Share

CHAPTER 3

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-12-29 22:54:29

CHAPTER 3

Samantala pagkalabas na pagkalabas naman ni Maxene sa loob ng unit ni Joseph ay hindi na niya napigilan pa ang pag alpas ng kanyang masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan.

Ni sa hinagap ay hindi inakala ni Maxene na magagawa iyon sa kanya ni Joseph dahil sa pitong taon na relasyon nilang dalawa ay hindi ito nagloko at kung kelan napapag usapan na nila ang pagpapakasal ay saka naman ito ginawa sa kanya ng binata.

Naging mabilis ang paghakbang ni Maxene at wala na siyang pakialam pa kung tinitingnan siya ng kanyang mga nakakasalubong dahil gusto na lang talaga niyang makarating kaagad sa kanyang sasakyan. At nang makasakay na siya sa kanyang kotse ay napasubsob na lang talaga siya sa manibela at saka siya doon humagulhol ng iyak dahil sobrang sakit talaga nito para sa kanya.

Sandali pang nanatili roon si Maxene at iniiyak na lang muna niya ng iniiyak ang sama ng loob niya dahil alam niya na hindi siya makakapagmaneho ng maayos dahil ayaw talagang tumigil ng kanyang luha at nanlalabo lang ang kanyang mga mata.

Ilang minuto pa na nananatili roon si Maxene at pilit na lamang niyang pinapakalma ang kanyang sarili at maya maya pa ay isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at saka niya pinunasan ang kanyang pisngi na basang basa ng luha.

“Lalaki lang yan, Maxene. Marami pang iba r’yan. Kaya mo yan. Hindi mo kailangan ng isang kagaya nya na manloloko at hindi marunong makuntento. Tama lang na hiniwalayan mo sya dahil hindi mo deserve ang isang kagaya nya,” kausap ni Maxene sa kanyang sarili at saka siya bumuga ng hangin sa kanyang bibig.

Hindi nagtagal ay pinaandar na rin ni Maxene ang kanyang sasakyan pero bago pa man siya tuluyang makaalis sa parking lot ng naturang building ay nakita pa niya si Joseph na naglalakad kasama ang babaeng kalampungan nito kanina kaya naman napahigpit na lamang talaga ang kapit niya sa manibela at pinilit na lang niyang pakalmahin ang kanyang sarili dahil baka kung ano pa ang kanyang magawa sa babaeng iyon.

Agad na ring pinaharurot ni Maxene ang kanyang sasakyan dahil lalo lamang siyang nasasaktan sa kanyang nakikita dahil ni hindi man lng siya sinundan ni Joseph at talagang kasama pa rin nito si Veronica.

Dahil sa matinding sama ng loob ay imbis na sa kanyang sariling condo unit dumiretso si Maxene ay sa isang bar siya napadpad.

Pagkababa ni Maxene sa kanyang sasakyan ay agad na niyang iginala ang kanyang paningin at saka siya lakas loob na naglakad papunta sa entrance ng naturang bar.

Eto ang unang beses na makapunta si Maxene sa bar kaya naman hindi talaga niya alam ang kanyang gagawin. Pero dahil sa kagustuhan niyang maglabas ng kanyang sama ng loob at gusto niya iyong idaan sa pag iinom at balak talaga niyang magpakalasing ngayon para kahit papaano ay makalimutan niya ang ginawa sa kanya ng kanyang ex-boyfriend.

Pagkaupong pagkaupo pa lang ni Maxene ay agad na siyang umorder ng kanyang maiinom. Medyo nagtaka pa nga ang waiter sa kanya dahil napakarami talaga niyang inorder gayong nag iisa naman siya.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin isa isa ang kanyang order na alak at agad na niyang sinimulan ang pag inom noon at habang umiinom siya ay wala ring patid ang pagpatak ng kanyang luha dahil sobrang sama talaga ng kanyang loob at hindu niya matanggap ang mga nangyari.

Habang abala rin si Maxene sa kanyang pag inom ay narinig naman niya ang pagtunog ng kanyang phone kaya naman tiningnan niya kung sino ba ang tumatawag na iyon at nakita niya na ang matalik niyang kaibigan na si Bea ang tumatawag sa kanya. Akmang sasagutin na sana niya ito pero bigla niyang naisip na gusto muna niyang mapag isa kaya naman imbes na sagutin ay ini-off na lamang niya ang kanyang phone dahil alam niya na hindi iyon titigil hanggat hindi niya sinasagot ang tawag nito.

