Home / Romance / A Touch on my Heart / Kabanata 3: Thank You

Share

Kabanata 3: Thank You

Author: Queenms
last update Last Updated: 2023-04-24 17:44:46

Sunod-sunod ang naging bati sa kanya ng mga bisita pagpasok namin sa kanyang tahanan. His house is as big as the mansions I'm seeing in the movies. Tumingin ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pakikipag-usap sa kanyang mga bisita. Kanina pa ako nakatayo sa gilid niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakapapansin sa akin.

Jake took a glance at me and held my hand. "Tita Helen, this is Ash my date for tonight," Pagpapakilala sa akin ng lalaki. Umismid ang isang babaeng batid kong kanyang tinawag kanina. "She's currently taking Business Management in TSU." Pagmamalaki niya pa ngunit tila walang talab ito sa mga kaharap namin.

He excused himself for a while when someone talks to him. Binigyan ko ang kaharap namin ng aking pinakamagandang ngiti at saka inilahad ang aking kamay.

"Hi po, uhmm I'm Ash po and I am currently taking up Busin-" Saad ko na agad pinutol ng 'di ko kilalang matandang babae.

"Paulit-ulit ka? Jake already introduced you. We don't need to hear your voice dear." Nakingiting saad sa akin ngunit halatang peke at sarkasmo ito. Napapahiyang ibinaba ko ang aking kamay at iniyuko ang aking ulo. Narinig ko pang nagsitawan ang mga kasama niya bago umalis.

Akala mo naman gusto kong pumunta rito. Eh kung hindi ko lang kailangan ng pera ay baka wala ako ngayon dito sa harap ng party na'to. I tried to look for Jake when I saw that the person he's talking a while ago is already talking to someone else, but I cannot find him.

Paano ko mahahanap yun dito? Ang daming tao. Kahit ata ubusin ko ang buong oras ko sa paghahanap sa kanya ay hindi ko pa rin yun mahahanap. We didn't talk the things I need to do. My job is to keep him entertained but how will I do that if he's nowhere to be found?

Patuloy ako sa paghahanap sa kanya nang biglang may nabangga akong isang server ng mga drinks, dahilan para matapunan ang damit ko sa aking bandang dibdib.

"Ma'am, I'm s-sorry po hindi ko po s-sinasadya uhhmm..." Kabadong saad ng lalaki.

"Kuya, hindi na po ako na po rito ayos lang po." Saad ko nang tangkain niyang punasan ang aking dibdib. Nakita ko pa ang pagdadalawang isip sa mukha niya pero nagmamadali ko na lamang itong nilagpasan nang mapansin kong nakaka-agaw na kami ng atensyon ng iba.

Sa wakas nakahinga rin. Tiningnan ko ang aking paang

kanina pa sumasakit. Umupo ako sa isa mga swing at tinanggal ang high heel na suot ko. Ano ba 'yan, saan ba kasi nagpupupunta yung lalaking yun? Kanina pa ako hanap nang hanap sa kanya pero wala pa rin.

Hindi ko naman siya matawagan dahil naiwan ko pala ang telepono ko sa sasakyan niya. Rinig na rinig pa rin dito sa labas ang mga musikang tumutugtug sa loob.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kalangitan.

The sky is now being surrounded by millions of stars. While observing the sky, I thought of the things I am wiling to do for my dreams, and for my family. Sila ang liwanag ng buhay ko. Kung ang langit ay may mga tala, meron naman akong aking pamilya.

Lumipas ang mahigit kalahating oras na naka-upo ako doon ngunit hindi nagbago ang kasiyahang nagaganap sa loob. At hanggang ngayon wala pa ring Jake ang nagpapakita sa akin.

Sa bagay, hindi niya naman alam kung nasaan ako ngayon.

Isinuot kong muli ang sandal ko bago bumalik sa loob.

Pagbalik ko sa loob ay agaran kong nakita ang lalaking kanina ko pa hinahanap. May hawak siyang alak sa kanyang kanang kamay habang nakikipag-usap sa dalawang lalaki at isang babae.

