LOGIN"MAGRE-RESIGN na lang ako para hindi na kita kailanganing respetuhin. What do you think?" Tumigil ako sa paglalakad ko at tumingin ako sa kan'ya ng may halong pagyayabang at paghahamon. "Tatanggapin mo ba ang resignation letter ko?"
Nandito na kami ngayon sa labas ng meeting room kaya naman ay maraming mga mata na ang nakatingin sa amin ngayon, ngunit wala sa kanila ni isa ang nagtangkang umawat sa posible na pagbabangayan naming dalawa. Laban ito ng isang branch manager at finance manager. Wala talagang magtatangkang umawat.
Noong baguhan pa lang ako rito sa Hornbrown Investments ay nagpasa na ako sa kan'ya ng resignation letter sa kadahilanan na hindi ko talaga siya kayang pakisamahan. Sobrang hirap nga naman na nakikita ko siya madalas na may ka-make out sa office niya kapag nagpupunta ako roon para mag-report!
Hindi ako nahihirapan dahil may gusto ako sa kan'ya. Nahihirapan ako dahil sa pandidiri ko! Wala siyang ethical manners!
Mabuti na nga lang ngayon ay hindi na niya iyon ginagawa, or should I say na hindrance ko na siya nahuhuli?
Anyway, hindi niya tinanggap ang resignation letter ko noon at pinunit niya lang iyon habang nakatingin sa akin nang seryoso. Masyadong madilim ang ekspresiyon na ipinakita niya sa akin noong mga panahon na 'yon, na para bang sobrang naiinis siya dahil sa ginawa ko pero wala naman siyang ibang magawa kung hindi ang tumitig lang sa akin.
Gusto ko siyang sakalin noong mga panahon na iyon pero mabuti na lamang ay kaagad akong nahila ni Shainara, ang best friend ko na nagtatrabaho rin dito sa Hornbrown Investments bilang isang finance manager, palabas ng office ni Kleinder.
"Hmmm... do you have the guts to resign, Sandara Vernace?" he asked back, tila ay nanghahamon din kung kaya ko nga bang mag-resign. "Mahal ang expenses ngayon..."
"Tang ina mo," mariing wika ko sa kan'ya bago ko siya tinaasan ng kilay na alam kong nagpadilim ng paningin niya sa akin.
He doesn't like people cussing at him, and especially, he doesn't like people who's fighting back at him. Too bad, dahil ayaw ko rin ng ganoon.
At alam ko na kahit na hindi ko dapat siyang murahin dahil mas mataas siya sa akin at nasa kumpanya kami, pero iyon kaagad ang lumabas sa bibig ko.
Pero mas malala ang ginawa ng isang ito... dahil nanlaki na lang ang dalawang mata ko nang bigla niya akong isinandal sa pader at hinalikan ako sa labi. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na lang ang pagdila niya sa pang-ibaba kong labi, na para bang sinasabi niya sa akin na i-welcome ko siya sa pamamagitan ng pagbuka ko ng bibig ko.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi kaagad ako nakapagsalita. Ni hindi ko siya naitulak nang hinalikan niya ako. Naiinis ako sa sarili ko at gusto ko na lang i-untog ang sarili ko sa pader dahil hinayaan ko siya na lapastanganin ako nang ganito!
"Isang halik para sa isang mura, Sandara," medyo paos niyang bulong sa tainga ko nang ihiwalay na niya ang labi niya sa akin, at napasinghap na lang ako nang maramdaman ko ang dila niya na humagod sa tainga ko nang bahagya. Gustuhin ko man siyang itulak pero tila ay na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. "Do you want to insult me more?"
Gusto ko pa siyang murahin pero natatakot akong ibuka ang bibig ko dahil baka halikan niya ako ulit kapag nagsalita na naman ako. Mas lalo tuloy lumawak ang pagngisi niya na mapansin niya ang ginagawa kong 'yon.
"If you really want to, then, go on," he even urged me to speak as his gaze went darker, like he was trying to manipulate me to fall into his trap. "Naghihintay ang labi ko para sa bawat mura mo."
"KALMA ka lang, teh. Ang puso mo, baka atakihin ka na sa inis diyan, sayang ang lahi nating magaganda!" pagpapakalma sa akin ni Shainara bago siya lumapit sa akin at hinimas-himas pa nga ang likod ko na para bang ang laki-laki ng problema ko sa buhay at kailangan ko ng comfort niya.
Nandito na kasi kami ngayon sa loob ng office ko. Hinihintay pala niya ako rito habang nandoon ako sa meeting room.
"Buwisit kasi ang baby-faced na iyon!" naiinis kong saad kay Shainara na biglaang napatawa nang makita niya kung gaano kabusangot ang mukha ko ngayon. "Hinalikan ako, girl! Tang inang 'yon! Wala pa akong first kiss tapos bigla-bigla niya lang kinuha nang ganoon?"
