Share

Chapter 2

Chapter 2||Zaffiro

NAPANGITI nalang si Sapphire nang matanaw ang matalik na kaibigan pagdating ng Airport.

"Kristine!" masayang bati niya sa kaibigan na ikinangiti nito ng malapad habang masiglang kumakaway sa kanila.

Kristine Lao Imperial is her best friend for five years.

Ito rin ang babaeng tumulong sa kaniya nang mawalan sya ng malay noong araw na iyon, limang taon na ang nakararaan.

She helped her that time and since then, the two became really good friends. Kristine is a psychiatrist, who works in a mental institute.

Less than 3 years din niyang nakasama ito sa Canada. Ngunit bago iyon ay dalawang taon na rin siyang nagtatago sa Canada at nakapanganak na doon nang magkita muli sila.

They didn't loose connection since Kristine helped her before. Ayaw niya sanang iinvolve pa sakaniya ito, ngunit makulit talaga si Kristine. Three years ago, sumunod sakaniya si Kristine dahil nagkataong doon muna siya magtatrabaho.

But then 3 months ago umuwi ito at lumipat sa pilipinas sa kahilingan ng mga magulang nito.

"Oh my Saphire! Akala ko ay ikaw talaga si Emerald. Alam mo kung hindi ko lang talaga alam na ikaw ang dadating baka napagkamalan na kitang siya. Dahil sobrang identical nga talaga kayong dalawa,” natatawang komento nito na nagpailing na lamang kay Saphire.

"Malamang, kambal kami,” ngiwi niyang ikinairap lang nito.

"Anyways! Hi baby Zaff!" hyper na saad niya habang malapad ang ngiting bati niya sa bata, pero tinignan lang siya nito saka di pinansin.

Napanguso na lang tuloy si kristine.

"Hays ang snob ng batang yan! Pinaglihi mo ba sa yelo yang anak mo ha Saph? kaloka!" nakanguso paring sabi nito na nagpailing lang sakaniya saka binuhat si ZM.

Zaffiro looks like his father. That man whom she only knows by his name and his face.

Hindi na siya nag abala pang ipahanap ito sa kapatid kahit gusto niya dahil sa kanilang sitwasyon. His sister almost tried searching for him to beat him to death, but she stopped her.

Dahil ginusto din naman niya ang nangyari. He is a good man, and they are both at fault, ayaw niya na talagang may madamay pa sa gulo nilang magkakapatid.

Zaffiro Mathew Stone is the name his son uses.

Hindi katulad ng ibang bata ay tahimik ito at mas gugustuhing makipaglaro sa pusa niya. Mas enjoy din ito sa mind games at building blocks, hindi rin ito iyakin at hindi pala salita gawa ng karanasan noon.

Bukod kay Saphire, si Lucas, Emerald at Ruby lamang ang kinakausap nito, at ang pusa niya.

ZM has this problem, he hates communicating with other people except his mom and those three. Nagwawala ito at nagtatantrums sa tuwing mahahawakan sya ng ibang tao.

Ayon kay Kristine, nang ipatingin niya ang anak noon ay dulot ito ng nangyari sa nakaraan. May trauma itong natamo, kaya nagkaganoon ang bata.

"Anyways daan muna tayo sa Imperial main building mamaya ha? May kukunin lang ako kay kuya,” nakasimangot pang saad ni Kristine habang nagmamaneho, na nagpangiti kay Saphire na tumango.

Inabot din sila ng isang oras mula sa Airport, patungo sa naturang building.

Nang makarating ay agad silang naglakad patungong parking lot habang buhat buhat pa rin ni Saphire si Zaffiro.

Isinuot niya ang cap at mask gaya ng nakasanayan habang nakikinig sa mga kwento ni Kristine.

"Kaloka buti ka pa talaga may Zaffiro ka na,” Kristine sighed.

"Oh bakit naman?" kunot noong tanong ni Saphire habang naglalakad lakad sila nito. Kristine shrugged.

"Well I'm 29 and still NBSB sis malamang kailangan ko ng maging alert. Hays hahanap na lang ata ako ng gwapong baliw sa mental hospital na willing buntisin ako,” reklamo nito.

Iling iling na mahinang binatukan siya ni Saphire.

