LOGINSandara Vernace is one of the most competent financial managers of Hornbrown Investments. Kahit anong klaseng investments ay kaya niyang paangatin. Stocks, bonds, money mutual funds, lahat iyan ay sisiw sa kan'ya dahil sa galing niya. Pero paano kung hamunin niya ang branch manager nila at ang miyembro rin ng No Mercy, isa sa pinakamaimpluwensiya na gang, na si Kleinder Maze Velasco na paiibigin niya ito sa loob ng anim na buwan para iwan din ito sa huli? Knowing that Kleinder's type is definitely not someone like her? She wanted him to fall in love with her so that she can hurt him in the end because it is the simplest way to break him... As it was the only way to unfold the remaining secrets no one have ever known before.
View MoreIsang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ni Kleinder.Patuloy pa rin sa pag-ikot ang mundo, na para bang walang nawala. Noong una ay nagtaka lang ang mga katrabaho ko sa biglaang pagre-resign ni Kleinder dahil maganda na rin naman ang posisyon niya sa Hornbrown Investments, pero naka-move on din sila kaagad.Kinuha nila ako bilang bagong Branch Manager, at tinanggap ko naman iyon. Doon din inamin sa amin ng management na utos ni Shainara, ang dati nilang CEO, na huwag akong kunin sa bagong branch. Kinailangan lang nilang sumunod dahil doon nakasalalay ang trabaho nila.Katulad ng pangarap ko noon, napakulong na si Shainara, isang taon na ang nakararaan. Masyadong matibay ang mga ebidensiya na ipinasa ni Kleinder, at nakakuha rin siya ng iba't-ibang witness, kasali na siya, para patunayan ang iba't-ibang illegal activities sa gang at mafia nito.Doon na natapos ang kalbaryo namin, at ang paghahanap ko ng hustisya para kay Aya. Kung tutuusin ay wala naman akong ginawa. Si Kleinder an
Nakakunot ang noo ko nang tumayo sa kama. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ang huling pagkakatanda ko ay nasa sala kami ni Kleinder, at hindi kami umalis doon.Masyado yata akong napagod kaya nakatulugan ko na siya. Totoo nga ang sinabi niya kagabi na papagurin niya talaga ako, at hayaan ko lang siya na gawin iyon.Dapat pala hindi ako pumayag dahil anong oras na! Galit na kaya si Shainara? Kaya ba wala rito si Kleinder ay dahil ipinakuha na niya ang lalaking mahal ko?"Kleinder?" pagtawag ko kay Kleinder bago isinuot ang damit at underwear na inihanda niya para sa akin bago lumabas ng kuwarto. "Nasaan ka? Wala ka ba rito sa bahay? U-Umalis ka ba?"Sobrang pamilyar ang eksenang ito para sa akin. Ganito rin ako noong hinahanap ko si Aya noong lumabas siya para bumili ng snacks namin para sa isang celebration. Ganito rin ang bilis ng tibok ng puso ko.This time, mas matindi ang takot na baka naulit ang nakaraan."Kleinder... Nasaan ka?"Hindi ko na namalayang tumutulo na p
Nakatulala lang ako nang iwan ni Shainara sa parking lot. I look like a mess. Basa pa rin ang mukha ng luha, at tila gulong-gulo sa mga nangyayari.Naiintindihan ko na ang lahat. Ganoon pa man, nahihirapan akong tanggapin iyon.I didn't have any chance to grieve the relationship I had just started with Kleinder. Kakaumpisa pa lang namin pero kailangan ko siyang iwan.Kailangan ko siyang saktan para kung sakaling umalis ako, hindi na niya ako hanapin pa."Bakit... Bakit ganito?" bulong ko habang nakatitig lang sa sahig at sinusubukang kontrolin ang nararamdaman ko.But it was impossible. Durog na durog ako ngayon. Nalaman ko nga kung sino ang pumatay sa kapatid ko, pero wala naman akong laban.Hindi ko ito napaghandaan, dahil hindi ko inakalang si Shainara pala ang makakalaban ko.Ang sakit. Sobrang sakit na para bang paulit-ulit akong sinasaksak.Pero kailangan kong lumaban. Hindi lang para kay Aya at Kleinder, kun'di para sa akin na rin.Kung hindi man ako magiging masaya sa buhay ko
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na napansin pala ni Shainara ang pagpindot ko sa voice recording kanina habang nag-uusap kami. I forgot how perceptive she was. Iyon siguro ang isa sa totoo sa kabila ng mga pagpapanggap niya.Kinagat ko ang labi bago inilabas ang phone ko. Pinatay ko ang voice recording at ibinulsa iyon ulit. Ang totoo niyan ay balak kong i-send ito kay Kleinder kapag nalingan siya. Iyon ay kung hindi niya kukunin ang phone ko at sapilitang ide-delete iyon."Tsk. Talagang nag-iisip ka pa ng ibang paraan para maisahan ako, ano? Magkaparehas nga kayo ng kapatid mo," aniya bago umiling. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Nasa kamay ko ang buhay ni Kleinder. I can kill him however you want me to."Ako naman ang napangisi ngayon. "At paano mo naman iyon gagawin? Ordinaryong empleyado ka lang sa kumpanyang ito, Shainara. Mayaman ka, oo, pero may sapat ka bang kapangyarihan para magpapatay ng tao?"Alam ko na ang tungkol sa kan'ya, pero hind
HINDI KO alam kung paano ako napadpad ngayon sa tapat ng condo unit ni Shainara. Sobrang layo nito mula sa kumpanya namin pero kahit na ganoon ay nag-drive ako nang malayo para lang makapunta rito.I can't wait until tomorrow, and I couldn't give her an earful through the phone. I wasn't even the ty
"NAPAKAKUPAL talaga," wika ko kay Shainara na kasama ko sa cafeteria ngayon habang umiinom ng iced coffee. Free time kasi namin ngayon dahil wala naman masyadong nagpupuntang kliyente at wala ring urgent tasks na kailangang gawin.Kailangan naming sulitin ang mga oras na 'to dahil minsan lang 'to ma
"ONE iced coffee, please," wika ko roon sa barista bago ko inabot sa kan'ya ang credit card ko. Kaagad naman niyang ini-swipe 'yon at ibinalik sa akin. "On it, ma'am!" she said as she pointed to the empty table, gesturing me to sit while waiting for the coffee I ordered. Tinuturo niya 'yong upuan
KASALUKUYAN akong tumitingin ngayon kung ano ang magandang bilhin na stocks nang biglang may kumatok sa opisina ko, at kahit naman hindi ko na buksan ang pinto ay alam ko na kaagad kung sino iyon.Walang iba kung hindi si Kleinder."Go on, sir," maikling






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore