Share

CHAPTER 5

last update Huling Na-update: 2025-11-15 21:13:10

Agad na nahinto sa ginagawang pagpirma ng ilang dokumento si Apollo nang marinig niya ang tinig ng sekretarya niyang si Cindy sa intercom.

“Sorry to disturb you, Sir, but Mr. De Luca is here and wants to see you. But, Sir, he doesn’t have an appointment with you,” imporma nito sa kanya.

Apollo heaved out a deep sigh. Wala pa man pero nahuhulaan na niya agad kung ano ang sadya sa kanya ni Francesco. Binitiwan niya na nga ang hawak na ballpen saka prenteng naupo sa kanyang swivel chair.

“Let him in. I’ll talk with him,” tipid niyang sagot sa kanyang sekretarya.

“Copy, Sir.”

Agad nang nawala sa linya si Cindy at paglipas lamang ng ilang saglit ay nakarinig na siya ng tatlong mahihinang warning knock sa pinto. He didn’t bother to answer. Alam niyang ang sekretarya niya lamang iyon.

Cindy had been working for him for years. Ito ang sekretarya niya sa hotel na pag-aari ng kanilang pamilya. Ito ang sekretarya niya sa legal niyang negosyo. While Cristoff was his assistant at Blackstone organization and on their illegal businesses.

At sa ilang taon ng pagtatrabaho ni Cindy sa kanya ay alam na rin naman nito ang patakaran niya. People who wanted to see him should set an appointment. Kung sa ibang pagkakataon ay hindi niya haharapin si Francesco. But then, Apollo knew him. Magpupumilit ito, lalo pa’t alam niyang tungkol sa organisasyon na naman ang sadya nito sa kanya.

Pagkabukas ng pinto ay pinapasok na ni Cindy sa loob ng kanyang opisina ang bisita niya. Ang sekretarya niya na rin ang nagsara ulit ng pinto. Nang maiwan na nga silang dalawa ni Francesco ay agad niya na itong kinausap.

“What is it this time, Francesco?” aniya sa tinig na nababagot. Sadyang pinahalata niya pa rito na hindi siya interesadong makausap ito.

“Any news about your brother, Apollo? Mukhang matagal-tagal nang nawawala si Dominic. He’s neglecting his duties at the Blackstone.”

“Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?” balik-tanong niya.

“Damn it! Ilang transaksyon na ang nawala sa atin dahil sa hindi pagsipot ng kapatid mo. And now, you are asking me if iyon lang ang ipinunta ko?”

Apollo stood up. Marahan niya pang inayos ang necktie sa suot niyang business suit saka nagsalita. “Dominic will soon come back, Francesco. Nasa bakasyon lang ang kapatid ko.”

“Where exactly, Apollo?”

“Why the interest?” buwelta niya sa mapanganib na tinig.

Alam niyang atat itong malaman kung nasaan si Dominic. Isa si Francesco sa mga pinaghihinalaan niyang gumagawa ng paraan para mawala sa posisyon ang kapatid niya. Kapag nawala kasi si Dominic ay ito ang papalit sa pagiging underboss, bagay na ayaw niyang mangyari. Panigurado, gagawa ito ng hakbang para ang sunod namang makuha ay ang posisyong hawak-hawak niya--- ang pinakamataas na posisyon sa Blackstone, ang pagiging boss.

“What kind of question is that, Apollo? May mga paparating tayong transaksiyon sa mga Vinci,” tukoy nito sa isa sa mga kliyente ng Blackstone. “Kailangang tayo ang maunang makapagbenta sa kanila ng mga kontrabanto kaysa sa mga Cortese.”

“Don’t worry, Francesco. Hindi mangingialam ang mga Cortese sa mga transaksiyon natin. You know the rule about respecting territorial boundaries. Cortese can’t interfere with our transaction. Philippines is Blackstone’s territory. Sa Italya lang may kapangyarihan ang organisasyon nila.”

Cortese is their rival family. They were also part of a big mafia clan from Italy just like the Blackstone. Pero mas malawak ang sakop ng organisasyong hawak nila. Blackstone can also do transaction in the Philippines. Siguro ay dahil na rin sa katotohanang may dugong Pinoy sila. Filipina ang abuela niya dahilan para matuto sila ni Dominic na mag-Tagalog.

