Share

A Simple Way To Break You
A Simple Way To Break You
Author: Iwaswiththestars

Chapter 1

"GOOD JOB, miss Vernace," wika sa akin ni Mr. Rusco, ang mismong CEO ng Hornbrown Investments na nandito ngayon sa Manila Branch para tingnan ang performance naming mga manager.

Tumayo siya at inilahad sa akin ang kan'yang kanang kamay para makipag-shake hands sa akin. "You never failed to amaze me by your competence and skills."

"Thank you so much, sir," tugon ko naman sa kan'ya bago ko inabot ang kamay niya at bahagyang iginalaw iyon upang makapag-shake hands kaming dalawa. "It's a great pleasure to work in this company."

Isang malakas na palakpakan ang narinig sa buong meeting room matapos kong mag-present ng monthly sales namin ngayon sa Hornbrown Investments. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero isa ako sa pinaka-inaalagaang financial managers dito sa Manila Branch, hindi lang dahil sa professional ako at maayos akong makipag-usap sa investors, kung hindi ay dahil na rin sa pagiging competent ko sa stock market.

I can easily increase the direct investments from my clients by letting myself play with it. Life was like the fluctuation of the stock market, and if I won't take managed risk and let myself get drowned in fear, I won't be able to learn everything about its technicalities and the ways on reducing the risks associated by investing.

I know how to play with the stock market since it's been a long time I studied about it. Name it, and I'll play with it. If there's someone who is more deserving to be the branch manager of the Hornbrown Investments Manila Branch, it's me.

Not that man who's sitting around the corner and playing his upper lip using his fingers while looking intently at me.

Kleinder Maze Velasco.

Nang mapansin niya na napadako ang tingin ko sa kan'ya ay kaagad siyang nagtaas ng kilay at ngumisi. Ni hindi man lang siya nag-abala na umiwas ng tingin sa akin kahit na nahuli ko na siya na nakatitig sa akin ngayon.

Malayo man ang kinauupuan niya sa puwesto ko ngayon ay umiinit na kaagad ang dugo ko. Kahit na hindi naman kasi niya sabihin sa akin nang diretso ay alam ko na kaagad kung ano ang iniisip niya habang kaharap ko si Mr. Rusco ngayon at nakangiti habang binabasang muli ang proposal ko.

"Kahit na ilang beses ka pa purihin ni Mr. Rusco ay ako pa rin ang mananatiling Branch Manager ng Hornbrown Investments, at hindi magbabago iyon hanggang nandito ako."

Alam na alam ko na gan'yan ang tumatakbo sa isipan niya ngayon kaya naman ay nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin, tila ay inoobserbahan ang bawat kilos ko. Siya ang branch manager pero kung umupo siya ngayon sa swivel chair niya ay para lang siyang tambay sa kanto. Ano kaya ang nakita sa kan'ya ni Mr. Rusco at siya ang kinuha nitong manager dito sa Manila Branch?

Nakikita ni Mr. Rusco ngayon ang kilos niya pero hindi man lang siya sinisita nito. Bakit kaya? Ano'ng klaseng koneksyon ang mayroon ka sa kumpanyang ito, Kleinder?

Gusto ko sana siyang irapan kaya lang ay kaharap ko ngayon si Mr. Rusco. Kung kay Kleinder ay sobrang luwag niya, sa amin naman ay sobrang higpit niya. Unfair, I know, pero ano ang magagawa ko, eh siya ang CEO namin?

I am competent, kaya kahit sino pa ang manood sa akin diyan ay hindi ako mauutal. Mas lalong hindi ako kakabahan. Kahit si Kleinder pa iyan.

"You never failed to impress me," he complimented as he gave the blue folder to his secretary. "You are still under observation to be the manager of the new branch, but you really have the potential. Keep up the good work."

"Thank you for the compliment, sir. The company made me this way," I answered back as I bow my head as a sign of respect.

He patted my shoulder before he walked towards the glass door in the meeting room.

Maraming nakasunod sa kan'ya na bodyguard kahit na rito lang naman siya sa Manila Branch pupunta. Nasa apat iyon at lahat sila ay may malaking pangangatawan at nakasuot ng tuxedo. Ang babaeng sekretarya naman niya ay nasa kaliwa niya at may sinasabi sa kan'ya habang naglalakad sila, siguro ay ang iba pa niyang agenda para sa araw na ito dahil maaga pa naman. Alas-onse pa lang naman ng umaga.

At dahil alas-onse na pala ay nagsisimula na akong magutom.

"Tara na, kumain na tayo!"

"Nakakagutom talaga kapag nandito si Mr. Rusco. Parang hinahatak ang buong enerhiya ko, eh."

Ilan lang iyan sa mga usapan dito sa loob ng meeting room. Karamihan kasi ng mga manager dito ay magkaka-close, puwera lang sa akin. Si Shainara lang naman ang kaibigan ko rito, but unfortunately ay wala siya ngayong araw.

Nang makalabas na si Mr. Rusco sa meeting room ay nag-ayos na kami ng sari-sarili naming table. Binunot ko na ang projector mula sa pinagsasaksakan nito bago ko pinatay ang laptop na narito ngayon sa meeting room. Mayroon na kasi talagang laptop na naka-assemble rito para kapag may magre-report ay diretso na lang namin na isasaksak ang flash drive rito sa laptop. Mas mabilis iyon para sa presenters.

