Compartir

CHAPTER 6

Autor: Hiraya ZR
last update Fecha de publicación: 2026-02-09 22:59:12

Makalipas ang ilang buwan, pinagmasdan ko ang gusali ng aking restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng mga kainan sa lugar na iyon. Tanghalian na, kaya naman marami nang taong kumakain sa loob. Ang mga bintana ng restaurant ay bukas, na nagbibigay daan sa mga masarap na amoy ng mga lutuing pagkain na humalo sa ingay ng mga nag-uusap na mga customer. I was lost in the lively atmosphere when a voice behind me brought me back to reality.

"Ma'am Lena, saan po ba ilalagay ang mga bagong deliver na
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • A Night of Possession   CHAPTER 177

    VIVIAN LUCIANO’s POV Tahimik lamang akong umiiyak habang nasa loob ng sasakyan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko ngunit patuloy pa rin iyong tumutulo. Halo-halo ang emosyon sa dibdib ko. Saya, pananabik, sakit at matinding pangungulila. Sa wakas… matapos ang napakaraming taon, nakaharap ko rin ang anak ko, nakausap ko siya, nayakap ko siya, narinig ko ang mga hinaing niya at kahit hindi niya alam kung sino talaga ako.. nagtiwala siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko habang pilit pinapakalma ang sarili. “Vivian…” mahinang tawag ni John mula sa driver’s seat. Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lamang ako sa bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Lena kanina. Ang mga mata niyang puno ng pagod. Ang pilit niyang pagpapakatatag. At ang paraan ng pagsasalita niya tungkol sa pamilya niya. “Nasasaktan ako para sa kanya…” basag kong bulong. Mahigpit kong pinunasan ang mga luha ko. “Napakarami niyang dinadala…”

  • A Night of Possession   CHAPTER 176

    LENA's POV Maya-maya ay marahang lumapit si Aling Vivian sa akin bago niya inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nilipad ng hangin. “Alam mo, hija…” malumanay niyang sabi habang nakangiti, “ang isang babae, mas nagiging matatag kapag may batang umaasa sa kanya.” Napababa ako ng tingin sa tiyan ko. Hindi ko pa rin lubos maisip. May buhay nang nabubuo sa loob ko. At kahit puno ng takot at pagkalito ang puso ko, may maliit na bahagi sa akin na unti-unting natutong tanggapin iyon. “Pero paano po kung hindi ko kayanin?” mahina kong tanong. “Paano kung hindi ako maging mabuting ina?” Kaagad siyang umiling. “Hija,” marahan niyang sabi, “walang perpektong ina.” Bahagya siyang napangiti habang tila may malalim na alaalang sumagi sa isip niya. “Pero ang isang babaeng marunong magmahal nang totoo… hindi kailanman magiging masamang ina.” Unti-unti akong natahimik. Hindi ko alam kung bakit pero sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, parang may bahagi ng puso kong unti-unting

  • A Night of Possession   CHAPTER 175

    LENA’s POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakayakap kay Aling Vivian. Pero matapos ang napakaraming linggo, pakiramdam ko’y may yumayakap sa sugatan kong puso. Marahan niya lamang akong hinahaplos sa likod habang hinahayaan akong umiyak. At habang tumatagal, lalo akong nahihirapang pigilan ang sarili ko. Parang lahat ng pagod, takot at sakit na matagal kong kinikimkim ay unti-unting lumalabas. “I’m scared…” basag kong bulong habang nakayakap pa rin sa kanya. Bahagya akong napahigpit sa hawak sa damit niya. “Sobrang natatakot po ako.” Ramdam kong marahan siyang napabuntong-hininga bago niya ako bahagyang inilayo upang makita ang mukha ko. “Ano ang kinakatakot mo, hija?” malumanay niyang tanong. Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gulong nasa loob ko. “Pakiramdam ko po…” nanginginig kong sabi, “…mas lalo lang gugulo ang lahat kapag nalaman nilang buntis ako.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Nila?” Napayuko ako

