MasukCAELUS’ POV Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng silid. Parang biglang nawalan ng hangin ang buong mundo ko matapos kong marinig ang sinabi ng doktor. 'Three weeks pregnant.' Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isip ko habang naglalakad ako sa mahabang hallway ng hospital. Pakiramdam ko’y may kung anong mabigat na kamay ang dahan-dahang dumudurog sa dibdib ko. Lena is pregnant. At ang ama ng batang iyon ay si Cullen. Mahigpit akong napahawak sa railing sa dulo ng hallway habang mariing napapikit. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na magkakaroon na siya ng anak sa iba. At higit sa lahat, sa kapatid ko pa. Pakiramdam ko’y unti-unting pinipiga ang puso ko hanggang sa wala nang matira. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko. Parang gusto ko iyong dukutin dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ko. Damn. Mas masakit pa pala iyon kaysa sa iniisip ko. Naalala ko ang paraan ng paghawak niya sa tiyan niya kanina. Ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. At doon ko t
LENA’s POV Unti-unti akong nagmulat dahil sa malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Mabigat ang ulo ko at pakiramdam ko’y pagod na pagod ang buong katawan ko. Napakurap ako nang ilang beses habang pilit inaayos ang paningin ko. Puting kisame ang bumungad sa mga mata ko, maliwanag na ilaw at amoy ng antiseptic. Napagtantong nasa hospital ako. Bahagya akong napaangat ng tingin, at doon ko nakita sina Cullen at Caelus sa loob ng silid. Pareho silang tahimik ngunit ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kaagad akong napakunot-noo. “Anong nangyari…?” mahina kong tanong habang pilit bumabangon. Mabilis na lumapit si Cullen at inalalayan ako. “You fainted,” mahinahon niyang sagot. “Na-stress ka siguro at nahilo.” Bahagya akong napapikit. Unti-unting bumalik sa isip ko ang nangyari sa garden party. Naalala ko si Julie at ang pagtulak niya sa akin. At si Caelus. Mabagal akong napatingin sa kanya. Tahimik lang siyang nakatayo malapit sa bintana. Nakasu
LENA’s POV Ilang araw na lang bago ang engagement nina Caelus at Julie. At habang papalapit nang papalapit ang araw na iyon, mas lalo namang nagiging magulo ang puso't isipan ko. Kaya nang imbitahan kami ni Cullen sa birthday banquet ng isang sikat na businesswoman, wala na rin akong nagawa kundi sumama upang malibang at pansamantalang mawala sa isip ko si Caelus. “It’s just an afternoon garden party,” sabi ni Cullen habang nasa sasakyan kami. “You don’t have to pressure yourself." paalala niya. Bahagya lang akong tumango. Pero sa totoo lang, nakakapagod na ang paulit-ulit na pakikihalubilo sa mga elite families. Sa mga taong kayang ngumiti sa harap mo ngunit handang yurakan ka kapag nakatalikod ka. Pagdating namin sa venue ay agad akong namangha. The banquet was held in a massive private garden estate. Punong-puno iyon ng white roses, orchids, lilies, at imported flowers na maingat na inayos sa bawat sulok. Glass tables shimmered beneath the afternoon sunlight while sof
LENA’s POVMaayos kausap si Jensen Luciano. Sa totoo lang, masyado pa nga. Hindi ito katulad ng karamihan sa mga lalaking galing sa elite families na madalas kong makilala, mayabang, mapangmata, at mahilig magpasikat. Jensen was different. He is calm, composed and surprisingly easy to talk to. At hindi ko alam kung bakit… pero parang may kakaiba akong pakiramdam habang kaharap siya. Parang mabilis ko siyang napagkatiwalaan.Parang matagal ko na siyang kilala kahit ilang beses ko pa lang siyang nakikita.Tahimik kaming nag-uusap sa loob ng isang eleganteng coffee shop habang nasa pagitan namin ang ilang papeles at contracts.“This partnership will help Chef’s Touch expand,” mahinahong paliwanag ni Jensen habang itinuturo ang ilang bahagi ng kontrata. “Luciano Hotels wants to feature selected signature dishes from local restaurants inside our luxury hotel branches.”Bahagya akong napakurap, hindi pa rin ako makapaniwala.The Luciano Group, one of the biggest names in hotel and restaura