Maya maya ay unti unti na ring dumadami ang tao sa loob ng bar habang si Maxene ay abalang abala pa rin sa kanyang iniinom at hindi na niya namamalayan pa na lumalalim na pala ang gabi. Marami na rin ang nagtangka na samahan siya roon pero hindi niya ito pinapansin at diretso lamang siya sa kanyang paglalasing.

“Mga h***p kayooo… wala kang kwentang lalaki, Joseph. Napakashamaa mo. Hindi ka marunong makuntentooo…. Magshama kayo ng babae mo,” sabi pa ni Maxene at saka niya tinungga ang laman ng huling bote ng alak na inorder niya kanina.

Lasing na lasing na ng mga oras na iyon si Maxene at balak pa sana niyang umorder pa ng alak pero umiikot na ang kanyang paningin at hindi na niya kaya pang tumayo man lang kaya naman napasubsob na lang talaga siya sa lamesa na iyon.

“Miss okay lang po ba kayo?” tanong ng isang lalaki kay Maxene ng mapansin nito na nakasubsob na ang dalaga at mukhang lasing na lasing na. At nang hindi naman nagsalita si Maxene ay akmang hahawakan na sana ito ng lalaki na iyon ng may biglang magsalita na baritonong boses mula sa likuran nito kaya naman bigla itong natigilan.

“Don’t you ever touch her. Kung ayaw mong masira ang buhay mo.”

Agad naman na napalingon ang lalaki na iyon at nang makita niya ang lalaking nagsalita ay bigla na lamang itong tumakbo paalis doon.

Ang nagsalita kasi na iyon ay walang iba kundi si Bernard Aragon— isang masungit at dominanteng CEO ng Aragon Group of Company. Kilala rin ito bilang isang matapang at walang kinatatakutan kaya naman walang nagtatangka na kumalaban dito.

At nang kumaripas na nga ng takbo ang lalaki na iyon ay hindi naman maiwasan ni Bernard na mapangisi at saka nito linapitan si Maxene na mukhang mahimbing ng natutulog dahil sa kalasingan.

Bahagya naman na hinawi ni Bernard ang buhok ni Maxene at napangiti na lamang talaga siya ng makita niya ang maamong mukha ng dalaga.

“Hindi na ako nagtataka kung bakit humaling na humaling sya sa iyo,” mahinang sabi ni Bernard habang titig na titig ito kay Maxene.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 18

    CHAPTER 18Pagkatapos nilang kumain ay naging abala naman na sila sa kani kanilang ginagawa. Sila Diana at Pamela ay nagpunta na sa kusina para gumawa naman ng kanilang meryenda para mamaya habang sila Patricia at Nathan naman ay nagswimming na kaagad dahil ito talaga ang madalas na gawin ng magkapatid sa tuwing pumupunta sila sa mansyon. Habang sila Randy, Jonathan at Bernard naman ay abala sa pag uusap ng tungkol sa kumpanya. Habang si Joseph naman ay may sariling mundo sa sala at inabala ang kanyang sarili sa kanyang cellphone.“Jonathan sa tingin mo ba ay kaya ng humawak ng kumpanya ng iyong anak na si Joseph? Nasa edad naman na siya at maaari na ring humawak ng kumpanya,” tanong ni Randy sa kanyang panganay na anak.Seryoso naman na napatingin si Jonathan sa kanyang ama dahil sa sinabi nito.“Bakit po dad?” kunot noo na tanong ni Jonathan.Napabuntong hininga naman si Randy at saka niya seryoso ring tiningnan ang kanyang mga anak.“Matanda na ako at aaminin ko sa inyo na medyo h

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 17

    CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman naipikit na lamang niya ng mariin ang kanyang mga mata ng dahil doon.“Tsk. Bakit ba palagi na lang kitang naaalala? Bakit ba palagi ka na lamang gumugulo sa isipan ko? Dala lang yun ng init ng katawan kaya nangyari iyon at wala ng iba pang dahilan. Bakit ba paulit ulit ko na lang naaalala ang mukha mo?” kausap ni Bernard sa kanyang sarili at tila ba naiinis na siya dahil hindi mawala wala sa isip niya ang babae na iyon.Hindi na kasi talaga maintindihan ni Bernard ang kanyang sarili kung bakit ba palagi na lang niyang naaalala ang babae na iyon. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang halos araw araw na lang niyang naaalala ang babae na iyon kaya naman inaabala na lang niya ang kanyan