Masama ang loob ko nang tinitigan ko ang kape na binili ko sa Starbucks. Dahil sa inis ko kay Kleinder kanina ay hindi ko na ito nainom hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng lamig. Bukod sa inis ko dahil nakuha ang first kiss ko, naiinis din ako dahil sayang naman ang kape na binili ko!
Ayoko pa naman uminom ng kape na hindi malamig. Baka ibigay ko na lang ito kay Shainara dahil wala namang pinipili ang bruha na 'to.
"Ano ka, bata?" natatawa niyang wika sa akin bago siya umupo sa isa pang swivel chair na nasa tabi ko. "Halik lang 'yon, teh. Feeling teenager ka ba na inaalagaan mo ang labi mo at ang puwede lang h*****k sa'yo ay ang taong mamahalin mo, pakakasalan mo, at makakasama mo hanggang sa kabilang buhay? Gumising ka. Nasa modern era na tayo. Hindi na 'yon uso sa ganitong uri ng mundo."
"So ano ang gusto mong gawin ko? Magpahalik lang nang magpahalik kahit sa mga taong hindi ko naman kakilala o kaya naman ay ka-close?" Tinaasan ko siya ng kilay bago ko ipinagkrus ang magkabilang kamay ko sa dibdib ko at nagdekuwatro.
"Hindi." Umiling siya bago niya ako tiningnan. "Ang sinasabi ko ay huwag mong gawing big deal ang halik na iyon. Twenty-five ka na, girl! Hindi na tayo teenager at halos mawawala na nga tayo sa kalendaryo pagkatapos ng ilan pang mga taon. Ang suwerte mo nga at hinalikan ka niya, eh. Sana all na lang muna ako sa gilid," dagdag niya pang sambit.
At parang gusto ko na lang masuka nang makita ko ang kinang sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon na tila ba ay inggit na inggit siya na hinalikan ako ng baby-faced na iyon. Kung gusto niya pala na makipaghalikan doon ay willing naman ako na ingudngod ang labi ni Kleinder sa kan'ya.
Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at patay na patay sila?
Samantalang ako ay pinapatay niya sa inis!
"Kung gusto mo siya halikan, go lang," naiinis kong saad kay Shainara dahil kaysa damayan niya ako ngayon ay parang inggit na inggit pa siya dahil daw naranasan kong mahalikan ng isang Kleinder Maze Velasco. "Basta ay hinding-hindi ako matutuwa na hinalikan niya ako. Never in my wildest dreams. Nandidiri pa nga ako, buwisit," dagdag ko pa bago ko hinilot ang sentido ko.
Kung artista siguro ang h*****k sa akin ay baka magtatatalon pa ako sa tuwa. Sino ba siya para matuwa ako?
"Never in my wildest dreams mo ang mukha mo, echos ka."
Muli ay tinawanan niya lang ako bago niya pinaglaruan ang itaas na bahagi ng labi niya gamit ang kaliwang kamay niya. Ang hot niya sa ginagawa niya, dahil na rin siguro sa magandang mukha niya.
Ang isa sa napansin ko ay ang sobrang defined na jawline niya.
Defined din naman ang sa akin pero mas maganda ang sa kan'ya. Mahaba ang buhok niya na umabot hanggang sa beywang niya at itim na itim iyon. Kung titingnan nga ay parang hindi siya manager dito. Mas mukha pa siyang may-ari ng isang kumpanya dahil sa galing niyang mag-ayos.
Ako naman ay may mahabang buhok na kulay itim din ang kulay. Hindi man iyon kasing-ganda ng buhok ni Shainara ay ayos lang iyon sa akin. Ang mahalaga naman kasi ay mayroon akong buhok.
Hindi na ako magtataka kung isang araw ay lalandiin na rin ni Kleinder itong si Shainara, pero sana naman ay hindi siya maging marupok! Kilalang-kilala si Kleinder dito sa kumpanya bilang isang babaero na hindi napipirmi sa isang babae lang!
Isa pa, he was a member of No Mercy, pero ako lang ang nakakaalam no'n sa ngayon.
Ang No Mercy ang isa sa pinakakilalang gang dito sa Maynila, at dahil wala pa naman akong oras para mag-search tungkol doon ay iyon lang ang alam ko.
"Pero seryoso, 'te, hindi na big deal ngayon ang halik na iyan," pag-uulit niyang sambit sa akin bago siya tumayo sa kinauupuan niya at tiningnan ako bago niya ipinatong ang magkabilang kamay niya sa lamesa. "Kahit sino nga ay puwede kong halikan, eh. Gusto mo ay halikan din kita?"
"Hard pass. Kilabutan ka," natatawa kong sambit sa kan'ya na ikinatawa lang din ng gaga. "Hindi tayo talo."
