ログインLena's POV The wedding march began. At sa bawat hakbang ko patungo sa altar, pakiramdam ko ay muli kong binabalikan ang buong buhay ko. Mula sa batang nawalan ng pagkakakilanlan. Sa babaeng lumaking salat sa buhay ngunit punong-puno ng pagmamahal. Sa babaeng paulit-ulit na nasaktan, iniwan, at sinubok ng tadhana. Hanggang sa babaeng ngayon... na naglalakad patungo sa lalaking pinakamamahal niya. Nangilid ang mga luha ko habang nakatingin sa dulo ng aisle. Naroon si Caelus, nakatayo sa harap ng altar. Nakasuot ng itim na tuxedo. At nakatitig lamang sa akin. Parang wala nang ibang tao sa paligid, parang ako lang ang nakikita niya. At ganoon din ako, sa dami ng taong naroon, siya lang ang nakikita ko. Siya lang. Ngumiti siya, at sa simpleng ngiting iyon, para bang lahat ng sakit na pinagdaanan ko ay naging sulit. Napalingon ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Naroon ang pamilya Luciano. Si Lolo Jose, si mommy Vivian, si daddy John at ang tatlo kong kuya na sina Juli
Lena's POV Masaya pa kaming nagkukuwentuhan nang may bigla akong maalala. Parang may kumurot sa dibdib ko. "How's Julie?" Agad na natahimik ang buong silid. Nawala ang mga ngiti sa kanilang mga mukha. Nagkatinginan sina Mommy at Daddy bago marahang humawak ang aking ina sa kamay ko. Doon pa lamang ay kinabahan na ako. "Julie's dead." Natigilan ako, natutop ko ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "What...?" Nanginginig ang boses ko. Marahang pinisil ng ina ang kamay ko. "Hindi niya kinaya ang operasyon." Namula ang kanyang mga mata. "Masyado nang maraming dugo ang nawala bago siya nadala sa ospital. Nasira rin ang ilan sa mga internal organs niya." Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang sabay-sabay na bumuhos sa puso ko. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya... Hindi ko kailanman hiniling ang ganoong katapusan para sa kanya. Nagsalita ang kanyang ama. "As for Joe..." Naging malamig ang kanyang bos
Lena's POV Marahan akong nagmulat ng mga mata. Agad akong napapikit muli dahil sa liwanag ng ilaw sa kisame. 'Nasaan ako...' Unti-unti kong narinig ang mahinang tunog ng monitor at ang amoy ng antiseptic na pamilyar sa isang ospital. Nang muli akong dumilat, napansin kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid. Maraming tao ang naroon at pamilyar silang lahat. Ang pamilya Luciano. Nakita ko ang matinding pag-aalala sa kanilang mga mukha. Nang mapansin nilang gising na ako, sabay-sabay silang napatayo. "Jasmine!" Halos magkakasabay nilang tawag. Napakurap ako. Sinubukan kong bumangon ngunit agad akong napangiwi nang sumakit ang katawan ko. Mabilis na may umalalay sa akin. Paglingon ko ay si Caelus iyon. Naroon siya sa tabi ko. Mapupungay ang mga mata, tila matagal ding hindi nagpahinga. Maingat niya akong inalalayan hanggang sa makaupo ako nang maayos at isinandal ang likod ko sa unan. "Lena," mahina niyang tawag habang hinahaplos ang kamay ko. "I think you need to t
CAELUS' POV "NOOOOO!" Kasabay ng sigaw ko ay mabilis akong sumugod papasok ng silid. Sa huling segundo, naitabig ko ang kamay ni Joe Luciano, ngunit huli na, napindot pa rin niya ang gatilyo ng baril, kaya umalingawngaw ang putok ng baril sa buong lumang bahay. Lahat kami ay natigilan, parang huminto ang oras. At pagkatapos niyon, isang nakakabinging sigaw ang sumunod. "AAAHHHH!" Napalingon kaming lahat at nanlaki ang mga mata ko. Si Julie, nakatayo siya ilang hakbang ang layo mula kay Lena. Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang tiyan. Unti-unti siyang napatingin sa sariling kamay. May dugo akong nakita, maraming dugo. Mabilis na kumalat ang pulang mantsa sa kanyang damit. "No..." Nanlaki ang kanyang mga mata. "No... no..." Nagsimula siyang umatras. Parang hindi matanggap ng isip niya ang nangyayari. "I don't want to die..." Nanginginig ang kanyang boses. "I don't want to die!" Tuluyan siyang napasigaw sa takot. Nabitawan ni Joe Luciano ang bari
