Home / Romance / A Ring Not Mine To Wear / 3: Moving Into Edward's Home

Share

3: Moving Into Edward's Home

Author: YuChenXi
last update publish date: 2026-10-12 10:46:39

Napag usapan natin na sa akin ka titira matapos ang kasal natin. At saan ka nakakita ng bagong kasal na hindi magsasama sa unang gabi ng kanilang kasal.” seryoso na sabi niya sa akin habang sakay kami ng kotse niya at bagtas ang daan papunta ng apartment ko para kunin ang mga gamit ko.

“Hindi pa ako nakapag ayos ng mga gamit ko kaya kung maari ay bukas na lang ng umaga ako lilipat sa bahay mo.” sagot ko naman sa kanya na nag babaka sakali na pumayag siya.

May punto siya sa sinabi niya pero hindi pa ako nakahanda na tumira sa iisang bubong lalo na at siya ang kasama ko.

Ang akala ko ay ganun lang kadali iyon at ang akala ko ay nakahanda na ako sa pagkakataong ito ngunit hindi pala iyon ganun kadali. At sangkot na ang kalayaan at lalo na ang pagkatao ko sa naging pagpayag ko sa pakiusap sa akin ni Lilian.

Hindi ko alam kung ano talaga ang naging usapan nila ni Lilian bago ang kasal nila. Wala itong ibang sinabi sa akin maliban sa ako lang ang humarap sa kanilang kasal at kapag bumalik na siya ay saka lang ako makakalayo sa lalaking ito.

Nagpakawala na naman ako ng malalim na paghinga. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses.

“I can help you pack your things.” sabi niya na tila walang balak pakawalan ako ngayong gabi.

Napatingin ako sa kanya. Ngunit hindi rin nagtagal at agad na binawi ang tingin ko ng sumulyap naman siya sa akin habang nagmamaneho siya.

Hindi na ako sumagot. Mag iisip na lang ako ng ibang paraan para makaiwas sa kanya ngayong gabi ng hindi matuloy ang gusto niyang mangyari sa gabi ng kasal nila ni Lilian.

…..

Dahil sa kailangan kong magpanggap na si Lilian sa harap niya ay ang dami kong kailangang baguhin sa sarili ko para lang maging Lilian mismo ang kilos at pananamit ko.

Konserbatibo akong manamit habang si Lilian ay halos gusto niyang isuot ay mga sexy na damit pero dahil sa kailangan pa niyang sumailalim pa sa ilang surgery para sa katawan niya dulot ng pagkakasunod ng balat niya ay hindi niya iyon magawa sa labas na marami ang makakakita.

Hindi ko lang alam kung ano ang mga kadalasan niyang isinusuot kapag kaharap si Edward kung nagkikita sila. Kaya ang mga kinuha kong gamit ay hindi ang akin kundi mga gamit niya mismo at iyon na ang isusuot ko habang ako ang kasama ng asawa niya.

“Ang akala ko ba ay nagbago na ang taste mo sa pananamit? Bakit nagsusuot ka pa rin ng mga ganyan ngayon?”

Napalingon ako ng marinig ko ang tanong na iyon ni Edward sa akin.

Nasa pintuan siya, nakasandal sa hamba ng p***o at pinagkross ang mga kamay sa dibdib nito na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Gusto ko pang tanungin sa kanya kung ilang beses na siyang pumarito sa apartment namin ni Lilian pero hindi ko gagawin iyon dahil sa oras na tanungin ko ang bagay na iyon ay siguradong maghihinala na ito sa akin na hindi ako ang babaeng dapat sana niyang kasama ngayon.

“I…” hindi ako nakasagot.

Napatingin ulit ako sa mga damit ni Lilian na nasa maleta ko na at maayos na nakatupi’t nakasalansan.

Kung ganun ay hindi na nagsusuot si Lilian ng ganitong ka sexy na damit. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na kailangang sanayin ang sarili ko na magsuot ng mga ganitong klaseng damit.

“Kung kailangan lang naman. Mayroon ding pagkakataon na magsusuot ako ng ganito lalo na kung gusto mong ipagmalaki ang asawa mo sa ibang tao. Kailangan kong magpakitang gilas at ipakita kung gaano ako kaganda, hindi ba?” sagot ko.

Mainam na iyon na sagot para sa sinabi niyang iyon.

“Hmm, you have a point. But I would rather hide my wife than have others see her beauty.”

Muli na naman akong napatitig sa kanya.

Hindi yata may pagka possessive siya pagdating kay Lilian. Kung ganun ay hindi ko na nga kailangan ang mga damit ni Lilian.

Hindi na ulit ako nagsalita. Nagpatuloy ako sa pag impake ng mga gamit ko. At ilan sa mga tunay kong gamit ang dinala ko at naiwan ang ilan sa mga gamit ni Lilian.

“I’m done.”

“Okay then, let’s go.”

Tumango ako.

Nagulat pa ako ng kunin niya sa akin ang maleta ko at siya na mismo ang humila palabas ng apartment.

Walang imik na sumunod na lang ako sa kanya at hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makauwi kami mismo sa bahay niya.

…..

“From now on, this is our room.” sabi niya ng makapasok kami ng master bedroom.

Gusto ko pang sabihin na sa ibang kwarto na lang ako matutulog pero siguradong hindi siya papayag kaya nanahimik na lang ulit ako.

Iginala ko ang mga mata ko para pag aralan ang ayos ng kanyang silid.

Ayaw kong mamangha pero pakiramdam ko ay parang sinadya o sadya lamang na magkapareho kami ng gustong ayos ng kwarto. And the interior design… I feel something is off… But I can’t name what it is?

“What? Is the room not to your liking?” tanong na nakapag pakurap sa akin.

“O-okay,” tipid na sagot ko.

“Bukas mo na ayusin ang mga gamit mo. Lumalalim na ang gabi. Mayroon pang mas mahalagang gawin ngayon kaysa sa bagay na iyan. Go take a shower first or you want me to join you to save time?”

“No!” mabilis pa sa sigundong sagot ko.

“Oh!” napatitig siya sa akin.

Binawi ko naman ang tingin ko sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pocket ng maleta ko at kumuha na doon ng pangtulog ko. Pero bago pa man ako makakuha ay mayroon na siyang iniaabot sa akin.

Napatingin na naman ako sa kanya.

“Take this. I bought this yesterday. This is for you to wear tonight.”

Napatitig ako sa hawak niya. Isa iyong white silk. Hindi ko lang kung ano ang design dahil maayos ang pagkakatupi.

Kusang umangat ang mga kamay ko para kunin iyon sa kanya.

Matapos kunin ay nagmamadali na akong pumasok ng banyo at sinigurado na nakalock iyon ng hindi siya makapasok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Ring Not Mine To Wear   5: Edward's Surprising Gesture:

    Napatitig siya sa akin.Hindi ko tuloy mabasa sa mga mata niya kung ano ang naging reaksyon siya sa pagtulak ko sa kanya.“I… I am sorry but we can’t do that now.” sabi ko sa kanya para gumawa na ng dahilan para huwag lang niyang ituloy ang balak ngayong gabi.“Why not?” mas naging malalim ang naging tingin niya sa akin. Inaarok kung ano ang mga sasabihin ko.“I…” ngunit bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdating ng buwanang dalaw ko.Lihim akong napangiti at nakahinga ng maluwag.Hindi na ako nagsalita pa at at nagmamadali na nga akong pumasok ng banyo para tignan kung tama ba ang naging pakiramdam ko.At hindi nga ako nagkamali. Mayroon ng red stain sa panty ko ng tignan ko iyon. Pero ang masama ngayon ay wala akong dalang napkin dahil sa susunod na araw pa ang expected date na pagdating ng dalaw ko ngayong buwan.“Are you okay?” tatlong katok kasama ng tanong niyang iyon sa akin. “Is there something wrong?”Humakbang na ako palapit sa pinto.“I am okay. Just… j

  • A Ring Not Mine To Wear   4: Resisting Intimacy

    Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin matapos kong maisuot ang binigay niya sa aking night gown. Hindi naman iyon ganun kanipis pero sa lambot ng tela ay bumakat iyon sa bawat kurba ng aking katawan.Napalunok ako.Batid kong maganda ang aking hubog, ngunit ngayong suot ko na ang panggabing damit na ito mula sa kaniya, tila hindi ko na makilala ang aking sarili. Ganito ba talaga kalutang ang mga kurba ng katawan ko?Hindi ganun kalaki ang boobs ko pero hindi naman maliit. At ang baywang ko… Bakit parang ang liit tignan ngayon habang suot ko ang malambot na telang ito, and my hips, my butt, it feels like I am seeing a new me. My body is in perfect shape.“Huh!” nagulat ako at napasulyap sa pinto ng marinig ko ang katok mula sa labas ng banyo.“Mrs. Ashford, hindi ka pa ba tapos maligo? If not, I am coming in.”Napalunok ako at napahawak pa sa laylayan ng suot kong nightgown.“I am done. Just a little bit. I am coming out.” sagot ko.Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ako l

