Natapos ang araw na ‘yon na tahimik ako at gano’n din siya. Pero ramdam ko ang pananatiya niya lalo na kapag nasa meeting kami o kaya’y nasa elevator.Madalas ang pagsulyap niya sa akin. Minsan ay naaabutan kong kunot-noong nakatulala habang umiigting ang panga.“Hindi ka pa ba uuwi, Kaia?” Napaangat ang tingin ko sa nagtanong sa akin. Si Julius iyon, isa sa empleyadong narito lang din sa floor na ito. Pero nagtaka ako dahil bakit pumunta pa siya rito para lang itanong ‘yan. At… hindi rin naman kami close?“Ah… pauwi na. Hinihintay ko lang lumabas si sir kasi may binibilin siya sa akin… minsan.” Kahit ang totoo’y wala naman talagang gano’ng nagaganap.Napakamot siya sa kaniyang batok at nahihiyang ngumiti sa akin.“May kasabay ka bang umuwi?” tanong pa niya na hindi ko agad nasagot dahil nagtataka na ako kung bakit siya nagtatanong.Alam ko ang ganitong estilo, pero hindi ako nagpahalatang ayaw ko dahil… ayaw kong maging masama a
Nakatitig ako sa glass wall ng restaurant at agad nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko nang mapansin ang ngiti ni Damon sa babae. Hindi ko kilala ang babae. Dahil paniguradong hindi iyon ang babaeng pumunta sa opisina noong nakaraan. Hinawakan ng babae ang kamay ni Damon na nasa lamesa at ngumiti rito ng nakakaakit.Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Baka… may personal meeting siya na hindi ko alam dahil kadalasan naman ng meeting niya na para sa kumpanya ay alam ko dahil ako ang sekretarya niya. Baka ito ay para lang talaga sa personal na bagay? Pero gaano kapersonal? Kaya ba siya nagmamadaling umalis kanina?Huminga ako nang malalim bago umalis doon. Naghanap na lang ako ng malapit na grocery store. Mukhang malayo ang palengke rito. Okay naman din siguro kahit sa grocery store at hindi muna sa palengke.Inabala ko ang sarili ko sa pamimili ng mga rekado sa lulutuin ko. May budget naman ako kaya hindi na rin ako namahalan nang sobra sa mga pinamili ko. Pagkatapos bumi
Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpunta sa aking mga gamit. Kaunti lang iyon pero alam kong mabigat.“Ako na ang magbubuhat,” aniya nang ituro ang dalawang malaking maletang naroon.Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Ako naman ay binuhat ang ibang hindi naman sobrang bigat para mabilis na rin kaming makaalis. Naabutan kami ng landlord sa hallway at sinabing magtatawag ng taong tutulong dahil nakita niya ang buhat ni Mr. Silvano.“Ito si Macoy tutulong, pamangkin ko. Para hindi kayo mahirapan gaano sa pagbaba.” Aniya at pumasok nga si Macoy sa bahay. Mukhang bata pa ito, siguro ay mas bata sa akin o ka-edad ko.Kunot ang noo ni Mr. Silvano nang makitang nakatingin ako sa lalaki. Tinawag niya ako kaya naman nagpatuloy na ako. Dinala ko ang mga gamit ko at sumunod sa kaniya. Nagpasalamat ako sa landlord at kay Macoy sa pagtulong. Nagbigay naman ng pera si Mr. Silvano.“Pang-meryenda n’yo po,” aniya sabay abot ng isang libo sa landlord.“Naku! Ang laki naman n
“Is that how you greet your fiancee?” mataray na tanong ng babae.Hindi ko na naitago ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Simula nang makaapak ako rito sa kumpanya ni Mr. Silvano ay hindi ko pa nakita ang fiancee nito. Ni hindi ko alam ang mukha dahil wala siyang picture sa opisina ni Mr. Silvano. Kaya nakakagulat na bigla na lamang itong susulpot dito nang walang pasabi.Mukha pa siyang arogante.“You came here unannounced, what do you want me to do? Be fucking surprised that you’re here?” masungit na saad ni Mr. Silvano dahilan ng bahagyang pagkapahiya ng babae. Tumingin siya sa akin kaya napatingin din sa akin si Mr. Silvano.“I was calling you! I was texting you but you never replied to me! Why are you doing this to me, Damon? Can’t you accept the fact that we’re already engaged and you’re about to marry me soon?” she bantered that made the guy mad even more.Tumunog ang elevator at bumukas. Malalaki ang hakbang na lumabas si Mr. Silvano. Ang mga nasa lobby ng palapag ay
“I have an offer for you,” napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yon. Seryoso siyang nakatingin lamang sa unahan, sa basement na halos wala pang tao dahil maaga pa naman at hindi pa uwian ng mga empleyado.Agad akong kinabahan. Anong offer ang sinasabi niya? Nahahalata na ba niya ang ginagawa kong pagpapakainosente o naghihinala na ba siya?“A-Ano po iyon?” Tumingin siya sa akin, siguro ay napansin niya ang pagkautal ko sa pagtatanong.“I’ve already done this to my previous secretaries,” aniya na mas ikinakaba ko. Bakit ba kasi hindi niya ako diretsuhin agad? “I can give you a condominium. It’s free…” mukhang nag-alangan pa siyang sundan agad iyon. “But the water and electricity bill isn’t. If you will last for 2 years as my secretary the condominium will be yours. But if not, then you’ll leave the condo the moment you leave the company.”Medyo nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang marinig iyon. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Akala ko ay kokomprontahin niya ako sa kung
Hindi ko alam kung paano ko matitiis ang hindi tumingin sa gawi ng boss ko. He was just there, driving and in all serious mode, minding his own business. Tapos ako ito at hindi mapakali kung paano ako uupo nang maayos sa passenger seat habang nagmamaneho siya. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.At ano ‘yong sinabi niya kanina? Baka may maghatid pa sa akin na iba? Sino naman? Wala naman din akong close sa kumpanya dahil halos palagi lang akong nasa lamesa ko at inaatupag ang trabaho ko. Kaya wala pa akong nagiging close sa opisina, mapababae o lalaki man.“Can you tell me your address?” napatingin ako rito nang magsalita siya.Hindi pa ako nakapagsalita agad dahil napatitig ako sa side profile niya. Napakaperpekto talaga ng hugis ng mukha niya. Hindi mo aakalaing natural ang mukha niya dahil walang bahid ng kung anumang kapangitan ito. From his perfect jawline, his pointed and proud nose, to his brown eyes and long lashes, to his thick eyebrows… it’s all perfect for me. Kaya siguro