LOGINWalking in the aisle to marry someone for someone else. Or, more accurately, I'll marry the man my twins love.
Suot ang belo na mabagal na naglalakad sa pulang karpet hanggang sa harap ng altar kung saan na naghihintay ang mapapangasawa ng kapatid ko. I am so nervous that I can’t even lift up my face to look at him waiting in the altar. At habang patuloy ako sa mabagal na paghakbang ay patuloy ako sa pagdadasal na sana ay hindi nito mapansin na iba ang babaeng pakakasalan niya ngayong araw na ito. Well, if he didn't look at me and pay attention to my actions, no one would be able to tell that I wasn't Lilian. Magkakasunod ang pinakawalan kong paghinga habang patuloy lang ako sa paghakbang. Bakit ba ako pumayag sa pakiusap sa akin ng kapatid ko? Ugh! I just can’t let her down now. Ilang beses siyang nakiusap sa akin bago pa man siya lumipad pa-ibang bansa kasama ang doctor niya at kahit na anong tigas ng pagtutol ko sa plano niya ay hindi pa rin talaga ako nakatanggi sa pakiusap niya sa akin. “Please, just say I do and that’s it. Just stay for him for a while until I come back.” Umalingawngaw pa rin iyon sa pandinig ko na ilan sa mga sinabi niya sa akin. Parang ang dali lang ng pinapagawa niya sa akin. At hindi ko pa nakikilala ang boyfriend niya at lalong wala akong alam tungkol sa lalaking pakakasalan niya ngunit heto ako ngayon at naglalakad sa pulang karpet palapit sa lalaking mahal ng kambal ko. Ngunit hindi ko magawang itaas ang mukha ko sa pag aalala na baka mapansin nito na iba ang babaeng pakakasalan nito ngayon. Hanggang sa tuluyan akong nakalapit. Napalunok ako ng ilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap iyon ngunit hindi pa rin ako nagtaas ng mukha para salubungin ang tingin nito. Iginiya niya ako paharap sa pari at sa magsimula na ang seremonya ng kasal. Hindi na nawala ang kaba ko habang nakikinig sa mga sinasabi ng pari hanggang sa humantong na sa tanungin ng hari kung handa ko na bang tanggapin siya bilang aking asawa. “Ms. Bride, do you accept, Mr. Groom to be your lawful wedded husband?” iyon ang tanong ng pari. Muli na naman akong nagpakawala ng malalim na paghinga at tumikhim pa na parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan. And I am about to answer and need to look at him but I almost bite my tongue when I see the groom's face. “You…” usal ko na halos ako lang ang nakarinig at bahagya pang napaatras ng hakbang pero humigpit ang hawak niya sa aking mga palad. “I don…” “Yes, she is willing to be my wife.” He answered before I could say no. At pagkasabi niya iyon ay isinuot na niya ang singsing sa daliri ko. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko na halos nasundan ang ilan pang mga sinabi ng pari dahil sa kabiglaan ng makilala kung sino ang lalaking pakakasalan ng kapatid ko. At walang iba kundi ang Edward Ashford na minsan kong hinarap sa hukuman para sampahan ng kasong harassment pero nabigo ako. Hindi ko naipagtanggol ang babae dahil napagaling ng abogado nitong depensahan ang kanyang kawalanghiyaan. “I pronounce you, husband and wife. Groom, you may kiss your bride.” ang huling kataga ng pari na parang awtomatiko pang kumilos ang katawan ko na humarap sa kanya. Napatingala ako sa kanya. Muling napalunok. Nakasunod lang ang tingin ko sa pagtaas ng kanyang kamay para itaas ang suot kong viel. At kahit na pormal na pormal ang mukha niyang nakikita ng iba ngunit hindi ako pwedeng pagsinungalingan ng mga mata ko. He smirks while looking at me. Napapiksi ako ng maramdaman ko ang daliri niyang humawak sa baba ko at itaas iyon. “Accept my kiss, my wife.” At huli na para makaiwas dahil lumapat na ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata kong hindi makapaniwala na mawawala ng ganito ang una kong halik. Sa araw ng kasal ng kapatid ko. Hindi namin ito napag usapan ni Lilian. Hindi na rin pumasok sa isip ko kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng araw ng kasal