Share

CHAPTER 27

last update publish date: 2026-03-17 18:47:41

Marahan ang paglalakad na ginagawa ni Apollo habang iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ng bar na kanyang pag-aari. Katulad ng laging senaryo sa naturang establisyemento ay halos puno na naman ng tao ang kanyang negosyo, lalo na’t ngayon ay Sabado at bukas ay walang trabaho ang karamihan sa mga tao.

Pumapailanlang ang isang malakas na tugtugin. Sa gitnang bahagi ay isang malawak na bulwagan kung saan ay may mangilan-ngilan nang sumasayaw na ang iba ay nahihinuha niyang may tama na ng al
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhenz
ayan na narinig ka nya cat nxt chap na agad author sana hnd ka nya mapalayas ni apollo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 29

    Inisang lagok ni Apollo ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Nang masaid iyon ay halos pabagsak niya iyong inilapag sa mesang nasa kanyang harapan. Walang inaksayang oras at muli niyang hinablot ang bote ng alak upang magsalin ulit ng maiinom sa kopita.Halos magtagis ang kanyang mga ngipin habang ginagawa iyon. Hindi pa rin mawala ang galit sa kanyang dibdib dahil sa mga natuklasan niya kanina.Hindi anak ni Dominic ang batang dinadala ni Catalina. Hindi iyon isang Morano. Hindi konektado sa kanya ang batang pinoprotektahan niya laban sa kanilang mga kaaway!His jaws hardened as he put down the bottle of wine. Muli niya nang kinuha ang kopita at agad din iyong dinala sa kanyang bibig para uminom. Halos maikuyom niya pa ang kanyang kamay na nakahawak sa kopita dahil sa maraming bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.Niloko siya ni Catalina, hindi lang siya kundi maging si Dominic na rin. She was in a relationship with his brother yet she got pregnant by another man. How dare her to

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 28

    Halos panlamigan ng kanyang buong katawan si Catalina nang dahan-dahan siyang humarap kay Apollo. Hindi niya maawat ang kabang nagsisimula nang umusbong mula sa kanyang dibdib dahil sa nakikita niyang galit sa mukha nito. His eyes were looking intently at her. Nakalarawan ang hindi itinatagong galit sa mga iyon. And his jaws were hard and tight. Wari bang ano mang sandali ay handa itong manakit.At noon niya lamang nakita ang ganoong uri ng galit kay Apollo. Yes, he was serious and looked so unapproachable the first time she met him. Pero sa kabila niyon ay hindi siya nito hinarap nang may ganoong kasidhing galit sa mukha nito.Ngayon lang... ngayon lang at waring nahuhulaan na niya kung bakit--- narinig nito ang mga sinabi niya kay Emma!Wala na ngang paalam na agad na niyang pinutol ang tawag sa kanyang kaibigan. Tuluyan na siyang humarap sa kanyang asawa na ngayon ay unti-unti nang naglalakad palapit sa kanya.Ang alam niya ay umalis ito. Nagpaalam ito sa kanya kanina na may kailan

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 27

    Marahan ang paglalakad na ginagawa ni Apollo habang iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ng bar na kanyang pag-aari. Katulad ng laging senaryo sa naturang establisyemento ay halos puno na naman ng tao ang kanyang negosyo, lalo na’t ngayon ay Sabado at bukas ay walang trabaho ang karamihan sa mga tao.Pumapailanlang ang isang malakas na tugtugin. Sa gitnang bahagi ay isang malawak na bulwagan kung saan ay may mangilan-ngilan nang sumasayaw na ang iba ay nahihinuha niyang may tama na ng alak. Ang iba naman ay kani-kaniyang puwesto sa mga mesa at doon umiinom habang masasayang nagkukuwentuhan.He gave one last look around the place and decided to take the stairs. Paakyat na siya sa ikalawang palapag ng bar kasunod sina Cristoff at dalawa pa sa kanyang mga tauhan. Nang makarating nga sa itaas ay tumayo pa muna siya sa may barandilya at doon naman pinagmasdan ang mga taong nagkakasiyahan.“How is everything here while I have been away for a few days?” tanong niya kay Cristoff na nga

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 26

    “What?!” Emma exclaimed as disbelief mirrored on her face. “T-Teka lang, Catalina. Hindi maproseso ng isip ko ang mga sinabi mo. You are just joking me, aren’t you?”“I wish I was just joking, Ems. Pero hindi,” wika niya sa mababang tinig. “Totoo ang mga sinabi ko sa iyo.”“Oh my God!” hindi pa ring makapaniwalang bulalas nito kasabay ng pagtayo mula sa kinauupuan saka waring hindi mapalagay na nagpabalik-balik ng lakad sa kanyang harapan.Catalina stared at her friend. Nasa loob sila ng opisina niya sa may Brew and Bites Café nang hapong iyon kung saan sadyang inaya niya ang kanyang kaibigan na makipagkita sa kanya.Doon na sa lugar na iyon niya piniling katagpuin ito dahil alam niyang mas ligtas kung doon niya sasabihin dito ang mga bagay na sinabi niya kanina lang. Mga bagay nga iyon na halos hindi paniwalaan nito.Nang kasal pa lang nila ni Apollo ay tinutudyo na siya ni Emma na maglaan sila ng oras para sa isa’t isa upang makipagkuwentuhan. Alam niyang marami itong ibabatong tano

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 25

    Agad na naramdaman ni Catalina ang paghapit ni Apollo sa kanyang baywang. Nanatiling nakasandal sa executive desk ang kanyang asawa habang siya ay nasa harapan nito. Nakapaikot pa sa batok nito ang mga kamay niya habang magkadampi ang kanilang mga labi.She did the initiative to kiss him and it was something that she could not understand. Ni hindi niya rin nga alam kung bakit siya pumayag sa nais nitong mangyari. Basta na lamang iyon lumabas mula sa kanyang bibig at nakapagtataka na hindi siya makadama ng pagsisising tinanggap niya ang alok nito.Marahil ay dahil na rin sa mga sinabi ni Apollo. Tama ito. Kasal na rin naman talaga sila at sa mata ng lahat at ng Diyos ay mag-asawa na silang dalawa. Bakit nga ba hindi na lang nila subukang gawing totoo ang pagsasama nila? Hindi iyong kapag may kasama lang silang iba ay saka lang sila kikilos na parang mag-asawa.Bahagya nang inilayo ni Catalina ang kanyang mukha mula kay Apollo dahilan para maputol ang pagkakahinang ng kanilang mga labi.

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 24

    Halos manlaki ang mga mata ni Catalina dahil sa ginawa ni Apollo. Ni hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi naman iyon ang unang beses na nahalikan siya ng kanyang asawa ngunit ganoon pa rin ang epekto sa kanya sa tuwing dumadampi ang labi nito sa labi niya--- hindi siya makakilos at sadyang nababalot ng hindi maipaliwanag na damdamin.Napasinghap pa siya nang maramdaman niya ang kaliwang kamay nitong nakahawak na sa kanyang baywang. Ang isang kamay naman nito ay nanatili sa may batok niya upang hindi siya makaiwas sa paghalik na ginagawa nito.And Catalina would admit. There something in her that didn’t want to avoid his kisses. Kahit siguro hindi nito hawak ang batok niya ay hindi siya iiwas. At gusto niya pang mainis sa kanyang sarili. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon kay Apollo. Oo’t asawa niya ito pero hindi tamang magkaroon siya ng damdamin para rito.She held on his polo tightly as that realization hit her. Anong damdamin ba ang nararamdaman niya para kay Apol

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status