LOGINNANG nakapagsolo kami ni Beckham ay alam ko na magiging seryoso ng pag-uusap naming ito. Kasalukuyan akong naghihintay sa kwarto namin habang naliligo si Beckham.Ano kaya ang pag-uusapan namin tungkol sa ama ko? Hindi ko mapigilang itanong sa hangin.Napatingin ako sa pinto ng banyo ng bumukas iyon. Lumabas mula roon si Beckham na tanging twalya lang ang saplot sa ibabang katawan nito.Akala ko magbibihis muna siya bago kami maguusap pero humakbang na siya palapit sa akin at naupo sa tabi ko."Let's start," anito.Hindi ko mapigilang mapalunok. "Umh, hindi ka ba muna magbibihis?"Umiling ito. "No. I want to make love with you after we talk," prangka niyang sagot."Okay. Ano ang pag-uusapan natin tungkol sa ama ko?"Nagbuntong-hininga ito. "Walang dahilan para ilihim ko sa'yo ang tungkol 'dun. At wala rin akong balak na protektahan ang mama ko sa nagawa niyang kasalanan noon."Pinakatitigan niya muna ako bago siya muling nagsalita. "Hon, ang ina ko ang dahilan ng pagkamatay ng ama mo.
Apple's POVLUMIPAS ang minuto, oras at araw pero si Beckham hindi pa rin nagigising. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko na baka hindi na magising pa si Beckham o tuluyan na niya kami iwan, pero nagpapakatatag pa rin ako dahil naniniwala akong gigising siya para sa amin ng mga anak niya.Napatingin ako kay Jordan ng hawakan niya ako sa balikat. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong iuwi na lang si Beckham?" tanong niya sa akin.Tipid ko siyang nginitian. "Oo, Jordan. Alam ko rin na mas magiging komportable siya sa bahay. Doon na lang namin siya hihintayin na magising."Lumungkot ang mukha niya. "Apple...""Please don't. Hindi sumasagi sa isip ko na mag-give up kay Beckham kahit maraming pumapasok sa isip ko na baka hindi na siya magising. Kahit mahirap gusto ko pa rin umasa, na gusto ko pa rin siya ipaban hanggang sa huli. Gusto ko ako naman ang may gawin para sa kanya."Tumango-tango si Jordan. "Basta kahit na anong mangyari, nandito lang kami ni Beckett kapag kailangan mo kami."
"STOP crying, son. I can't focus- fuck!" narinig kong sabi ni Beckham habang nakikipagbarilan ito sa mga tauhan ni Luca.Patay na ang lahat ng mga tauhan ni Luca na nasa loob ng bahay, pero iyung inaakala naming onti lang sila ay hindi pala. Halos ang lahat ay nasa labas."Ilan silang lahat?" tanong ko kay Beckham."Can you stop him from crying?" tanong nito imbis na sagutin niya ako.Nangunot noo ako. "Beckham!""What? Iyak nang iyak ang anak mo. I can't focus," sabi nito na tila na stress sa buhat-buhat na paslit."Alang tumahol 'yan? He's just 2 years old, Beckham. What did you expect?""Fuck.""Stop cursing will you? Naririnig ka ng mga bata.""Okay. Let's make a deal, son. Kapag huminto ka sa pag-iyak, I'll give you what you want," sabi ni Beckham sa anak na lalaki.Tila naman ito naintindihan ni Apolo. Huminto nga ito at biglang humagikhik."Yes, that's right. I'll give you what you want just stop crying."Muli namang humagikhik si Apolo habang pilit nitong inaabot ang mukha ng
"WHAT?! Hawak ni Lucas si Apple?" bulalas ni Jordan nang malaman nito ang lahat."And you did nothing?!"Walang emosyong tiningnan ko siya. "Para ano? Nagsinungaling siya sa akin sa ikalawang pagkakataon, Jordan. Binabalak niya ulit akong patayin."Galit na napatayo si Jordan sa kinauupuan niya. "Hindi mo ba maintindihan na wala siyang maalala?! At kahit sino-kahit ako, kaya kong gawin lahat para sa anak ko! Paano kung anak mo pala ang mga batang iyon? Wala kang gagawin man lang?!"Iniwas ko sa kanya ang tingin "They're not mine. Alam mong wala akong kapasidad na makabuo.""So ganu'n na lang?!" Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa akin at galit akong kinuwelyuhan. "Kapag may nangyari sa kanila hinding-hindi kita mapapatawad, Beckham!" aniya at walang paalam na lumabas ng opsina ko."What?" tanong ko kay Beckett nang dumako ang mata ko sa kanya. Umiiling-iling kasi siya."Akala ko sa ating dalawa ako ang mas gago, pero pinatunayan mo lang ngayon na talaga palang mas gago ka dahi
Apple's POVMABILIS akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig nang bumukas ang pinto. Tanging kumot lang ang takip sa hubad kong katawan.Iniluwa ng pinto ang gakit na awra ni Beckham. May bitbit siyang tray na naglalaman ng pagkain at inilapag nito iyon sa maliit na lamesang nandoon."Kumain ka na," anito. Akmang lalabas na siya ay mabilis ko siyang pinigilan."Pakinggan mo lang sana ako, Beckham. Pinapangako ko sasabihin ko na lahat sa'yo please, just hear me out," pakiusap ko."I ask you many times, Apple. Tapos kung kailan bistado ka na tsaka ka pa aamin? Tsaka mo pa sasabihin sa akin ang totoo?""Kasi natatakot ako," mabilis kong sagot. "Tinatakot kasi niya ako.""Tinatakot na alin? Na sasaktan ang pamilya mong matagal ng nagtakwil sa'yo? Iyan pa rin ba ang irarason mo?"Mabilis akong umiling. "Hindi sila. Kundi ang mga anak ko. Hawak niya ang mga bata. Sila ang ginamit niyang alas para mapasunod sa gusto niyang mangyari."Natigilan ito sa sinabi ko. Ang galit nito ay nahaluhan ng
Apple's POVKABADO ako habang nasa byahe kami papunta sa Caribbean sakay ng yate ni Beckham. Kasalukuyan akong nasa deck at pinagmamasdan ang malawak na karagatan, habang naaalala ko ang mga ibinilin sa akin ni Masod bago kami umalis ni Beckham."Ito na ang pagkakataon mo para masolo mo si Beckham. Ito na rin ang pagkakataon mo na magawa mo na ang plano."Napatingin ako sa maliit na boteng inabot sa akin ni Masod. "Ipainom mo sa kanya yan o ihalo mo sa pagkain, minuto lang mamamatay na siya ng walang makakahinala sa'yo, basta huwag ka lang mag-iiwan ng ibidensya."Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Dahil una sa lahat ay hindi ko kayang gawin ang gusto niyang ipagawa sa akin."Mukhang nagdadalawang isip ka, Apple?""H-hindi naman," pagsisinungaling ko at kinuha na ang bote mula sa kamay nito."Mabuti kung ganu'n. Basta tandaan mo lang ang sinabi ko na huwag kang papahuli at kung mahuli ka naman siguraduhin mong hindi mo kami ilalaglag, kundi alam mo na ang kahihinatnan