"Diba nagkaboyfriend ka na? NBSB ka diyan,” sambit niyang nagpangiwi kay Kristine.

"No boyfriend since break up, boba!" nguso nitong nagpailing lang kay Saphire.

"Eh paano, diba nga sabi mo nagagfocus ka na sa work after last break up? At saka ikaw rin mismo ang nagsabing pihikan ka,” saad ni Saphire sa kaibigan..

"Eh anong gusto mo, pili nalang ako sa isa sa mga pasyente ko? Malamang kung magkakastandards lang din ako yung best na para sakin! Oh ano? Payt meh!"

Hindi nalang sumagot si Saphire sa kabaliwan ng kaibigan.

***

Imperial Hotel’s Main office.

"Saka Kuya pinatatanong pala ni Mommy kung wala padin—"

"Yes I have no girlfriend and has no interest to have one. Masyado akong abala sa trabaho,” Matteo hissed at his annoying little sister.

Matapos kunin ng kapatid ang kailangan ay hindi pa din umaalis ito at nagpasama pa sa lobby ng building.

"Pagtiisan mo na lang si Mommy. Senior na eh, kailangan na daw ng apo—na hindi pusa,” kibitbalikat nitong nagpangiwi kay Matteo.

"Edi ikaw ang magbigay,” sabi niyang ikinanguso ng kapatid.

"Boyfriend nga wala ako eh, Anak pa kaya? Kuya sa sobrang talino mo, nakakabobo na ha,” iIrap niya.

“Oh shut up,” he frowned.

"I have no girlfriend either, how would I have a child?” Matteo chuckled, sinimangutan lamang siya ng kausap.

Napakunot ng noo si Matteo nang mapansing nang liliit ang mata’ng nakatitig sa kaniya ang nakababatang kapatid na si Kristine Lao Imperial.

"Kuya parang may nakita akong kamukha mo? Sino nga ba?" tanong nito.

“Ewan ang sakit sa ulo, masyado na akong abala sa ospital para problemahin pa,” saad nito.

Inilingan lang niya ang kapatid at pinitik ang kaniyang noo, saka walang pasabing iniwan na ang nakakairitang kapatid doon.

"Ay bastos na bata! Bat ba napalilibutan ako ng mga walking yelo ngayon?" inis na bulong nito sa kaniyang sarili. Sakto namang dumating si Saphire buhat buhat si Zaffiro.

"Oy saan kayo nanggaling? Ipakikilala sana kita sa kuya ko ehh,"reklamo ni Kristine sa humahangos sa si Saphire.

"Tumakbo si Luke na hinabol ni Zaffiro tapos hinabol ko naman sila," saad nito na nagpairap lang kay Kristine. Luke is a black cat with blue eyes.

"Eh bwiset naman ‘yang pusa n’yo ehh! Ang sama kung makatingin, konti nalang talaga gagawin ko na ‘yang siopao," irap niya.

"Tara na nga, ang dami mong sinasabi dyan,” iling iling na sabi ni Saph na ikinairap lang ulit ni Kristine.

***

"Matt!" pagtawag pansin sa kaniya ng kaibigang si Vin.

"Problem?" nag angat ito ng tingin saka inalis ang reading glasses na suot nya. Nangingitim ang ilalim ng mga mata at magulo ang buhok.

"Magpapamental na ata ako,” marahas pa itong napabuntong hininga na nagpakunot ng noo ni Matteo.

"Akala ko takas ka? Susuko ka na?"

Sinamaan ito ng tingin ng kaibigan.

"Nevermind. Teka may binalita na naman si Zayne chikadoro, magbabakasyon ka daw?" napa poker face nalamang si Matteo sa tanong nito.

Ibinalita nanaman ng tsismoso niyang kaibigan ang balak niya.

"Yeah. At my sister's vacation house,” tipid na sagot niya.

Kristine doesn't know he will go there for a vacation though. And Matteo thought that she doesn't have to know since it won’t be for long.

"Balak ko ring magbakasyon ehh gusto mo sumama?" malapad ang ngiting tanong nito na nagpairap kay Matteo.

"No thanks. Last time na sumama ako sayo sa pagbabakasyon mo, dinala mo lang ako sa rehab kasi trip mo,” sinamaan pa ni Matteo ng tingin ang kaibigan nang maalala niya iyon.

