Share

Chapter 4: Monteverde

Author: jayjay
last update publish date: 2026-07-17 14:42:37

The morning sunlight slipped through the thin cream curtains of Mary Jane's apartment, landing directly on her face.

She frowned. Unti-unti siyang gumalaw, pilit na ibinabaon ang mukha sa unan. Ngunit kahit anong tago niya, hindi pa rin matakasan ng liwanag ang mga mata niya.

"Five minutes..." mahina niyang ungol.

Pero wala namang nakinig. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang dumilat. Agad siyang napapikit ulit.

"Ouch..."

Parang may marching band sa loob ng ulo niya.

Mariin niyang kinusot ang sentido habang dahan-dahang umupo sa kama. Magulo ang buhok niya. Bahagyang gusot ang oversized shirt na suot niya kagabi. Nasa gilid pa rin ng kama ang handbag niya, pati ang sapatos na basta na lang niya hinubad bago matulog.

Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.

8:17 A.M.

Nanlaki ang mga mata niya. "Ay! Jusko! Alas otso na! Putek naman, oo!"

Halos mahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling tumayo.

"Lunes ngayon pala ngayon! Kainis naman oh, late na ko!"

Mabilis siyang tumakbo papuntang banyo, ngunit ilang hakbang pa lang ay napahinto rin siya.

"Wait."

Kumunot ang noo niya.

Bakit parang… Parang may kakaiba. May... nakalimutan ba siya?

Tahimik siyang tumitig sa kisame.

Pagkatapos ay unti-unting bumalik ang mga alaala. Alaala niya about sa bar, sa tequila, sa pag-iyak niya dahil na-broken siya, at alaala niya tungkol sa isang lalaki. Sa isang gwapong lalaki, to be exact.

"Darwin." Nanlaki ang mga mata niya. "Ay, Diyos ko."

Sunod-sunod na nag-flash sa isip niya ang mga nangyari kagabi.

"Kiss me."

"One unforgettable night."

"One night. You and me."

"Carry me?"

"Daddy?"

Bigla niyang napasinghap. At kusang lumabas sa bibig niya ang isang impit na sigaw. Agad niyang tinakpan ang bibig bago pa marinig ng buong apartment building ang sigaw niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"Please sabihin n'yo panaginip lang 'yon..."

Unti-unti niyang ibinaba ang mga kamay sa mukha. Kahit anong gawin at kahit anong sabihin niya, hindi talaga panaginip yon eh. Totoong nangyari ang mga yon kagabi. Totoong nangyari at totoong nagyaya pa siya ng isang gabi!

Napaupo siya sa sahig ng banyo habang parehong kamay na hinawakan ang ulo.

"Mary Jane Reyes," bulong niya sa sarili. "Anong ginawa mo?"

Pakiramdam niya gusto na lang niyang mag-migrate sa Antarctica kung sakaling pwede mag-apply ng teacher don. Pwede naman siguro siya lumipat diba? O kahit saan na basta malayo sa lugar na to.

Napabuntong-hininga siya. Isa-isa niyang binalikan ang mga sinabi niya.

"One unforgettable night."

"No strings attached."

"You and me."

"I'll find you."

Napapikit siya.

"Pwede bang burahin ang memories na yon?"

Kung pwede lang talaga. Maya-maya ay napakunot-noo siya.

"Wait."

Huminto siya. May isa siyang bagay na biglang naalala. Hindi siya sinamantala. Sa pagkakataong iyon, malinaw na malinaw niyang naalala ang bawat detalye.

Lasing siya at halos hindi na makatayo. At kahit ilang beses siyang nagpilit… Hindi man lang siya hinalikan ng lalaki. Hindi rin siya hinawakan nito sa bahagi ng katawan niya na ikakabastos niya. Hindi siya sinamantala ng lalaki. At mas lalong hindi siya hinatid sa hotel sa inuwi sa kung saang lugar. Ligtas siya nitong hinatid pauwi.

A soft smile unconsciously appeared on her lips.

"Green flag."

Pagkatapos ay mabilis din iyong nawala.

"Sandali..." Napatingin siya sa kisame. "Paano niya nalaman ang bahay ko?"

Saglit siyang natulala. Pagkatapos ay natawa nang mahina.

"Ay oo nga pala." Siya mismo ang nagsabi ng address. "Ang talino mo talaga, Mary Jane."

Napailing siya habang tumayo. Kailangan na niyang kumilos. May klase pa siya.

~

Makalipas ang halos isang oras. Fresh from a quick shower, nakasuot na siya ng simpleng beige blouse, dark slacks, at flat shoes. Mahigpit niyang itinali ang mahaba niyang buhok sa isang maayos na ponytail bago isinukbit ang ID sa leeg.

Huminto siya sandali sa maliit na salamin malapit sa p***o.

"You are an elementary teacher," sabi niya sa sarili. "Mature ka at responsible. Hindi ka nagyayaya ng one-night stand." Napakurap siya. "Except kagabi."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"Hindi na talaga mauulit yon."