Ang isa sa naging concern dito dati ay ang ransomware na kumalat noon sa bawat laptop na kaagad namang nagawan ng paraan ni Kleinder. Pagkatapos ng pagyayaring iyon ay nagpa-install siya kaagad ng Antivirus para sa lahat ng laptop dito sa kumpanya. Marami ang naging against doon sa umpisa dahil na rin sa mahal ng software na iyon, pero ang hindi namin nakita ay ang long-term reduction of costs dahil sa strategy niya na iyon.

Halos apat na milyong dolyares ang nabawas sa gastos ng kumpanya nang ipa-install ni Kleinder ang software na iyon. Nakakainis man aminin pero magaling talaga siyang manager, dahilan na rin kung bakit ang Manila Branch ang pinakamalakas na Branch ng Hornbrown Investments sa ngayon.

At hindi lang iyon, bukod kay Kleinder ay nandito pa ako. Kung si Kleinder ang pinaka-competent na branch manager, ako naman ang pinakamagaling na finance manager.

"Congratulations, miss Vernace."

Imbes na matuwa ako ay nabuwisit pa ako lalo nang biglang lumapit sa akin si Kleinder na nakangisi pa ngayon habang pinanonood akong magtanggal ng flash drive sa laptop. Sa sobrang pagmumuni-muni ko kanina ay hindi ko napansin na kaming dalawa na lang pala ang natitira rito sa loob ng meeting room at nakaalis na ang lahat.

"Isang bunot lang dapat ang ginagawa mo sa flash drive mo, Vernace," dagdag niyang wika sa akin nang makita niya kung paano ko bunutin ang stainless kong flash drive mula sa laptop. Para kasi mabunot ko iyon at kailangan ko 'yon galaw-galawin. Ang tigas kasi, eh.

"Isang pasok at isang bunot."

Tiningnan ko siya nang masama dahil sa huling sinabi niya. Napataas ang kilay niya sa akin dahil sa ginawa kong iyon, ngunit dahil sa ngisi na mayroon sa labi niya ay hindi ko na kailangan pang magduda na double meaning nga ang sinabi niyang iyon.

Kung sa ibang babae ay nagagawa niyang mang-akit dahil sa baby face niyang mukha at dahil na rin sa mabulaklak niyang mga salita, sa akin ay hindi iyon e-epekto. Hindi ako tatablan ng kahit anong kilig sa mga lalaking kagaya niya na ang tingin sa mga babae ay laruan lang na puwede nilang itapon kapag sawa na sila.

"Manyak ka, ah," singhal ko sa kan'ya at inambahan ko pa siya na para bang ibabato ko sa kan'ya ang flash drive ko, pero kaysa matakot siya sa ginawa ko, napakunot na lang ang noo ko dahil tumawa lang naman siya nang malakas.

"Oh, wala akong sinasabi. Masyadong mainit na naman ang ulo mo, sweetheart," nakangisi pa niyang sagot bago niya itinaas ang magkabilang kamay niya na para bang isa akong pulis at inaaresto ko siya.

Paano nga ba ako nakatagal sa kumpanya na ito na siya ang branch manager? Dahil ba sa fringe benefits ko? Dahil sa incentives? Dahil sa suweldo? Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung paano ko natagalan ang mga araw na nagkakausap kaming dalawa dahil kailangan kong i-report sa kan'ya ang tungkol sa status ng mga kliyente ko, especially the VIP ones.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko, eh nandito ka?" tanong ko naman sa kan'ya pabalik bago ko kinuha ang ilang dokumento na ginamit ko kanina sa pagre-report.

Inipit ko ito sa kanang kili-kili ko habang hawak ko naman sa kaliwang kamay ko ang Starbucks coffee na binili ko kanina bago ako pumasok sa trabaho. Sa mga trabaho katulad ng ganito ay palagi kong kakailanganin ng kape para magising nang husto ang diwa ko, lalo na at nasa tatlong oras lang ang tulog ko kagabi para sa presentation na ito.

Isang malaking blessing at parusa sa akin ang end of the month. Blessing dahil nakukuha ko ang suweldo ko, at parusa dahil ito ang araw kung kailan namin kailangan mag-ayos ng reports, financial documents, at i-check ang overall sales ng kumpanya. Madalas din ay sa end of the month ako pinupuntahan ng mga kliyente ko para tanungin kung kumusta na nga ba ang investments nila.

I love the job so much, but not the environment. Mabuti na lang din talaga at maganda ang benefits sa kumpanyang 'to. Worth it ang stress ko.

"I'm still your branch manager, Vernace," mariin niyang wika sa akin habang sinusundan niya ako sa paglalakad ko pabalik sa office ko. "Show some respect."

Mukha man siyang bata dahil sa mukha niya pero kapag nagseseryoso siya ay nakakatakot siya. Isa na rin siguro iyon sa dahilan kung bakit gustong-gusto siya ng mga kababaihan dito sa kumpanya namin. He may look like a saint, but we all know that there's a devil sleeping inside of him.

And I am badly curious to find out how bad he is. I can't wait to unleash that devil inside of him... so that I can break him.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Iwaswiththestars
Maraming salamat, bb ko!! .........
goodnovel comment avatar
Feeviun Fawn
Ang ganda Ate Ari!!!...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status