“Nay, dalhin na kita sa clinic sa gan’on matingnan ka ng Doctor. Lalong lumala ‘yang ubo mo,” may pag-aalala ng sabi ni April.
Kasalukuyan silang nagliligpit at naglilinis sa loob ng karinderya. Maaga sila nagsara dahil sa maaga rin naubos ang mga pagkain ni luto ni Aling Lucing. Mag-alas singko pa lang ng hapon.“Huwag na, gastos lang iyan.” Tanggi agad ni Aling Lucing na pinagpatuloy nito ang pagkwenta ng kinita nila ngayong araw na ‘to.“Nay lalong lumalala kasi ‘yang ubo mo,” giit pa rin ni April.Tumigil si Yza sa paghuhugas ng mga plato, marinig niya ang pag-uusap ng mag-inang Aling Lucing at April. Lumabas siya mula rito sa loob ng kusina.“Tiya Lucing, tama naman po si April. Kailangan mo nang magpa-check up sa Doctor,” nababahala na rin siya sa ubo ng butihing Ginang. Sa tuwing inaatake ito ng ubo ay tila kating-kati ang lalamunan nito. Napansin niya rin na nangangayat na rin si Aling Lucing simula ng atakihin ito ng ubo.“Mamaya, iinom ko lang ito ng calamansi. Mawawala rin ito,” pigil ang napipintong pag-ubo nito. “Atsaka sayang ang perang pambayad,” pagmamatigas pa rin ni Aling Lucing.“Nay, huwag matigas ang ulo.” Nainis nang turan ni April, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang hitsura ng dalaga. “Kayo na nga itong inaalala pero nagmamatigas pa rin.”“Simpleng ubo lang ito,” giit pa rin ni Aling Lucing. “Mamaya pupunta pa ako roon sa palengke para magpareserve ng recados para sa mga lutuin nating ulam para bukas.”“Ako na po ang bahala ng pumunta ng palengke at magsabi sa mga suki po natin,” presinta agad ni Yza na kanina pa siya nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-ina. Kilala niya naman ang mga suki ni Aling Lucing na pinagkukuhaan nito ng mga gulay at karne. Ilang beses na rin kasi siya isinama nito sa palengke sa tuwing mamimili ng mga kailanganin nila para rito sa karinderya.Parehas na nakatingin ang mag-inang Aling Lucing at April sa kanya. Tila ayaw maniwala o tamang sabihin walang tiwala sa kanya na magawa niyang pumunta ng palengke na mag-isa lang siya.“Sigurado ka, Yza? Ikaw lang mag-isa ang pupunta ng palengke?” Sunod-sunod na tanong ni April, na tila ayaw maniwala na pupunta siya ng palengke mag-isa.“Oo nga, bakit ba?” Patawa-tawa niyang sagot. “Atsaka kailangan n’yo ni Tiya Lucing na pumunta sa clinic, mamaya sarado na ‘yun.”“Naku, bata ka. Huwag na, ako na lang ang pupunta atsaka maya mapahamak ka pa. Maraming adik at loko-lokong mga tambay sa palengke.” Saad ni Aling Lucing.Lumapit siya sa Ginang atsaka hinawakan ito sa kamay. “Huwag po kayo mag-alala, mag-iingat po ako. Mas isipin po ninyo ang kalusugan mo, Tiya.” Aniyang nakangiti. “Matanda na po ako at alam ko rin protektahan ang sarili ko.”“Ako ang natatakot para sa ‘yong bata ka, sa itsura mong iyan. Naka-agaw pansin ka pa naman.”“Kasalanan ko po ba kung sadyang maganda itong ampon ninyo.”“‘Yan na nga ang kinatatakutan ko,mamaya napagtripan ka roon sa palengke.”“Tiya, hindi rin po ako tatagal sa palengke. Uuwi rin po ako kaagad.”“Sige, basta umuwi ka kaagad. Maaga kang aalis dito at huwag mo na lang tapusin ang mga gawain dito,” ani Aling Lucing na nag-aayos na ito ng sarili, upang pumunta ng clinic para mag-pa check-up.“Sige po,” aniya ipinagpatuloy ang ginagawa niyang paghuhugas ng mga plato. Malapit niya na rin iyon matapos hugasan ang mga plato.“Mag-ingat ka Yza, atsaka huwag kang magpagabi.” Hindi matapos-tapos habilin ni Aling Lucing.“Hintayin mo ako roon sa may tindahan ni Aling Sitang. Huwag kang umalis hangga’t hindi tayo magkasama na uuwi ng bahay. Marami pa naman loko-loko na mga tambay roon sa looban.” Mahabang litanya naman ni April. Ang tinutukoy nito ay ang maliit na eskinita papasok sa tinitirhan ng mag-ina. Naging tahanan niya na rin higit isang buwan na rin ang nakaraan.