LOGINCHAPTER 4
Akmang paalis na sana si Bernard ng bigla naman magsalita si Maxene kaya naman bigla itong natigilan sa paghakbang. “H***p kaaa. A-anong ginagawa mo ritooo? Talagang nashundan mo pa rin ako rito. Hindi ka pa ba kuntento sa babae mo? Ha?” sabi ni Maxene na nagkandabulol bulol na sa pagsasalita dahil sa kalasingan. Napakunot naman ang noo ni Bernard dahil sa sinabi na iyon ni Maxene kaya naman daha dahan na siyang humarap dito at nakita niya na nag angat na ito ng ulo habang nakatingin sa kanya. Nanatili naman na seryoso ang kanyang mukha at hindi na rin muna siya nagsalita pa habang nakatitig siya kay Maxene na lasing na lasing na. “Paano mo nalaman na narito ako? Ang kapal naman ng mukha mo para lumapit pa sa akin,” sabi pa ni Maxene. Lalo namang napakunot ang noo ni Bernard dahil sa sinabi na iyon ng dalaga. Napatingin pa nga siya sa paligid dahil baka may iba pang kinakausap ang dalaga pero mukhang siya talaga ang kinakausap nito. “Sorry miss pero ako ba ang kinakausap mo?” hindi na napigilan na tanong ni Bernard dito. Mapakla naman na tumawa si Maxene at kahit pa medyo nahihilo pa siya ay dahan dahan na itong tumayo at lumapit sa lalaki. “Tsk. Ang bilis mo naman makalimot. Kanina lang nakikipaglampungan ka sa ibang babae tapos ngayon ay hindi mo na kaagad ako kilala. Ang galing mo naman,” sabi ni Maxene at saka lumipad ang kanyang palad sa pisngi ng lalaki na iyon. Agad naman na napabaling sa kabila ang mukha ni Bernard at kahit pa lasing si Maxene ay malakas pa rin talaga ang pagkakasampal niya rito. “Magsama kayo ng kaibigan mo. Mga h***p kayo,” sabi pa ni Maxene at akmang maglalakad na sana ito paalis doon ng bigla itong matalisod sa upuan na naroon. Mabuti na lamang at naging mabilis ang pagkilos ni Bernard at agad na nahawakan sa baywang si Maxene. “Ayos ka lang ba, miss? Tsk. Lasing na lasing ka na pero ang tapang tapang mo pa rin,” sabi ng lalaki at napapailing na lang talaga siya dahil kahit naman nakainom na siya ay kaya pa naman niya ang kanyang sarili pero itong si Maxene ay mukhang lasing na lasing na talaga at hindi na kaya pa ang sarili. Hindi naman na nakapagsalita pa si Maxene at dala na rin siguro ng sobrang kalasingan ay nawalan na ito ng malay. Kaya naman napabuntong hininga na lamang si Bernard at saka nito binuhat si Maxene at isinampay sa kanyang balikat at saka ito naglakad palabas sa naturang bar. Agad naman na dumiretso si Bernard sa kanyang kotse at inuna na niyang isinakay si Maxene sa loob noon. At nang makasakay na rin siya sa sasakyan ay saglit pa siyang napatitig sa mahimbing na natutulog na dalaga at bigla rin niyang naalala na hindi niya alam kung saan niya ito ihahatid. Kaya naman napabuntong hininga na lamang muli siya at napagpasyahan na lamang niya na dalhin ito sa kanyang unit dahil baka kung ano pa ang mangyari rito kapag iniwanan niya ito roon. Pagkarating nila sa parking lot ng tinitirhan ni Bernard ay agad na rin niyang binuhat ang dalaga dahil ayaw nitong magising. Agad na rin naman niya itong dinala sa kanyang unit at agad na idineretso sa kanyang silid. Muli pa nga siyang napatitig sa mukha ni Maxene dahil talagang lasing na lasing ito dahil ni hindi man lang ito nagising kahit na binuhat buhat na niya ito. “Tsk. Kababaeng tao pero grabe kung uminom. Grabe ni hindi man lang nagtira ng pang uwi niya,” naiiling pa na sabi ni Bernard at saka niya iniwanan na muna si Maxene at saka siya pumunta na muna ng kusina para uminom ng tubig. Saglit pa na napaisip si Bernard kung ano ba ang gagawin niya sa dalaga dahil baka kung ano ang isipin nito