nila. Damn! Lihim na lang akong napamura. Ngunit sa pag aakalang dampi lang ang magiging halik niya sa akin ay nagkamali ako kaya lalo akong nataranta at hindi ko alam ang susunod na gagawin. Umangat ang kamay ko para itulak siya ngunit mabili niyang nahuli ang mga kamay ko at pinigilan ako sa pagtulak ko sana sa kanya at sa pagkalingat ko, napasinghap ako. Sa pagsinghap ko ay mas lalong lumalim ang naging paghalik niya sa akin dahil sa pagkakabuka ng bibig ko ay pinailalim niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Kissing me like there are no other people around us. Napalunok na lang ako ulit na parang mayroon siyang ipinainum sa akin gamit ang kanyang bibig. Kasunod ng pagkaabala ng utak ko sa paghalik niya sa akin ay ang masigabong palakpakan ng mga sumaksi sa kasal nila ng kapatid ko. “That is so sweet of you, Mrs. Ashford.” bulong niya pagkatapos ang paghalik niya sa akin. Naatras na lang ako ulit, ngunit hindi ako nakalayo dahil mabilis na humawak ang braso niya sa baywang ko. Iginiya niya ako paharap sa kanilang mga bisita. “Congratulations, Mr. & Mrs. Ashford.” “Wish you a happy and good life together.” Ilan lamang iyon sa mga pagbati nila sa amin na halos hindi na nag sisink sa utak ko dahil pa rin sa kabiglaan. “Hindi ba sinabi mo sa akin na gusto mo na maging memorable ang unang halik nating dalawa?” Napasulyap pa ako sa kanya ng marinig ko ang bulong niyang iyon sa akin. “This is our wedding day, so I must kiss you in full today.” “You…” “And save for the rest on our wedding night.” Sa narinig ko ay mas lalo akong kinilabutan. Wedding night? Ibig sabihin ay gagawin namin iyon mamayang gabi. No! Ngunit ang pagtutol na iyon ay sinarili ko na lamang dahil kung gagawa ako ng hakbang na ikakagambala ng mga bisita ay baka mas lalong magkagulo kapag nalaman nilang hindi ako ang bride na dapat na nandito sa harap nila kasama ang groom.8:“Why did you help me?”Napasulyap ako sa kanya habang ako ay nagmamaneho.Taas ang isa kung kilay pero hindi ko iyon ipinahalata sa kanya at bahagya lang na ngumisi.Salubong naman ang kilay niya ng mapansin ang pagngiti ko.“What is that smirk for?” mahina man ang boses niya ay halata ang pagsita niya sa pagngisi ko na hindi nagustuhan iyon na makita sa akin.“Bakit hindi kita tutulungan? Asawa kita. At kung hinayaan kita kanina sa harap ni Lola ay baka hindi na naman matuloy ang wedding night natin. Hindi mo naman siguro nakalimutan agad ang sinabi ni lola kanina na gusto na niyang magkaroon ng apo sa tuhod, right?”Naiwas niya ang mga mata sa akin.Mas lalo lang akong naaliw na makita ang reaksyon niya. Kung hindi lang siguro ako nagmamaneho ay baka titigan ko na lang ang kyut niyang ekspresyon sa pag iwas sa akin.…..Nagmamadali akong bumaba ng kotse ng makarating na kami ng bahay.Hindi ko na siya nilingon pa para hindi ko makita ang nanunukso niyang tingin sa akin.Hindi ko
7:Sinong hindi kakabahan kung makikipagharap ako sa kanyang lola.Oo, I know that I was wrong for deceiving him but his grandmother… Can I really do this?Ugh!Nevermind.“Your hand is sweating.”Nagulat pa ako ng hawakan niya ang kamay ko na kanina pa nga pinagpapawisan.Hindi nga ako kinakabahan kapag haharap ako sa husgado para ipaglaban ang mga kleyente ko pero ngayon ay talagang hindi ko iyon maiwasan.“I am just nervous.” totoong sagot ko sa kanya.“Hmm, natural lang iyan. Bukod kahapon na dumalo si Lola sa kasal natin ay ito pa lang ang pangalawang beses na magkikita kayo. At noong bata ka, remember?”Napatingin ako sa kanya.Noong bata ako? Kung ganun ay matagal na silang magkakilala ni Lilian pero bakit hindi sinabi niya iyon sinabi sa akin.“Oo… oo.” tanging sagot ko na lang kahit na mas lalo akong nalito.“So, relax. Let’s go.”At bago pa ako makasagot ay mabawi ang kamay kong hawak niya ay hinila na nga niya ako papasok ng malaking bahay.…..“Lilian. It’s been a really l
