Share

Chapter 72

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2025-09-16 16:36:08

“BESTY, ano na? When tayo magkikita para makagala? Ang sabi mo sa ‘kin noong huling tawagan natin ay magpapaalam ka sa kuya mo. Grabe naman! Ilang weeks na ‘yong nakalipas wala ka pa ring-update sa ‘kin kung pinayagan ka ba niya o hindi!” nagmamaktol na sambit sa kanya ng kaibigan mula sa kabilang linya.

Naglalakad-lakad siya sa gilid ng swimming pool habang kausap ito sa video call.

“Besty, huwag mo naman akong pagalitan. Sa totoo lang, nakalimutan ko ang usapan natin…” sagot niya rito, nasa tono ang paghingi ng pasensiya.

“What?! Ano, kinakalimutan mo na ‘ko, ha? Xyza Gabrielle?!” nasa tono nito ang pinaghalong inis at pagkagulat.

“H-hindi naman sa ganoon, besty. Napakarami kasing nangyari simula nung huli tayong nag-usap,” paliwanang niya.

“Then sabihin mo sa ‘kin kung ano ang mga nangyaring ‘yon para maintindihan kita! Para hindi ako nagdadadada ng ganito rito!” nanlalaki ang mga matang sambit nito.

“Huminahon ka nga kasi muna, pwede ba? Galit ka agad, eh! So paano ako makakapagpa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 78

    HABANG KAUSAP pa ng binata ang matandang magtatawas malapit sa gate, ay kausap naman ni Xyza ang mommy niya sa video call.Hanggang ngayon ay magkausap pa rin sila nito simula kanina nung tawagan niya ito para ipalam ang nangyari sa binata.“Anak, nabalitaan ko rin ‘yong nangyari sa ‘yo, muntik ka na raw mapagsamantalahan ng inaanak ng daddy mo,” sambit nito.Nagulat naman siya sa sinabi ng ina. Paanong nangyaring nalaman ng daddy Alfredo niya ang nangyari sa kanya?Hindi kaya nagsumbong na rito ‘yong lalaki? Paano kung pati ‘yong lihim na relasyon nila ni Flint ay sinabi na rin nito para makaganti sa pagpapakulong dito ng binata?Aminin man niya sa hindi, ramdam niyang may alam talaga ito sa relasyon nila ni Flint.Narinig din niya sinabi nito kay Flint na parang anak na rin ito ni Alfredo kung ituring. Parang gusto nitong iparating na magiging abswelto ang kasalanang ginawa sa kanya dahil kay Alfredo.“K-kanino niya raw po nalaman ang balitang ‘yon?” kinakabahang tanong niya.“Kay F

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 77

    “MANANG FELI, kailangan ba talagang gawin ito?” tanong ni Flint sa matandang mayordoma.May pinapunta kasi itong matandang babae sa kanilang bahay na halos uugod-ugod na para ipatawas siya, utos daw iyon ni Xyza.Para pa itong nangggaling sa ikasampung bundok ng kadulu-duluhan ng mundo. At sa tingin niya ay mukhang malabo na rin ang mga mata nito dahil sa katandaan. Maputi na rin ang halos lahat ng buhok nito ulo.May bitbit pa itong isang lumang bayong na hindi niya alam kung anong klaseng mga bagay ba ang laman na kung titingnan ay parang nakapagaan lang, pero mukhang hirap na hirap na itong bitbitin iyon.“Aba’y opo, Sir. Paano kung hindi ka tantanan ng masamang espirito? Baka tuluyan na niyang sakupin ang katauhan mo! Kaya habang maaga pa ay kailangang mapigilan na siya!”Napailing na lang siya kasabay ng pagngiwi.Isa pa ‘to si Manang Feli, akala mo ay isang lola sa mga horror movies na ang role ay ang magpaalala na totoo ang mga kababalaghan kuno.“Manang Fe—”“Hijo, huwag ka n