  • A Night of Possession   CHAPTER 174

    LENA’s POV “Hindi ko po alam kung magiging masaya ba ang batang ito…” Halos pabulong na lamang ang naging huling salita ko bago tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Mabilis kong iniwas ang tingin dahil nahihiya akong makita niya akong umiiyak nang ganito. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko’y unti-unti nang bumibigay ang lahat ng lakas na matagal kong pilit kinakapitan. Tahimik lamang si Aling Vivian. Wala siyang sinabi. Wala ring paghusga sa mga mata niya. At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas lalo kong naramdaman ang bigat ng emosyon sa dibdib ko. Dahil sa unang pagkakataon… may taong handang makinig sa akin. “Maaari ko po bang sabihin sa inyo ang bumabagabag sa akin?” basag kong tanong habang pilit pinupunasan ang mga luha ko. Kaagad niyang inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Mainit at marahan ang pagkakahawak niya rito. “You can tell me, hija,” malumanay niyang sabi. “I am listening.” Napapikit ako sandali. Huminga ako nang malalim bago ko tuluyang bi

  • A Night of Possession   CHAPTER 173

    LENA’s POV “Heto, hija… mag-tsaa ka muna.” Marahan kong iniangat ang tingin kay Aling Vivian nang ilapag niya ang maliit na porcelain tray sa gitna ng mesa. Kaagad kumalat sa hangin ang mabangong aroma ng chamomile at lavender tea. Naroon kami sa gitna ng hardin nila. Tahimik. Presko ang hangin habang marahang sumasayaw ang mga dahon dahil sa ihip ng hangin. Sa paligid namin ay puro makukulay na bulaklak at halamang gamot ang makikita. Para iyong maliit na paraiso sa gitna ng napakalawak nilang mansion. “Salamat po,” mahina kong sabi habang tinatanggap ang tasa. Napangiti siya bago marahang naupo sa tapat ko. “Mukhang galing ka sa isang event,” puna niya habang bahagyang pinagmamasdan ang suot kong gown. “Napakaganda mo naman.” Bahagya akong napahiya. “May inattendan po kasi akong birthday garden party.” “Ah…” marahan siyang tumango. “Kaya pala parang prinsesa ang dating mo.” Napatawa ako nang mahina dahil doon. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang gaan niyang k

  • A Night of Possession   CHAPTER 172

    LENA’s POV Tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nasa biyahe ngunit simula nang sabihin ng doktor na buntis ako… wala nang nagsalita pa sa amin ni Cullen. Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko’y unti-unti akong nilulunod nito. Bahagya akong napayakap sa sarili habang hindi mapigilang haplusin ang tiyan ko. Pregnant. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon lubos na ma-process sa isip ko. May batang nabubuo sa loob ko. Anak namin ni Cullen. Napakagat ako sa labi habang palihim na sinulyapan ang lalaking nasa tabi ko. Tahimik siyang nakatanaw sa harapan. Pumikit siya sandali habang bahagyang nakasandal sa upuan ngunit kahit isang emosyon ay wala akong mabasa sa mukha niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Kung masaya ba siya, naguguluhan o nagsisisi. At ang hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang katahimikan niya o ang katotohanang ibang lalak

  • A Night of Possession   CHAPTER 26

    CAELUS’ POV "What are we doing here again, Caelus?" Tanong ng kaibigan kong si Max, habang nakapark ang sasakyan ko sa tapat ng The Chef’s Touch. My eyes scanned the area, searching for a familiar face, but like before, she was nowhere to be seen. "This is the last time I'm coming here," Sabi ko,

    last updateÚltima actualización : 2026-03-24
  • A Night of Possession   CHAPTER 18

    CAELUS’ POV “Hey Cael, where have you been?” tanong ni Sage nang makabalik ako sa condo unit ni Helios. Nasa living room ang mga kaibigan ko, nagkukwentuhan at nagtatawanan. “Oo nga, bakit bigla kang nagmamadaling sumakay ng elevator?” Nagtatakang tanong naman ni Rowan. Naupo ako sa mahabang

    last updateÚltima actualización : 2026-03-21
  • A Night of Possession   CHAPTER 19

    Nang iangat ko ang aking mukha, nagtama ang mga mata namin ng babae. Nakita ko ang isang maganda at inosenteng dalaga, bagaman nakasuot siya ng surgical mask na tumatakip sa ilong at bibig niya. Mas kapansin-pansin ang mga mata niyang abuhin. “Her eyes..is that real?” May paghangang bulong ko na

    last updateÚltima actualización : 2026-03-21
  • A Night of Possession   CHAPTER 15

    LENA’s POV Kakaalis lang ni Cullen para kumain ng breakfast, marami siyang nakain at napapansin kong sumisigla siya at gumaganda na ang kutis, likas na maputi ang binata subalit maputla. Ngayon ay mamula-mula na siya at lumabas ang kutis mayamang balat. Walang masyadong kumakain sa restaurant n

    last updateÚltima actualización : 2026-03-20
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status