LOGINHalos nailabas na ni Catalina ang lahat ng laman ng kanyang mga drawer dahil sa kakahanap ng isang bagay na sadyang napakahalaga sa kanya. Nahalughog na niya ang lahat pero hindi niya pa rin iyon mahanap.
“Where did I put it?” sambit niya sa kanyang sarili. Humakbang pa si Catalina palapit sa kanyang vanity mirror at sa drawer namang naroon naghanap. Nagkalat pa nga ang iba niyang gamit dahil sa paghahanap na ginagawa niya.
Hanggang sa maya-maya ay natigilan si Catalina. Naitukod niya na lamang ang kanyang mga kamay sa mesang nasa kanyang harapan saka nahulog sa malalim na pag-iisip. Pilit niyang binabalikan sa kanyang isipan kung saan niya maaaring naiwan ang bagay na kanyang hinahanap--- ang kanyang kuwintas.
That necklace was so important to her. Ni hindi niya iyon hinihiwalay sa kanya at kung maaari lang din ay lagi niyang suot sa kanyang leeg. Sobrang iniingatan niya iyon dahil galing pa iyon sa kanyang ina.
Catalina’s mother gave it to her during her fifteenth birthday. Simpleng selebrasyon lang ang ginawa nila nang kaarawan niyang iyon. Lumabas lamang silang mag-anak at kumain ng espesyal na hapunan sa isang mamahaling restaurant. Noon din ay ibinigay sa kanya ng kanyang ina ang kuwintas na iyon na may pendant na crescent moon.
She was treasuring that necklace since then because it was the last gift that her mother had given to her. Iyon din kasi ang huling kaarawan niyang nakasama niya ang kanyang ina dahil paglipas ng ilang buwan pagkatapos niyon ay binawian na ito ng buhay.
It was the reason why she didn’t want to lose it. Alaala pa iyon ng kanyang ina. Ngunit malaki ang problema niya ngayon. Hindi niya alam kung saan niya nailagay ang naturang kuwintas. Ni hindi niya alam kung naiwala niya ba iyon o nailagay lang sa kung saan.
Catalina’s forehead furrowed. Agad pa siyang nabahala nang sumagi sa isipan niya ang isang lugar. Hindi kaya naiwan niya iyon sa bar na pinuntahan nila ni Wendy?
“Shit!” she hissed to herself. Paano nga ba kung doon nga? Paano niya pa iyon mahahanap? Kung siya lang ang tatanungin ay hindi na niya nanaising bumalik sa lugar na iyon. Kung posible nga lang na kalimutan na niya ang mga nangyari nang gabing iyon ay ginawa na niya.
“Hindi maaaring kung kailan mo lang gustong umuwi ay saka ka lang uuwi, Wendy! Ni hindi ka man lang nagpapaalam kung saan ka pupunta!”
Maya-maya pa ay napatayo nang tuwid si Catalina nang marinig niya ang malakas na tinig ng kanyang Tita Flor. Dali-dali nga siyang naglakad palapit sa pintuan ng kanyang silid saka lumabas roon.
Nasa may entrada pa lang siya ng kanyang silid nang makita niya na ang mag-ina. Nasa aktong papasok sana sa sarili nitong kuwarto si Wendy nang sundan ng kanyang madrasta at pagsabihan. Kapwa pa nga natigilan ang dalawa nang makita siya.
Lumarawan sa mukha ni Flor ang ekspresyon na waring nanghihingi ng pag-unawa. Alam niyang nahihiya na ito sa kanya dahil sa inaasta ng anak nito.
That house was her father’s. Bahay pa nila iyon nang nabubuhay pa ang kanyang ina at ngayong wala na rin ang ama niya ay alam niyang naninimbang na ang kanyang madrasta sa kanya at sa anak nito.
Napatitig na siya kay Wendy. Kung ang Tita Flor niya ay kababakasan ng nahihiyang ekspresyon sa mukha, si Wendy naman ay parang nabigla nang makita siya. Hindi marahil nito inaasahang naroon pa siya sa kanilang bahay. Kadalasan kasi sa ganoong oras ay nasa café siya at nag-aasikaso na ng kanilang negosyo.
“C-Catalina...” Wendy murmured.
