Share

CHAPTER 173

Author: Anne
last update publish date: 2026-04-05 16:00:57

CHAPTER 173

“Kahit naman ang doktor ni Maxene ay hindi malaman kung bakit siya nagkaganyan at nagtataka rin talaga sila kung bakit hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Kaya nga tutok na tutok sila ngayon sa kalagayan ni Maxene,” sagot naman ni Bernard sa kanyang kapatid.

Saglit naman na natahimik si Jonathan at saka siya bumuntong hininga.

“Sana lang ay magising na si Maxene para hindi na tayo mag alala pa ng ganito,” sabi ni Jonathan. “Ang anak ninyo… kumusta na? Napuntahan mo na ba s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
JH EN
salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 248

    CHAPTER 248Agad naman na nangilid ang luha ni Maxene dahil sa sinabi na iyon ng kanyang ama. Noon pa man ay baby na talaga siya ng kanyang ama dahil siya nga ang bunso at kahit na ganoon ay pantay pa rin naman ang pagtrato nito sa kanya at sa kanyang nakatatandang kapatid.“Thank you po dad. Mahal na mahal ko rin po kayo ni mommy. Maraming maraming salamat po talaga sa lahat lahat ng pag aalaga, pag intindi nyo sa akin. Mahal na mahal ko po kayo,” sagot naman ni Maxene sa kanyang ama at talagang napayakap na lang din siya sa kanyang ama dahil talagang mas malapit siya sa kanyang ama noon pa man.Habang nag uusap at nagkakaiyakan naman sila roon ay may kumatok naman muli sa pinto ng silid ni Maxene at nang bumukas nga iyon ay talagang napangiti na lang din si Maxene ng makita niya kung sino ang dumating na iyon.“Late na ba ako? Pasensya na dahil medyo traffic din talaga papunta rito,” sabi ng bagong dating na iyon.“Kuya Andrei!” tawag ni Maxene dito at hindi na nga nito napigilan pa

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 247

    CHAPTER 247Kinabukasan ay maaga naman na naghanda ng kanyang sarili si Maxene. Matagal tagal din kasi talaga siyang aayusan kaya siya talaga ang unang nag asikaso ng kanyang sarili.Matapos na kumain ng kanyang agahan ay agad na rin na naligo si Maxene para masimulan na ang pag aayos sa kanya.“Grabe, Ms. Maxene. Kahit wala ka talagang make up ay napakaganda mo na talaga,” sabi ng make up artist ni Maxene habang nag aayos ito ng mga gamit na gagamitin niya sa pag aayos kay Maxene.“Naku, binobola mo naman ako. Baka mamaya nyan ay hindi na lang ako magpamake up dahil sa sinabi mo,” biro naman ni Maxene rito.“Wag naman po. Syempre kailangan ko pa rin po kayong ayusan para mas lalo pa po kayong gumanda. Pero kahit kaunting ayos lang ay pak na pak na po talaga ang ganda ninyo,” sagot nito kay Maxene.Bahagya naman na natawa si Maxene rito dahil binibiro lang naman niya ito.“Tama na nga ang bolahan nating dalawa. Simulan mo na nga na ayusan ako. Sa totoo lang ay sobrang excited na kinak

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 246

    CHAPTER 246Mabilis naman na lumipas ang ilang buwan at sa araw na nang bukas ang araw ng kanilang kasal. Sa nakalipas din na mga buwan na iyon ay talagang naging tutok si Maxene sa mga kakailanganin nila sa kanilang kasal. Gusto kasi niya na maging maayos ang kasal nila Bernard at ayaw niya na magkaroon na naman ng aberya sa mismong araw na ng kanilang kasal.Sa totoo lang ay medyo kinakabahan pa rin talaga si Maxene sa pag aasikaso niya sa kasal nila ni Bernard dahil noong nagplano sila na magpakasal noon ay may mga nangyari na hindi maganda. Pero inisip na lamang ni Maxene na wala naman nang banta pa sa kanilang buhay at tahimik na rin talaga ang kanilang buhay ngayon simula ng makulong si Irish. Kampante naman sila na hindi na ito makakalaya roon dahil talagang sinigurado ng ama ni Bernard na mabubulok si Irish sa loob ng kulungan.At ngayon nga ay nasa isang beach resort na sila Maxene at Bernard kasama ang kanilang buong pamilya. Bukas na kasi ang kasal ng dalawa kaya naman ngay