CAELUS' POV Sa driveway ng Mondragon Grand Estate ay mabigat pa rin ang tensyon. Tahimik ako habang pilit na iniisip kung saan sisimulang hanapin si Lena. "Paano natin hahanapin si Julie?" tanong ni Sage habang nakapamaywang. "Wala siya sa Luciano Mansion at hindi rin naman natin sigurado kung siya nga ang dumukot kay Lena." Mariin kong nakuyom ang aking mga kamao. Iyon din ang problema ko. Wala kaming ebidensya, puro kutob lamang. At sa bawat minutong lumilipas ay maaaring malagay si Lena sa mas malaking panganib. Bago pa ako makapag-isip ng plano, isang boses ang narinig namin mula sa likuran. "I can track Julie." Sabay kaming napalingon ni Sage. Nakita naming naglalakad palapit si Jacques Luciano habang hawak ang cellphone niya. Kasunod niya ang kanyang pamilya. Nang makarating siya sa harapan namin ay ipinakita niya ang screen ng cellphone. May kumikislap na pulang tuldok sa isang tracking application. "I know where she is right now," sabi niya. "Fortunately, conne
Joe Luciano's POV Habang pinagmamasdan ko si Julie na inilalabas ang lahat ng galit, hinanakit, at takot na kanyang kinimkim, lalo lamang tumitibay ang loob ko. Tama ang ginagawa ko. Noon pa man, para kay Julie ang lahat ng ito. At hanggang ngayon, para pa rin sa kanya. Muli kong binalikan sa isip ang nakaraan, ang babaeng una kong minahal. Ang babaeng hindi ko nakatuluyan. Ang babaeng namatay habang isinisilang si Julie. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang araw na iyon, ang mahina niyang paghawak sa kamay ko, ang luha sa kanyang mga mata at ang huling pakiusap niya. "Joe... please take care of our daughter." Ipinikit ko sandali ang mga mata ko. Nangako ako noon. At hindi ko kailanman sinira ang pangakong iyon. Hindi ko maaaring angkinin si Julie bilang sarili kong anak. May pamilya ako, may reputasyon akong iniingatan at higit sa lahat... May ambisyon ako. Gusto kong maging susunod na pinuno ng Luciano family. Kaya nang mawala si Jasmine Luciano dalawampun
CAELUS’ POV "What are we doing here again, Caelus?" Tanong ng kaibigan kong si Max, habang nakapark ang sasakyan ko sa tapat ng The Chef’s Touch. My eyes scanned the area, searching for a familiar face, but like before, she was nowhere to be seen. "This is the last time I'm coming here," Sabi ko,
CAELUS’ POV “Hey Cael, where have you been?” tanong ni Sage nang makabalik ako sa condo unit ni Helios. Nasa living room ang mga kaibigan ko, nagkukwentuhan at nagtatawanan. “Oo nga, bakit bigla kang nagmamadaling sumakay ng elevator?” Nagtatakang tanong naman ni Rowan. Naupo ako sa mahabang
Nang iangat ko ang aking mukha, nagtama ang mga mata namin ng babae. Nakita ko ang isang maganda at inosenteng dalaga, bagaman nakasuot siya ng surgical mask na tumatakip sa ilong at bibig niya. Mas kapansin-pansin ang mga mata niyang abuhin. “Her eyes..is that real?” May paghangang bulong ko na
Makalipas ang ilang buwan, pinagmasdan ko ang gusali ng aking restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng mga kainan sa lugar na iyon. Tanghalian na, kaya naman marami nang taong kumakain sa loob. Ang mga bintana ng restaurant ay bukas, na nagbibigay daan sa mga masarap na amoy ng mga lutuing pagkain







