Share

Chapter 3: His Last Name

Author: jayjay
last update publish date: 2026-07-17 14:29:46

"One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."

Hindi agad nagsalita ang lalaki. Parang nagulat pa ito sa proposal niya. Pero sabagay, sino bang hindi magugulat kung mismong babae pa ang mag-offer sayo ng ganito diba? Pero ano bang pakialam niya? Gusto lang niyang makalimot kahit itong gabi lang. Gusto niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mabura muna sa kaniyang alaala ang lahat ng hinanakit niya sa mundong to.

Gusto niyang makalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro naman valid tong nararamdaman niya diba? Kung valid man o hindi, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay magawa niya ang bucket list niya ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.

For the first time since she approached him, parang tuluyan nitong nawala ang kalmadong expression na pilit nitong pinapakita kanina. Nakita pa niya ang paglunok nito ng laway na parang kabado pa. Hindi niya masisisi ito kasi maski siya ay kinakabahan din sa ginagawa niya. Hindi rin kaya madali tong ginagawa niya.

Knowing na isa lang ang naging boyfriend niya sa buong buhay niya. Hindi siya expert sa ganito ah. Hindi talaga.

"Excuse me?" gulat na tanong nito sa kaniya. At muling napalunok pa ng laway.

Gusto niyang matawa. Kasi hindi na niya mabilang kung pang-ilang lunok na nito ng laway ngayon. Akalain mo yon, ang matured nito pero parang virgin pa ito sa mga ganitong bagay, Akala niya makakaaya siya ng lalaking papayag agad sa gusto niya ngayong gabi pero bakit parang virgin pa itong naaya niya. Oh my! Wag naman sana.

"One night," ulit niya. "You and me." Tinuro niya ito at pagkatapos ay tinuro niya rin ang sarili niya. "Together."

"Na-gets ko naman kanina pa. Hindi mo na kailangang ulitin pa,” sabi nito at napalunok na naman.

"Good. Matalino ka naman pala eh."

"Mary Jane—"

"No strings attached," mabilis niyang dagdag. "No feelings. No calls. No messages. No good morning, kumain ka na ba, matulog ka na, miss na kita. Kadiri yon, okay."

His eyes narrowed slightly.

"You're asking a stranger to spend the night with you."

"Exactly."

"And you don't see anything wrong with that?"

Napabuntonghininga pa siya. Okay, alam naman niyang mali. Pero bakit… Muli siyang napabuntonghininga. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito at baka magbago pa ang isip niya.

"Yet you're still asking."

"Yes." Kalmado niyang sagot, Ayaw niyang makita nito na kinakabahan din siya.

"Why me?"

Napatigil siya. Bakit nga ba? Dahil gwapo ito? Dahil pasado ito sa imaginary checklist na bigla niyang ginagawa sa utak niya? O dahil sa ilang minutong magkasama sila, hindi siya nito pinagtawanan habang umiiyak siya? Hindi siya nito pinangaralan. At kahit lasing siya at halos ialok na niya ang sarili niya rito, hindi siya nito sinamantala.

Hilaw siyang napangiti rito. "Because you said no."

Darwin frowned. "What?"

"Kanina diba, I asked you to kiss me. You said no."

"That made you want to sleep with me?"

"Medyo weird kapag sinabi mo nang ganyan."

"Because it is weird."

She rolled her eyes. "You could've kissed me. You could've taken advantage of me."

His jaw tightened. "I would never do that."

Exactly. Iyon mismo.

Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang dahilan kung bakit mas lalo siyang naging interesado rito.

"That's why," she whispered.

Darwin stared at her.

For a moment, neither of them spoke.

The music continued around them. People laughed. Glasses clinked. Someone shouted from the dance floor. Pero parang silang dalawa lang ang tahimik sa gitna ng lahat.

Finally, Darwin sighed. "Go home, Mary Jane."

Nanlaki ang mga mata niya. "Rejected na naman?"

"Ask me again when you're sober."

Ilang beses pa niyang pinikit-pikit ang mga mata niya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. May ganito pa palang lalaki sa mundo na tatanggi sa grasya?

"Ha?"

"When you're sober," he repeated calmly. "If you still want the same thing, ask me again."

Unti-unting bumuka ang labi niya. "Does that mean... may chance?"

"I didn't say that."

"But you didn't say no."

"I also didn't say yes."

"Playing hard to get,” aniya at ipinaikot pa ang mga mata.

"I'm not."

"Pakipot."

Darwin rubbed a hand over his face. Mary Jane smiled triumphantly.

"Okay." Tumango siya. "I'll ask you again."

"I doubt you'll remember this conversation tomorrow."

