Share

CHAPTER 40

last update publish date: 2026-04-17 20:35:30

Hindi pa man tuluyang naihihinto ng driver ni Apollo ang kotseng kinasasakyan nila ay binuksan na niya ang pinto sa may backseat. He instantly went out of the car as it stopped in front of Catalina’s parents’ house. Ni wala siyang inaksayang oras at nagmamadali nang naglakad palapit sa may gate na sa laking pagtataka niya ay nakabukas lamang.

Kasunod ang kanyang mga tauhan ay tuloy-tuloy na silang pumasok sa bahay ng mga Rivera. Agad niya pang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhenz
haist ayan napala mo cat s katigadan ng ulo mo cguro nman magtanda kana bala k jan kung dka agad maligtas ni apollo,magtiis k
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 40

    Hindi pa man tuluyang naihihinto ng driver ni Apollo ang kotseng kinasasakyan nila ay binuksan na niya ang pinto sa may backseat. He instantly went out of the car as it stopped in front of Catalina’s parents’ house. Ni wala siyang inaksayang oras at nagmamadali nang naglakad palapit sa may gate na sa laking pagtataka niya ay nakabukas lamang.Kasunod ang kanyang mga tauhan ay tuloy-tuloy na silang pumasok sa bahay ng mga Rivera. Agad niya pang iginala ang kanyang paningin sa kanilang paligid sa pag-asam na makita niya ang kanyang asawa.“Catalina!” tawag niya sa marahang tinig.No one answered. Ni wala siyang makitang ano mang palatandaang may tao roon na maaaring makapansin sa kanilang pagdating. Katunayan ay nababalot ang buong kabahayan ng nakabibinging katahimikan na agad nagdulot sa kanya ng kakaibang pangamba.“Search the whole place and look for my wife,” mariing niyang utos sa kanyang mga tauhan.Agad na tumalima ang mga ito sa mga sinabi niya. Ang iba ay umakyat sa ikalawang

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 39

    Catalina walked slowly towards the sala as she reached her parents’ house. Mula nga sa bahay nina Apollo ay sa address ng tirahan ng kanyang mga magulang siya nagpahatid sa taxi na kanyang nasakyan. Laking pagtataka niya pa nang mapunang bukas lamang ang pinto niyon at ngayon ay nababalot pa ng katahimikan.“Tita Flor!” malakas niyang tawag sa kanyang madrasta.Tuloy-tuloy pa siyang humakbang patungo sa may kusina sa pagbabaka-sakaling naroon ito. Alam niya kasing doon madalas maglagi ang madrasta niya kahit noong doon pa siya nakatira.But to Catalina’s puzzlement, Floria wasn’t there. Parang hindi niya pa maiwasang mabalot ng labis na pagtataka dahil sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa kanilang bahay. Imposible kasing hindi man lang napuna ng kanyang Tita Flor ang pagdating niya. Sa tuwina kasing alam nitong naroon na siya ay agad pa siya nitong sinasalubong para kumustahin.Nagtataka pa nang maglakad na si Catalina patungo sa may hagdan at dire-diretsong umakyat sa ikalawang

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 38

    Muling pinasadahan ni Catalina ng basa ang mensaheng natanggap niya ulit mula sa kanyang madrasta. Mula pa kahapon ay kapalitan niya na ito ng text messages. Hindi niya nga maiwasang mag-alala para rito matapos niyang malamang inatake ito ng altapresyon.Agad nga siyang nabahala para sa kanyang Tita Flor. Nawala rin kasi ang kanyang ama at ina dahil sa atake sa puso na sinabayan pa ng pagtaas ng blood pressure. Hindi niya naman gustong ganoon na naman ang mangyari sa kanyang madrasta. Kahit kasi sabihing hindi niya ito totoong magulang ay talagang napamahal na rin naman sa kanya ang ginang.And now, she really wanted to check on her. Muli niya nga itong kapalitan ng mensahe at umaasa ang madrasta niyang makadalaw din siya rito.Catalina heaved out a deep sigh. Ayon naman rito ay nakauwi na rin naman ito at ngayon ay nagpapalakas na lamang sa kanilang bahay. Mas nadagdagan pa nga ang pag-aalala niya rito nang malamang mag-isa lang ito sa bahay dahil katulad ng nakagawian ni Wendy ay ma

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 37

    “T-That can’t be possible...” kandautal-utal sa wika ni Wendy kasabay ng pagtayo nito. Lumarawan ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng dalaga bago nagpatuloy pa sa pagsasalita. “Hindi iyon maaaring mangyari, Francesco. Paanong si Apollo nga ang totoong ama ng ipinagbubuntis ni Catalina?”“Why don’t you answer your own question, Wendy?” balik tanong ni Francesco rito sa galit na tinig.“Imposible,” giit pa nito. “Hindi ako maaaring magkamali---”“Oh shut up!” he shouted that made her stop talking. “Positibong si Apollo nga ang ama ng batang ipinagbubuntis ni Catalina. I personally saw the DNA test result, Wendy. You lied to me when you told me that Dominic was Catalina’s fiancé.”“Hindi ako nagsinungaling sa iyo!” halos mataas na rin ang tinig na saad nito. “Catalina is my stepsister. Magkasama kami sa iisang bahay. Sa tingin mo ay hindi ko alam ang tungkol sa pakikipagrelasyon niya? Nakilala ko na rin si Dominic, Francesco. Alam kong siya ang nobyo ni Catalina at hindi si Ap

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 36

    “What do you mean he has escaped?!” dumadagundong sa galit na bulalas ni Apollo sa kanyang mga tauhan. Halos maglabasan pa ang mga ugat sa kanyang leeg dahil sa galit na nadarama.Walang sino mang nakasagot sa kanya. Pawang nakayuko lamang ang apat niyang tauhan na siyang inutusan niyang magbantay kay Francesco matapos niyang magpasyang umuwi muna para makausap si Catalina.Because Francesco questioned the paternity of his wife’s child, La Commissione tagged him as rebel on their organization. Bagay nga iyon na hindi niya na sana inaasahang mangyari. Matapos niyang matuklasang hindi anak ni Dominic ang ipinagbubuntis ni Catalina ay totoong nabahala siya sa ginawa nitong pagkuwestiyon sa batang dinadala ng kanyang asawa. Ang totoo ay inihanda niya na ang kanyang sarili sa maaaring mangyari. Inaasahan niyang siya ang malalagay sa alanganin dahil sa ginawa nito.But somehow, luck was on his side. Sino ang mag-aakalang siya pala talaga ang totoong ama ng batang nasa sinapupunan ni Catalin

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 35

    Agad na napahawak nang mahigpit si Catalina sa kuwelyo ng damit na suot ni Apollo. Nanlaki pa ang kanyang mga mata at halos hindi makahuma sa kanyang kinatatayuan habang mariin nitong hinahalikan ang kanyang mga labi. Dahil sa pagkabiglang naramdaman ay ni hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa ginawa nito.Catalina was shocked. She didn’t expect that he would do that. Gusto niya itong itulak at pahintuin sa ginagawa. Alam niyang iyon ang dapat niyang gawin sapagkat maraming bagay pa silang dapat pag-usapan.But her body didn’t cooperate with her mind. Sa halip kasi na ganoon nga ang gawin niya ay natagpuan na lamang ni Catalina ang kanyang sariling unti-unti nang napapapikit habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Ang mga kamay niya ring mahigpit na nakahawak sa kuwelyo nito ay marahan na lamang na nakakunyapit doon na mistula bang humihingi ng suporta dahil sa panghihinang nadarama niya sa kanyang mga tuhod dulot ng paghalik nito.And she knew Apollo noticed that

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 14

    Disimuladong hinamig ni Apollo ang kanyang sarili. Tumayo na siya nang tuwid saka tuluyang humarap kay Catalina na kanina niya pa hinihintay na bumaba.Nakagayak na ang dalaga. Suot na nga nito ang evening gown na siya pa mismo ang personal na pumili. Pagkakita pa lang sa naturang damit ay nasiguro

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 13

    “What do you mean, Catalina? Binibiro mo ba ako?” hindi makapaniwalang magkasunod na tanong ng kaibigan ni Catalina na si Emma. Kausap niya ito sa kanyang cell phone at halos mailayo niya sa kanyang tainga ang aparato dahil sa lakas ng boses nito.“Narinig mo ang mga sinabi ko, Ems. Hindi ako nagbi

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 12

    Kunot ang noo ni Apollo habang masusing binabasa ang report na inabot sa kanya ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapatiim-bagang nang unti-unti niya nang nauunawaan ang mga detalyeng nakuha ng tauhan niya.“Are you sure about this?” tanong niya sabay titig sa mukha ni Cristoff na ngayon ay naka

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 11

    Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status