Kabanata 3
Tinulak ni Sophia si Matthew sa dibdib upang huminto ito sa paghalik sa kanyang mga labi ngunit napangiwi naman siya dahil napiga ang kanyang may sugat na kamay sa matigas na dibdib ng kanyang mister.
Nang matauhan si Matthew ay napaatras siya, nais niyang tumakbo sa loob ng kanyang silid at iwasan ang misis pero naglaho ang kanyang plano ng makita niya ang nakangiwing mukha ni Sophia dahil sa pagkakasanggi ng kamay nitong may sugat sa kanya.
Nakaramdam siya ng awa ng makitang pinipilit tiisin nito ang sakit, bumaba ang tingin ni Matthew sa nagdurugong bandage sa kamay niya.
Tumalikod si Sophia sa mister habang inaalalayan ang kumikirot nitong kamay, “nakakainis,” mahinang bulong niya.
Patungo na si Sophia sa loob ng kanyang silid ngunit hinawakan siya ng asawa sa kanyang braso at hinila, “sumunod ka sakin,” utos nito.
“A-anong gagawin mo?” takot niyang tanong. Hindi ito sumagot sa asawa ng misis at nagpatuloy sa paglalakad, mas lalong tumindi ang kaba ni Sophia ng pumasok sila sa isang silid na kahit kailan ay hindi pa niya napapasukan.
“A-anong gagawin mo sakin?” muli niyang tanong ng makita na sobrang dilim sa loob ng silid at nakakatakot na halos wala siyang maaninag sa itsura nito.
“H-hindi ako maaaring mamatay! Ayokong mamatay ng virgin, hindi ko pa nararanasan ang langit na sinasabi nila at gusto ko pang maranasan kung paano ang mahalin ng isang asawa dahil kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal na nais kong makuha pabalik. Sana ay maranasan ko man lang na mahalin niya,” hiling ng kanyang isipan habang lumuluha.
Naramdaman niya ang pag-atras ng mister sa kanya, nais niyang humakbang paatras ngunit pader na ang nasa kanyang likuran.
“Ito na yata ang huling araw na mabubuhay ako sa mundong ito,” tuloy-tuloy ang pagbaha ng kanyang mga luha. Napapikit ang kanyang mga mata ng may marinig siyang tunog na parang pumitik, naramdaman niya ang paglapit ng mukha ng mister sa pagitan ng kanyang leeg at tenga, “bakit ka umiiyak sa isang maliit na sugat lamang?” tanong nito ng makita ang basang mukha niya.
Napamulat ng mata si Sophia ng maramdaman niya ang pagpahid ng mister ng kanyang mga luha sa mukha.
“Iisa itong clinic?” Manghang tanong niya habang inililibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng silid na ito, kumpleto sa mga kagamitan ang kwartong ito at maging ang medicine kit ay hindi mawawala dito.
“Hindi mo pa sinasagot ang aking tanong,” paalala ng mister.
Lumingon siya sa kanyang mister at sumagot, “a-ayos lang ako.”
“Maupo ka,” itinulak ni Matthew paupo ang kanyang misis sa isang malambot na silya at muling inalis ang bandage sa kamay niya. Nilinis muli ng kanyang mister ang kanyang sugat saka muling ibinalot ng matapos.
Nakaramdam ng pagkahiya si Sophia ng maisip niyang sobrang iksi ng kanyang suot na pambaba kaya tumayo agad siya, “babalik na ako sa aking kwarto, ma-magpahinga ka na,” nakayuko niyang sabi, agad niyang tinalikuran si Matthew at saka nanakbo palabas at mabilis na nagtungo sa kanyang silid.
Ipininid niya ang pinto ng kanyang kwarto, sumandal siya dito na puno ng panghihinayang at itiningala ang kanyang ulo.
“Hindi man lang niya naalala na ngayon ang anibersaryo ng aming kasal,” bulong niya sa sarili saka muling nanumbalik sa kanyang isipan ang mga narinig niyang usapan ng mga ito tungkol sa kanya na isang siyang walang kwentang asawa.
Matamlay niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa malambot niyang kama at hinayaan ang sariling bumagsak ang mga luha.
Maya-maya lamang ay tumunog ang kanyang telepono, tamad niyang kinapa ang drawer upang maabot kanyang tumutunog na telepono, pinindot niya ito ng hindi tinigtignan ang tumawag sa kanya.
“H-hello?” malungkot niyang sabi.
“Hello, Sophie? Anong nangyari sayo? Bakit parang feeling ko umiiyak ka?” malambing na tanong ng nasa kabilang linya na si Leanne.
Si Leanne Valdez ang matalik na kaibigan ni Sophia simula bata. Matangkad, morena, maganda, palaban at hindi umaatras sa kahit anong laban, isang katangi-tanging bumbera sa kanilang hanay.
Hindi na naitago pa ni Sophia ang sakit ng kanyang nararamdaman at humagulgol ng iyak sa kanyang kaibigan.