"I will."

"You drank enough tequila to forget your own name."

"My name is Mary Jane Reyes. Elementary teacher."

Darwin looked at her. "You're a teacher?"

"Oh my God! Hindi ka ba nakikinig sa kwento ko kanina?”

His gaze slowly moved over her face. “Nakikinig, gusto ko lang i-sure na naalala mo ang mga sinasabi mo kanina. Kasi baka lasing ka lang talaga.”

Napanganga siya. "Hoy!"

He chuckled.

Mary Jane slapped his arm. Or at least, she tried. Pero dahil biglang umikot ang paligid, sumobra ang pagkiling ng katawan niya.

"Whoa—"

Napapikit siya. She waited for her body to hit the floor. Pero hindi iyon nangyari. A strong arm wrapped around her waist.

Mary Jane slowly opened her eyes. Darwin was holding her. Sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. Sa sobrang lapit ay klarong-klaro niya ang mukha nito. Mas lalo tuloy itong pumogi sa paningin niya.

Napatingin siya sa mukha nito, sa labi, hanggang sa magtagpo ang mga mata nila.

"Hi," bulong niya.

Darwin sighed. "Hi."

"Sure ka ayaw mo ng direct kiss?"

"No. Lasing ka lang. Kanina lang nakatayo ka pa eh."

"Nag-resign na legs ko eh."

Darwin stared at her. She smiled sweetly.

"Carry me?"

"No."

"Please?"

"No."

"Daddy?"

His entire body froze. 

Nag-puppy eyes pa siya rito para sana magpa-cute pero parang hindi naman effective.

Darwin looked like he wanted to leave her right there. She laughed so hard that her forehead accidentally landed against his chest. Ang bango. Shocks.

Pati pabango nito ay pasado sa ilong niya. Check na check talaga.

"Where do you live?" he asked.

"Secret."

"I need to get you home."

"Kidnapper."

"You literally asked me to spend the night with you."

"Ah, oo nga." She thought about it. "Okay. Hindi kidnapper."

Darwin helped her sit properly before taking his phone from his pocket.

"Do you have someone I can call?"

"No."

"Friend?"

"Meron."

"Call her."

"Ayaw."

"Why?"

"Kasi sasabihin niya, 'I told you so.' Ayoko marinig."

"Family?"

"Nasa province lahat."

Darwin exhaled slowly. "Address mo na lang."

Mary Jane narrowed her eyes. "Promise hindi mo ako nanakawan?"

He looked at his watch at saka siya muling tiningnan. Wala naman siyang pakialam sa oras ngayon eh.

"Mary Jane, I'm fairly certain my watch costs more than everything inside your apartment."

Napasinghap siya. "Ang yabang!"

"You asked."

"Hindi ko tinatanong ang presyo ng relo mo!"

"Address."

She pouted. Then reluctantly told him the name of her building. Darwin suddenly went silent and she tilted her head.

"Why?"

"Nothing."

"May pinatay ka siguro doon no?"

"No."

"Drug lord ka talaga.

"I'm not a drug lord."

"Then bakit ganyan mukha mo?"

He looked at her for another second. "I know the building."

"Oh."

Mary Jane nodded. Wala naman siyang nakitang kakaiba roon.

"Good. Hindi na kailangan ng G****e Maps."

Darwin paid for their drinks despite Mary Jane's loud protests that she was supposed to buy his whiskey. Then he guided her out of the bar. Pagdating nila sa labas, sinalubong agad sila ng malamig na hangin.

Mary Jane inhaled deeply.

"Darwin."

"Hmm?"

"Remember my proposal. One night lang naman oh, after nito magkalimutan na tayo."

"Go home."

"One unforgettable night."

"Mary Jane."

She smiled before closing her eyes.

"Ask me again when you're sober," she repeated his words.

Darwin went quiet and she smiled wider.

"See? I remember."

"For now."

"I'll find you."

"You don't even know my last name."

Her smile disappeared.

Ay. Oo nga. Hindi niya nga pala natanong ang last name nito. Ang galing mo talaga, Mary Jane. Nagawa mong ayain ito ng isang gabi lang pero last name nito hindi mo nagawang itanong muna. Gosh!

Dahan-dahan siyang dumilat. "What's your last name?"

Darwin opened the car door for her. "Get in."

"Last name muna."

"Get in, Mary Jane."

"Darwin what?"

He gently guided her into the passenger seat.

"Darwin!"

The door closed. Mary Jane stared through the window as he walked around the car.

Nakakainis. Hindi niya sinabi. Pero okay lang. She would ask him again kapag sober na siya at kapag malinaw na ang utak niya. At kapag sigurado na siyang kaya niyang gawin ang pinaka-reckless na desisyon ng buong buhay niya.

