Share

Chapter 6

“HELP!” May kalakasan ang boses ni Manuel ng huminto ang kotse minamaneho niya sa tapat ng entrance door ng hospital. Mabilis ang bawat kilos niya.

Kaagad naman siya dinaluhan ng security guard na may wheelchair itong tinutulak. Mabilis ang kilos ng bawat isa upang ipasok sa loob ng Emergency room, si Yza na wala pa rin malay-tao. Papasok na rin sana sa loob ng ER si Manuel ng harangan siya ng nurse.

“Sir, sorry pero hindi po kayo allowed doon sa loob.” Anang Nurse na nagmamadaling sinara ang dahon ng pinto.

Napabuntong-hininga na lamang siya ng malalim. Walang nagawa si Manuel kung di ang maghintay na lamang dito sa labas ng pinto ng ER. Nakasandal siya sa dingding na nakahalukipkip habang nakatingala roon sa kisame, tila ba naroon ang kasagutan ng mga katanungan na tumatakbo sa kanyang isip nang mga sandaling iyon.

Naiinip na siya sa kahihintay sa Doctor ng umaasikaso sa kay Yza. Sobrang nag-alala na rin siya sa kalagayan ng dalaga.

Panay ang buga niya ng hangin. Pabalik-balik na rin siya sa ginawa niyang paglalakad parito't paroon, upang sa gan'on kahit paano ay maibsan ang inip na umatake sa kanya. Halos isang oras na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin lumabas ang Doctor,mula sa loob ng emergency room.

Biglang napatayo ng tuwid si Manuel ng makita niya ang Doctor na lumabas mula sa loob ng emergency room.

Kahit paano nakakahinga siya ng maluwag ng sa wakas, pagkatapos ng mahabang paghihintay niya ay lumabas na rin mula sa loob ng Emergency room ang Doctor na umaasikaso sa kay Yza.

Hindi nag-aksaya ng sandali si Manuel. Hinakbang niya ang kanyang mga paa upang salubungin ang Doctor. Hindi niya kaya ipaliwanag ang kabang naramdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Doc, how is she?” Tanong niya agad ng magkaharap na sila ng Doctor. Nababanaag niya sa hitsura nito ang matinding pagod.

“She's fine now. But she must be under observation for such pregnancy safety. Mabuti na lang nadala siya kaagad dito at naagapan ang pagdurugo ng pasyente.” Mahabang litanya ng Doctor.

“What do you mean, Doc?” Pakiramdam niya nangangapa siya ng sasabihin.

“She's pregnant and she's almost lost her baby.”

“She's pregnant?” Mahinang sambit ni Manuel, nakatingin doon sa nakabukas na dahon ng pinto ng Emergency room.

“She is, six weeks old.” Pagkomperma ng Doctor. “Nagkaroon din siya ng fracture sa kanang binti niya.”

“How’s the baby?” Nag-alala ng tanong ni Manuel na naikoyom ng lihim ang kanyang kamao.

“For the meantime, under observation silang mag-ina. Doble ingat na lang po tayo. Don't worry, Mr Sandoval, from time to time we will observe her.” Anang Doctor na tinapik si Manuel sa balikat.

“Tuluyan na ba siya hindi makakalakad?”

“Temporary lang ang bone fractures niya. Makakalakad din siya. She's need therapy for the fast recovery.”

Tumatango-tango si Manuel. Wala sa sariling napasabunot siya sa sariling buhok. “Damn it,” mahinang usal niya.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa’yo dito Mr Manuel Hector Sandoval?” Todo ngiti sabi ni Dax. Nakasuot din ito ng kulay puti na gown. Doctor Dax Sandoval, his first cousin.

Kung hindi niya lang ito pinsan. Talagang nasapak niya na si Dax at dito niya mabunton ang galit niya. Sa halip masamang tingin ang pinukol niya sa pinsan.

“Sorry,” anito na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko. “Sino ang dinala mo rito sa hospital? Balita ko chicks daw,” abot tenga ang ngiti ni Dax.