Iyon din ang dahilan kung bakit naging kaalyansa nila ang mga De Luca. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng kanyang ama at mga magulang ni Francesco nang minsang manatili sa Pilipinas ang pamilya nila. At bagay iyon na labis na nagbibigay sa kanya ng problema ngayon. Kung nalaman niya lang noon ang gagawin ng kanyang ama ay tinutulan niya na agad ang plano nito.

“Huwag kang maging kampante, Apollo. Baka mamalay ka, sakop na ng mga Cortese ang mga bagay na hawak ng Blackstone.”

Apollo smirked because of what he said. “That will only happen if there’s a traitor in Blackstone,” pasaring niya rito.

Napatayo ito nang tuwid na para bang nasukol. “What are you trying to imply?”

“Nothing, Francesco,” saad niya kasabay ng pagkibit ng kanyang mga balikat. “I’m not trying to imply anything so relax and don’t act as if I hit a home.”

Kita niya ang pagpigil nito ng galit. Disimulado na nitong hinamig ang sarili saka tumayo nang tuwid.

“Nagpapaalala lang ako, Apollo. You know what the consequences once Dominic totally neglected his duty and position.”

“Don’t be in a hurry to take his place. Babalik ang kapatid ko,” sagot niya rito.

Sa pagkakataong iyon ay si Francesco naman ang nagkibit ng mga balikat. “Sana nga ay makabalik siya.”

Pagkawika niyon ay agad na itong pumihit patalikod saka humakbang patungo sa may pintuan. Walang paalam na lumabas na ito ng kanyang opisina. Naiwan na lamang si Apollo na nakatingin pa sa pinto kahit na nakasara na iyong muli.

Apollo couldn’t help the tightening of his jaws. Nagagalit siya sa mga De Luca dahil alam niyang walang ibang hangad ang mga ito, lalo na si Francesco, kundi ang mahawakan ang pinakamataas na posisyon sa Blackstone. Wala itong totoong malasakit sa organisasyon at purong pansariling interes lamang ang nasa isipan. Kahit pa sabihin nitong nagpapaalala lamang ito, alam niya pa ring may itinatago itong agenda.

*****

“THANK YOU,” nakangiting sambit ni Catalina nang ipaghila siya ng upuan ni Dominic. Hinintay pa muna siya nitong makaupo nang maayos saka pumuwesto na rin sa katapat niyang silya.

Kasalukuyan silang nasa isang kilalang restaurant para doon maghapunan. Buong maghapon niyang kasama ang kanyang kasintahan dahil naging abala sila sa pag-aasikaso ng ilang kailangan para sa kasal nilang dalawa.

It had been weeks since Dominic proposed to her. Sinimulan nila agad ang paghahanda para sa kanilang pag-iisang dibdib na sa totoo lang ay labis niya nang pinananabikan. Alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng kanyang nobyo. Katunayan, kung ito lang siguro ang masusunod ay baka agad-agad na silang nagpakasal. Hindi niya kasi alam kung bakit pero waring nagmamadali ito at gusto agad na maidaos ang kasal nilang dalawa.

Siya lang itong humiling na dalawang buwan muna ang hintayin nila. Gusto niya kasing hintayin muna ang pagdating ng nag-iisang kapatid ng kanyang ama na kasalukuyang nasa ibang bansa. Dahil ito na ang maituturing niyang pinakamalapit niyang kamag-anak, gusto niya rin naman itong makadalo sa kanyang kasal.

And though, nakitaan niya ng pagtutol si Dominic, sa bandang huli ay pinagbigyan din siya nito. While waiting for her aunt to arrive, they started preparing for their wedding.

“What do you like to eat?” narinig niyang tanong ni Dominic habang hawak na ang menu.

“Ikaw na ang bahala,” nakangiti niyang wika rito.

“Are you sure?” naninigurado nitong sabi.

Tumango lamang siya kasabay ng pagngiti ulit dito. Hinayaan na nga niyang ito na ang pumili ng kakainin nila. Habang naghihintay na sa kanilang order ay agad na siyang nang-usisa kay Dominic.

“Have you talked to your brother, Dom? K-Kailan siya luluwas dito sa Maynila?”

Dominic sat up straight. Isang alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi nito bago sumagot sa kanya. “Y-Yes, baka sa katapusan ng buwan siya makipagkita sa atin.”

“Really?” she said excitedly. “I can’t wait to meet your brother. Sa apat na buwang relasyon natin, wala pa akong nakikilala kahit isa sa kamag-anak mo. Tapos, heto tayo at ikakasal na agad.”