One night. No feelings. No promises. No heartbreak.

Simple lang naman ang rules diba? Mas advantage pa nga lahat kay Darwin eh. Wala na itong iisipin pa. Pero bakit ayaw nito?

Habang pinagmamasdan niya si Darwin na sumakay sa driver's seat, isang bagay lang ang sigurado ni Mary Jane. She had finally found the man she wanted. Ang problema?

Hindi pa niya alam na kinabukasan, pagsisisihan niya ang halos lahat ng sinabi niya ngayong gabi. Especially the part where she promised to find him.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 4: Monteverde

    The morning sunlight slipped through the thin cream curtains of Mary Jane's apartment, landing directly on her face.She frowned. Unti-unti siyang gumalaw, pilit na ibinabaon ang mukha sa unan. Ngunit kahit anong tago niya, hindi pa rin matakasan ng liwanag ang mga mata niya."Five minutes..." mahina niyang ungol.Pero wala namang nakinig. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang dumilat. Agad siyang napapikit ulit."Ouch..."Parang may marching band sa loob ng ulo niya.Mariin niyang kinusot ang sentido habang dahan-dahang umupo sa kama. Magulo ang buhok niya. Bahagyang gusot ang oversized shirt na suot niya kagabi. Nasa gilid pa rin ng kama ang handbag niya, pati ang sapatos na basta na lang niya hinubad bago matulog.Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.8:17 A.M.Nanlaki ang mga mata niya. "Ay! Jusko! Alas otso na! Putek naman, oo!"Halos mahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling tumayo."Lunes ngayon pala ngayon! Kainis naman oh, late na ko!"Mabilis siyang tumakbo

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 3: His Last Name

    "One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."Hindi agad nagsalita ang lalaki. Parang nagulat pa ito sa proposal niya. Pero sabagay, sino bang hindi magugulat kung mismong babae pa ang mag-offer sayo ng ganito diba? Pero ano bang pakialam niya? Gusto lang niyang makalimot kahit itong gabi lang. Gusto niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mabura muna sa kaniyang alaala ang lahat ng hinanakit niya sa mundong to.Gusto niyang makalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro naman valid tong nararamdaman niya diba? Kung valid man o hindi, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay magawa niya ang bucket list niya ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.For the first time since she approached him, parang tuluyan nitong nawala ang kalmadong expression na pilit nitong pinapakita kanina. Nakita pa niya ang paglunok nito ng laway na parang kabado pa. Hindi niya masisisi ito kasi maski siya ay kinakabahan din sa ginagawa niya. Hindi

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 2: One Night

    “Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”Pero gaya kanina ay parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang lalaki sa kaniya. Nakatitig lang ito habang hawak niya ang baso. Hindi man lang nito kinuha ang baso sa kamay niya. Hindi ito nagreklamo man lang na uminom siya sa baso nito.“Pwede ba?” ulit niyang tanong dito pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong kibo.Imbes na maghintay siya sa sagot nito ay dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inilapag niya sa mesa ang baso nito at saka siya bahagyang yumuko palapit sa lalaki.Nahuli pa niyang napakurap si Darwin sa ginawa niya kaya agad namang ngumiti ang mga labi niya.Alam mo, parang Tide lang yan. Gulat ka, 'no? Tukso ng utak niya.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya ngayon. Siguro sa tequila o baka naman sa sakit na matagal na niyang kinikimkim.Whatever.Basta ang alam

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 1: Indirect Kiss

    The loud music inside the bar was almost enough to drown out the chaos inside Mary Jane Reyes' head.Almost kasi kahit gaano kaingay sa loob ng bar, parang mas maingay pa ang loob ng puso at utak niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman niya.Pero bakit ganon? Ayaw pa rin talagang mawala. Parang sinasagad ang damdamin niya at sinasaksak nang paulit-ulit.Okay lang sana kung ibang sagad ang nangyayari, pero hindi eh. Hindi sagad na masarap ang nararamdaman niya. Kundi sagad na masakit.She tilted the tiny shot glass and downed another tequila in one gulp. Ang sarap sa pakiramdam na mainit-init pa sa kaniyang lalamunan. Mabuti pa tong iniinom niya, nakakaramdam pa siya ng sarap."Isa pa."Hindi na siya sigurado kung pang-ilang shot na niya iyon. Basta ang alam niya, masyado pa ring malinaw sa isip niya ang mukha ng lalaking sinayang ang limang taon ng buhay niya.Muli na namang bumangon ang galit niya sa hinayupak na yon. Gusto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status