Humarap siya sa pinsan. “Ikaw na muna ang bahala sa kanya. May pupuntahan lang ako.” Walang lingon likod na malalaking hakbang ng kanyang mga paa paalis at tiyak ang kanyang patutunguhan.

“Anong nangyari? Saan pupunta ‘yon?” nahagip pa ng pandinig niya na turan ni Dax.

NAGISING si Yza na mabigat ang kanyang pakiramdam. Partikular na sa kanyang binti tila ay may malaking bato nakapatong doon. Masakit din ang kanyang kalamnan. Literal nakatingin siya sa kaliwang braso niya na may nakasabit na dextrose roon. Inikot ng paningin niya ang apat ng sulok nitong kuwarto na kulay puti ang pintura at kulay asul ang kurtina.

Bigla ay sumakit ang kanyang ulo, nang maalala ang huling nangyari sa kanya. Tumatakbo siya habang patawid sa kabilang bahagi ng kalsada upang takasan si Nono na may masamang balak sa kanya. Subalit hindi niya kaagad napansin ang kotse na paparating. Ang huling nararamdaman niya ay tumama ang katawan niya sa matigas na bagay. And everything went black.

Kung bakit nandito siya sa hospital ngayon at nakahiga sa single bed nitong hospital room. Palaisipan sa kanya kung sino ang nagdala sa kanya rito sa hospital.

Bahagya niyang hinimas ang noo niya na may benda. Nararamdaman niya na kumikirot ang sugat niya sa kantang noo. Nararamdaman niya rin ang pamamalat ng kanyang lalamunan at tila ay tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Nauuhaw siya.

“Water, please. Nauuhaw ako,” aniya sa medyo namamaos ang boses niya. Hindi siya tiyak kung may ibang tao pa nandito sa loob nitong silid.

NAHIMASMASAN si Manuel mula sa mababaw niyang tulog ng may narinig niya ang boses na nanghihingi ng tubig. Napabalikwas siya bumangon mula sa mahabang sofa na hinihigaan niya. Magulo pa ang kanyang buhok, gusot din ang suot niyang long sleeve polo. Simula pa kahapon ay suot niya at hindi pa rin siya nakabihis ng damit. Hindi rin siya umuwi ng bahay upang maligo at makapag palit ng damit.

Nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ni Yza kahit na sinabi na ng Doctor na stable na ang dalaga. Kaya hinintay niya na lang na hanggang sa magising ang dalaga.

Bahagya niya sinuklay gamit ang dulo ng daliri niya ang magulo niyang buhok.

“Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?” Bulalas tanong ni Yza. Halatang nagulat ito ng makita siya.

Bigla ay pakiramdam niya nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng magising na si Yza. Nagdaang gabi pa niya dinala rito sa hospital ang dalaga. At ngayon umaga na ng magising ito.

“Thanks God. You're awake,” nakakahinga siya ng maluwag. Kahit paano ay nabawasan ang bigat na tila pasan niya sa kanyang balikat.

“Anong ginagawa mo dito?” Sa mahinang boses na tanong ni Yza, nakatingin pa rin ito sa kanya.

“Are you okey? Kumusta ang pakiramdam mo? Sandali at tatawagin ko ang Doctor.” Hinakbang niya ang kanyang mga paa palabas dito.

“Sandali.”

Pumihit siya paharap sa kama na hinihigaan ni Yza. “Balik ako agad, tawagin ko lang ang Doctor mo.”

“I'm okay,” Ani Yza na sinabayan ng malalim na hininga. “Nauuhaw ako, I need water.”

“Sige, ikukuha kita ng tubig.” Hinakbang ni Manuel ang kanyang mga paa patungo roon sa tapat ng maliit na refrigerator. Binuksan niyon atsaka kumuha ng bottled water.

NA KASUNOD ang mga mata ni Yza sa likod ni Manuel na naglalakad. Kukuha raw siya ng tubig nito. Maraming katanungan tumatakbo sa kanyang isip. Anong ginagawa ni Manuel dito at bakit ito nandito sa loob ng ward na kasama siya. Based sa hitsura ng lalaki ay dito rin ito natulog.