Lihim akong napapangiti habang nakatingin ako sa kisame. Katabi siya na halatang nanginginig pa rin sa takot sa kung ano ang maari kong gawin sa kanya ngayong gabi.Inaasahan ko ng gagawa siya ng paraan para walang mangyari sa aming ngayong gabi pero hindi ko naman akalain na talagang magkakaroon ng dahilan para huwag ko siyang galawin.I know from the very beginning that she is not Lilian. And so be it. She is my wife now. Her name is in our marriage certificate, not Lilian.Wala naman akong balak siyang pilitin kung talagang ayaw niya. Pero naaliw akong makita siyang nababahala na mabuking ko siyang nagpapanggap lamang siya.Napasulyap ako sa kanya pagkalipas lamang ng ilang minuto.Muli akong napangiti ng makitang nakatulog na siya sa kaba niya.Maingat akong gumalaw na lumapit sa kanya at marahan ko siyang hinawakan.Inangat ang ulo niya sa kanyang unan at pinaunan ko siya sa aking braso. At hindi ako nabigo sa ginawa ko dahil ng makaunan na siya sa braso ko ay awtomatiko namang k
Napatitig siya sa akin.Hindi ko tuloy mabasa sa mga mata niya kung ano ang naging reaksyon siya sa pagtulak ko sa kanya.“I… I am sorry but we can’t do that now.” sabi ko sa kanya para gumawa na ng dahilan para huwag lang niyang ituloy ang balak ngayong gabi.“Why not?” mas naging malalim ang naging tingin niya sa akin. Inaarok kung ano ang mga sasabihin ko.“I…” ngunit bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdating ng buwanang dalaw ko.Lihim akong napangiti at nakahinga ng maluwag.Hindi na ako nagsalita pa at at nagmamadali na nga akong pumasok ng banyo para tignan kung tama ba ang naging pakiramdam ko.At hindi nga ako nagkamali. Mayroon ng red stain sa panty ko ng tignan ko iyon. Pero ang masama ngayon ay wala akong dalang napkin dahil sa susunod na araw pa ang expected date na pagdating ng dalaw ko ngayong buwan.“Are you okay?” tatlong katok kasama ng tanong niyang iyon sa akin. “Is there something wrong?”Humakbang na ako palapit sa pinto.“I am okay. Just… j
Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin matapos kong maisuot ang binigay niya sa aking night gown. Hindi naman iyon ganun kanipis pero sa lambot ng tela ay bumakat iyon sa bawat kurba ng aking katawan.Napalunok ako.Batid kong maganda ang aking hubog, ngunit ngayong suot ko na ang panggabing damit na ito mula sa kaniya, tila hindi ko na makilala ang aking sarili. Ganito ba talaga kalutang ang mga kurba ng katawan ko?Hindi ganun kalaki ang boobs ko pero hindi naman maliit. At ang baywang ko… Bakit parang ang liit tignan ngayon habang suot ko ang malambot na telang ito, and my hips, my butt, it feels like I am seeing a new me. My body is in perfect shape.“Huh!” nagulat ako at napasulyap sa pinto ng marinig ko ang katok mula sa labas ng banyo.“Mrs. Ashford, hindi ka pa ba tapos maligo? If not, I am coming in.”Napalunok ako at napahawak pa sa laylayan ng suot kong nightgown.“I am done. Just a little bit. I am coming out.” sagot ko.Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ako l
Napag usapan natin na sa akin ka titira matapos ang kasal natin. At saan ka nakakita ng bagong kasal na hindi magsasama sa unang gabi ng kanilang kasal.” seryoso na sabi niya sa akin habang sakay kami ng kotse niya at bagtas ang daan papunta ng apartment ko para kunin ang mga gamit ko.“Hindi pa ako nakapag ayos ng mga gamit ko kaya kung maari ay bukas na lang ng umaga ako lilipat sa bahay mo.” sagot ko naman sa kanya na nag babaka sakali na pumayag siya.May punto siya sa sinabi niya pero hindi pa ako nakahanda na tumira sa iisang bubong lalo na at siya ang kasama ko.Ang akala ko ay ganun lang kadali iyon at ang akala ko ay nakahanda na ako sa pagkakataong ito ngunit hindi pala iyon ganun kadali. At sangkot na ang kalayaan at lalo na ang pagkatao ko sa naging pagpayag ko sa pakiusap sa akin ni Lilian.Hindi ko alam kung ano talaga ang naging usapan nila ni Lilian bago ang kasal nila. Wala itong ibang sinabi sa akin maliban sa ako lang ang humarap sa kanilang kasal at kapag bumalik n







