แชร์

CHAPTER 12

ผู้เขียน: Yvette Stephanie
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-02-08 21:09:24

Kunot ang noo ni Apollo habang masusing binabasa ang report na inabot sa kanya ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapatiim-bagang nang unti-unti niya nang nauunawaan ang mga detalyeng nakuha ng tauhan niya.

“Are you sure about this?” tanong niya sabay titig sa mukha ni Cristoff na ngayon ay nakatayo sa harap ng kanyang executive desk. Halos pabalang niya pang inilapag sa ibabaw ng kanyang mesa ang folder na naglalaman ng ibinigay nitong report.

“Yes, Sir Poll,” mabilis nitong sagot. “Nahanap
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 14

    Disimuladong hinamig ni Apollo ang kanyang sarili. Tumayo na siya nang tuwid saka tuluyang humarap kay Catalina na kanina niya pa hinihintay na bumaba.Nakagayak na ang dalaga. Suot na nga nito ang evening gown na siya pa mismo ang personal na pumili. Pagkakita pa lang sa naturang damit ay nasiguro niya nang babagay ito rito. And he wasn’t mistaken after all. Halos sukat na sukat nga kay Catalina ang damit na binili niya.Tapos na itong ayusan. Nakapusod paitaas ang buhok nito na sadyang may ilang hibla lang na itinira malapit sa magkabila nitong tainga. Bahagya pa iyong ikinulot na mas nagdagdag ng kakaibang awra sa dalaga.And Apollo couldn’t help but admire the beauty in front of him. Catalina’s face was so innocent. Malayong-malayo ito sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Nahihinuha pa ni Apollo na isa iyon sa mga bagay na nagustuhan ng kapatid niya sa dalaga.Ilang saglit pa ay nag-alis na siya ng bara sa kanyang lalamunan saka nagwika. “Ready to go?”Hindi nakaligtas sa kanya ang

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 13

    “What do you mean, Catalina? Binibiro mo ba ako?” hindi makapaniwalang magkasunod na tanong ng kaibigan ni Catalina na si Emma. Kausap niya ito sa kanyang cell phone at halos mailayo niya sa kanyang tainga ang aparato dahil sa lakas ng boses nito.“Narinig mo ang mga sinabi ko, Ems. Hindi ako nagbibiro. I-I... I am getting married.”“Getting married?!” halos pasigaw nitong sabi.Hindi mapigilan ni Catalina ang mapapikit. Sa tinis ng boses ni Emma ay parang nanakit ang tainga niya.“Will you lower your voice, Emma? Ang sakit sa tainga, ah,” wika niya pa. Sa kabila ng maraming isipin ay hindi niya mapigilang mapangiti.“Do you expect me to calm down?” bulalas pa nito. “Catalina, you were also talking to me over the phone just days ago. You were crying and telling me that your boyfriend died. Now, you are telling me that you are getting married? To whom? At nang ganoon kabilis matapos mamatay ni Dominic?”Agad na natigilan si Catalina nang mabanggit nito ang pangalan ni Dominic. Hindi ni

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 12

    Kunot ang noo ni Apollo habang masusing binabasa ang report na inabot sa kanya ni Cristoff. Hindi niya pa mapigilang mapatiim-bagang nang unti-unti niya nang nauunawaan ang mga detalyeng nakuha ng tauhan niya.“Are you sure about this?” tanong niya sabay titig sa mukha ni Cristoff na ngayon ay nakatayo sa harap ng kanyang executive desk. Halos pabalang niya pang inilapag sa ibabaw ng kanyang mesa ang folder na naglalaman ng ibinigay nitong report.“Yes, Sir Poll,” mabilis nitong sagot. “Nahanap namin ang mismong apartment na tinuluyan ni Sir Dominic nitong mga nakalipas na linggo. Some of his things were still there. Kinuha po namin lahat, including the documents in that folder.”“He bought a property?” tanong niya pa higit para sa kanyang sarili kaysa kay Cristoff.“Yes, Sir,” anito saka inabot ang folder na hawak niya kanina. Mula sa mga nakapaloob doon ay kinuha nito ang isang papel saka ipinakita sa kanya. “This is the record of the property that he bought. Ipinangalan niya po kay

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 11

    Hindi maiwasang mapalunok ni Catalina nang makapasok na ang sasakyang kinalulunaran nila ni Apollo sa loob ng malawak na bakuran ng mga ito. Agad na lumabas ang driver saka nagmamadaling lumapit sa may panig niya para pagbuksan siya ng pinto sa may backseat. Nag-aalangan man pero lumabas na siya mula sa sasakyan saka hinarap si Apollo na nang mga oras na iyon ay naglalakad na palapit sa kanya.“Let’s go,” halos walang emosyong saad nito saka siya hinawakan na sa kanyang braso para maalalayan sa paglalakad.Tuloy-tuloy na nga silang humakbang papasok ng malaking bahay habang nakasunod sa kanila ang dalawa sa mga tauhan nitong sumalubong sa kanilang pagdating. Nasa may sala na sila nang bitiwan siya nang binata at nagwika.“Welcome to Morano’s villa, Catalina.”She abruptly turned to look at him. “M-Mr. Morano, I don’t---”“Apollo,” maagap nitong pagtatama sa paraan niya ng pagtawag dito. “I already heard you calling me on my name the last time we talked. Bakit bumabalik sa Mr. Morano a

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 10

    “I still can’t believe what happened, Catalina,” banayad na wika ni Floria kasabay ng paggawad sa kanya ng isang nagkikisimpatyang tingin.Pilit ngumiti rito si Catalina, isang uri ng ngiti na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay napayuko na lamang siya dahil sa kawalan ng masabi. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin maiwasang lamunin ng lungkot sa tuwing naiisip niya ang nangyari kay Dominic.“What is your plan now?” tanong pa nito nang hindi siya umimik.Marahan siyang nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago tumitig ulit sa kanyang madrasta. “Life must go on, Tita Flor. Mahirap pero kailangan kong magpatuloy ng buhay.”She has to. Mahirap man pero kailangan niyang gawin iyon, hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para rin sa buhay na nasa sinapupunan niya.Hindi pa alam nina Flor at Wendy ang tungkol sa pagdadalang-tao niya. Hindi niya pa magawang sabihin sa mga ito. Maliban sa mas okupado ng pagluluksa ang isipan niya, hindi niya rin

  • A Sinful Obsession    CHAPTER 9

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Catalina habang nakatitig sa lalaking kanyang kaharap. Hindi niya maawat ang pangambang umahon sa kanyang dibdib, bagay na hindi niya maunawaan. May dapat ba siyang ikatakot sa sasabihin ni Apollo tungkol kay Dominic at sa pamilya ng mga ito? May dapat ba siyang ipangamba?“H-Hindi ko maintindihan. Ano... ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya pa sa kapatid ni Dominic.“Take your seat,” maawtoridad nitong utos sa halip na sagutin agad ang pang-uusisa niya.“Mr. Morano, I---”“I said take your seat, Catalina. Don’t make me repeat myself,” mabilis nitong awat sa mga sasabihin niya sabay hakbang palapit sa executive desk na naroon.Dahil sa narinig na diin sa boses ni Apollo ay walang nagawa si Catalina kundi ang marahang humakbang palapit sa visitor’s chair na katapat lamang ng executive desk. Naupo siya roon at naghintay ng iba pang sasabihin ng binata.Mula sa bureau kung saan nakapatong ang mga litratong pinagmasdan niya kanina ay kinuha ni Apollo

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status