“Opo.” Nginitian niya ang kaibigan. “Umalis na kayo ni Tiya, mamaya hindi na ninyo naabutan na bukas ang clinic,” tiningnan niya ang orasan na nakasabit doon sa dingding. Quarter to six na.MAG-ISA tinapos ni Yza ang mga gawain sa karinderya bago siya umalis. Diretso na siya ng palengke. Unang pinuntahan niya upang magpareserve ay si Mang Cardo na nagtitinda ng mga karne. Pagkatapos ay Aling Merly naman ang pinuntahan niya para magpareserve rin ng mga gulay rito.Bukas ng madaling araw iyong kinukuha ni Aling Lucing, para sa lulutuin nitong mga ulam para sa buong maghapon.Pauwi na si Yza, sa halip na sumakay siya ng padyak. Patungo roon sa sakayan ng jeep na papunta roon sa lugar nila Aling Lucing. Mag lalakad na lamang siya ng sa ganoon ay makatipid siya. Malait lang naman ang sakayan ng jeep, dalawang kanto lang ang layo niyon mula rito sa palengke. Simula noong naglayas siya sa kanila at kinupkop siya ng mag-ina. Natuto na rin siya na pahalagahan ang mga maliliit na bagay. Napatunayan niya sa kanyang sarili na hindi madali ang kumita ng pera.Napabuntong-hininga na lanang siya ng malalim ng maalala niya ang buhay na nakagisnan niya.Ang Daddy Franco niya, kumusta na kaya? Hinahanap din kaya siya ng daddy niya? Simula ng lumayas siya ay wala na rin siyang balita tungkol sa Daddy Franco niya.Huminto si Yza sa pag hakbang ng kanyang mga paa ng maramdaman niya na animo’y may sumusunod sa kanya. Simula pa kanina na nararamdaman niya tila ay may sumusunod sa kanya. Subalit binaliwala niya lamang iyon at hindi a binigyan pansin. Lumingon siya roon sa bandang likuran niya. Mangilan-ilan ang mga taong naglalakad katulad niya na nanggaling din ng palengke.‘Guni-guni ko lang yata iyon.’ bulong niya sa kanyang sarili at pinagpatuloy ang paglalakad niya. Medyo mahaba-haba pa ang lakaran niya bago makarating doon sa sakayan ng jeep. Kailangan niyang magmamadali at pa-gabi niya. Tiyak naghihintay na si April sa kanya roon sa kanto kung saan sila magkikita. Higit sa lahat ayaw niya rin na mag-alala para sa kanya ang mag-inang Tiya Lucing at April.Napadaan si Yza sa bahagi ng kalsada na medyo may kadiliman. Na pondi yata ang ilaw ng poste sa parte ng kalsada. Nagkataon na walang ibang tao naglalakad o kasabayan siya.Biglang sumigaw si Yza at nag panic ng may biglang humawak sa braso niya. Mahigpit ang pagkakahawak ng magaspang na palad sa malambot niyang balat sa braso. Tinakpan nito ang kanyang bibig gamit ang isang palad din nito.“Sabi ko na sa’yo may araw ka rin,” nakangisi turan ni Nono.Nanggilalas ang mga mata ni Yza ng mapansin ang nagmamay-ari ng mga magaspang at mabahong palad na nakatakip sa kanyang bibig. Lalong hindi siya makahinga ng maayos. Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi lang siya sigurado kung napansin ni Nono ang pagpilig niya, dahil sa medyo may kadiliman ang lugar. Wala rin siyang nakikita ng tao na dumadaan. Kapag inabot ka nga naman ng malas.Hinawakan ni Yza ang kamay nito nakatakip sa kanyang. Pilit niya tinatanggal ang pag takip ng palad nito sa kanyang bibig. Ngunit sadyang malakas ang unggoy na ‘to.“Tanggalin ko ang palad ko pero huwag na huwag kang sumigaw para humingi ng tulong. Kung di, siguraduhin ko na pakinabangan ka ng lupa.” Matigas na boses nitong sambit. Kinaladkad siya ni Nono, roon sa pinakamalapit na pader atsaka pinasandal siya. Naramdaman niya paglapat ng kanyang likod sa matigas na simentadong pader.Tumango si Yza, tanda ng pagsang-ayon niya rito. Natatakot siya ng sobra at tila binabayo ng malakas ang kanyang dibdib dala ng kaba at takot. Nalalanghap niya rin ang mabahong hininga ni Nono, amoy alak at nakakasuka ang amoy ng hininga nito.‘Mag-isip ka Yza. How to escape this bastard.’ Pilit niya pampalakas ng kanyang loob. Kailangan niya makatakas sa mga kamay ni Nono bago pa siya mapahamak dito. Hindi siya nagpupumiglas mula sa mahigpit nitong pagkahawak sa kanyang magkabilang braso. Paubaya siya sa ginawang pag haplos ni Nono sa kanang braso niya. Kinikilabutan siya, gusto niya sumigaw at humingi ng tulong. Subalit wala siyang nakikita ng tao na dumadaan.“Salamat,” aniya sa malambing na boses ng tinanggal nito ang palad na ka takip sa kanyang bibig.Ngising-ngisi naman si Nono. “Bibigay ka rin pala, Yza. Pinahirapan mo pa ako.” Anito na tila katulad sa asong ulol na naglalaway sa masarap na pagkain nasa harap nito.“Ikaw kasi palagi mo akong nabigla. Kaya ayan tuloy, akala mo ayaw ko na sa’yo.”Game pa rin siya kahit na nandidiri na siya at gustong masuka sa ginagawa ng paghalik-halik ni Nono sa kanyang pisngi. Ang dalawang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa magkabilaan braso niya, habang ang likod niya ay nakasayad pa rin sa matigas na pader.“Puwede ba, Nono. Bitawan mo muna ang braso ko. Masakit na kasi sa sobrang higpit ng pagkahawak mo.” Paglalambing pa rin niya. Binaling niya ang ang kanyang mukha ng akmang hinalikan siya ng onggoy na ‘to sa mga labi niya.“Huwag mong tangkain tumakas, patay ka kapag tumakas ka.” Pagbabanta pa rin nito.“Promise hindi,” maikling sagot niya. Nanatiling kampante at ang tapang-tapangan upang labanan ang sobrang takot na nararamdaman niya.“Mabuti na ‘yong nagkakaintindihan tayo.” Binitawan nito ang kaliwang braso niya.“Sabi ko naman sayohindi kita tatakasan.” Itinaas niya ang kanyang kamay, malapit sa mukha ni Nono. She’s tracing his nose line down to his lips nang sa ganoon tumigil ito sa paghalik sa pisngi niya.Apektado si Nono sa ginagawa niya. Mas lalong naging ngising asong ulol ang onggoy na ‘to. Nararamdaman niya na lumuwag ang isang kamay nito sa pagkakahawak din sa kanang braso niya. Subalit ikinulong naman siya sa mga braso na nakatalikod sa pader na nasa likuran niya.“Gusto ko ang ginagawa mo.”“Sabi ko naman sa’yo, mapag-usapan naman natin ito.” Pang-aakit ang boses sabi niya. Bumaba ang isang kamay niya sa harapan ng suot nitong pantalon. Pinondohan ng palad niya ang paputok nitong harapan. Sunod-sunod ang ginagawa ng paglingap nito.Nandidiri si Yza sa ginagawa niya ngunit ito lang ang tanging paraan na iniisip niya. Kaysa manlaban siya at tiyak lalong mawalan siya ng pag-asa na makatakas mula sa mga kamay ng halimaw na ‘to. It's a matter of life and death at kailangan niya sumugal alang-alang sa sariling kaligtasan niya sa ganitong pagkakataon.“Ahhh…Yza galingan mo pa,” anito sa medyo namamaos na ang boses. Hinawakan siya sa kaliwang balikat.Tumigil si Yza sa ginagawa. Kunwari ay tatanggalin niya sa pagbotones ang suot nitong pantalon. “Nono, tulungan mo naman ako ng buksan ang zipper ng pants mo.”“Sige, sige.” Nakangisi turan ni Nono. Yumuko si Nono upang tanggalin sa pagbotones ang suot nitong pantalon.Ito na ang pagkakataon hinihintay ni Yza. Ubod lakas niya tulak si Nono, dahilan nawalan ng balanse at natumba ito sa simentadong kalsada. Tumakbo ng mabilis si Yza, paalis sa lugar. Upang takasan si Nono na may masamang balak sa kanya.“Hindi ka makakatakas Yza! Makukuha rin kita!” Anito na tumatakbo rin na hinahabol ang dalaga.Papalapit ang boses ni Nono na naririnig niya, ibig sabihin malapit na siya nito aabutin. Hindi nagdadalawang-isip si Yza na tumawid sa kalsada. Huli na ng mapansin niya na may kotse paparating.Ang huling natatandaan niya bago siya nawalan ng malay ay malakas na sagitsit ng gulong ng sasakyan at ang sumunod ay tumama sa matigas na bagay ang malambot niyang katawan. And everything went black…BIGLANG naapakan ni Manuel ang silindro ng kotse minamaniho niya at nagprino ng makita niya ang babaeng tumatakbo habang pa patawid ng kalsada. Nahagip din ng mgamata niya ang isang lalaking humahabol dito.Ngunit huli na. Naabot pa rin ng unahan bahagi ng kotse niya ang katawan ng babae.Hindi nag-aksaya ng panahon si Manuel, dali-dali siya umibis mula sa loob ng sasakyan. Malaking hakbang ng kanyang mga paa upang daluhan ang babae. Madala niya sa hospital. Nawalan ito ng malay-tao. Nakatagilid ang katawan nito, kaya hindi niya pa nakikita ang itsura nito.Dahan-dahan inalalayan ni Manuel ang ulo ng babae. May sugat ito sa bandang noo at may dugo.