pagkagising nito. Pero wala rin naman kasi siyang magawa dahil ayaw naman niyang pakialaman ang bag na dala nito at hindi rin naman magising ang dalaga kaya no choice siya kundi ang hayaan na muna ito na manatili sa kanyang silid. Maya maya ay nakakaramdam na rin ng hilo si Bernard dahil nakainom din talaga siya pero kaya pa naman niya kanina pero ngayon nga ay nararamdaman na niya ang antok kaya naman nagpasya na rin muna siya na maligo upang makatulog na rin siya. Matapos na maligo ng binata ay agad na rin itong pumunta sa kanyang higaan at saglit pa nitong tinitigan si Maxene na mahimbing na mahimbing pa rin na natutulog. Gustuhin man sana niya na paltan ito ng damit ay hindi naman niya magawa dahil ayaw naman niya na kung ano ang isipin nito paggising nito. Kaya naman nagpasya na lamang siya na tanggalin ang suot nitong sandals at saka niya ito kinumutan. At dahil malaki naman ang kanyang kama ay nagpasya na lang din ang binata na matulog sa kabilang gilid ng kama habang ang dalaga naman ay nasa kabila. Hindi kasi siya kumportable na matulog sa sofa kaya talagang sa kama pa rin sita natulog kasama ng dalaga. Agad na rin naman na nahiga si Bernard at bumaling na lang siya sa kabila. At nang medyo nakakatulog tulog na nga siya ay bigla niyang naramdaman na para bang may humahalik sa kanya kaya naman kahit na antok na antok pa siya ay napamulat na lang siya at ganon na lang ang gulat niya ng mabungaran niya na nasa ibabaw na niya ang dalaga na tinulungan niya kanina. “Hey! What are you doing miss?” agad na tanong ng binata. Hindi naman nagsalita si Maxene at agad na niyang mapusok na hinalikan ang binata. Bahagya naman na itinulak ng binata si Maxene para maawat niya ang ginagawa nito at hindi niya maiwasan na magtaka dahil kanina lang ay napakahimbing talaga ng tulog ng dalaga. “Miss, alam mo ba ang ginagawa mo? Kilala mo ba ako? Tinulungan kita kanina dahil baka kung ano ang mangyari sa’yo sa bar at pagkatapos ay ganito ang gagawin mo. I’m sorry dahil hindi ko alam kung saan ka ihahatid kanina kaya kita dinala rito sa unit ko,” tila hindi makapaniwala na sabi ng binata at talagang nagpaliwanag na rin siya rito. “Siguro nga ay lasing ako… pero hinding hindi ko makakalimutan ang mukha na iyan. Ang mukha ng lalaki na nanloko sa akin,” sagot naman ni Maxene na medyo nabubulol pa dahil ang nakikita niya ngayon ay ang mukha ng manloloko niyang boyfriend na si Joseph. “What? Wait lang. Hindi kita maintindihan miss. Ngayon lang kita nakaharap kaya anong sinasabi mo na linoko kita?” gulong gulo naman na tanong ni Bernard sa dalaga. “Tsk. At talagang magdedeny ka pa? Hindi ba at ito ang ginagawa nyo ng malandi mong bestfriend kanina? Pwes, heto na ako at handa ko ng ibigay ang sarili ko sa’yo at sisiguraduhin ko na mas maliligayahan ka sa akin kaysa sa malanding babae na iyon,” matapang naman na sagot ni Maxene at saka niya muling hinalikan sa labi ang binata. Gulat na gulat naman si Bernard sa mga sinabi na iyon ng dalaga dahil hindi talaga niya maintindihan ang pinagsasasabi nito ngayon at mas lalo pa siyang nagulat sa inaasta nito ngayon.CHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkapatid sa tuwing pumupunta sila sa mansyon. Habang sila Randy, Jonathan at Bernard naman ay abala sa pag uusap ng tungkol sa kumpanya. Habang si Joseph naman ay may sariling mundo sa sala at inabala ang kanyang sarili sa kanyang cellphone.“Jonathan sa tingin mo ba ay kaya ng humawak ng kumpanya ng iyong anak na si Joseph? Nasa edad naman na siya at maaari na ring humawak ng kumpanya,” tanong ni Randy sa kanyang panganay na anak.Seryoso naman na napatingin si Jonathan sa kanyang ama dahil sa sinabi nito.“Bakit po dad?” kunot noo na tanong ni Jonathan.Napabuntong hininga naman si Randy at saka niya seryoso ring tiningnan ang kanyang mga anak.“Matanda na ako at aaminin ko sa inyo na medyo h
CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman naipikit na lamang niya ng mariin ang kanyang mga mata ng dahil doon.“Tsk. Bakit ba palagi na lang kitang naaalala? Bakit ba palagi ka na lamang gumugulo sa isipan ko? Dala lang yun ng init ng katawan kaya nangyari iyon at wala ng iba pang dahilan. Bakit ba paulit ulit ko na lang naaalala ang mukha mo?” kausap ni Bernard sa kanyang sarili at tila ba naiinis na siya dahil hindi mawala wala sa isip niya ang babae na iyon.Hindi na kasi talaga maintindihan ni Bernard ang kanyang sarili kung bakit ba palagi na lang niyang naaalala ang babae na iyon. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang halos araw araw na lang niyang naaalala ang babae na iyon kaya naman inaabala na lang niya ang kanyan
CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard naman ay nagpasya na pumunta sa kanyang silid pero bago pa man siya makarating doon ay nakita niya ang kanyang ama kaya agad niya itong linapitan.“Good morning dad,” bati ni Bernard sa kanyang ama.“Narito ka na pala, hijo. Kagabi ka pa hinihintay ng mommy mo,” sagot naman ni Randy kay Bernard.“Opo dad. Nagkita na po kami ni mommy sa baba. May mga tinapos pa po kasi ako kahapon sa opisina at halos gabi na po ako natapos kaya po sa unit ko na po muna ako umuwi kagabi,” sagot naman ni Bernard dito.Dahan dahan naman na tumango si Randy sa kanyang anak.“Kumusta naman ang kumpanya mo? Pasensya ka na kung naabala pa kita noong nakaraan dahil talaga sumabay rin na nagkasakit ako kaya hindi ko i
CHAPTER 15Hinayaan na lamang naman muna ni Bea na umiyak si Maxene at hindi na rin niya ito iniwanan pa dahil alam niya na ngayon siya higit na kailangan ng kanyang kaibigan.Nang medyo kalmado na si Maxene ay inalalayan naman muna ito ni Bea na makaupo at saka niya ito kinuhaan ng tubig.“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Pasensya ka na kung iniwanan kita kanina. Dapat pala ay isinama na lamang kita,” puno ng pag aalala na sabi ni Bea kay Maxene.“Ayos lang naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa niya ako kinukulit samantalang hindi naman ako naghabol sa kanya. Hinayaan ko na nga siya dahil gusto ko na maging masaya sya pero bakit parang gusto niya na kalimutan ko na lang ang ginawa niyang panloloko. Hindi ba niya alam na sobra akong nasaktan sa ginawa niyang iyon?” umiiyak pa rin na sabi ni Maxene.Napabuntong hininga naman si Bea habang naaawa niyang tinitingnan si Maxene. “Alam mo, Maxene. Sa tingin ko ay mas mabuti na magpah
CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang ako at ganon din ang gagawin ko sa’yo. Salamat sa pitong taon na pinagsamahan natin at wala akong pinagsisisihan doon. Pero siguro ay hanggang doon na lang talaga tayo. Kung ang Veronica na iyon ang magpapasaya sa’yo ay doon ka na lamang dahil matagal ko naman ng napapansin ang kakaibang tingin niya sa’yo. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at napapaligaya ka naman niya sa kama,” sabi pa ni Maxene at saka siya naglakad paalis sa harapan ni Joseph.Agad naman na tumayo si Joseph at agad niyang yinakap si Maxene.“Hindi, Maxene. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Veronica. I’m sorry sa mga nangyari. Please bigyan mo naman ako
CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.“