“Iniiyakan mo na naman si Matthew? Hindi ka pa nanawa kakaiyak dyan sa lalaking bato na yan, e, alam na alam mo naman na kahit anong gawin mong iyak dyan o lumuha ka man ng dugo ay wala talagang pakialam sayo yan!” Inis na sabi ng kanyang kaibigan.
“A-alam ko…” Nagpatuloy siya sa pag-iyak.
“Yun lang?! Yun lang ang isasagot mo sakin? Alam mo?! Alam mo na nga pero bakit wala ka pa ring ginagawang aksyon. Girl, hindi na uso ang tanga ngayon kaya please lang tantanan mo na yan kung ayaw mong i-unfriend kita,” pananakot niya.
“H-hindi mo k-kasi ako naiintindihan,”hikbi nya.
“Anong hindi ko naiintindihan bukod sa pagiging shunga-shunga mo sa kanya? Pakiexplain at malapit ng magdilim ang paningin ko,” inis na sabi ni Leanne sa kanya.
“G-gusto ko na yata siya,” mahinang bulong niya.
“Baliw ka ba? Anong nagustuhan mo dyan sa lalaking yan? Kahit wedding anniversary niya nga ay hindi niyang maalala!” panunumbat nito. “Saka ano bang iniiyak mo dyan? Ikwento mo sakin ang pinaggagawa mo sa bar na yun,” utos ng kaibigan sa kanya.
Mas lalong narindi sa inis si Leanne nang marinig ang buong istorya lalo na nang tinawag ang kaibigan niya na walang kwenta.
“Tahan na, alam mo naman na kahit prangka ako ay never kitang tatawagin na ganoon. Magpahinga ka na and I will see you tomorrow,” nagpaalam na si Leanne at pinatay ang tawag.
Magpapahinga na si Sophia nang marinig niya ang katok na nagmumula sa kanyang pinto.
Mabilis niyang tinuyo ang kanyang mukha saka nagtungo sa pintuan, “ano kayang kailangan ng tukmol na ito?” naiinis niyang bulong sa sarili.
Pinilik niya ang seradura at hinila pabukas ang pinto, nagulat siya nang bumulaga sa kanya ang kanyang mister.
“Anong kailangan mo?” pinilit niyang hindi mautal sa tanong niyang yun. Napansin niyang nakatago ang dalawa nitong kamay sa kanyang likuran ngunit wala pa ring reaksyon ang mukha ng kanyang mister.
“Kunin mo yun,” sinenyas ni Matthew ang isang malaking shopping bag na nakapatong sa tabi ng pinto ng kanyang silid.
“Para saan ito?” malamig niyang tanong.
“Para sayo,” tugon nito, gulat na nag-angat ng tingin si Sophie sa mister at labis ang pagkagulat niya ng ilabas ni Matthew ang isang cake na may nakasulat na happy Ist wedding anniversary roon.
Napatulala siya sa sobrang kasiyahan na kanyang nararamdaman dahil ang tila kay taas na pader na iniharang ni Matthew sa pagitan nila ay mukhang ibinaba na.
“Happy Anniversary,” bati ng kanyang mister.
---
“Wh—what are you doing here? How did you know na nandito ako?” gulat na tanong ni Sophia sa kanyang mister.Mahinang siniko ni Leanne ang kaibigan, “hindi kaya pinasundan ka niya…” bulong niya sa kaibigan. Bumuntong hininga si Leanne at muling nagsalita, “iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!”Napangiti si Matthew sa dalawa at inilabas ang kanyang selpon habang nakatuon pa rin ang kanyang mga mata kay Sophia na tila siya lang ang nakikita nito at pinakita ang gps tracker sa kanyang telepono, “I know that you have no plan on texting me kaya gumawa na ako ng paraan para mahanap ka,” simple niyang sagot.Napatawa si Leanne sa sagot ng mister ng kanyang kaibigan, “oh, paano ba yan? Mauna na ako,” nakatawa niyang pamamaalam sa mag-asawa.“Let’s go?” alok ni Matthew sa kanya, naglakad ito palapit sa kanya at inagaw ang mga bitbit niyang shopping bags saka inilagay sa likod
Kinabukasan ay nagmamadaling lumabas si Sophia ng bahay, maaga pa lang ay gising na siya at nakapaligo na para hindi niya makasabay kumain ang kanyang mister, she was trying to avoid him these days dahil sa kakaibang kinikilos nito sa harap niya.Pasakay na siya ng traysikel nang biglang humabol pala ang kanyang asawa sa kanya na bagong gising pa lamang at wala pang hilamos, “san ka pupunta?” tanong nito ng makalapit sa kanya.Hindi siya makakibo dahil mabango pa rin ang amoy nito kahit bagong gising at gulo-gulo pa ang buhok, nakakahalimuyak pa rin ito at mukhang fresh.Napangiti siya ng alangan sa mister, “I—I’m going out with my friend,” tugon niya.“Anong oras ka uuwi?” tanong nitong muli.Napaisip si Sophia kung bakit ganito na lang ito ka attentive pagdating sa kanya, “Hindi ko pa alam,” tugon ni Sophia.Kinura ni Matthew ang kanyang kamay, “give me your ph