Buti naman at hindi ko na kailangang libutin ulit ang buong bahay na'to para lang makita ang lalaking ito. Isang tingin pa lang sa mga lalaking kausap niya ay malalaman mo nang sila ay bigatin din. Samatala, ang babae naman ay kumikinang sa kanyang kulay asul na dress. There's no word that can be used to describe her beauty.

"Jake I think you have to study his proposal thoroughly before accepting it. The company might lose millions if you accept it without having a thorough study." rinig kong saad ng babae.

"You don't need to remind me that, Allis. I've studied it and his proposal is good."

"It might ruin your plans, Jake. You know that they are greedy right? They would do everything for power. And now that your family is the second most powerful among all, they could take advantage your weakness!"

Unti-unti pa akong lumapit sa kanila dahilan para mas marinig ko pa ang kanilang pinag-uusapan. I know that this is a private matter but I really need to talk to Jake.

"I don't have any weakness, Allis. Allison is a nice girl."

"Don't tell me you like that-"

"Uhhmmm excuse me," putol ko sa sasabihin ng babae at binigyan na lamang ng tingin na humihingi ng tawad. Nilipat ko ang paningin ko kay Jake na ngayon ay naka-kunot ang noong nakatingin sa akin. "Kanina pa kasi kita hinahanap eh, nilibot ko na ang buong party pero hindi kita mahanap. Dito lang pala kita makikita." tumingin ako sa mga kausap niya at binigyan ko sila ng malaking ngiti.

I saw how the two men returned my smile. They were about to ask something when Jake held my arm and made me looked at him. Narinig ko pang sumipol at bumulong nang kung ano ang dalawa na hindi ko naman naintindihan.

"Where have you been? Kanina pa ako hanap nang hanap sa'yo." He then excused us to the persons whom he's talking to.

Tingnan mo nga naman ito, hindi manlang humingi nang tawad dahil sa pang-iwan sa akin kanina! At siya pa talaga ang may lakas ng loob na magtanong kung saan ako nagpunta? Eh siya naman ang unang nawala! Kung hindi niya sana ako iniwan sa mga babaeng yun kanina edi sana hindi ako nawala.

Dinala niya ako sa labas na pinagpahingaan ko kanina. "I already told you that the party will be full of people. Saan ka ba kasi nagpunta?" Naka-kunot noong saad niya sa akin.

"Aba eh kung hindi mo ako iniwan sa mga babaeng kausap mo kanina edi sana hindi ako nawala. At saka hinanap din kita ano pero dahil hindi kita makita, lumabas na lang ako rito para makapagpahinga." I told him without breaking my eye contact with him.

Huminga siya nang malalim at saka ako hinawakan sa balikat. "Look. It's not my fault if you got lost. Let me remind you what your job is. To keep me entertained and satisfied all the damn time. Pero sa unang araw pa lang, hindi mo na nagawa. Always stay behind me. Hindi yung kung saan-saan ka nagpupu-punta." tuloy-tuloy niyang saad.

Alam ko naman kung anong trabaho ko at kung bakit ako nandito. Pero sana naman alam niya ring hindi ko magagawa yun kung hindi ko siya kasama. Paano ko siya mapapasaya kung bigla na lang siyang nawawala sa isang iglap lang?

"I know what my job is, Sir." I emphasized the word "Sir". "Hindi ko po 'yun nakalilimutan. Pero sana naman po alam niyo ring hindi ko magagawa ang trabaho ko kung wala kayo sa tabi ko."

"Exactly! And did I already tell you to stop calling me sir? Call me by name." Ani niya bago niya ako niyayang pumasok ulit.

Huh! Tingnan mo nga naman. Sa lahat ng sinabi ko nangibabaw pa rin sa kanya ang itinawag ko sa kanya.

Kaya pala siya nawala ay dahil tinawag siya sa stage upang magbigay ng mensahe. Well, hindi ko naman alam yun dahil nangibabaw sa utak ko ang mga sinabi ng mga babaeng masusungit kanina.