“I told you, my parents are dead already. Si Kuya Poll na lang ang immediate family ko na mas ginustong manatili sa... sa probinsiya.”

“Poll,” ulit niya sa pangalang binanggit nito.

“Yes, short for Apollo. I’ll introduce you to him one of these days, Cat. Kayong dalawa... kayong dalawa ang pinakamahalaga sa buhay ko ngayon.”

She smiled to him lovingly. May ilang bagay pa silang pinag-usapan hanggang sa dumating ang mga pagkaing inorder nito. Hinintay pa muna nilang mailapag ng waiter ang lahat sa kanilang mesa bago sila nagsimulang kumain. Sadyang inayos pa ni Dominic sa kanyang harapan ang mga pagkaing laan para sa kanya saka ito bumalik sa pagkakaupo para pagtuunan na rin ang sariling pinggan.

Catalina stared at the food in front of her. Hindi bago sa kanyang panlasa ang mga pagkaing nakahain. Ang ilan doon ay sadyang paborito niya pa. But for some unknown reasons, she felt like not wanting to eat at all. Titigan lang ang mga pagkain ay parang babaliktad pa ang sikmura niya. She felt like... vomiting!

“Is there something wrong?” Dominic asked as he noticed her reaction.

“I-I just need to go to the restroom.”

Dali-dali na siyang tumayo. Bitbit ang kanyang shoulder bag ay mabilis niyang tinungo ang direksyon ng banyo. Mabuti na lamang at walang tao kaya dire-diretso niyang nalapitan ang lababong naroon saka nagduduwal. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng katawan niya pagkaamoy pa lang sa mga pagkaing inorder ni Dominic.

Ilang minuto ang ginugol niya roon sa may lababo hanggang sa unti –unti nang kumalma ang kanyang sarili. Agad na rin siyang naghugas ng kanyang mga kamay at naghilamos ng mukha. Just when she was about to go back to their table, Catalina stopped in her tracks.

She looked at her reflection at the mirror in front of her. Hindi lang nang gabing iyon niya naramdaman ang ganoon. Nitong mga nakalipas na araw ay nakararanas siya ng pagsama ng pakiramdam. At may mga umaga naduduwal din siya na kahit wala nang mailabas ang sikmura niya ay hindi niya pa rin makontrol ang pagsusuka.

“Oh my God...” Catalina murmured to herself. Agad na sumagi sa isipan niya ang nangyari nang gabing iyon sa bar. It has been a month. Could it be that...?

“N-No...” garalgal niya pang sabi. Agad kasing namuo ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa kanyang naisip.

Bakit ngayon niya lang napansin ang ilang senyales sa kanyang katawan nitong mga nakalipas na araw? Hindi kaya... nagbunga ang gabing iyon na pinagsaluhan nila ng estranghero sa may bar?

Marami mang gumugulo sa isipan niya ay pinilit na ni Catalina na ayusin ang kanyang sarili. Hindi siya maaaring magtagal doon sa restroom. Paniguradong magtataka si Dominic. Hindi niya pa nga magawang aminin dito ang nangyari sa kanya nang gabing iyon, heto’t may isang bagay na namang nagpadagdag sa kasalanan niya sa kanyang kasintahan.

Naglakad na siya ulit pabalik sa mesang okupado nila ni Dominic. Inihanda niya na ang kanyang sarili at sinigurong wala itong mapapansin na gumugulo sa isipan niya. Hindi pa siya handang sabihin dito ang lahat. Siguro’y maghihintay muna siya ng ilang araw para maihanda niya rin ang kanyang sarili.

But one thing was for sure. She would tell him before their wedding. Kung matatanggap pa siya nito ay bahala na.

Pagkalapit sa mesa nila ni Dominic ay agad na nagdikit ang mga kilay ni Catalina. Wala roon ang binata na kung saan nagpunta ay wala siyang ideya. Iginala niya pa ang kanyang paningin sa paligid pero hindi niya ito nakita.

Catalina started walking towards the restaurant’s entrance. Tuloy-tuloy siyang lumabas hanggang sa may parking lot sa pag-asam na doon makita si Dominic. At hindi nga siya nagkamali. Naroon ito sa tabi ng isang sasakyan na halos nasa gilid na ng kalsada at may kausap sa cell phone.

She was about to call him when she heard his angry voice.

“I said, I will. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik pero sinisiguro kong aayusin ko ang lahat bago tuluyang tumiwalag sa grupo.”