“Here,” ani Manuel ng bumalik na may bitbit na itong bottled water. Binuksan muna niyon bago inabot sa dalaga.

“Thanks” maikling pasasalamat niya sa binata.

Kinuha naman ni Yza ang mineral water mula sa kamay ni Manuel. Ngunit nahihirapan siya na maka-upo dahil sa mabigat ang kanyang pakiramdam. Mahirap para sa kanya ang uminom ng tubig na hindi nakataas ang ulo niya.

“Alalayan kita para makaupo ka ng maayos,” presenta ni Manuel na mas lalong lumapit sa tabi niya. Marahil ay nakikita rin nito na nahihirapan siya sa posisyon niya.

Tumingin siya sa mukha ng lalaki na seryoso itong nakatingin din sa kanya. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. Pakiramdam niya ay biglang umurong kanyang dila. Tanging tango lang ang naging sagot niya sa lalaki.

Maingat siya inaalalayan ni Manuel na pinaupo at pinasandal sa headboard ng kama. Nilagyan din nito ng unan ang likod niya upang hindi siya mahihirapan.

Nginitian niya si Manuel. “Salamat.”

“Just drink your water.”

Sunod-sunod na lagok ng tubig ang ginawa ni Yza, pakiramdam niya kasi tuyong-toyo ang kanyang lalamunan. Halos maubos niya ang tubig na laman ng plastic na bote. Guminhawa na rin ang kanyang pakiramdam, pagkatapos siya uminom ng tubig, nawala rin ang pamamalat ng lalamunan niya.

Nanatiling nakatayo lamang si Manuel sa gilid ng kama niya at nakamasid ito sa kanya sa bawat galaw niya. Tumikhim siya upang tanggalin ang tila bara sa kanyang lalamunan bago siya nagsalita.

“Simula kanina pa, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko?”

Hinatak ni Manuel ang upuan sa di kalayuan, papalapit sa gilid ng higaan ni Yza. Atsaka naupo ito. Buntong-hininga ng malalim si Manuel bago ito nagsalita.

“Tinakot mo ako ng sobra,” panimula sabi ni Manuel.

Nanatiling tahimik lamang si Yza at hinihintay ang susunod na sasabihin ng lalaki.

“Ako ang driver ng kotse na nakabangga sa’yo.” Anito na animo’y nangungumpisal sa kasalanan nagawa. Napa sabunot pa ito sa sariling buhok. “You scared me.”

“I'm sorry,” mahinang boses wika ni Yza na yumoko ang ulo. Nagi guilty siya dahil kung hindi siya tumawid ng kalsada ay hindi siya nabangga nito. Ramdam niya rin na nagsisi ito at sinisisi ang sarili nito.

“Wala kang kasalanan. It's my fault.”

“Pero kung hindi ako tumawid hin…” Hindi niya na na ituloy ang ibang sasabihin ng maramdaman niya na kinuha ni Manuel ang kanyang kamay at hinawakan nito.

“Kahit magsisihan pa tayo, wala na rin mangyayari pa. Nangyari na ang hindi sana dapat mangyari.”

Hindi niya napigilan na umalpas ang kanyang mga luha ng maalala ang nangyari sa kanya, sa ginawa niyang pagtakas sa masamang balak ni Nono sa kanya. Pero kung hindi siya nakaligtas sa pagkabangga ng sasakyan. Tiyak pinaglalamayan na rin siya ngayon.

“A-anong nangyari sa binti ko?” Pasigok-sigok na tanong ni Yza.

“Nagkaroon ng bone fracture. Pero nakakalakad rin after several weeks.”

Nanlumo siya sa nalaman niya. Paano ba siya? Anong mangyayari sa kanya gayon hindi niya na magawang lumakad gamit ang dalawang mga paa niya. Saan na siya uuwi? Nahihiya na rin siya bumalik doon sa bahay ng mag-ina Aling Lucing at April. Mas lalong pabigat na siya sa mag-ina.