  • A Ring Not Mine To Wear   3: Moving Into Edward's Home

    Napag usapan natin na sa akin ka titira matapos ang kasal natin. At saan ka nakakita ng bagong kasal na hindi magsasama sa unang gabi ng kanilang kasal.” seryoso na sabi niya sa akin habang sakay kami ng kotse niya at bagtas ang daan papunta ng apartment ko para kunin ang mga gamit ko.“Hindi pa ako nakapag ayos ng mga gamit ko kaya kung maari ay bukas na lang ng umaga ako lilipat sa bahay mo.” sagot ko naman sa kanya na nag babaka sakali na pumayag siya.May punto siya sa sinabi niya pero hindi pa ako nakahanda na tumira sa iisang bubong lalo na at siya ang kasama ko.Ang akala ko ay ganun lang kadali iyon at ang akala ko ay nakahanda na ako sa pagkakataong ito ngunit hindi pala iyon ganun kadali. At sangkot na ang kalayaan at lalo na ang pagkatao ko sa naging pagpayag ko sa pakiusap sa akin ni Lilian.Hindi ko alam kung ano talaga ang naging usapan nila ni Lilian bago ang kasal nila. Wala itong ibang sinabi sa akin maliban sa ako lang ang humarap sa kanilang kasal at kapag bumalik n

  • A Ring Not Mine To Wear   2: The Shocking Revelation

    Walking in the aisle to marry someone for someone else. Or, more accurately, I'll marry the man my twins love.Suot ang belo na mabagal na naglalakad sa pulang karpet hanggang sa harap ng altar kung saan na naghihintay ang mapapangasawa ng kapatid ko.I am so nervous that I can’t even lift up my face to look at him waiting in the altar. At habang patuloy ako sa mabagal na paghakbang ay patuloy ako sa pagdadasal na sana ay hindi nito mapansin na iba ang babaeng pakakasalan niya ngayong araw na ito.Well, if he didn't look at me and pay attention to my actions, no one would be able to tell that I wasn't Lilian.Magkakasunod ang pinakawalan kong paghinga habang patuloy lang ako sa paghakbang.Bakit ba ako pumayag sa pakiusap sa akin ng kapatid ko?Ugh! I just can’t let her down now.Ilang beses siyang nakiusap sa akin bago pa man siya lumipad pa-ibang bansa kasama ang doctor niya at kahit na anong tigas ng pagtutol ko sa plano niya ay hindi pa rin talaga ako nakatanggi sa pakiusap niya s

  • A Ring Not Mine To Wear   1: The Wedding agreement

    Hindi ko mapigilan ang mainis dahil hindi ako nanalo sa laban ko sa kaso ng lalaking iyon. At ang lalo kong ikinakainis ay ang makitang taas parin ang noo nitong humarap sa akin matapos ang hiring sa pagitan namin.Ito ang unang pagkakataong natalo ako sa mga hawak kong kaso o sadyang mali lang ako ng taong kinampihan at ipinaglaban ngayon? Pero hindi naman ako basta tatahimik na lang kung kababaihan na ang sangkot sa mga kaso at nagsasampa ng harassment.Ngunit ang makitang wala man lang akong makitang pag aalala o pagkaguilt sa ekspresyon ng mukha ng lalaking iyon.Sa inis ko ay matalim ang mga mata kong napatingin pa sa kanya. Ngunit ang mapang asar lang na ngiti niya ang sumalubong sa akin ng magtama ang mga mata namin.“What is up to you now?” at kahit na hindi ko iyon narinig mismo ay alam kong iyon ang ibig sabihin nito sa paggalaw ng labi nito habang nakatingin sa akin. Para niya akong hinahamon kung ano pa ba ang kaya kong gawin para mapabagsak siya.Kuyom ang aking mga palad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status