“Teka, miss, ha? Kayo itong bigla biglang pumasok ng bahay ko tapos ako pa ang naging mukhang masama dito,” winika ni Duke sa kanya.Hindi maitatangging napahiya si Leanne sa sinabi nito pero hindi niya iyon pinakita sa ekspresyon ng kanyang mukha, tumango siya sa binata saka takang nagtanong, “kung ganun, sino ang tumawag sa hotline namin kung hindi ikaw?”“Yan ang hindi ko masasagot dahil hindi naman ako manghuhula para malaman kung sino saka I live alone kaya sinong magtatangkang i-prank kayo,” seryosong tugon niya na sinang-ayunan naman agad niya.“Pasensya ka na if we broke into your house, I promise you that it will never happen again,” biglang pumasok sa isipan niya ang aleng nakasalubong niya nang dumating sila sa lugar kaya nanakbo siya palabas upang komprontahin iyon ngunit paglabas niya ay wala na ang ale.“Nasaan na ang aleng nakausap ko kanina?!” sigaw niya sa kas
"Leanne's POV"Nakakainis ang mokong na yun, bakit pa kasi niya ako hinanap-hanap, hindi ko naman pag-iintiresan ang singsing nya, no?! Napagkamalan tuloy siyang nobyo ko!Nagmartsa ako palabas ng istasyon at nagtungo sa labas para mananghalian ngunit bumalik rin ako agad kasi nakalimutan ko palang magdala ng pera. Napabuntung-hininga na lang ako habang naglalakad pabalik."Oh, Leanne! San ang punta mo?" tanong ng kanyang kabaro na si Lucero.Napakamot lang ako ng ulo dahil ito ang unang beses kong nakalimot ng isang bagay, they all know that I am very punctual at matalas ang isipan pero hindi ko maitanggi na bigla akong nagmintis."Naiwan ko kasi ang wallet ko sa loob," nakangiwi kong pag-amin sa kanya.Hindi pa siya nakakasagot nang nagsidatingan ang mga junior officer, "yo! Tama ba ang narinig naming may nakalimutan ang aming tigress officer," pang-asar ni Vito. Napa-roll eyes na lamang ako sa kanya dahil kahit malayo pa siya ay narinig pa rin niya an
Nagmadaling pumunta si Duke sa opisina ng BFP matapos makatanggap ng tawag sa babaeng kanyang hinalikan sa resort kahapon. Hindi siya nakatulog ng gabing yun dahil sa kakaisip sa dilag na yun, hindi niya malaman kung bakit siya tumatakbo sa kanyang isipan maging ang matamis halik na yun ang binabalikbalikan ng kanyang isipan."Bakit ko pa ba siya iniisip?" tanong niya sa kanyang sarili habang ipinapark ang kanyang sasakyan sa parking lot.Palabas na si Leanne ng opisina nang matanaw niya si Duke na lumabas mula sa sasakyan, kumaripas siya ng takbo parasol sa loob nang patungo na ito sa loob."Sir Dominguez, pwede pong humingi ng favor?" tanong niya sa kanyang senior na noon at nakaupo sa front desk. Si Leon Dominguez ay ang binatang senior officer ni Leanne na pamangkin ng heneral."Sure, ano ba yun?" tugon nito."Ahm, kasi pupunta ako sa banyo. Pwede nyo po bang iabot itong singsing sa lalaking yun?" ibinigay niya ang singsing sa kanyang senior nang um-oo i
"Anong problema nun? Bakit niya binaba?" tanong ni Sophia habang nakatitig sa kanyang cellphone. "C'mon, let's eat," aya ng kanyang mister sa kanya. Nagulat siya nang hawakan siya nito sa baywang at pinaghila pa ng upuan. "Anong nangyayari sa kanya? Palagay ko ay may balak siyang iba sakin o kaya may kailangan siya," duda niya sa kanyang mister. Kabadong naupo si Sophia habang si Matthew naman ay tumabi sa kanya ng upo, hindi siya makakibo o makatingin man lang sa kanya dahil hanggang ngayon ay ilang pa rin siya sa nangyari sa kanila at ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na sasabayan siya nito sa almusal."Bakit hindi ka kumain? Hindi mo ba gusto ang mga inihanda ko para sayo?" tanong ni Matthew sa kanya."I-I like the food you prepared," naalis ang tingin niya sa masasarap na pagkain at napatingin sa makisip na mukha ng asawa. "Try it," nagulat siya ng humiwa ng steak ang mister, itinusok sa tinidor at tinapat sa kanyang bibig.Nanliit ang mga mata n