“Yza…” Bulalas niya ng mapagsino ang dalaga. “God. Dadalhin kita sa hospital.” Binuhat niya ang dalaga na wala pa rin malay-tao.“Damn it!” pagmura niya sa magkahalong galit at takot para sa dalaga ng makita niya ang dugo na namalisbis sa binti ni Yza.Halos isang-hakbang niya lang ang distansya papunta sa kotse niya.Pinaupo niya si Yza sa passenger na katabi lang din ng driver set. Dahan-dahan niya bumababa ang back rest ng upuan sa ganoon kahit paano ay nakahiga si Yza. Pagkatapos niya ikabit ang seatbelt sa katawan ng dalaga. Kaagad siya umikot doon sa kabilang pinto ng driver set ng kotse.Halos paliparin ni Manuel ang kotse minamaneho niya. Papunta sa pinakamalapit na hospital. Napamura sa sarili si Manuel ng walang tigil ang pagbe bleeding ng dalaga na hindi pa rin nagkamalay-tao.“Yza, woke up please.” Tinapik-tapik niya ang pisngi ng dalaga. Gamit ang isang palad niya.Nagising si Yza mula sa comatose, dalawang taon na ang nakalipas. At sa mga panahon nagpapagaling siya ay naging maalagain sa kanya si Manuel. Parati nito pinaparamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito.Samantala si Celine ay hindi na nila sinampahan pa ng kaso. Nakakaawa na rin kasi ang kalagayan ni Celine. Naputol ang dalawang binti nito at nawala rin sa tamang pag-iisip ang babae. At kasalukuyang naka-confine na sa psychiatrist ward ng National Mental Hospital.Pinapasa Dios na lang nila ang mga nangyari sa nakaraan at mga ginawa ni Celine. Ang mahalaga ay sa wakas nabuo na rin ang kanyang pamilya. Siya, si Manuel at ang kanilang anak na si Yunna.Akala niya tuloy-tuloy na ang kasiyahan ng puso niya. Simula ng magsama na sila ni Manuel at binuo ang kanilang pamilya ay lalong pinaparamdam nito ang pagmamahal sa kanilang mag-ina. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na may kakaiba sa kay Manuel. Parang may tinatago ito sa kanya at ayaw rin ipaalam. Parati iton
“NO!” Matigas sabi ni Celne. “Kailangan mong mawala para tuluyan ng mapa sa akin si Manuel!” Galit at pasigaw sabi ni Celine.“Ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Yza?” Tanong ni Manuel, tila ngayon lang nag sick-in sa isip nito ang sinabi ni Celine. “Yes. Surprise Manuel? Pakana ko ang lahat para paghiwalayin kayo ni Yza and I am succeed,” tumatawang saad ni Celine. “ Ang pagkikita natin sa Amerika ay sinadya ko rin. Naka plano na ang lahat pero sinira na naman ni Yza ang mga plano ko!” matigas sambit ni Celine.“Walang hiya ka talaga,” galit wika ni Manuel. “Pinaniwala mo ako sa pawang kasinungalingan mo. Iniwan ko ang mag-ina ko sa pag-aakala na niloko ako ni Yza.”“Hangal ka kasi,” tumatawang sabi ni Celine. Tinulak nito si Yza. “Lakad!” pasigaw sambit nito ng hindi man lang natinag si Yza sa kinatatayuan.“Saan mo ako dadalhin?” tanong ni Yza, habang naglalakad sila palabas ng mansion. Nakatotok pa rin sa kanya ang kutsilyo.“Sa far far away!” Tumatawang sabi ni Cel