“Pupuwede ba kitang makausap, Wendy?” diretsahan na niyang tanong dito sa seryosong tinig.
Marami siyang gustong itanong dito. May mga bagay siyang gustong malinawan na hindi niya magawa dahil ngayon lamang sila muling nagkaharap matapos nang gabing iyon.
“Tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina,” narinig niyang sabi ni Flor bago binalingan ang anak. “Mag-uusap pa tayo mamaya, Wendy.”
Iyon lang at pagkatapos ay humakbang na ang ginang patungo sa hagdan upang bumaba sa kusina. Alam ni Catalina na sinadya nitong iwan sila ni Wendy para makapag-usap silang dalawa.
Nang makaalis na nga ang kanyang Tita Flor ay dali-daling lumapit si Catalina kay Wendy saka ito kinompronta. “Tell me, Wendy, what did you do that night?”
“What do you mean?” kunot-noong balik tanong nito.
“Huwag kang magkunwaring hindi mo alam kung ano ang tinutukoy ko,” mariin niyang sabi. “That night at the bar, ano ang ginawa ninyo ni Harry?”
Hindi nakaligtas sa kanya ang mariin nitong paglunok. Naging mailap din ang mga mata nito nang sumagot sa kanya. “Yeah right, Catalina. Ano nga ba ang nangyari nang gabing iyon? Basta ka na lang nawala at hindi na bumalik sa mesa natin.”
Hindi maiwasang mapataas ang isang kilay ni Catalina. “Come on, Wendy. Did you and Harry put something in my drink?”
“What are you talking about?” she hissed at her. “Nangbibintang ka ba na may ginawa kami sa iyo?”
“I only had one goblet, Wendy. Hindi ako sanay uminom pero alam kong hindi ganoon ang magiging epekto sa akin ng isang kopita ng alak, unless you put something on it.”
“Magkasama tayong dumating sa bar, Catalina,” katwiran pa nito. “Nang dumating tayo ay naroon na sa mesa ang mga inuming binili nina Harry at Jason---”
Awtomatikong natigil sa pagsasalita si Wendy nang mabanggit nito si Jason, na malamang ay ang pangalan ng kaibigan ng kasintahan nito. Mataman itong napatitig sa kanya bago nagpatuloy pa sa pagwika.
“Did Jason do something to you?” anito sa nababahalang tinig. “Nang magpaalam kang magbabanyo ay tumayo rin siya’t umalis. Katulad mo, hindi na rin bumalik sa mesa natin si Jason. Harry tried calling him but he’s not answering.”
Catalina stared at Wendy’s face intently. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo. Hinahanapan niya pa ng sinseridad ang mukha nito ngunit waring wala siyang makita.
Pero tama naman ang sinabi ni Wendy. Magkasama nga naman silang dumating sa bar na iyon at nang lapitan nila sina Harry ay naroon na ang mga inuming binili ng mga ito. Maaari kayang ang kaibigan lang ni Harry ang dapat sisihin?
“Catalina...” untag ni Wendy nang matahimik siya. “Tell me, may nangyari bang masama nang gabing iyon? We waited for you, pero hindi ka na bumalik kaya nagpasya na kami ni Harry na umalis ng bar.”
“I’ve been calling you after that night, Wendy. Kung wala kang ginawa nang gabing iyon, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit ngayon ka lang umuwi at bakit iniiwasan mo ako?”
“Hindi kita iniiwasan, Catalina, for goodness’ sake,” bulalas nito. “Harry and I decided to go out of town the next morning. Alam mong taga-Laguna ang pamilya niya, hindi ba? We went there. Sa tuwing tumatawag ka ay hindi ko nasasagot dahil saktong nasa galaan kaming dalawa.”
“Very timing, right?” sarkastiko niyang sabi.
“It’s up to you if you don’t want to believe me.” Saglit itong huminto sa pagsasalita para matamang pagmasdan ang kanyang mukha. Maya-maya pa ay muli itong nagtanong sa kanya sa nananantiyang tinig. “May nangyari ba nang gabing iyon, Catalina?”
She stood up straight. Disimulado siyang nag-iwas ng tingin dito. Hangga’t maaari ay hindi na niya gustong ipaalam kahit kanino ang naging karanasan niya nang gabing iyon sa bar. No one should know that she spent a night with a stranger.
