namang okasyon, gusto lang ni Tita na magsalo-salo kami. I'm wearing my Valentino dress at suot ko ang stilleto na pasalubong ni Bjorn sa akin. Ayaw ko sana dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Pero naisip ko na isuot na lang, para makita niya at baka maisipan pa niya ulit akong bilhan ng madami sa susunod. Napatingin siya sa paa ko nang dumating sila ni Kuya. Nahuli sila ng dating, dahil parehas silang may mga meeting kasama ang client. Ngumiti siya nang makita niya ang suot ko, hanggang sa umakyat ang mga mata sa aking mukha ay nakangiti pa din siya, pero hindi ko siya nginitian. It will be weird if I'd smile back at him. Pasimple niyang iniling ang kaniyang ulo, nang hindi niya mahintay ang pagngiti ko. "I like your sandals, hija..." sabi ni Tita. Napangiti naman ako. Ginalaw ko ang aking paa, na mas lalo pang gumanda dahil sa suot kong stilleto. "Nag-shopping ka na naman?" may diin na tanong ni Mommy. Na
Bukas ng gabi na ang aming engagement party ni Bjorn. And today naman namin imi-meet ang ilang mga supplier para sa gaganaping kasal.Hindi ko alam na may lakad kami, sinundo na lang ako ni Tita sa bahay kanina. Kami lang ang lumakad, dahil busy din si Mommy sa kaniyang business. Inabot din ng tatlong oras ang meeting, dahil nakailang palit kami ng details. Sabi ko hindi ako gaanong interesado sa ilang mga details, pero hindi ko mapigilang mamili at mag-request. "Tama na muna 'to for today at baka pagod ka na," sabi ni Tita. "Pero bago tayo umuwi, daanan na muna natin si Bjorn sa kaniyang opisina." Hindi na ako nakapalag pa, dahil nahihiya akong humindi kay Tita. Baka mamaya isipin ni Bjorn na gusto ko siyang makita, kahit hindi naman. Wala ang kaniyang sekretarya sa desk nito, at nadatnan namin ito na nakayukod sa gilid ni Bjorn. She's wearing a mini skirt at ang blouse na suot ay ilang butones ang nakakalas. What a sight! Sumama ang timpla ng mukha ni Tita. Tumikhim din ito upan
Urgh! I can't sleep. Sayang ang patong-patong na skin care ko sa aking balat, kung mapupuyat lang naman ako. Bukas na ang engagement party namin ni Bjorn. It's just an engagement party and it's nothing special, pero ito na lang ang nasa isip ko mula pa kanina. Nakailang baliktad na ako ng aking pillow. Nilakasan ko pa ng husto ang aking aircon, para mas maging komportable ang aking pakiramdam. Tanghali na ako gumising kinaumagahan. And my day was ruined when I saw my pimple on my forehead. What the hell?! Hindi ako nagkaka-pimples at sa dinami-dami ng araw na may tutubo ngayong araw na 'to pa. I took a bath and applied some cream on it before going down to eat my brunch. Kakainin ko iyong yogurt at chia na pinagawa ko kagabi sa maid. "Morning, Mommy..." Nasa kusina si Mommy, mag-isang kumakain. Hindi gaya ng ibang araw, hindi siya gaanong nakaayos ngayon. Para bang napuyat siya. "Morning, hija." "You okay, Mommy?" "Yes." Humigop siya ng kape at bumuntong hininga. Ako naman ay k
May sariling lakad ang mga kaibigan ko. Kaya wala akong choice kung hindi sumabay kay Bjorn na nakabuntot sa akin sa labas ng hotel. Lahat ng pinapara kong taxi ay hinaharangan niya. Gusto ko na lang umuwi dahil kung mag-inom ako, baka makagawa na naman ako ng bagay na ikakagalit nina Mommy. Masama ko siyang tiningnan nang umalis na naman ang taxi na dapat sasakyan ko. "Stop it!" singhal ko. "Hindi ko alam kung ano na naman ang problema, pero ihatid na kita."Pinara ko ang parating na taxi kaso may pasahero palang sakay. Gusto ko na talagang umuwi. "Ihatid na kita. Tara na." Hinawakan niya ang aking wrist. Nagpumiglas ako ng kaunti, pero sasama naman ako, hindi niya ako kailangang hilain pa. Magkatabi kami sa likod, dahil kasama niya ang kaniyang bodyguard at driver. Nakahalukipkip ako at nakaharap sa may bintana, samantalang nakatutok naman ang kaniyang atensyon sa kaniyang celphone. Ka-text siguro niya ang baby niya. Napairap ako. "Ano ba kasi ang problema mo? Hindi ako mangh