Share

Chapter 3

Chapter 3|| Twin Sister

"LUKE, don't move," Zaffiro said, talking to his cat. 

Nasa loob ito ng blocks na pinag papatong patong niya. Napangiti nalang si Saphire sa pinaggagagawa ng anak. Isang linggo narin nang tumira sila sa vacation house at naging tahimik naman ang buhay nila. Napailing iling nalamang sya habang pinagpapatuloy lang ang tahimik na pagmamasid sa anak habang ka-text ang kapatid. Napahikab pa ito saglit saka unti unti ay bumigat ang talukap ng mga mata nito.

“Mew? Mew mew?” she heard her son still talking to Luke.

Sumasagot pa doon ang pusa nito. Then her vision slowly blurred as she slowly drifted to sleep.

"Luke! Quiet Mom might wake up,” Zaffiro whispered when some of the blocks fell because of the cat. 

He carried his cat out of the blocks. Inihiga niya ito sa sarili nitong higaan saka dumiretso sa banyo para mag sipilyo. Matapos ay pumunta na siya ng kama kung saan naroroon ang mommy niya. Saka niya inabot ang remote ng mga ilaw at pinindot iyon para mamatay ang ilaw.

"Goodnight Mommy, I love you,” Zaffiro said in a small voice with a smile on his face. 

Hinalikan pa nito si Saphire sa pisngi saka humiga sa tabi nito at niyakap ang mommy niya saka tuluyan ng nakatulog.

***

Matteo groaned. Sawakas ay nakarating rin sya sa isla matapos ang limang oras na byahe. Inabot sya ng isang linggo bago matapos lahat ng trabaho saka nag file ng one month leave. 

He was so stressed from work and just needed to rest for a while. 

Sa isang lugar kung saan alam niyang ‘di iisipin ng mga magulang nyang pupuntahan niya. He doesn’t like this Island that much. Ang sakit kasi sa ulo ng mga trabahador nito. Pero mas gugustuhin niya namang mapunta dito kaysa makipag date sa mga babaeng sini-set-up sakaniya ng mommy at auntie niya.

‘Women are complicated,’ he thought.

"Magandang gabi ho ser," bati ng gwardya.

‘Hays Hays Beybe.’

 Napangiwi nalang siya nang mabasa ang pangalan nito sa name tag niya.   

Kilala narin siya ng mga tao sa isla dahil minsan na siyang nakarating roon. Tinaguan niya lamang ang guard saka nag tuloy tuloy ang pagpasok. Hindi pinapansin ang mga maids at buttlers na bumabati sakaniya.

Masyado siyang pagod at inaantok narin sa byahe kaya ang unang kuwartong nadaanan niya ang kaniyang pinasukan. He restlessly dropped his traveling bag on the floor as he removed his clothing. At tanging boxers lang ang itinira niya.

Madilim ang buong paligid at halos wala siyang makita sa loob, pero hindi niya alintana iyon. Bagkus ay pagod na pagod na humiga nalang sa kama at ipinikit ang mga mata.

May naramdaman pa siya sa tabi niya, pero ipinagwalang bahala niya nalamang iyon dahil sa sobrang antok, gawa ng pagod.

***

Saphire felt something hard poking her ass and strong arms encircled on her waist.  Saph moaned sleepily as she felt that tingling warmth hugging her from behind.

"Mommy?" Zaffiro called her while sitting beside her.  She half opened her eyes then looked at her son with a sleepy smile.

Hindi niya pala namalayang nakatulog siya kagabi. Mabuti nalang talaga at ang contact lense na suot nya ay pwedeng hindi tanggalin kahit isang buwan pa. It was an aqua contact lense that are designed to be worn continuously, even while sleeping, as determined by your eye care professional. The lenses are FDA-approved for daily wear and extended wear for up to 30 nights.

"Yes baby?" she sleepily said. Zaffiro looked at her weirdly while his little forehead ceased.  Confusion was purely visible from his crystal clear, ocean blue eyes.

"Who is he?" he asked.

Kumunot ang noo ni Saphire sa sinabi ng anak kahit antok na antok pa rin ito.

"Huh? Who's he?" she asked again sleepily.

"That man beside you, I woke up in between the two of you," Zaff pouted, but then a sudden realization hit her. Para bang nawala ang lahat ng antok niyang agad na napaupo.

She immediately shrieked as she pushed the man away.

Dahilan para mahulog pa ito sa kama.