Jensen Luciano’s POV Tahimik ang buong study room ng mansion ng mga Luciano, tanging mahinang tunog ng orasan sa pader at ang kaluskos ng mga papel sa desk ang maririnig. Nakatayo ako sa harap ng lolo ko habang hawak ang folder na ibinigay niya. “The Chef’s Touch?” mahinang ulit ko, bahagyang nakakunot ang noo. Isang maliit na restaurant sa business district. Hindi kilalang brand. Walang big name investors. At lalo nang hindi pasok sa standards ng pamilya Luciano pagdating sa investments. “Why, Lo?” diretso kong tanong. “Why are you suddenly interested in a place like this?” Hindi siya sumagot agad. Nanatiling nakaupo siya sa swivel chair, nakatingin lang sa akin na parang binabasa ang bawat reaksyon ko. “Figure it out, Jensen.” malamig niyang sagot matapos ang ilang segundo. Bahagya akong huminga ng malalim. “You’re my eldest grandson,” dagdag niya, “I know how smart you are.” Iyon lang, wala nang paliwanag at wala nang dagdag. Typical him. Napailing ako bago isin
CAELUS’ POV Gaya ng madalas, naroon ako sa rooftop bar ni Maximus. Malamig ang hangin sa itaas ng lungsod, habang sa baba ay kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang walang pakialam sa gulo ng mundo ko. Nasa paligid ko ang mga kaibigan ko. May kanya-kanya silang hawak na baso, may kanya-kanyang kwento, pero ramdam ko ang paminsan-minsan nilang mga tingin sa akin. “Bro, you’ve been quiet lately,” si Maximus ang unang nagsalita, nakasandal sa railing habang iniikot ang wine glass niya. Hindi ako sumagot. “Not just quiet,” singit ni Rowan, nakangising bahagya. “Para siyang walang buhay.” “He's just too busy, I think,” komento ni Helios habang sumisimsim ng inumin. Tahimik lang si Sage, nakatingin sa akin na parang alam na niya ang sagot kahit hindi ko sabihin. Huminga ako nang malalim pagkatapos ay nilingon ko si Felip na nasa tabi ko. “Any update?” tanong ko ng diretso sa kanya. Tumango siya agad, ibinaba ang hawak niyang tablet. “Yeah. My men are already wo
CAELUS’ POV “Are you leaving already?” Nasa may pinto na ako at hawak ang door handle nang marinig ko ang tinig ni Cullen na um-echo sa malawak na hallway. Lumingon ako, may kaswal na ngisi sa aking mga labi. “I have no reason to stay. If it weren’t for Dad’s endless calls about tonight’s fam
“Lena, why don’t you be my wife?” Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi ni Cullen na tila ba nag aaya lang manood ng sine. Hindi nalingid sa akin ang paglaglag ng panga ni Allan na nasa tabi ng binata na nagulat din sa sinabi ng boss nito, napalingon din sa amin ang ilang kumakai
Mondragon Grand Estate… Ang matangkad na lalaki na may matatalim na mga mata ay tuloy-tuloy na naglakad patungo sa dinning area. Seryoso ang mukha niya ng maupo sa tapat ng hapag. “Caelus! That’s spot is for your brother,” puna ni Don Gerbacio Mondragon sa bunsong anak. Tiim ang mga bagang na
“Salamat, sir, sa bayan ako bibili ng cake,” nakangiting sabi ko kay Cullen, ang guwapo at matangkad na lalaki na laging nakangiti sa akin. Katatapos ko lang ikandado ang aking restaurant, at ngayon ay kasama ko siya sa pagbili ng cake para sa kaarawan ng aking kapatid na si Lily. “Cullen, just c