Sumunod ako sa kanya papasok at sa bawat taong nakakasalubong namin ay kanyang binabati at ipinakikilala ako. Nakaharap kami ngayon sa dalawang mag-asawa kasama ang kanilang anak na babae.

The girl has a blonde long hair, fair skin, chinky eyes, and pink full lips. The girl's smile towards Jake is something.

Hmmm, I know that look already. She likes him. Well, who wouldn't right? With the good face, wealth and succesful life, and hot body...na sa kanya na nga talaga ang lahat.

"Jake, this is my daughter Carren. She's in her last year in College." Pagpapakilala sa kanya nang kausap.

Jake offered his hand to Carren in which Carren immediately accepted it. "I'm Jake, nice to meet you." He then smiled.

Bumaba ang tingin ko sa kamay nilang hanggang ngayon y magkahawak pa rin. Pwede naman nang bitawan 'di ba? She's enjoying it, isn't she?

"It's nice to meet you too, Jake. I've heard a lot about you and seeing you right now, I think everything is right." Anas niya pa at panandaliang hinaplos ng kanyang daliri ang likod ng kamay ni Jake.

"I wish that those are purely compliments and good eh?" Sabay baba ng tingin sa kamay nilang hanggang ngayon ay magkahawak kamay pa rin.

The girl laughed and was about to answer when I enterrupted their conversation. Tumikhim ako na naging dahilan upang mapunta sa akin ang kanilang atensiyon.

Ngumiti ako kay Carren at ako na mismo ang nagtanggal sa kamay nilang hanggang ngayon ay magkasaklop pa rin.

"I am Ash, the date of Jake. It's nice to meet you!" Habang siya'y aking kinakamayan.

She frowned at me but I just smirked at her. Akala mo ah.

Naputol lamang ang pagtitinginan namin nang may humawak sa baywang ko. Tiningnan ko ito at nakitang nakatingin na rin pala sa akin si Jake habang kagat-kagat ang kanyang labi na parang natutuwa sa nasasaksihan niya.

Nagpaalam na siya sa mga kausap at pagkatapos ay umalis na roon. Pansin ang pagtutol sa mukha ni Carren ngunit binalewala ko na lamang iyon.

Bahala siya kung tumutol siya. Alam ko namang wala na siyang magagawa. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Hindi naman ako ganito noon?

Nakakainis!

"Hmmm hindi na ako magugulat kung bigla na lang bumagsak sa sahig si Carren ngayon." Jake smirked at me.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya? Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakatingin sa kanya nang masama.

Huminga ako nang malalim at nag-angat ng tingin sa kanya. "Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko.

His eyes become gentle. He tucked some strands of my hair in my ear. "Are you already tired? We can go now-" ani Jake na agad kong pinutol.

"Hindi na, kaya ko namang umuw nang mag-isa at saka 'di ba ikaw ang may party dito? Kaya dapat nandito ka lang. Ako na lang uuwi mag-isa." mahabang anas ko na parang hindi niya pinakinggan dahil hindi niya man lang ako pinansin.

He dialed something on his phone then held my hand. Pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng kanyang bahay kaya nagpatianod na lamang ako sa kanyang hila.

I cannot really say that I enjoyed this night...because If I did I should be happy right now but I am not. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at saka umikot upang makapasok sa driver's seat. Pumasok na rin ako sa loob ng kanyang sasakyan bago isarado ang pintuan.

I took one last look at his house and the party that is still happening right now. I really can't understand him. Sinabi ko na nga na kaya ko namang umuwi nang mag-isa at hindi na niya ako kailangan pang ihatid pero hindi naman nakinig.

I took a deep breath as I take my eyes off to his house.

"You're silent." Tumingin ako sa kanya na nakatuon ang buong paningin sa harap.

"Ganito naman talaga ako. I'm not really fond at talking with other people."

"Yeah? Then are you just faking your smiles before?" Napatikhim ako dahil sa tanong niya.

This is the reason why I'm irratated at myself earlier...kasi hindi naman talaga ako ganoon but because...just because of their hands tied...umakto na ako nang ganun?

Tumingin ako sa labas ng bintana bago huminga nang malalim.

"Hindi naman ibig sabihin na hindi ko hilig ang makipag-usap ay hindi ko na rin hilig ang ngumiti." Simple kong sagot sa kanya.

Wala na akong narinig pang kung ano sa kanya hanggang sa makarating kami sa tinitirhan ko. Hindi ko na hinintay pang siya ang magbukas ng pintuan ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumit nang maliit. "Sige na papasok na ako. Mag-iingat ka...Jake." bago ako tumalikod sa kanya.

Hawak ko na ang pintuan ng aming gate nang hawakan niya ang aking braso. "Ash,"

I looked at him then saw a slight confusion on his face.

"I just want to say sorry about what happened in my car. I didn't mean to offend you."

Hindi ko maiwasang magulat sa paghingi niya nang tawad. I mean it's no big deal. I know that the kiss is a part of my job.

"It's okay. I wasn't offended." Sinsero kong saad sa kanya.

Kinamot niya ang kanyang buhok at bahagyang umatras tila binibigyan ako ng espasyo. "I'll wait 'til I see you inside your house." saad niya.

"Thank you for tonight, Jake...really." isang ngiti pa ang iginawad ko sa kanya bago pumasok sa loob.

Sinilip ko siya sa bintana at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin siya doon sa pwesto niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya umalis.

Tonight is the start of my job. As his whore and his escort, whatever you call it. Tinungo ko ang banyo ng aking tinitirhan upang makapag-linis at makatulog na rin. I just did my routine before I walk onto my bed.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
buj gqab
nice nmn ng story...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Touch on my Heart   Special Chapter: A Touch to Forever

    Jake's POVWala na akong ibang hihilingin pa sa buhay ko. I am with my lovely wife. My dream. My daughter. The twins needed to go back to Spain because I already passed the throne to them. They aren't my real sons yes but they deserve it. At alam kong mapro-protektahan nila ito nang maayos. And its legacy will always be its legacy. Its principle will be always there to guide them. And we're just here to give them advice. "Daddy, does it look good?" Napalingon ako kay Snow nang itanong niya iyon. Hindi ko maiwasang mangiti nang makitang suot niya ang regalo ko sa kanyang unicorn-themed na costume dress. Lumapit ako sa kanya at lumuhod para maglevel ang mga mata namin."Yes, honey. You look beautiful," I chuckled. "Where's your mommy?"Ngumiti siya sa akin. "Nagbibihis pa, dad." Tumingin ako sa taas ng hagdan bago nagpasyang puntahan na siya roon. "Stay with Manang for a while hmmm? I'll just look for your mommy."She happily nodded her head at me then went to the kitchen, where Manan

  • A Touch on my Heart   Special Chapter: After Break-up

    Ash's POV"Oh anyare sa'yo?" Hindi ko pinansin si Gizelle at Jessica. Dumeretso ako sa upuan ko at saka roon nagmukmok. It's been a week since Jake and I broke up. Hindi naging madali sa akin noong una pero sa mga sumunod na araw, I finally learned to accept it. Isa pa, hindi naman kami nag-break ng may sama ng loob sa isa't-isa. But of course, it was still painful for me. Ito ang unang beses kong makipag-relasyon. This is also the first time I fell in love. Of course, may mga nagugustuhan na rin akong iba noon pa pero iba itong nararamdaman ko kay Jake. It's beyond crush. And I know for sure that it's love. Naramdaman ko ang pag-upo ng dalawa sa katabing upuan ko. Magkakatabi lang kami ng mga chairs kaya naman ramdam ko talaga nang naupo sila."Psst," sabay kalabit sa balikat ko. "Ano ba, inaantok ako," palusot ko. I heard them laugh and that made me look at them. Tiningnan ko sila nang masama pero tumawa lang sila. Gizelle then bumped my shoulder. "Ano bang meron? Hindi ka nama