Never. Ever.

Paglabas niya ng apartment, malamig pa ang hangin ng umaga. Nasa ikapitong palapag ang unit niya kaya kitang-kita mula roon ang kabilang condominium. Tahimik niyang isinara ang p***o bago naglakad patungo sa elevator. Hindi man lang sumagi sa isip niyang tumingin sa kabilang building.

Hindi niya alam… Sa mismong oras ding iyon, sa balcony ng unit sa tapat ay may isang matangkad na lalaki ring nakatayo habang may hawak na tasa ng itim na kape.

Darwin Monteverde.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 4: Monteverde

    The morning sunlight slipped through the thin cream curtains of Mary Jane's apartment, landing directly on her face.She frowned. Unti-unti siyang gumalaw, pilit na ibinabaon ang mukha sa unan. Ngunit kahit anong tago niya, hindi pa rin matakasan ng liwanag ang mga mata niya."Five minutes..." mahina niyang ungol.Pero wala namang nakinig. Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang dumilat. Agad siyang napapikit ulit."Ouch..."Parang may marching band sa loob ng ulo niya.Mariin niyang kinusot ang sentido habang dahan-dahang umupo sa kama. Magulo ang buhok niya. Bahagyang gusot ang oversized shirt na suot niya kagabi. Nasa gilid pa rin ng kama ang handbag niya, pati ang sapatos na basta na lang niya hinubad bago matulog.Napatingin siya sa digital clock sa bedside table.8:17 A.M.Nanlaki ang mga mata niya. "Ay! Jusko! Alas otso na! Putek naman, oo!"Halos mahulog pa siya sa kama sa pagmamadaling tumayo."Lunes ngayon pala ngayon! Kainis naman oh, late na ko!"Mabilis siyang tumakbo

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 3: His Last Name

    "One unforgettable night. Please… Isang gabi lang."Hindi agad nagsalita ang lalaki. Parang nagulat pa ito sa proposal niya. Pero sabagay, sino bang hindi magugulat kung mismong babae pa ang mag-offer sayo ng ganito diba? Pero ano bang pakialam niya? Gusto lang niyang makalimot kahit itong gabi lang. Gusto niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang mabura muna sa kaniyang alaala ang lahat ng hinanakit niya sa mundong to.Gusto niyang makalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Siguro naman valid tong nararamdaman niya diba? Kung valid man o hindi, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ay magawa niya ang bucket list niya ngayong gabi. Kahit ngayong gabi lang.For the first time since she approached him, parang tuluyan nitong nawala ang kalmadong expression na pilit nitong pinapakita kanina. Nakita pa niya ang paglunok nito ng laway na parang kabado pa. Hindi niya masisisi ito kasi maski siya ay kinakabahan din sa ginagawa niya. Hindi

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 2: One Night

    “Oh, fuck! Is this an indirect kiss?” Tukoy niya sa baso na ininoman niya. Dahil iyon din mismo ang baso kung saan uminom si Darwin. “Pero pwede bang makahingi ng direct kiss?”Pero gaya kanina ay parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang lalaki sa kaniya. Nakatitig lang ito habang hawak niya ang baso. Hindi man lang nito kinuha ang baso sa kamay niya. Hindi ito nagreklamo man lang na uminom siya sa baso nito.“Pwede ba?” ulit niyang tanong dito pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong kibo.Imbes na maghintay siya sa sagot nito ay dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inilapag niya sa mesa ang baso nito at saka siya bahagyang yumuko palapit sa lalaki.Nahuli pa niyang napakurap si Darwin sa ginawa niya kaya agad namang ngumiti ang mga labi niya.Alam mo, parang Tide lang yan. Gulat ka, 'no? Tukso ng utak niya.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang tapang niya ngayon. Siguro sa tequila o baka naman sa sakit na matagal na niyang kinikimkim.Whatever.Basta ang alam

  • A Reckless Night with Mr, Billionaire   Chapter 1: Indirect Kiss

    The loud music inside the bar was almost enough to drown out the chaos inside Mary Jane Reyes' head.Almost kasi kahit gaano kaingay sa loob ng bar, parang mas maingay pa ang loob ng puso at utak niya. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman niya.Pero bakit ganon? Ayaw pa rin talagang mawala. Parang sinasagad ang damdamin niya at sinasaksak nang paulit-ulit.Okay lang sana kung ibang sagad ang nangyayari, pero hindi eh. Hindi sagad na masarap ang nararamdaman niya. Kundi sagad na masakit.She tilted the tiny shot glass and downed another tequila in one gulp. Ang sarap sa pakiramdam na mainit-init pa sa kaniyang lalamunan. Mabuti pa tong iniinom niya, nakakaramdam pa siya ng sarap."Isa pa."Hindi na siya sigurado kung pang-ilang shot na niya iyon. Basta ang alam niya, masyado pa ring malinaw sa isip niya ang mukha ng lalaking sinayang ang limang taon ng buhay niya.Muli na namang bumangon ang galit niya sa hinayupak na yon. Gusto n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status