"F*ck!" the man cursed loudly, Zaffiro just shook his head at the two of them. Saka niya binuhat ang pusa niya at naglaro nalang ng building blocks sa tabi.

Matteo suddenly froze when he saw Saphire's face, same with Saphire.

Parehong nanlaki ang mata ng dalawa. Both hearts were beating crazy as both met each other's intense gazes.

‘That face. . .’ they both said at the back of their minds.

What happened 5 years ago replayed their memories clearly as they looked at each other with both shocked expressions.

But then her currently green eyes caught Matteo's attention.

"G-Green?" he mumbled while looking at her in daze.

"W-who are you? What are you doing here?!" Saph managed to ask. 

Kahit pa hinding hindi niya malilimutan ang tabas ng pagmumuka ng lalaki ay nagmaang-maangan siya. Nagbabakasakaling hindi siya nito makilala.

'It's been five long years, imposibleng naaalala pa ako nito,' umaasang sambit niya sa kaniyang isipan.

"Your eyes. . .It's green," muling saad nito. Saphire calmed herself before answering.

Tinaasan nya ito ng kilay.

"Who are you? and what are you doing in our room!" sigaw niya saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Matteo na kasalukuyang tulala padin sa kaniya. 

Marahas siyang napailing doon.

"I will call the security!" giit  niya saka binalingan ng tingin ang binata.

"Teka nga ako nga dapat nagtatanong, bakit kayo andito?" kunot noong tanong ni Matteo habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga mata ni Saphire. Wala siyang maintindihan sa mga pangyayari. 

Saph looked at him hiding all her emotions with a calm stoic face.

"I am Kristine Imperial's best friend in Canada, and she allowed me to stay here. Now get out of here or I'll call the  security,” malamig na saad nya.

"Your eyes. . .Why is it green?" wala sa wisyong tanong nito. Saphire rolled her eyes on him.

"Cause it's green. Ano lalabas ka ba o hindi?!" napa Tiim bagang na lamang si Matteo at tinignan ito ng matalim. 

He is silently hoping that she is that woman 5 years ago.

"5 years ago. . .I-I met this woman who has a pair of beautiful blue eyes," he paused then looked at her face for a moment.

"You have the same face....But different eyes, who are you?" he asked, Saphire bit her lower lip as she looked at him.

"I don't know who you are so it's definitely not me. Pwede bang umalis ka na?! Why are you suddenly asking questions!" iritang sabi nitong nagtataka parin sa presensya ng binata.

"Answer me, are you that woman?" seryosong tanong ng binata.

"You must be talking about my sister,” she stated.

"Your sister?" kunot noo at may pagdududa paring saad ni Matteo.

"Twin sister." She corrected. 

"Her name is Saphire. 5 years ago, dalawang taon din siyang namalagi sa bansang ito. So I think si Saphire nga ang babaeng tinutukoy mo. I'm Emerald by the way"

Saphire did a victory dance at the back of her head. 

Nang mukang nakumbinsi niya naman ang lalaki. Saphire is really good at lying and hiding her emotions. She can pretend perfectly, while her Twin, Emerald, is best at controlling other people's emotions. Their other Twin sister Ruby has perfected the art of manipulating. The three of them have these different dangerous masks they always wear with them. At sa kanilang tatlo, masasabi niyang siya na ang pinakamatino.

Napangiti nalang sya sa naiisip. 

"Where is she then?" madilim ang mukhang tanong ni Matteo na nagpangisi kay Saphire.

"Tell me who are you first and what the hell are you doing here, saka magdamit ka narin," Saphire told him calmly. She even glanced at her son, na mukhang wala namang pake sa mga nangyayari at naglalaro ng Building blocks habang nilalambing siya ng pusa.

Saphire smiled.

Hindi naman niya siguro mahahalata? Saad niya sa kaniyang isipan.

Hindi man lang niya namalayang nakapagbihis na rin pala si Matteo na ikinahinga niya ng maluwag. Nakakabother kasi tignan kanina ang nakasaludo nitong kaibigan.

"I am Matteo Imperial. I'm Kristine's brother, that's why I'm here," blangko ang mukhang sabi nito. 

She silently cursed at the back of her mind but managed to hide the shock perfectly.

Kristine did say she has an older brother, pero wala siyang kaideideyang ang lalaking iyon ang kuya niya! She never met any of her family member despite of being long time friends. 

Kadalasan kasi ay nagtatago siya at palipat lipat pa.

"Weh?" sabi na lang niya dahilan para pukulan siya nito ng masamang tingin.

"Do I have to even show you my birth certificate?" bakas ang pagkairitang saad nito, kalaunan ay sumeryoso ang mukha.

"About me being in your room, I sincerely apologize. Hindi ko alam na may gumagamit ng kuwartong ito. Masyado akong pagod kagabi at basta na lang pumasok sa pinakamalapit na guestroom. Hindi ko namalayang may tao dahil hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw. I'm really sorry, miss," he explained and apologized. Kalmado lamang na napatango doon si Saphire, kahit kanina pa malakas ang kabog ng kaniyang puso sa sobrang kaba.

"Now tell me, Where is your sister?" he asked impatiently, Saphire shook her head.

"Close ba tayo para sabihin ko sayo?" tinaasan niya pa ito ng kilay. 

Hindi niya alam kung bakit hinahanap siya ng lalaking ito at kung paanong naaalala pa rin niya ang dalaga, gayong napakatagal ng panahon, mukha ng huli nilang pagkikita.

That's their first and last encounter so she has no idea why he is asking her about her whereabouts.

"Mabuti pa ay lumabas ka na sa kwarto namin,” saad niya pa saka pinuntahan si Zaffiro at binuhat ang anak. Kunot noong napatitig si matteo sa bata na kumakaway at nakatitig din sa kaniya habang buhat ito ng ina.

He looks familiar. Hindi lang niya maalala kung sinong kakilala niya ang kamukha nito.

Inis na sinundan nya ang dalawa hanggang sa makarating sila ng kusina. Naabutan niyang sabay na nagsisipilyo ang mag ina sa lababo. The scene somehow melted a part of him. Pero marahas ding napailing nang marealize niya iyon.

"Why can't you just tell me?" inis na giit niya nang matapos ang mga ito. Hinarap siya ni Saphire na blangko lamang ang mukha. Mahina lamang siyang napamura sa isipan nang mapadako ang tingin sa mayamang dibdib nito.

"Eyes up here Matteo,” malamig na sabi nito.

Nanlaki ang mga matang namumula ang mukang tumingin siya sa mukha ng babae. 

Napalunok nalamang sya nang makita ang maganda at maamo nitong muka. Ilang beses na lang siyang napamura sa isipan para pakalmahin ang sarili.

'Is it because she looks exactly like that woman?' he asked himself.

"Bakit ko sasabihin sayo ang kinaroroonan ng kakambal ko, gayong kakikilala ko lang sayo? t*nga ka ba? I don't trust you enough to tell you that information,” diretsahang sabi niya habang seryoso lamang ang muka ni Matteo.

"I see,” napatiim bagang na sabi niya saka dumako ang tingin sa tahimik na bata.

"Your son?" he asked Saphire, who is disguising herself right now as her twin sister, Emerald. 

Mabuti na lamang at madalas ang pagpapalitan nila ng identity ng kakambal.

"Yes,” she managed to speak calmly.

For an unknown reason Matteo somewhat felt disappointed. Maganda ito, hindi malayong may asawa na siya, na ama ng batang ito.

'But I don't see a ring, is it her boyfriend's?'  he thought.

"So. . .Sasabihin mo na?" pangungulit nito na nagpairap lamang sa babaeng kaharap niya.

"No,” she gave him a deadpan look.

"Ano bang mayroon at gusto mong malaman ha? did my sister drop her glass slipper and you’re in the mood to be the prince so now you're trying to find her?" kunot noong tanong ni Saphire na nagpangisi kay Matteo.

"Something like that, but it's not slipper," he chuckled, bahagyang nag init ang pisngi doon ni Saphire nang maalala kung ano ang naiwan niya.

"Saka may ninakaw saakin ang kambal mo."

That annoyed her, but managed to hide it.

'Bukod sa damit wala akong ninakaw sa kaniya!'

Gustong gusto iyong sabihin ni Saphire pero pinili niyang manahimik na lang.

"Kung ano mang kinuha sa’yo ng kapatid ko ay hindi ko na problema iyon," kalmadong sabi niya habang pinaghahanda niya ng makakain si zaffiro.

"Then just wait till I make you spill it Emerald. You will tell me where she is in a matter of time," Matteo clenched his jaw as he said that, Emerald smirked at him.

"Make me."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status