"Sus bagay ka naman dun ehh tigang ka ka—aw!"

Binato siya nito ng stapler ng naka poker face lang habang siya ay hinihimas ang ulo.

"Taena makaalis na nga baka mesa pa ibalibag mo sa susunod ehh laki talaga ng galit mo sakin noh? Baka tayo magkatuluyan niyan,” akmang babatuhin uli sya ni Matteo ng puncher pero nakatakbo na si Vin.

Marahas nalamang syang napabuntong hininga, hindi niya rin alam kung paano niya naging kaibigan iyon.

***

"Finally,” Saph groaned.

Gabi narin nang makarating sa isla matapos ang limang oras na byahe, sakay ang yate.

Nakatulog narin si Zaffiro at ang pusa nitong si Luke. Pagod na pagod sila sa halos 14 hours na byahe galing ng Canada. Idagdag pa ang limang oras na byahe papuntang isla kung saan nakalocate ang vacation house ni Kristine.

"Anyways mag istay lang ako dito hanggang dinner. Maaga akong uuwi, since kailangan kong asikasuhin yung mga pasyente ko,” Kristine said, making Saph nod her head then smiled at her friend.

"Thanks a lot Kris. Hindi ko narin kasi alam kung saan kami pupunta since nasanay na kaming tumira sa Canada. 3 years din kasi tayong nag stay doon," napahilot nalamang si Saph sa kaniyang sintido.

"Nah. . .Ayos lang, nabubulok naman na tong vacation house ko since busy rin ako. Anyways, tago ang islang ito at tanging family members at mga trabahador lang ang nakakaalam kung saan. So di kayo matutunton dito. Pasok na tayo alam kong pagod kayong mag ina," paliwanag nito na nag patango pa sa kaniya saka sila tuluyang pumasok sa loob ng vacation house niya.

Kristine has her own Island. Iniregalo sa kaniya iyon ng mga magulang niya noong ikalabing walo niyang kaarawan. Saka niya pinatayuan ng vacation house noong magkatrabaho siya.

"Sila nga pala ang mga maids and Butters na makakasama n’yo sa vacation house ko, " saad ni kristine nang bumungad sakanila ang hile hilerang mga trabahador ng vacation house na iyon.

"Welcome Miss Emerald, I am the head maid, My name is Ganduh Co. While this is the head buttler, Akohzi Guapo,” pagpapakilala ng mayordoma.

Kunot noong di’ makapaniwala’ng napa tingin siya sa kanila, hinihintay na sabihin nitong nagjo-joke siya ngunit nakangiti lamang ito. As if on cue, nag umpisa na ring magpakilala isa isa ang mga trabahador ng vacation house.

"Kami po pala ang magkakapatid na labandera dito. Kamusta po ma'am, ako po pala si Wathfad S. Layf,” hagikhik nitong ikinakunot ng noo ni Saph at naguguluhan.

"Ako naman po si Kaye Puff S. Layf"

"Ako po si Annie Mae S. Layf"

"I am Kee Lai S. Layf po"

"Ako po si Fhorn S. Layf"

'What the. . . ?’ saad ni Saphire sa kaniyang isipan.

"Hello po ma'am ako po pala yung hardinero dito si Hard Packer,” ngiti ng hardinerong animo’y isang ubo nalang.

“What the f*ck?” Saphire couldn’t help but curse.

“Ay hinde ho pack, di’ po ako isda, ala ho akong pack pack. Packer po, Ma'am. Di niyo naitatanong expert po ako sa pagtatabas ng mga ligaw na damo, kahit itanong niyo pa kay Mahli,” halaklak nitong halos masapok na ni Saphire.

"Ako po si Baby Paquiou"

“Ako po si Baby Tayin.”

“Baby Tawan po Ma’am!” napangiwi si Saphire doon.

“Ano baby ka den?” kunot noong tanong niya sa susunod na nagpailing sa maid.

“Ah hindi po, ako ho si Damu Lag, ito po Soni Yo, Nob Eta, Dori Moon, Silor Moon, Sulo Moon, Pande Lee Moon at si Moonta Ngah.” hagikhik nito.

“Ang batok ko,” d***g ni Saphire.

