Share

CHAPTER 175

Penulis: Anne
last update Tanggal publikasi: 2026-04-06 17:29:59

CHAPTER 175

Lumipas pa ang maghapon at magdamag pero wala pa rin talagang pagbabago sa kundisyon ni Maxene. Sobrang nag aalala na talaga si Bernard sa kalagayan nito at hindi na rin talaga siya mapakali dahil habang patagal ng patagal na walang malay si Maxene ay mas lalo lamang siyang natatakot para sa kalagayan nito.

Buong magdamag ay halos paidlip idlip lamang ang ginagawa ni Bernard dahil hindi talaga siya makatulog ng matagal dahil napapabalikwas talaga siya ng bangon kapag naaalala niya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 175

    CHAPTER 175Lumipas pa ang maghapon at magdamag pero wala pa rin talagang pagbabago sa kundisyon ni Maxene. Sobrang nag aalala na talaga si Bernard sa kalagayan nito at hindi na rin talaga siya mapakali dahil habang patagal ng patagal na walang malay si Maxene ay mas lalo lamang siyang natatakot para sa kalagayan nito.Buong magdamag ay halos paidlip idlip lamang ang ginagawa ni Bernard dahil hindi talaga siya makatulog ng matagal dahil napapabalikwas talaga siya ng bangon kapag naaalala niya si Maxene. At dahil nga hindi makatulog si Bernard ay nagpasya siya na magpunta sa NICU at todo pakiusap talaga siya sa nurse na naroon na pagbigyan siya na makita at malapitan niya ang kanyang anak kahit saglit. Mabuti na lamang talaga at dumating ang doktor ng bata at pinagbigyan siya nito na makapasok sa loob.Habang tinititigan ni Bernard ang kanyang anak ay hindi niya maiwasan na hindi mapaluha at pinakalma na rin muna niya ang kanyang sarili bagi niya dahan dahan na hinawakan ang kamay ng

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 174

    CHAPTER 174“Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Pwede ka naman magpahinga na rin muna. Ako na muna ang magbabantay dito at tatawagin na lamang kita kapag lumabas ang doktor ni Maxene,” sabi ni Jonathan sa kanyang kapatid.Saglit naman na napatitig si Bernard sa kanyang kapatid at saka siya bumuntong hininga.“Kaya ko pa naman, kuya. At kakayanin ko talaga para sa mag ina ko,” sagot ni Bernard sa kanyang kapatid. “Kumusta ang anak mong si Joseph? Napaamin mo na ba siya kung nasaan ang walanghiyang babae na iyon?” tanong pa niya. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jonathan dahil sa totoo lang ay naiipit din siya sa sitwasyon na ito lalo na at involve ang kanyang anak sa nangyari kay Maxene at sa anak nito.“Tinuruan ko na ng leksyon ang pamangkin mo at kahit labag sa loob ko ay ikinulong ko na muna siya sa kanyang silid. Ayoko sana yung gawin sa kanya pero hindi naman kasi siya nakikinig sa akin at isa pa ay kailangan din talaga niyang magtanda para matigil na ang kahi

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 173

    CHAPTER 173“Kahit naman ang doktor ni Maxene ay hindi malaman kung bakit siya nagkaganyan at nagtataka rin talaga sila kung bakit hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Kaya nga tutok na tutok sila ngayon sa kalagayan ni Maxene,” sagot naman ni Bernard sa kanyang kapatid.Saglit naman na natahimik si Jonathan at saka siya bumuntong hininga.“Sana lang ay magising na si Maxene para hindi na tayo mag alala pa ng ganito,” sabi ni Jonathan. “Ang anak ninyo… kumusta na? Napuntahan mo na ba siya?” tanong pa niya.“Oo, napuntahan ko na sya kuya. Medyo maselan pa rin ang kundisyon niya at kahit na gusto ko na sana siyang makarga at mayakap ay hindi pa pwede dahil nga sa kundisyon niya,” malungkot naman na sagot ni Bernard nang maalala naman niya ngayon ang kanyang anak.Naaawa naman na tinitigan ni Jonathan ang kanyang kapatid dahil pinagdaraanan nito ngayon at talagang nangangalumata na ito.. Naaawa rin siya kay Maxene dahil matagal na niya itong kilala at wala rin talaga siyang masa

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 172

    CHAPTER 172Mapakla naman na natawa si Jonathan dahil sa sinabi na iyon ni Irish at saka nito hinawakan ng mahigpit sa braso ang dalaga habang seryoso na itong nakatingin dito.“Wag mo nga akong matawag tawag na tito dahil hindi naman kita kaano ano,” gigil na sabi ni Jonathan sa dalaga. “At sa tingin mo ba ay mabibilog mo ang ulo ko dahil sa sinasabi mong mahal mo ang kapatid ko? Tsk. Isa ka nga talagang baliw,” pagpapatuloy pa niya at hininaan lang niya ang kanyang boses dahil baka marinig siya ni Bernard.Ayaw pa naman ni Jonathan na makita ng kanyang kapatid si Irish dahil baka kung ano pa ang magawa ng kanyang kapatid sa dalaga lalo na at galit na galit ito rito ngayon.Nagulat naman si Irish sa sinabi na iyon ni Jonathan at napalunok na lang talaga siya ng sarili niyang laway.“Maniwala po kayo sa akin. Mahal na mahal ko po si Bernard at nagsisisi na po ako sa nagawa ko noon sa kanya. Gusto ko lang naman po na mabawi siya dahil alam ko rin po na mahal pa rin niya ako hanggang ng

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 171

    CHAPTER 171Sa kabilang banda naman sa loob ng unit ni Irish ay hindi na mapakali ang dalaga dahil kanina pa niya hinihintay na bumalik si Joseph. Nakailang beses na niya itong tinatawagan pero hindi nga nito sinasagot ang kanyang tawag.“Nasaan ka na ba kasi, Joseph? Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko?” naiinis naman na sabi ni Irish at saka niya muling idinial ang number ng binata at nang hindi pa rin nito sinagot ang kanyang tawag ay naihagis na lang talaga niya ang kanyang cellphone sa kanyang kama dahil sa sobrang inis.“Bwiset talaga. Hindi ko talaga alam kung kakampi ko ba ang lalaki na iyon o hindi. Baka mamaya ay inilaglag na niya ako sa kanyang pamilya,” gigil pa na sabi ni Irish at saka siya pabagsak na naupo sa kanyang kama at talagang nasabunutan na lang niya ang kanyang sarili dahil sa inis.Saglit pa nga na napatulala si Irish dahil hindi na talaga niya alam kung ano ang kanyang gagawin ngayon lalo na at alam niyang galit sa kanya si Bernard at baka nga isinusump

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 170

    CHAPTER 170Muli namang napatingin si Bernard kay Maxene at saka siya muling bumuntong hininga.“Max, kailangan ko ng umalis. Pakiusap gumising ka na. Marami kaming nagmamahal sa’yo at naghihintay muli na magising ka. Mahal na mahal kita, Maxene. Magpagaling ka kaagad para naman makasama ka na namin. Miss na miss na namin ang ngiti at tawa mo kaya sana ay magising ka na,” sabi ni Bernard at saka siya napangiti ng maalala niya ang matamis na ngiti na palaging nakapaskil sa labi ni Maxene.“Aalis na muna ako pero nariyan lang naman ako sa labas at hinding hindi ko kayo iiwan ng ating anak. Kaya sana magpagaling ka na kaagad at gumising ka na sa lalong madaling panahon dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga kaya na makita ka na nasa ganyang kondisyon. At talagang nag aalala na rin kaming lahat sa’yo,,” pagpapatuloy pa ni Bernard at saka niya muling hinalikan ang kamay ni Maxene. “Mahal na mahal kita, Max. Mahal na mahal kita,” dagdag pa niya at saka niya ibinaba ang kanyang mask at saka

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 43

    CHAPTER 43Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Maxene dahil hindi talaga niya alam kung paano ba niya sasabihin sa binata ang kanyang sitwasyon ngayon at bukod pa roon ay sobrang kinakabahan talaga siya.“S-sa totoo lang Mr. Aragon ay hindi ko talaga alam kung paano ko ba ito

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 45

    CHAPTER 45 “Nabanggit ko naman sa’yo na gusto ng mga magulang ko na mag asawa na ako o di kaya naman ay bigyan ko sila ng apo. Kaya naman baka pwede na isama kita sa mansyon para maipakilala kita sa kanila bilang ina ng aking magiging anak. Wag kang mag alala dahil gusto ko lamang na makilala at

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 47

    CHAPTER 47Gaya ng napag usapan nila Bernard at Maxene pagsapit ng araw ng linggo ay isinama nga ng binata si Maxene sa kanilang mansyon. Nasabi na rin naman niya sa kanyang pamilya na pupunta siya sa mansyon at may ipapakilala sa mga ito.Gusto pa sana ni Bernard na sunduin na lamang si Maxene sa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 49

    CHAPTER 49Nagkatinginan naman sila Bernard at Maxene dahil sa sinabi na iyon ng ama ng binata. Bahagya pa ngang napisil ni Bernard ang kamay ni Maxene dahil tila ba bigla siyang nahiya sa sinabi na iyon ng kanyang ama.“Ang mabuti pa po ay mamaya na lamang natin pag usapan ang tungkol sa bagay na

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-22
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status