  • A Touch on my Heart   Epilogue (Part 2): A Touch on my Heart

    Jake's POVI don't know much about love. I was a newbie. I didn't know how to handle a relationship. I was always conscious if I was doing the right way or not. And sometimes, I don't find myself being head over heels to someone, and yet I do. I know that I am ruthless and dangerous. I don't have a heart to any other people. If I would kill, I wouldn't hesitate to do it. But I know my limit. I don't just kill someone because I want to and I also need to consider the rules of Voltzki House as well as the Organizaçion. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko nang mandilim ang paningin ko kay Allison nang oras na nasa rooftop kami. I couldn't hold on! I couldn't stop my self! My anger had taken over me and at that moment, I felt like no one could ever stop me from hurting that girl! She's my friend, yes but I couldn't take her saying bad things to Ash! More on in front of my family! And much more in front of me!"Don't...you...ever...try..." I darkly told her. I held her jaw and nec

  • A Touch on my Heart   Epilogue (Part 1): True Love

    Jake's POVMany would think that I am fortunate because we are wealthy. But looking back at my childhood, I was so unfortunate. Unlucky. "Don't be weak, Jake! Shoot it! Kill it!" My mother shouted from behind.I am holding the gun while pointing it to my target—the wild pig. My hand is trembling as I try to keep my posture because I am scared that my mother would punish me if I fail this task. I adequately measured the distance and the speed of the wild pig before letting the bullet out of this gun. And I hit it. I heard my mother's clap. But I couldn't look at her and join her in her happiness...because I just killed an animal.I am a killer. I killed an animal. I killed a wild pig. I am a killer. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isipan ko. My mother is saying something to my elder brother, Blaze, about something. Pero wala sa kanila ang focus ko. Nakatutok lang ang mga mata ko sa baboy ramo na pinatay ko. I saw the blood rushing through the wild pig's body. I saw it trembled when

  • A Touch on my Heart   Chapter 50

    You have touched my HeartThe days are fast slipping away. Parang kahapon lang ay nag-aaral pa ako, working as an escort, pleasuring Jake in any possible way that I could because it's my work to do so...and I was paid for it, being a good daughter to our family, being a volunteer to the organization...that I once was thought helping other people...but turned out as just their facade to hide their illegal doings.I was hurt, Jake didn't wait for me and I thought he cheated and fell in love with Allision...that was why they married each other in spite of me begging. My parents faced a traumatic death experience, I thought Jake did it and blamed for it, I got away from everything and left the Philippines for good. Lived in Spain and gave birth to my hope, my peace, and my happiness, my Snow. I then met Jerkson again...my former classmate. He helped me in everything and he fell in love. He asked me marriage and I accepted it. Snow was kidnapped which resulted for Jake to know about her exi

  • A Touch on my Heart   Chapter 49

    My WorldKinabukasan ay totoo nga ang sinabi ni Jake dahil 9:00 pa lang nang umaga ay andami nang nakapila sa labas! Hindi niya man lang sinabi sa aking maaga pala ang oras na binigay niya sa kanila!Kaya naman nang pagbuksan ko sila ng pinto ay hiyang-hiya ako dahil pakiramdam ko ay kanina pa silang naghihintay sa labas. Buti na lamang at nakaligo na ako bago pa sila dumating. The twins and Snow are still sleeping while Jake is at the kitchen, he's cooking our breakfast. Pinadagdagan ko ang pagkain para naman may mai-offer kaming breakfast sa mga organizers. I also ordered him to prepare a snack for them in which he obliged. "Uhmm, I'm s-sorry for the inconvenience," nahihiya kong paghingi ng tawad sa kanila. Pinaupo ko muna sila sa mga couch na nasa sala namin habang ang iba ay walang maupuan dahil kulang na ang upuan! I thought iba-iba ang oras ng mga organizers na inimbita niya dahil sabi niya ay may schedule pero hindi niya naman sinabi na ang schedule pala na binigay niya ay y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status