“HAVE a seat Celine, kumain ka na rin,” sabi ni Manuel, minuwestra niya ang bakanteng upuan nasa kaliwang bahagi.“Anyway, Manuel nakausap ko na ang wedding coordinator for our wedding. Nakapili na rin ako ng gown para sa araw ng kasal natin,” sabi ni Celine na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. Pati yata ang mga mata nito ay kumikinang sa sobrang excitement.Hindi sinasadya nabitawan ni Yza ang tinidor hawak niya ng narinig ang sinabi ni Celine.“Yza, you are invited in our wedding,” nakangisi turan ni Celine. “At si Yunna ang magiging flower girl sa araw ng kasal namin ni Manuel.” Binalingan nito si Yunna na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nito. Dahil sa busy ang bata sa kinakain nitong pancakes. “Do you like it, Yunna?”Tanging iling lang ng ulo ang sagot ni Yunna, puno ng pagkain ang bibig nito. Atsaka hindi na rin pinansin si Celine.“Huwag mong idamay ang bata, Celine,” sabi ni Yza ng umangat siya ng mukha at pinukol ng tingin si Celine nasa kabilan
KASALUKUYANG nasa loob ng mini library na nagsisilbing opisina ng Daddy niya si Manuel. Malapad ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi. Nasa kamay niya ang result ng pregnancy test ni Celine. Negative. Hindi buntis si Celine. Sa kabila ng nalaman niya ay hindi siya nagagalit bagkos masayang-masaya pa siya dahil sa wakas maayos niya na ang pamilya nila ni Yza. Kailangan niya kumuha ng magandang pagkakataon na kausapin si Celine. Kahit sa gan'on paraan ay maghihiwalay sila ng maayos ng babae at hindi nagkakasakit.Maingat niya binalik sa loob ng brown envelope ang papel, atsaka itinago sa drawer ng lamesa. Pagkatapos ay sinara niya ang drawer. Sigurado na siya sa gagawin niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina. Gusto niya ng mabuo ang kanyang pamilya.“Dad, katulad sa pangako ko sa iyo. Aayusin ko na ang pamilya ko,” usal niya sa kanyang sarili, nakatingin doon sa malaking picture frame ng kanyang mga magulang.Marahas siya napabuntong-hininga. Higit isang buwan na ang nakal
Parang tanga pa rin siya pagkatapos ng mainit na tagpo sa pagitan nila ni Manuel. Halos wala rin siya sa sarili kanina habang kumakain sila ng hapunan. Mabuti na lang at hindi napansin ni Yunna. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Manuel na tinititigan siya ng lalaki. Ngunit agad din siya umiiwas ng tingin dito. Nang matapos na sila kumain ay naglalambing si Yunna na samahan ito ni Manuel, sa kwarto nito para matulog na rin.Nang matapos niya na rin ang gawain sa kusina ay pumasok na rin siya sa loob ng sariling kwarto. Malalim na ang gabi ng nararamdaman ni Yza na lumundo ang parte ng kama sa tabi niya. Naamoy niya ang masculine scent ni Manuel. Kasunod niyon ay nararamdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa kanyang baywang mula sa pagkakatahilid niya. Napapikit siya at pinigil ang pagkawala ng singhap sa bibig, lalo na nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang buhok. Ikinaigtad niya ang ginawang pagyakap sa kanya ni Manuel. Hindi yata at kulang pa ang ro
Maagang umuwi ng bahay si Manuel mula opisina. Pagka bukas niya ng dahon ng pinto ay sumalubong sa pandinig niya ang malakas na volume ng tv. Nadatnan niya niya si Yunna na nanood ito ng favorite cartoon character na palabas doon sa big flat giant screen tv. Hindi rin nito napansin ang kanyang presensya. Sinara niya ang dahon ng pinto. Pagkatapos ay lumapit doon sa console, kinuha ni Manuel ang remot control ng tv atsaka pinatay ang tv. Gumuhit ang inis sa mukha ni Yuna, halos hindi na ma drawing ng magaling na pintor ang itsura ng kanyang anak. Ikaw ba naman patayan ng tv habang nanonood ng paboritong anime character. Ngunit ng tumingin ito sa kanya ay dagli nawala ang busangot sa itsura ni Yuna. Napalitan ng pananabik. “Hey, my love.” Malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Manuel. “Daddy!”Basta na lang tumalon si Yunna mula sa sofa na inuupuan nito, patakbong sinugod ng yakap ang ama. Yumukod naman si Manuel upang magpantay sila ng kanyang anak, sa ganun salubong