“Gusto ko ng umuwi,” aniya na hindi tiyak kung saan siya uuwi. Kung sa bahay ng mga kinikilalang mga magulang niya ay tiyak mas lalong magalit ang Daddy Franco niya sa kanya sa ginawa niyang paglayas ng bahay. At babalik siya na may kapansanan.

“Hindi ka pa pwede umuwi.”

“Why? I want to go home now!”

“Sa ayaw o gusto mo. Mananatili ka dito sa hospital, Yza.” Mahina ngunit mariin sambit ni Manuel.

“Why?”Tanong niya na sinalubong ang mga tingin ni Manuel. “You can't force me to stay here.” Mariin niya rin turan.

“You’re under observation. Damn it!” Tumayo si Manuel mula sa silya inuupuan nito. Palakad-lakad sa loob ng kwarto. In just a minute ay bumalik ito sa gilid ng kama. Huminga ito ng malalim tila ba mabigat ang pinapasan nito sa balikat. “You almost lost the baby.” Mahinang saad ni Manuel na halos hindi na umabot sa pandinig ng dalaga.

Hindi na siya magtataka pa. Noong nagdaang araw ay bumili siya ng pregnancy test. Dahil sa may kakaiba na siyang naramdaman at may kutob na rin siya na maaaring buntis na siya. Nararamdaman niya rin ang sintomas ng pagdadalang-tao na bagong karanasan niya. Now, confirmed na may munting buhay sa kanyang sinapupunan. She's almost lost her baby.

“Sana pinabayaan mo na lang akong mamatay, o di kaya hinayaan mo na lang na mawala ang…” Hindi niya natuloy ang ibang sasabihin ng sinuntok ni Manuel ang gilid ng kama.

Pulang-pula ang itsura nito. “No! Iyon ang hindi ko papayagan na mangyari!” Matalim na tingin ang pinukol ni Manuel sa dalaga.

Hindi siya nagpasindak sa galit ni Manuel. Desperada na rin siya at wala na rin kabuluhan ang kanyang buhay. Come to think, buntis siya. Siya mismo hindi niya alam kung sino ang tatay ng pagdadalang-tao niya.

Buong tapang siya tumingin sa mukha ni Manuel. “Sino ka para pakialaman ang desisyon ko? At sariling buhay ko ito.”

“Kaya ka naglayas sa inyo?”

Paano nito nalaman ang tungkol sa paglayo niya sa kanila? Marahil minsan nabanggit ni April sa kay Manuel ang ginawa niya kaya nalaman nito.

“Come to think of it, alam mo ba ang buhay meron ako? Anong mangyayari sa magiging baby ko?” Naiiyak niyang sabi kahit anong tapang-tapangan ang ipakita niya sa harap ni Manuel ay mas nangibabaw pa rin ang pagiging mahina niya. Dala narin ng frustrations nararamdaman niya. “Magiging miserable lang ang buhay ng baby ko. Wala na akong pamilya uuwian.”

Kinuha ni Manuel ang kamay ni Yza na nanginginig. Marahil sa takot ng dalaga. Napa buntong-hininga ito ng malalim at mapag-unawang tumingin sa mga mata ni Yza.

“I know, you're having a hard time now. Pero karapatan ni baby na makita ang mundo, huwag mong ipagkait iyon sa inosenteng anghel. Kung ano man ang nangyayari sa ngayon, wala siyang kasalanan.” Ngumiti si Manuel. “Pangako, hinding-hindi kita pababayaan. Sabay natin alagaan at subaybayan ang paglaki ni Baby.”

Naupo si Manuel sa tabi niya. Nang kabigin nito ang ulo niya patungo sa matigas nitong dibdib, Yza practically poured like a kitten. Pakiramdam niya mas ligtas siya sa mga bisig ni Manuel.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Raffy Ryan Cabangi
Hala buntis si yza sana nman ni manuel lang ung ama......... tyak nag alala ang mag ina kay yza.
goodnovel comment avatar
Kitt Katt
tiyak nag-alala ang mag inang tyang lusing at April sa kanya di nila alam n aksidente n pla si yza
goodnovel comment avatar
Zaila Chua
Thank you Miss A
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status