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 76

    “ALIN SA TINGIN mo ang mas maganda sa lahat ng nariyan, love?” tanong sa kanya ni Xyza habang nakatingin ito sa mga mamahaling relo na pareho nilang napagkasunduang iregalo kay Jared.Kasalukuyan silang nasa mall ngayon, nasamahan niya ang dalaga dahil linggo naman at wala naman siyang gagawin sa firm, naka-rest day din kasi ang lahat ng tao niya roon kapag linggo.“I-ikaw, sa tingin mo, kung alin ang pinakamaganda riyan sa lahat para sa ‘yo, eh, di, ‘yon na lang ang kunin natin,” naisagot na lang niya.Simula kasi nung mapag-usapan nila ng dalaga ang planong pagpunta sa bahay nina Jared para personal itong pasalamatan sa ginawang pagliligtas ng binata rito, ay palagi na siyang balisa at hindi mapalagay.Paano kung magtagpo roon sina Xyza at Jaela? Paano kung magpang-abot ang mga ito lalo na at si Jaela ay isa ring maldita, lalo naman si Xyza na walang inuurungan.At ang mas lalong ikinakatakot pa niya, paano kung ibuking siya ni Jaela kay Xyza na may nangyari sa kanila noong gabing hi

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 75

    “LOVE, m-may gusto sana akong aminin sa ‘yo ngayon tungkol kay J-Jared,” tila nag-aalangang sambit ni Xyza sa kanya.Naroroon sila sa likod-bahay, magkatabing nakaupo sa duyan sa gitna ng kakahuyan. Doon kasi ay malaya silang nakakapaglambingan ng dalaga ng hindi natatakot na baka may makakita sa kanila na isa sa mga katulong.Medyo may distansiya rin kasi iyon sa mismong bahay nila. At isa pa, takot na pumunta o magawi roon ang mga katulong lalo na si Manang Feli, na masyadong mapapaniwalain sa mga makalumang katatakutan.Tulad ng bawal daw doon pumunta dahil baka ma-engkanto sila o saniban ng masasamang espirito na kung saan, ay tinatawan niya lang. Hindi naman kasi siya naniniwala sa mga ganoong kuwento.Mas pabor nga iyon sa kanya dahil masosolo niya roon ang dalaga, at malaya silang makakapaglambingan habang nagkukwentuhan ng kung anu-ano.“Sige lang, baby. Sabihin mo lang, makikinig ako,” sambit niya rito. “Basta huwag mo lang sasabihin na naging ex mo siya, ha? Kundi makikipag-

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 74

    “ANO BA ang pumasok diyan sa kokote mo at binalak mong gahasa*n si Xyza, ha?! Kuya Paolo?!” mariing tanong ni Jaela kay Paolo habang magkaharap sila nito sa visiting area ng presinto.Pansamantalang nakakulong ito dahil hindi pa tapos ang paglilitis sa kaso nito.Nabalitaan niya lang ang nangyari sa lalaki dahil sa kapatid nito na best friend niya.“Eh, hindi ko naman sinasadya na magawa ‘yon! Kasalanan ko ba kung iyon ang naisip kong paraan para makuha ko agad siya?!” mariin din na sagot nito sa kanya.Bigla niyang nihampas ang dalawang mga kamay sa ibabaw ng lamesa dahil sa sinabing iyon ni Paolo. Dumukwang pa siya rito habang nandidilat ang mga mata.“Ang tanga-tanga mo talaga, kuya Paolo! Hindi ka ba nag-iisip, ha?! Kaya ka naririto ngayon ay dahil diyan sa sarili mong katangahan! Kung hindi mo sana pinairal ang lib*g mo riyan sa pesteng katawan mo, eh sana ay nasa labas ka kasama ko at nag-iisip ng ligtas na plano!”Mabuti na lang at medyo may distansiya ang kinaroroonan ng pulis

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 73

    MUNTIK ng mapasigaw si Xyza nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng binata mula sa kanyang likuran, mabuti na lang at agad nitong natakpan ng kamay ang kanyang bibig.Kagagaling lang kasi niya mula sa banyo, katatapos niya lang din mag-shower dahil sobrang mainit ang kanyang pakiramdam kahit na malalim na ang gabi. Kaya nakatapis lang siya ng tuwalya sa kanyang katawan.“Love! Ginulat mo naman ako! Sa susunod, huwag mo nang gagawin ‘yan dahil baka mahuli tayo nina Manang kapag narinig nilang sumisigaw ako rito sa loob!” mahinang sambit niya rito.“I’m sorry, baby. Ewan ko ba at naisip kong pagtripan kang gulatin,” sambit nito sabay isiniksik ang ulo sa kanyang leeg at inamoy-amoy iyon.Nakaramdam siya ng kakaibang kiliti at init ng katawan dahil sa ginawa nito.“I want you now, baby…” bulong nito sa kanya sabay kagat ng pino sa likod ng kanyang tainga.Napakagat-labi siya dahil sa kakaibang sensasyong hatid niyon sa kanyang katawan.Hindi na siya nagprotesta pa nang buhatin siya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status