Catalina’s forehead furrowed. Ano ang ibig nitong sabihin? Anong grupo ang tinutukoy nito?

Mas lumapit na siya sa binata saka ito tinawag. “Dominic---”

Catalina wasn’t able to finish her sentence when all of the sudden, a motorcycle stopped near Dominic. Hindi na niya alam kung paano nangyari pero ilang magkakasunod na putok ng baril ang narinig niya na halos nagpapitlag sa kanya. Kasabay ng pag-alingawngaw ng putok ng baril ay ang pagsigawan ng ilang taong nasa malapit lamang. Ang iba ay nagsitakbuhan palayo habang ang ilan ay nagkubli sa mga sasakyang nasa parking lot. Just like what Catalina did.

Nang marinig niya na ang pagharurot palayo ng naturang motorsiklo ay saka lamang siya sumilip at agad na hinanap si Dominic. Only to be stunned when she saw him! Nakahandusay na at naliligo sa sarili nitong dugo ang kasintahan niya!

“Dominic!” malakas niyang sigaw kasabay ng mabilis na paglapit dito...

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 11

    Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 10

    “I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 9

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 8

    Napasunod ng tingin si Catalina sa lalaki nang magsimula itong maglakad palapit sa kinaroroonan nila ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapalunok nang mariin kasabay ng disimuladong paghakbang paatras ng kanyang mga paa. Hindi niya kasi alam kung bakit pero may kung ano rito na nagdudulot sa kanya para mangilag.Ito nga ba ang kapatid ni Dominic? Ito ang Apollo na madalas maikuwento sa kanya ng kasintahan niya?Catalina stared at his face intently. Katulad ni Dominic ay magandang lalaki rin ang kapatid nito at halata ang pagkakaroon ng dugong banyaga. Though, she would admit, the man she’s staring at that moment was much good-looking than her boyfriend.Kasintahan niya si Dominic at para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang lalaki. Pero hindi niya pa rin maitatangging may kakaibang karisma ang kapatid nitong si Apollo.He has dark eyes paired with long lashes. Matangos ang ilong nito katulad ni Dominic. He also has fair complexion that you could easily say that he has foreign blo

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 7

    “What is your plan now, Sir?” tanong ni Cristoff kay Apollo na agad nagpatayo sa kanyang nang tuwid. “Buntis ang kasintahan ni Sir Dominic. Paano kapag nalaman ito ng Blackstone?”Dumilim ang mukha ni Apollo at hindi agad nakasagot sa tanong ng kanyang tauhan. Naituon niya na lamang ang kanyang paningn kabaong ng kanyang kapatid na ngayon ay nakaburol sa malawak na sala ng malaki nilang bahay. Dominic’s wake was exclusive only for those people who were close to them. Naidala na nga ito ngayon sa kanila matapos nilang maasikaso ang lahat sa ospital.Wala siyang planong patagalin ang pagburol dito. Sa makalawa ay nakatakda na ang cremation nito na dadaluhan ng malalapit nilang kamag-anak at kaibigan lamang.Naikuyom niya pa ang kanyang kamay na may hawak ng isang kopita ng alak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa silang malinaw na detalye sa kung sino ang pumatay kay Dominic. Ayon sa awtoridad na may hawak ng nangyaring krimen, maaaring robbery ang dahilan ng pamamaril sa kapatid

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 6

    “Dominic!”Tears suddenly fell from Catalina’s eyes as she sat beside Dominic. Nakahandusay na ito sa lapag at halos habol ang paghinga dahil sa mga tamang natamo.Marahan niyang sinapo ang ulo nito saka hinayaang nakapatong sa kanyang kandungan. Halos hindi niya pa magawang titigan ang katawan nitong nilalabasan ng kayraming dugo dahil sa pamamaril ng lalaking nakamotor kanina.“Oh God, Dominic,” humihikbi niyang sabi sabay gala ng paningin sa kanyang paligid. “Tulungan ninyo kami! Please, tulungan ninyo kami!”Marami nang tao sa paligid. May ilan na napapatingin para makiusyoso. Ang iba naman na mga nagtago nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril ay lumapit na rin sa kanya para tingnan si Dominic. Pati ang ilang kumakain sa restaurant kung saan sila dapat maghahapunan ng kanyang nobyo ay nagsilabasan para alamin kung ano ang nangyari.One man instantly approached them. “Dalhin na natin siya sa ospital,” saad nito sa nagmamadaling tinig.Hindi na siya tumanggi pa sa pagtulong

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status