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 16

    CHAPTER 16Matapos na mag usap ng mag ina ay muli naman ng bumalik si Diana sa kusina dahil kapag ganitong magkakasama sama sila ng kanyang pamilya sa mansyon ay gusto niya na siya ang magluluto ng kanilang mga kakainin dahil minsan na lang din talaga sila makumpleto roon.Samantalang si Bernard naman ay nagpasya na pumunta sa kanyang silid pero bago pa man siya makarating doon ay nakita niya ang kanyang ama kaya agad niya itong linapitan.“Good morning dad,” bati ni Bernard sa kanyang ama.“Narito ka na pala, hijo. Kagabi ka pa hinihintay ng mommy mo,” sagot naman ni Randy kay Bernard.“Opo dad. Nagkita na po kami ni mommy sa baba. May mga tinapos pa po kasi ako kahapon sa opisina at halos gabi na po ako natapos kaya po sa unit ko na po muna ako umuwi kagabi,” sagot naman ni Bernard dito.Dahan dahan naman na tumango si Randy sa kanyang anak.“Kumusta naman ang kumpanya mo? Pasensya ka na kung naabala pa kita noong nakaraan dahil talaga sumabay rin na nagkasakit ako kaya hindi ko i

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 15

    CHAPTER 15Hinayaan na lamang naman muna ni Bea na umiyak si Maxene at hindi na rin niya ito iniwanan pa dahil alam niya na ngayon siya higit na kailangan ng kanyang kaibigan.Nang medyo kalmado na si Maxene ay inalalayan naman muna ito ni Bea na makaupo at saka niya ito kinuhaan ng tubig.“Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya? Pasensya ka na kung iniwanan kita kanina. Dapat pala ay isinama na lamang kita,” puno ng pag aalala na sabi ni Bea kay Maxene.“Ayos lang naman ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pa niya ako kinukulit samantalang hindi naman ako naghabol sa kanya. Hinayaan ko na nga siya dahil gusto ko na maging masaya sya pero bakit parang gusto niya na kalimutan ko na lang ang ginawa niyang panloloko. Hindi ba niya alam na sobra akong nasaktan sa ginawa niyang iyon?” umiiyak pa rin na sabi ni Maxene.Napabuntong hininga naman si Bea habang naaawa niyang tinitingnan si Maxene. “Alam mo, Maxene. Sa tingin ko ay mas mabuti na magpah

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 14

    CHAPTER 14Tila naman hindi nakakaramdam ng awa si Maxene kay Joseph ng mga oras na iyon dahil nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang galit dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.“Pwede ba tumigil ka na dahil hinding hindi na ako magpapaloko pa sa’yo. Tama na ang minsang nasaktan ako ng dahil sa pagmamahal ko sa’yo. Ang mabuti pa ay kalimutan mo na lamang ako at ganon din ang gagawin ko sa’yo. Salamat sa pitong taon na pinagsamahan natin at wala akong pinagsisisihan doon. Pero siguro ay hanggang doon na lang talaga tayo. Kung ang Veronica na iyon ang magpapasaya sa’yo ay doon ka na lamang dahil matagal ko naman ng napapansin ang kakaibang tingin niya sa’yo. Matututunan mo rin siyang mahalin lalo na at napapaligaya ka naman niya sa kama,” sabi pa ni Maxene at saka siya naglakad paalis sa harapan ni Joseph.Agad naman na tumayo si Joseph at agad niyang yinakap si Maxene.“Hindi, Maxene. Ikaw lang ang mahal ko at hindi si Veronica. I’m sorry sa mga nangyari. Please bigyan mo naman ako

  • A Night with My Ex-Boyfriend's Uncle   CHAPTER 13

    CHAPTER 13Agad na rin naman na nagsimula sa kanyang trabaho si Maxene at dahil nga isang linggo siyang nawala ay talagang tambak ang kanyang trabaho ngayon.Gaya naman ng sinabi ni Bea ay doon na rin muna niya ginawa ang kanyang mga trabaho sa opisina ni Maxene. Mabuti na lamang talaga at may extra table doon si Maxene kaya naman hindi rin siya nahirapan na gawin ang kanyang trabaho.Ilang oras na rin ang nakalipas at seryosong seryoso naman na ginagawa ni Maxene ang kanyang mga trabaho. Paminsan minsan ay linalapitan siya ni Bea upang tulungan siya sa ilang mga paper works niya kaya naman kahit papaano ay nababawasan ang kanyang mga ginagawa.Nang sumapit naman ang hapon ay saglit naman na umalis si Bea dahil may kailangan siyang puntahan pero nangako naman siya kay Maxene na babalik din siya kaagad.Habang wala si Bea ay inabala pa rin ni Maxene ang kanyang sarili sa kanyang trabaho at maya maya pa ay may kumatok sa kanyang opisina kaya naman napatingin siya roon ng bumukas iyon.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status