Alam ko naman na joke niya lang iyon dahil ang gusto niya talaga ay si Kleinder, pero bisexual kasi itong si Shainara, at wala namang kaso sa akin 'yon. Pero sinabi ko sa kan'ya na huwag niya akong magugustuhan dahil kahit twenty-five na ako ay wala pa rin akong balak mag-asawa o kaya naman ay magkaroon ng boyfriend.
Not now na under observation ako para maging branch manager ng Cavite Branch, at not now na nagsisimula nang gumanda at umunlad ang career ko.
"Joke lang 'yon, tanga!" At itong gagang ito ay minura pa nga ako! Buwisit na 'to! "Akin na lang 'to, ah? Bye!"
At kahit na hindi pa nga ako pumapayag na kuhain niya ang kape ko ay kinuha niya na iyon kaagad at s******p sa straw nito bago siya naglakad palabas ng opisina ko. Mind reader siguro talaga ang isang 'yon. Alam niyang ibibigay ko rin naman talaga sa kan'ya ang kape ko, eh.
Masyado lang ba talaga akong napag-iwanan ng panahon kaya naman ay hindi ako makasunod sa kung ano ang uso ngayon?
I've been rummaging the entire house for a while now, pero kahit isang bagay na puwede kong magamit laban kay Kleinder, o kahit tungkol man lang sa No Mercy, eh wala akong nakita.Kaya ba ganoon na lang siya ka-confident na iwan ako mag-isa sa bahay, kasi kahit ano naman ang gawin kong pagkalkal dito, wala akong mapapala?"Buwisit," bulong ko bago lumabas sa kuwarto ni Kleinder at humilata sa couch.Nasa isang oras na rin mula nang kalkalin ko ang buong bahay ni Kleinder. With care, of course. Mahirap na, ano. Perceptive pa naman ang isang 'yon, at sa tingin ko, memorize niya kung paano niya sinasalansan ang mga gamit niya.Kaya buong ingat ko ring ibinalik lahat ng gamit niya sa kung paano ko iyon kinuha.Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kisame. Imposible iyon. Noong kinalkal ko ang lahat ng gamit dito, parang isa lang siyang sikat na manager at hindi miyembro ng isang gang.Kung hindi ko lang nakita ang panyong puro dugo kagabi, baka pinagdudahan ko na ang sarili kong int
"Tch." Napangisi na lang ako.Dinadaan niya lang pala ako sa pagiging playboy niya, pero ang totoo, siya yata talaga ang matatalo sa deal namin.Pero nawala ang ngisi ko nang may mapansin sa sahig. Puting panyo iyon, pero ang nakapukaw ng atensiyon ko ay ang dugo na naroon."Bakit mayroong panyo na may dugo rito?" tanong ko bago pinulot ang panyo.Confirmed. Dugo nga ito.Pero... Saan siya galing para magkaroon ng ganito karaming dugo ang panyo niya?Sa kan'ya ba ito, o sa taong sinaktan niya, kung sino man siya? Ganito ba ang ginagawa ni Kleinder sa gang niya? Kaya ba rito siya naghuhubad ng damit sa sala?"Shit," napamura ako nang marinig na palabas na si Kleinder ng banyo. Narinig ko na kasing bumukas ang pinto.Dali-dali kong kinuha ang panyo, at kahit nadidiri pa ako sa sariwang dugo ay inilagay ko ito sa loob ng bago ko. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang mapapala ko sa panyo na 'to, pero lahat ng bagay na puwede kong gawing ebidensiya, kukunin ko.Baka may makuha akong impo
Matapos akong gisahin ni Shainara ay nakauwi na rin naman ako. Muntik pa ngang sumama sa akin ang bruha!Ituloy raw namin ang pagkukuwentuhan sa bahay, or as much as I know it, ang pang-iinterogate niya, pero mabuti na lang talaga at naisahan ko siya. Ang sabi ko kasi, sa susunod na lang kami magkita at mag-a-amusement park kami.Kaagad naman siyang pumayag na parang bata. Sa totoo lang, hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng edad naming dalawa, pero para ko na rin siyang nakababatang kapatid.Ayaw ko man aminin, pero madalas kong maalala si Aya sa kan'ya.Siguro nga, kaya ganoon na lang kalapit ang loob ko kay Shainara ay dahil nangungulila ako sa namatay kong kapatid.Napabuntonghininga ako at umiling. Ito na naman. Naaalala ko na naman si Aya. Pero sa bagay, wala namang araw na hindi siya pumasok sa isip ko. Mas marunong lang talaga akong magdala ngayon.Nang makarating sa unit ni Kleinder ay kumatok ako sa pinto. Hindi ko rin alam kung bakit. O baka siguro, awkward pa rin talaga i