Akmang magsasalita na sana si Catalina para magdahilan dito nang marinig nila ang tinig ni Flor. Mula sa may hagdanan ay tinawag siya nito.
“Catalina, dumating si Dominic at hinahanap ka,” imporma nito dahilan para agad na siyang humakbang pababa. Ni hindi na siya nakapagpaalam pa kay Wendy at dali-dali nang nagtungo sa sala kung saan naroon ang kanyang nobyo.
Dominic instantly smiled at her when he saw her. Agad pa siya nitong pinatakan ng isang masuyong halik sa pisngi nang tuluyan siyang nakalapit.
“Akala ko ay mamaya ka pa darating,” sambit niya sa mahinang tinig.
“I don’t want to be late,” sagot nito nang may ngiti sa mga labi.
“Late? Late where, Dominic?” narinig niyang sabi ni Wendy na hindi niya namalayang nakasunod na pala sa kanya pababa. Narinig nga nito ang palitan nila ng salita ni Dominic at hindi pa maiwasang magtaka kung ano ang tinutukoy ng nobyo niya.
Maluwag na ngiti ang iginawad ni Dominic kay Wendy bago nagsalita. “I am here because there’s something that we want to announce to you and Tita Flor.”
“And what is that?” pang-uusisa pa ni Wendy sa kanila.
Nagkatinginan sila ni Dominic. Both of them had smiles on their lips. Hindi pa maawat ni Catalina ang nadaramang tuwa nang makita ang emosyong nakasalamin sa mga mata ng kanyang nobyo. Dominic’s eyes mirrored so much love for her and Catalina didn’t know if she deserved that kind of love from him... after what she did that night.
“May importante ba kayong sasabihin, Catalina... Dominic?” singit naman ng kanyang madrasta sa kanilang usapan. Nasa may sala na rin ito at katulad ni Wendy ay naghihintay ng isasagot nila ng binata.
Her boyfriend stood up straight. Hinawakan nito ang isa niyang kamay at pinagsalikop pa ang kanilang mga daliri. Hindi pa nakaligtas kay Catalina ang pagsunod ni Wendy ng tingin sa mga kamay nilang magkahawak na. And Wendy’s eyes widened when she noticed the ring on her finger. Hindi pa man sila nakakapagsimula ni Dominic sa pagsasalita pero nahihinuha na niyang alam na nito ang ibabalita nila ng kanyang nobyo.
“Tita Flor, I went here to formally ask for Catalina’s hand. I already proposed to her and she said yes. Pero bilang respeto sa iyo na pangalawang magulang niya na, gusto ko pa rin pormal na hingin ang kanyang mga kamay. I want to marry Catalina.”
“Oh!” Flor exclaimed. Bakas sa mukha nito ang tuwa kasabay ng biglang paglapit sa kanya para yumakap. “Kung narito lang si Rodrigo ay nasisiguro kong masaya siya para sa iyo, Catalina,” anito pa na ang tinutukoy ay ang kanyang ama.
Pagkatapos siya nitong yakapin ay si Dominic naman ang hinarap ni Flor. “Nakikita kong masaya si Catalina sa iyo. You brought her smile back after her father died. Kaya kung tinanggap niya ang proposal mo, sino naman ako para tutulan iyon? Just prove to us that you won’t hurt her, Dominic.”
“Of course, Tita Flor. I love Catalina. Hindi ko siya magagawang saktan.”
“Well, kailan namin makakaharap ang pamilya mo para sa pormal na pamamanhikan?” usisa pa ni Flor kay Dominic na agad ikinatigil ng binata. Biglang naging seryoso ang mukha nito bago napatitig pa sa kanya.
“I-I’ve talked to my brother. W-We’ll set a date for that, Tita,” wika ni Dominic sabay higpit ng hawak sa kanyang mga kamay.
Catalina smiled lovingly at him. Hindi na rin siya makapaghintay na makilala ang kapatid na tinutukoy nito. Dahil sa tuwang nararamdaman niya, hindi na niya napansin pa ang uri ng tinging iginagawad sa kanila ni Wendy...
Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a
“I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin
Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo
Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo
“What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid
“Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong