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 245

    CHAPTER 245Hindi na rin naman nag aksaya pa ng panahon sila Bernard at Maxene at pagkatapos nga ng kanilang bakasyon na iyon ay agad na rin silang nagplano para sa gaganaping kasal nila at gaya nga ng gusto ng ina ni Bernard ay magiging enggrandeng kasalan nga iyon kaya kailangan din talaga nila iyong paghandaan.Napagkasunduan din nila na early nextyear gaganapin ang kanilang kasal kaya naman may ilang buwan pa rin naman sila para makapaghanda ng lahat ng kanilang mga kakailanganin. At ngayon nga ay kauuwi lamang ni Maxene galing sa pagsusukat ng kanyang wedding gown. Sinamahan naman siya ng ina ni Bernard pero dumiretso naman din ito sa kumpanya pagkatapos nitong samahan siya.Pagkarating ni Maxene sa mansyon ay naabutan niya si Veronica na nasa garden kasama sila baby Joshua at baby Dyron kaya naman agad na niyang linapitan ang mga ito.“Mukhang nag eenjoy na naman ang mga baby na yan sa garden ah,” sabi ni Maxene nang makalapit na siya sa mga ito.“Narito ka na pala, Maxene. Kum

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 244

    CHAPTER 244Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin naman ng kanilang silid sila Bernard at Maxene. Pagkarating nila sa may tabing dagat kung saan nakaset up ang kanilang dinner ay tila nakaramdam pa ng hiya si Maxene dahil sila na lang pala talaga ang hinihintay ng mga kasama nila roon.“Mabuti naman at narito na kayo. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo,” sabi ni Diana.Agad naman na naupo sila Bernard at Maxene sa bakanteng upuan na para talaga sa kanila at bahagya pa ngang pinamulahan ng pisngi si Maxene dahil nahihiya talaga siya sa pamilya ni Bernard dahil naghintay pa ang mga ito sa kanila.Sinimulan na rin naman nila kaagad nila ang kanilang dinner at habang kumakain nga sila ay meron pang live band na kumakanta. Matapos nilang kumain ay nagkwentuhan muna sila saglit at maya maya pa ay nagkaroon din ng kaunting pagames si Diana para sa lahat kaya naman talagang nag enjoy ang lahat dahil meron din talagang mga papremyo na inihanda si Diana.Matapos nilang magkasiyahan ay muli

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 243

    CHAPTER 243Kinagabihan din noon ay nagtaka rin sila dahil nagkaroon sila bigla ng special dinner na buong pamilya. At syempre ang nagplano noon ay walang iba kundi ang ina ni Bernard na si Diana na excited na sa magaganap mamaya.Binulungan na rin ni Randy si Bernard na doon na nga ito magpropose kay Maxene dahil iyon na nga ang naisip na paraan ni Diana para maisagawa ni Bernard ang plano nito.“Napakabilis talaga kumilos ni mommy kapag tungkol sa ganyang mga bagay,” natatawa naman na sabi ni Bernard sa kanyang ama dahil talagang nagulat din siya dahil talagang nakapagplano na agad ang kanyang ina.“Sabi ko naman sa’yo diba. Kaya wag ka ng mag aksaya pa ng oras at mag ayos ka na rin ng sarili mo. Maya maya lang ay tatawagin na nila tayo para magdinner,” sagot ni Randy sa kanyang anak. “Ang singsing baka makalimutan mong dalhin ha. Lalapitan ka mamaya ng mommy mo para sabihin sa’yo kung kelan ka kikilos,” pagpapatuloy pa niya.“Opo dad. Palagi ko naman po itong dala,” sagot ni Berna

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 92

    CHAPTER 92Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay araw na ng linggo at ngayon din ang araw ng pagpunta nila Maxene at Bernard sa mansyon ng magulang ng binata upang ipaalam sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis ni Maxene.“Relax ka lang ha. Hindi naman kita pababayaan at isa pa ay a

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 77

    CHAPTER 77“N-Naku dad. S-Siguro po ay dahil ngayon nyo na lamang po ulit ako nakita kaya nyo po nasabi yan. Dati pa naman pong ganito ang katawan ko baka hindi nyo lamang po iyon napapansin noon,” sagot ni Maxene sa kanyang ama at sobrang lakas talaga ng kabog ng kanyang dibdib dahil talagang nata

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 78

    CHAPTER 78Nang sumapit naman ang araw ng linggo ay sinundo ni Bernard si Maxene sa unit nito dahil nakiusap ang ina ng binata na dalhin naman daw niya muli si Maxene sa mansyon. Medyo nag aalangan pa nag si Maxene noong una dahil baka nga mahalata ng mga ito ang kanyang tyan pero kalaunan ay napap

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 75

    CHAPTER 75Samantala naman ilang araw na rin ang nakalilipas mangyari ang panunugod na iyon ni Joseph kay Maxeen kaya naman ng malaman ito ni Bea ay todo bantay na ito sa kanyang kaibigan dahil natatakot siya na baka kung ano pa ang gawin ni Joseph dito lalo na at alam na nila na hindi maganda ang

    last updateLast Updated : 2026-03-27
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status