Pakiramdam niya ay tataas ang presyon niya sa mga kausap.

"Good day ma'am! I'm Mahli Vugh eto naman po, pinsan ko, si Mahy Futok."

"Ms Emerald ako namern fo si Annie Duroh.”

"Hi po, Ms. Stone ako po si Dico Quilala."

"Ako po si Highaadna Makate."

"Ako po naman is si Anesnah Mahlufet."

"Magandang araw po! Ako po si Mah Toyo. Sila po yung mga bespren ko. Sina Datuh White saka si Tee Ghang."

"Maithim Nauthong po ang pangalan ko,” sinamaan na lamang ni Saph si Kristine na pangiti ngiti lang.

Kalaunan ay napabuntong hininga nalamang,saka napahilot sakanyang sintido.

"Ako naman po si—" hindi na pinatapos ni Saph magsalita ito ay pinutol niya na ang sasabihin ng maid.

"Ano abnormal din ba pangalan mo?" kunot noong tanong niya na agad na nagpailing sa maid.

"Ah hindi po Ma’am, normal naman po ang pangalan ko,” ngiti nito sa kaniya.

"Abbie po pala ang pangalan ko,” pagpapakilala nitong nagpatango tango sa kaniya at ngumiti.

‘Sawakas ay may matino din, hindi ko alam kung nasa vacation house ba ako o dinala kami ni Kristine sa mental eh,’ saad niya sa isipan habang nakangiti sa maid na si Abbie.

"Abbie Birdey po hehe."

Saph groaned in annoyance habang si Kristine ay kanina pa nagpipigil ng tawa sa itsura ni Saphire.

"Asan mga magulang ng mga to? usap nga kami, usap lang,” inis na sabi niya hanggang sa tuluyan ng humagalpak sa katatawa si Kristine.

"Yung totoo Kristine mga pasyente mo tong mga to noh?" kunot noong sabi niya sa kaibigang halos malagutan na ng hininga sa katatawa.

"Isa pa Kristine ako mismo sasakal sayo,” inis na sabi nya.

"Wait—" hindi na nito napagpatuloy ang sasabihin ay tumawa uli ang loka.

Napailing nalamang si Saphire sa tinotoyong kaibigan.

"Wala na, nabaliw na," sabi niya pa.

Ilang sandali lang itong tumawa habang lahat sila tahimik lang na pinanonood siya at hinihintay siyang matapos, nang sawakas ay tumigil rin ito.

"Actually galing ng rehab ‘yang mga yan. Nung gumaling na, walang mahanap na trabaho kaya kinuha ko sila dito hihi. . ." humagikhik pa ito sa sinabi.

"Ewan ko sayo Tin!" iling iling na sabi na lang ni Saphire.

Nagpahatid na sila sa isa sa mga maids na naroroon papuntang kwarto nila, matapos ang nakakastress na tagpong iyon.

Nalaman rin niyang may sariling bahay ang mga trabahador na naka konekta lang sa mansiyon, kaya sila lang ni Zaffiro ang naroroon hanggang sa makahanap siya ng matitirahan. Magpapalamig muna sila ngayon mula sa mga taong humahabol sa kanila.

Dahan dahan nitong inihiga si Zaffiro sa malambot na kama habang akap akap nito ang pusa niya. Napangiti nalang itong hinaplos haplos ang buhok niya saka dahan dahang tinanggal ang sapatos at medyas nito saka tumabi na rito para matulog.

"Sorry Zaff, for giving you a dangerous life, you don't deserve,” she whispered.

"You're supposed to live like a normal kid normally does. Pero heto ka at nadadamay sa panganib na dala ng buhay ko,” hindi maiwasang maiyak ni Saphire habang nakatitig sa anak.

Shen feels awful for giving that kind of life to her son.

Tinatanong niya sa sarili, kung sakaling hindi siya umalis noong araw na iyon o hinanap niya ang ama ni Zaffiro ay ganito pa rin ba ang magiging buhay nila?

Nasasaktan siya, pagod na pagod na kakatakbo at kakatago at ang tanging nagbibigay na lamang ng lakas sa kaniya ay si Zaffiro.

"I love you ‘Nak,” bulong niya saka masuyong hinalikan siya sa noo at niyakap ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status