Kaagad akong napahinga nang malalim at napadilat ng mga mata ko. Hindi ko napansin na sobrang layo na naman pala ng narating ng iniisip ko, at nagtungo na naman ito sa nakaraan.Paminsan-minsan ay sinasadya ko talaga iyon. Ayaw ko kasi makalimutan na ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Aya.But this time, I'm not planning to go deeper. Dapat aalalahanin ko lang ang nakaraang iyon nang kaunti para lang hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano tungkol kay Kleinder.Pero... Ito na naman. Parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko dahil sa nakaraang iyon."Stop it, Sandara..." bulong ko sa sarili bago tumitig sa kisame, habang hinahayaan na lumandas ang luha sa pisngi. "Crying won't help. Pero kung makakahanap kaagad ako ng ebidensya, hindi ko na kakailanganin pang magtagal dito."Hindi naman si Kleinder ang pakay ko, kun'di ang gang na sinasalihan niya. Ang No Mercy.Malakas kasi ang pakiramdam ko na may kinalaman iyon sa pagkamatay ni Aya. Hindi ako naniniwalang nagpakamatay siya. Hinding-hi
Matapos ang ilang araw, naging maayos naman ulit si Aya. Mas naging mabilis ang pagmo-move on niya kaysa inaasahan ko. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o sadyang malakas lang talaga ang kapatid ko.Ganoon pa man, sobrang natutuwa ako para sa kan'ya. She doesn't deserve a woman who will just hurt her in the end."Marami pang babae riyan," wika ko sa kan'ya nang minsang magtanong siya sa akin kung deserve ba ng ex niya ng second chance. "'Yang second chance, ibinibigay lang sa taong deserving.""Pero mukhang hindi naman nagso-sorry ang ex mo, at hindi ka rin hinahabol. Hangga't maaari, dapat hindi mo na iniisip pa ang taong 'yon."Ngumiti lang siya, pero nakita ko rin ang lungkot sa mga mata niya nang sabihin ko 'yon.At sa totoo lang, ganoon din naman ang nararamdaman ko. Pero mas gugustuhin ko na ngayon siya masaktan kaysa kapag nagtagal pa silang dalawa.Nag-focus siya sa pag-aaral, at ako naman sa trabaho. Habang nasa puder ko pa siya, I want to give her the best life. B
Napakunot ang noo ko. At the same time, binalot ako ng kuryosidad."Sino?" tanong ko bago ko pa man din mapigilan ang sarili ko na magsalita. "Kamag-anak? Or... ex-girlfriend?"Hindi siya kaagad nagsalita at sinagot ang tanong ko. Nanatili lang siyang nakatitig doon sa kuwartong puno na ngayon ng gamit ko.Kahit wala siyang sinasabi, alam kong malalim ang iniisip niya."Kleinder?""That's none of your fucking business," bigla niyang sagot sa akin. Malamig ang tono ng boses niya. "Just stay here and do whatever you want. Basta ay huwag ka lang din papasok sa kuwarto ko."Hindi na ako nakapagsalita pa nang umalis na siya at iniwan ako mag-isa. Naiwan akong nakanganga habang nakatitig sa pintuan kung saan siya lumabas.Ano 'yon? Minura niya ba ako?Aba, punyeta ang isang 'yon, ah! Nagtatanong ako nang maayos tapos ganoon lang ang isasagot niya sa akin? May masama ba sa sinabi ko?"Hay, bahala siya riyan. Ang mahalaga ay nandito na ako," wika ko na lang sa sarili bago isinara ang pinto at
"ANO NGA 'yong pinag-usapan n'yo?" pangungulit sa akin ni Shainara habang nandito ako sa office at nagbabawas ng workload.I was so stressed doing my usual job, which makes me hate this job even though I really love it. Sumasakit na ang ulo ko sa babaeng ‘to. Hindi ko na nga siya sinasagot pero paul
TODAY WAS a gloomy day, unlike the past few days kung saan ay kulang na lang masunog ang buong balat ko dahil sa init. Pagkagising ko pa lang sa umaga ay sobrang dilim na kaagad ng kalangitan. It seems like it will rain anytime by now, pero ngayon kahit na hapon na ay hindi pa rin bumubuhos ang ulan
Napakurap ako.Teka, nananaginip ba ako? Hindi naman, ‘di ba?Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya sa aking pisngi, at dahil doon, parang mas lalo lang akong hindi makapaniwala.It shouldn’t be comfortable. Ayaw ko nga siyang makita, pero bakit sa isang iglap… parang kumalma ang buong katawan
“I’ll break your heart after six months.”That's it.Iyon ang malamig kong wika kay Kleinder na mapayapang kumakain ngayon ng salad habang nakaupo sa isa sa mga lamesa rito sa cafeteria. Wala nang pakiyeme pa o kaya naman ay pagpapatagal ng usapan. Noong hinahanap ko pa lang siya kanina ay iyon na t







